Humikab si James. Nanuot sa kanyang mga buto ang kanyang pagod. Kailangan na niyang magpahinga. Pagkatapos punan ang pagtataka ng mga walang patawad na mga reporter, umikot skiya at sumakay sa convoy. Muli niyang kinausap ang driver, “Sige, umalis na tayo. Pumasok ka na sa Black Dragon Palace.” “Masusunod." Pinaandar ng driver ang makina. Sa ilalim ng mapagmatyag na tingin ng mga tao, dahan-dahan itong pumasok sa loob ng Black Dragon Palace. Kumalat ang balita ng interview ni James. Na-translate ito sa iba’t ibang lingwahe sa buong mundo. Sa bahay ng mga Callahan sa Cansington… Kakagising lang ni Thea. ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos. Patuloy niyang sinundan ang mga kaganapan sa sitwasyon sa labanan sa bawat sandaling magagawa niya. Nagdasal siya na sana ay maiwasan ang pagdanak ng dugo. Makalipas ang ilang araw ng walang pagbabago sa lugar ng digmaan, nakahinga siya ng maluwag. “Thea, dali! Halika dito! May malaking nangyari!” Narinig niya s
Galit na galit ang Emperor. Lumuhod sa sahig ang ilang mga babae at nanginig sa takot. Pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob niya, pinakalma ng Emperor ang kanyang sarili. Umupo siya sa sofa at nagsindi siya ng sigarilyo. Binuo niya ang planong ito upang patayin si James. Ngayon, bukod sa hindi pa siya patay, nagawa pa niyang pahangain at protektahan ang buong Sol. Sa taglay niyang kasikatan at karangalan, mas magiging mahirap na siyang patayin ngayon. Kailangang mamatay si James. Habang naninigarilyo siya, nag-isip siya ng mga paraan upang tapusin si James. "Mukhang kailangan kong humingi ng tulong sa matandang 'yun." Pagkalipas ng mahabang oras, nagsalita ang Emperor. Nagmadali siyang tumayo. "Ihanda niyo ang kotse." Umalis sa Capital ang Emperor at nagtungo siya sa bundok sa suburbs. Tinatawag na Five Monasteries Mountain ang bundok na ito, na hango sa monasteryo na matatagpuan sa tuktok nito. Nagtungo ang Emperor sa tuktok ng bundok. Sa lo
Sa Black Dragon Palace sa Southern Plains… Kulang na kulang na sa tulog si James. Noong sandaling nakarating siya sa Black Dragon Palace, agad siyang naglakad papunta sa kanyang kama at nakatulog siya. Buong araw siyang natulog. Growl~ Tumunog ang kanyang sikmura. Bumangon si James at hinimas niya ang kanyang tiyan. Tumingin siya sa labas. Madilim na ang langit. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan niya ang oras. Alas otso na ng gabi. Napansin niya na may ilang mga missed call at messages sa phone niya. Ang lahat ng ito ay mula kay Quincy. Sumimangot siya at bumulong, "Anong binabalak ng babaeng 'to?" Hindi niya pinansin ang mga message. Nagbihis lang siya at umalis. Maraming ordinaryong mamamayan at mga mamamahayag ang nagtipon sa labas ng Black Dragon Palace. Ang ilan ay may hawak na mga bulaklak, habang ang iba naman ay may mga hawak na banner. Maraming mga armadong sundalo ang nakabantay sa entrance ng Black Dragon Palace.
Di nagtagal, nakatapos nang kumain si James. Pinunasan niya ang kanyang mga labi. "Sige na, pwede ka nang umalis. Papuntahin mo dito ang mga assassin." "Sige." Agad na niligpit ni Levi ang mga pinggan. Pagkatapos nun, umalis na siya. Di nagtagal, dumating si May at ang iba pa. Habang tinitingnan niya ang mga assassin sa harap niya, sinabi ni James na, "Tigilan na natin ang mga pormalidad. Maupo kayo." Noong narinig nila ito, nagsiupo sila. Noong hinarap nila si James noong nasa Cansington sila, hindi sila gaanong natatakot sa kanya. Ngayon, habang kaharap nila siya bilang ang Black Dragon suot ang kanyang Black Dragon robe, hindi maipaliwanag ang bigat na nararamdaman nila. Nakakasakal ito. Tumingin sa kanila si James. "Malaki ang naging kontribusyon niyo sa pagpatay sa mga heneral ng kalaban. Sumulat na ako ng application sa mga nakakataas na bigyan kayo ng posisyon. Kapag pumayag sila, magiging mga deputy commander kayo ng Black Dragon Army—ang pinakamagaling sa
Pagkatapos niya silang kausapin, pinaalis na sila ni James. Muling natahimik ang Black Dragon Palace. Nagpunta si James sa rooftop sa ikatlong palapag. Nakasandal siya sa isang upuan, nanigarilyo siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa kalangitan. Naisip niya ang mga tao sa Cansington. Kahit na nasa Southern Plains siya, nasa Cansington ang puso niya. Napaisip siya kung magkakaroon pa ba siya ng pagkakataon na bumalik sa Cansington. Noong mga oras na iyon, gusto niyang uminom. Subalit, wala si Henry. Bumaba siya ng hagdan at nagpunta siya sa imbakan ng alak. Kumuha siya ng ilang bote ng wine na binigay sa kanya ng mga mangangalakal dati at bumalik siya sa rooftop. Mag-isa siyang uminom sa katahimikan ng gabi. Noong sandaling iyon, may naalala siyang isang tao. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya si Quincy. Buong araw na nasa labas ng Black Dragon Palace si Quincy. Sa kabila nito, hindi siya binigyang pansin ni James. Dahil di
Naglakad si Quincy palapit kay James. Nakasuot siya ng pulang slip dress na hindi natatakpan ang kanyang mga balikat. Tinatangay ng hangin ang kanyang mapula at kulot na buhok. Maganda at kaakit-akit ang kanyang mukha, at bumagay sa kagandahan niya ang lipstick na gamit niya.Nginitian niya si James na nakaupo sa isang bangko na may nakakalat na mga bote ng alak sa sahig. “Mukhang ang sarap ng buhay mo ah.” Tumayo si James at pinaupo niya si Quincy sa tabi niya, “Maupo ka. Hindi mo na kailangang maging pormal.” Umupo si Quincy sa harap ni James. Bahagya niyang inayos ang kanyang dress at tinakpan niya ang kanyang mga binti upang hindi niya aksidenteng maipakita kay James ang pang-ilalim niya. Hindi napansin ni James ang maliliit niyang kilos. Dumampot siya ng bote ng alak at hinagis niya ito papunta kay Quincy. Pagkatapos, nginitian niya siya, “Nababagot na akong uminom ng mag-isa. Kailangan ko ng kausap.” Napansin ni Quincy na napakataas ng alcohol content ng bote na inabot
Nalasing si Quincy at nawalan siya ng malay. Hindi niya alam kung gaano katagal siya nakatulog. Unti-unti siyang nagising at hinawakan niya ang kanyang ulo..Paglipas ng ilang sandali, tumayo siya at napagtanto niya na nasa isang hotel siya. Ang kanyang bag at laptop ay nasa isang mesa sa tabi ng kama. Nilabas niya ang kanyang phone mula sa bag at tiningnan niya ang oras. Alas kwatro na ng umaga. “Paano ako nalasing ng husto?” Malabo ang isip niya. Natatandaan niya na inimbitahan siya ni James na uminom. Natatandaan niya na sinabi niya sa kanya ang lahat ng nasa isip niya. Pagkatapos nun, wala na siyang matandaan. Tumingin si Quincy sa kanyang phone at napansin niya ang lokasyon na naka-display sa screen. “Cansington? Nasa Cansington ako!?”Nagulat siya. Paglipas ng ilang segundo, napagtanto niya ang lahat. Napuno ng luha ang kanyang mga mata. “James, nakakainis ka…” Hinagis niya ng malakas ang kanyang phone papunta sa sahig. Agad itong nagkapira-piraso. B
Bumaba si Henry mula sa helicopter suot ang kanyang military uniform. Nasa likod niya ang mga kinatawan ng Sol. “Sir, tagumpay ang mga negosasyon.”Lumapit si Henry kay James ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. Niyakap nila ang isa’t isa at humalakhak sila ng malakas. “Magaling ang ginawa mo. Simula ngayon, magiging payapa na ang mga border ng Southern Plains, at isa ka na ngayong national hero. Itatala sa kasaysayan ang pangalan mo at matatandaan ka ng mga susunod na henerasyon ng mga Solean.” Nahihiyang ngumiti si Henry. “Ang lahat ng ito ay dahil sa’yo, sir. Utusan lang ako.” “Reporting~” Noong sandaling iyon, tumakbo si Levi papunta sa kanila at sumaludo kay James.Kinausap siya ni James. “Anong problema?”Masayang nagsalita si Levi, “Narinig ko mula sa Capital na papunta dito sa Southern Plains ang Supreme Commander at Hari ng Sol upang igawad sa’yo ang isang titulo.” Kinamot ni James ang kanyang ilong. “Kabilang na ako sa limang commanders-in-chief. Ano pa ba