Isinalaysay ng Emperor ang kuwento ng pinagmulan ng Ancient Four.Ang Ancient Four ay nagmula pa noong ilang libong taon na ang nakalilipas.“Prince of Orchid Mountain?”Napasimangot si James.Walang bakas ang taong ito sa kasaysayan.Sinulyapan niya ang Emperor at nagtanong, “Sino siya?”Umiling-iling ang Emperor.Hindi rin niya alam kung sino ang Prince of Orchid Mountain.“Paano ko malalaman ang tungkol sa isang tao matapos lumipas ang ilang libong taon simula ng mga panahon na nabubuhay pa siya? Bukod pa doon, kaunti lamang ang nakatala sa kasaysayan tungkol sa kanyang pagkakakilanlan sa ancient scrolls ng Ancient Four.”“Mr. Johnston, bakit ang dami mo ipinapaliwanag sa kanya?” hindi natutuwang sagot ni Bobby.Sumenyas ang Emperor gamit ang kanyang kamay at sinabi, “Bobby, nagmula din si James sa angkan ng mga Cadens. May karapatan siya malaman ang tungkol sa kasaysayan ng pamilya niya. Dagdag pa dito, hindi naman mga sikreto ang mga sinasabi ko sa kanya.”Hindi na nakielam pa si
“Totoo?” nabigla si Cynthia.Umiling-iling si Bobby at sinabi, “Anong malay ko? Alamat lang ito sa isang pamilya. Simula pa noong unang panahon, marami na ang kumakalat na tsismis tungkol sa mga emperor na naglalayag sa karagatan para hanapin ang gamot para maging imortal sila kabilang na din dito ang pagaalay ng mga sakripisyo sa kalangitan para makuha ang buhay na walang hanggan. Walang katapusan ang topic na ito sa Sol.”Malamig na suminghal si Bobby.“Bakit ko ba ito sinasabi sa inyo?”Itinikom ni Bobby ang bibig niya at hindi na nagsalita pa.Samantala, si James ay may malalim na iniisip.Iniisip niya kung nagsasabi ba ng totoo ang Emperor at si Bobby.Naging tense muli ang paligid.Lumipas ang oras.Mahigit sa kalahating araw ang lumipas na tila isang kisap mata lang.Sa puntong ito, tumunog ang phone ni Bobby, at sinagot niya ang tawag.“Nakuha na namin ang baul.”Hindi sumagot si Bobby. Ibinaba niya ang tawag, tumayo at umalis.Tumayo si James at hinarangan siya. “Nakuha mo na
Nilisan ni James ang Emperor’s Mansion.Sa oras na umalis siya, inilabas niya ang phone niya at tinatawagan si Ronald.“Alamin ninyo kung nasaan ni Thea agad. Pabalik na ako ngayon.”Matapos ibigay ang utos, ibinaba ni James ang tawag at sumakay sa private plane ni Zane pabalik sa Cansington.Naging mabilis ang pagbalik niya. Sa loob lamang ng dalawang oras, nasa Cansington na siya. Bago pa lumubog ang araw.Matapos bumaba mula sa eroplano., tinawagan niya muli si Ronald.“Natagpuan na ba ninyo si Thea?”Narinig ang boses ni Ronald mula sa kabilang linya. “Boss, hindi pa po namin siya natatagpuan. Bigyan niyo po ako ng kaunting oras pa.”“Bilisan mo.”Huminga ng malalim si James.Hinatak ni Cynthia ang kamay niya at bumulong, “Huwag ka magalala, James. Magiging okay din ang lahat.”“Sana nga.”Malungkot si James at malamig na sinabi, “Ihahatid ko si Bobby sa kamatayan niya kapag may nangyari sa kanya.”Alam ni James na walang maitutulong ang magpanic, kaya matiyaga siyang naghintay.”L
Nakapiring ang mga mata niya noong una, at kadiliman lang ang nakikita niya. Kahit gaano kalakas siyang sumigaw para humingi ng tulong, wala siyang narinig na sumagot.Habang nagdurusa siya dahil sa wala siyang magawa, natanggal ang piring sa mga mata niya.Pagkatapos nito, isang guwapong lalake ang nagpakita sa harapan niya.Isang maalagang boses ang narinig niya, “Okay na ang lahat. Dadalhin kita agad sa ospital.”“Nandito ako, ganda!”Lumapit si Bobby kay Thea at nagsalita siya matapos sulyapan si James, “Sino ang lalake na ito? Mukhang galit siya sa akin. Nagkataon lang na nandoon ako sa paligid at may nakitang mga kahina-hinalang mga tao na naglalakad. Sa ganoon na paraan kita nakita at nailigtas.”“S-salamat!”Gustong bumangon ni Thea, pero ang sugat sa mukha niya ay nabanat at napahiyaw siya sa sakit.“Binendahan ko ang sugat. Huwag ka gumalaw masyado.” Agad siya na inabisuhan ng doktor.Tumigil sa pagkilos si Thea.“Sapagkat mukhang okay ka na, aalis na ako.”Tumalikod si Bobby
Habang pinapakalma ni Bobby si Thea, humarap siya kay James at ngumiti ng mapaglaro.Lumapit si James at isinara ang mga kamao niya, at sinuntok si Bobby.“Aray! Masakit!”Tinakpan ni Bobby ang parte ng katawan na tinamaan at humiyaw sa sakit.Galit na galit na nagmura si Thea, “Walang kuwentang tao ka, James! Anong ginagawa mo? Lumayas ka! Hindi kita gustong makita!”“Mag-ingat ka. Huwag ka magpaloko at isipin na sinuwerte ka. Hindi lahat ng mabuti ang pakikitungo sa iyo ay tunay.”Umalis si James matapos magiwan ng babala at hindi na nagsalita pa.Tumalikod siya at umalis ng ward.Alam niya na wala ng saysay pa ang magsalita pa sapagkat wala na siyang puwang sa puso ni Thea.Matapos umalis, tumayo si Bobby habang nasasaktan ang itsura niya. Hindi siya natutuwang nagsalita, “Sino ba itong tao na ito? Bakit ang hirap niya pakisamahan?”Si Thea na nakahiga sa kama, ay humingi ng tawad, “Pasensiya na. Pasensiya na talaga. Ex-husband ko siya.”“Ex-husband? Kaya pala.” Umarte si Bobby na t
Bago pa siya makatulog, tumunog ang phone niya.Gumulong siya pababa ng sofa at bumangon muli. Kinuha niya ang phone at nakita na si Henry ang tumatawag.“Anong problema, Henry?” Nagtanong siya agad sa oras sinagot niya ang tawag.“James, may masamang nangyari ngayon lang.” Maririnig ang nababalisang boses ni Henry mula sa kabilang linya.“Huh?”Natigilan si James ng pansamantala. Pagkatapos nito, nagmamadali siyang nagtanong, “May masamang nangyari? Ano ba talaga ang eksakto na nangyari?”Ipinaliwanag ni Henry, “Kagabi, may isang tourist bus mula sa isang foreign country ang na-hijack malapit sa Southern Plains City. Ilang importanteng mga national personnel ang nakasakay sa bus na iyon. Nagkagulo dahil sa insidenteng ito. Ang mga bansa sa paligid ng Southern Plains border ay nanghihingi ng statement mula sa Sol.”“Hindi naman ito malaking bagay. Kailangan lang naman nila ito mahanap, hindi ba?” Inaantok ako. Matutulog muna ako ng kaunti pa,” humikab si James at sumagot na parang wala
Hindi seryoso ang pinsala ni Thea. Matapos ito mabendahan, kinailangan na lang niya maobserbahan overnight sa ospital at maaari na siyang ma-discharge.Si Bobby mismo ang personal na naghatid sa kanya.Sa bahay ng mga Callahans.Nagaalalang nagtanong si Gladys, “Anong nangyari sa iyo, Thea? Paano ka nagkaganito sa isang gabi lang?”“Okay lang ako, ma.”“Sino itong lalake na ito” Nakatitig ang mga mata ni Gladys kay Bobby. Nakikita niya na bata pa siya at guwapo, agad niyang hinatak si Thea at bumulong.“Hello, Auntie. Ang pangalan ko po ay Bobby Caden.“Mula po ako sa mga Cadens sa capital. Hindi mabilang ang dami ng negosyo ng pamilya ko, at ang total assets po namin ay mahigit sa trillions of dollars. Ang Legionist Group ay isa sa mga kumpanya na nasa ilalim ng pamilya namin.“Oh! Ang Legionist group na may ilang trilyong dolyar ang halaga?” sagot ni Gladys.“Oo, ang Legionist Group ay isa lang sa mga kumpanya sa ilalim ng Cadens. Maikukumpara ang yaman ng pamilya namin sa isang bans
Naglakad siya papasok sa mala-palasyong House of Royals.Lumapit siya kay James at tumayo sa tabi niya. Tinignan niya ang lamesa na puno ng sigarilyo at sumimangot.“Ano bang nangyayari sa iyo? Gaano karami ang sinindihan mo?”“Umupo ka kahit saan.”Walang gana na sinulyapan ni James si Quincy.“May mga maiinom sa pridyider. Kunin mo kung anong gusto mo.”“James, tama na iyan. Divorce lang yan. Ano ba ang dahilan para magkaganito ka? Balikan mo siya kung hindi mo siya kayang hiwalayan. Tignan mo nga ang sarili mo. Ang sama na ng lagay mo,” sinermonan siya ni Quincy.“Ikaw ang Commander ng Southern Plains’ Black Dragon Army! Ikaw ang marangal na Black Dragon! Ikaw din ang Guardian at Military God ng Sol! Tignan mo nga ang sarili mo! Hindi ka mukhang Military God ngayon!”“Quincy, naparito ka ba para laitin ako? Kung ganoon, sapat na ang ginawa mo. Umalis ka na, please.”Naupo si Quincy at ibinaba ang bag niya sa isang tabi. Kumuha siya ng tissue at nilinis ang mga abo ng sigarilyo sa la