Share

Kabanata 686

Binahagi na ni James ang lahat ng impormasyon tungkol sa military region sa kanila bago pumunta dito.

Dahil dito kaya nalaman ni May ang pasikot-sikot sa loob ng lugar. Kaagad niyang inutos, “Putulin niyon ang lahat ng koneksyon ng conference room sa labas at paganahin ang defense system.”

Habang may baril na nakatutok sa likod ng kanyang ulo, ang taong nakatoka ay sinunod ang kanyang utos.

Nakatayo si James sa may pinto ng conference room.

Makalipas ang ilang sandali, nilapitan niya si Floyd at nagtanong, “Dahil sa ayos naman na ang lahat, kailangan ko pa bang bantayan ang labas o mananatili na lang dito?”

Nakaupo si Floyd sa upuan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Hindi niya pinansin kung paano siya kausapin ng sundalo. “Magbantay ka lang sa Labas! Maging alisto!”

“Masusunod.”

Tumango si James at umikot.

Sa sandaling lumingon siya, nagpaputok siya.

Ang mga sundalong nagbabantay sa may pinto ay kaagad na bumulagta habang naliligo sa sarili nilang dugo.

A
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhanzy Pepito
patay na kayo kay james
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status