Share

Kabanata 586

Dahil sa palaging gamit ng mga doktor ang mga hinihingi ni James, naihanda kaagad ang mga ito sa loob lamang ng ilang minuto.

Inabot ng mga staff ang lason na gawa ng bawat partido sa kanila.

Kinuha ni James ang kanyang parte.

Nakalagay ito sa isang transparent na ceramic bottle. May puting pulbos sa loob nito.

Binuksan ni James ang bote at nagtaktak ng konting lason sa kanyang kamay. Pagkatapos, inamoy niya ito.

Nang makita niya ito, natawa si Jonathan. “Base sa napagkasunduan natin, wala tayong oras para suriin ang lason. Subalit, dahil walang lunas ang aking lason, bibigyan kita ng ilang oras para suriin ito. Wala nga lang itong magagawa para baguhin ang kalalabasan ng kompetisyon na ito.”

Tulad ng kanyang sinabi, nilabas niya ang lason ni James. Ng hindi man lang tinitingnan ito, binigay niya ito kay Lucas.

Si Lucas ay isang eksperto sa medisina. Ilang dekada na din siyang nagbebenta ng gamot. Sa buong panahon na ito, ilang halamang gamot na din ang sinaliksik niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status