”Thea.” Tinawag niya ito. “Bakit?” Mabilis naman lumapit si Thea. Nahihiyang lumingon palayo si James. “T-Tanggalin mo ang bra niya para sa akin. Pagkatapos, hawakan mo ang bra niya mula sa harapan. Huwag mong hahayaan na malaglag ito sa lapag. Gagamutin ko siya mula sa likuran.” Nag-alangan sandali si Thea. Pagkatapos, tumango siya, “Sige.” Mabilis niyang tianggal ang strap ng bra ni Delilah at pumunta sa harapan nito. Ng sa gayon, kahit na malaglag ang bra niya, ang hubad niyang katawan ay hindi makikita ng lahat. Ibang istorya naman ang hubad na likuran ni Delilah. Kitang kita ito ng mga tao at ng mga manonood sa buong mundo. Mabilis na kinuha ni James ang mga karayom na pilak mula sa likuran ni James. Sa sandaling natanggal ang mga pilak na karayom mula sa kanyang katawan, lumabas ang itim na dugo mula sa butas at dahan-dahan na tumulo pababa sa kanyang katawan. Gamot ang hawak niyang mga karayom na pilak, muling nagsimula si James na kumilos ng mabilis. Hindi na
Ang matagal ng nawawalang maalamat na medical art na ginawa ni James ang gumulat sa lahat ng mga doktor. Kabaliktaran sa mga doktor na nakatuon ang kanilang atensyon sa mga ginagawa ni James, ang mga tao ay nasiyahan sa nakita nila. Sa tingin ng mga tao, ang buong nangyayari ay kawili-wili at kapanapanabik—lalo na nung binuo ng mga pilak na karayom ang salitang ‘apoy’ at ‘yelo’ at kung paano magkasalikop ang mga ito sa isa’t isa. Nagulat silang lahat sa kanilang nasaksihan. Ang buong proseso ay tumagal lang ng ilang segundo. Makalipas ang ilang oras, ang Needle of Fire at ang Needle of Ice ay pinatay ng maitim na dugo. Maingat na tinanggal ni James ang mga karayom. Sa pamamagitan ng Needle of Yin and Yang, ilan sa mga lason na nasa katawan ni Delilah ay lumabas. Subalit, hindi pa tapos ang kalbaryo niya. Pagkatapos nito, nilingon niya si Thea. “Damitan mo siya.” Maingat na dinamitan ni Thea si Delilah. Inutusan ni James si Delilah, “Humiga ka.” Pagkatapos, sa tu
May konting lason pa din na natira sa katawan ni Delilah. Si Jonathan, sa kabilang banda naman, ay pinagpapawisan ng husto sa taranta. Ginamit na niya ang lahat ng alam niya. Subalit, hindi niya mailabas ang lason sa katawan ni Lucas. Ang kanyang mga karayom na pilak, acupuncture treatment, at ang iba pang paraan na alam niya ay walang nagawa. Tatlong minuto na ang lumipas. Sinubukan niyang tingnan kung ano na ang ginagawa ni James. Subalit, naharangan ng mga tao ang tanawin. Hindi niya masabi kung ano ang nangyayari doon, o kaya ay matukoy tungkol sa kondisyon nib Delilah. Pagkatapos ng serye ng mga pagtanggal ng lason, tiningnan ni James si Delilah na nakahiga sa kama, at tinanong, “Kamusta na ang pakiramdam mo?” “Paano ko sasabihin to?” Habang nakahiga sa kama, hindi alam ni Delilah kung ano ang nararamdaman niya. Pagkatapos ng pag-isip sandali, sinabi niya, “Medyo nahihilo ako. Sala sa init sala sa lamig ang katawan ko, pero hindi naman ito pangit pakiramdam.” Tan
Pati si Christine Fallon ay lumuhod din. Tanging si Jay lang ang naiwang nakatayo. “Anong klaseng tanwin to.” Natuwa si Jay. “Buhay pa din ang Solean Medicine.” Ng may masayang ekspresyon, ang lahat ng mga kilalang mga doktor ay tinuon ang kanilang mga tingin kay James. Nagpamalas si James ng nakakamanghang husay sa larangan ng medisina. Ginawa niya ang mga matagal nang nawawalang mga technique na mahahanap na lang sa mga sinaunang kasulatan. Ang Needle of Fire… Ang Needle of Ice… Ang Needle of Yin and Yang… ang Wind-Chasing Cup… Ang Dragon-seeking Massotherapy… At ang panghuli, ang Eighty-One Needles of Abomination. “Ikaw…” Namutla ang mukha ni Jonathan. Tinitigan niya si James dahil sa hindi siya makapaniwala, “Hindi ito maaari. Paano nangyari to? Paano ka nakalabas? Walang sinabi si James at ngumiti. “Jonathan, inaamin mo ba ang iyong pagkatalo.” “Ako…” Bukas-sara ang bibig ni Jonathan n a parang isang isdang humihinga. Sa wakas ay sinabi din niya, “Aminad
Sa tulong ni James,si Thea ang naging Asclepius ng taong ito. Kahit na walang alam si Thea tungkol sa medisina, ibinigay ng media ang titulo sa kanya bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni James. Binaligtad ni James ang takbo ng kompetisyon at tinalo niya si Jonathan Harris. Dinepensahan niya ang dangal ng Solean Medicine at ang pamana ng sibilisasyon ng Sol na ipinasa sa iba't ibang henerasyon sa loob ng ilang libong taon. Dahil gusto ni James na si Thea ang maging Asclepius, susundin nila ang kahilingan niya bilang pasasalamat sa kanyang pagsisikap. Umalis ng tahimik si James. Kahit na tapos na ang medical conference, may mga problema pa siyang kailangang alalahanin. Kasalukuyan siyang nililitis sa korte. Kahit na na-frame up lang siya, nandoon pa rin ang katotohanan na pwinersa niya ang sarili niya kay Tiara Youngblood. "Anong dapat kong gawin?" Habang may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha, nagpalakad-lakad si James sa lansangan. Nakasunod sa likod
Isang kotse ng pulis ang huminto sa tapat ng courthouse. Ibinaba ng mga pulis si James mula sa kotse. Napansin niya na napakaraming tao sa may gate ng korte. Nandoon si Thea at ang iba pang mga Callahan. Nandoon din si Quincy, si Scarlett, at ang iba pang mula sa Transgenerational Group. Nandoon din si Zigmund. Naglakad si Thea papunta kay James na kasalukuyang nakaposas at ibinababa ng mga pulis mula sa kotse. "Pwede mo ba siyang makausap sandali?" Tumango ang pulis at sinabing, "Dalian mo lang." Naghihinang ngumiti si James. "Bakit ka nandito, mahal?" Inangat ni Thea ang kanyang kamay upang pigilan si James. "Makukulong ka, James. Baka maging mabait sa'yo ang judge kapag inamin mo ang mga kasalanan mo. Sana matutunan mo ang leksyon mo pagkatapos mong makulong. Hindi kita hihintayin. Sa oras na mahatulan ka, hihiwalayan na kita." Hindi makapagsalita si James. Mula noong kinasal sila, lagi silang naninimbang sa isa't isa. Naging dahilan ito upang ilang b
Kailanman hindi niya naisip na ang lalaking lumapastangan sa kanyang anak ay ang Black Dragon, ang protektor, at Asclepius ng Sol. Ito ang taong prumotekta sa bansa laban sa mga panganib mula sa labas at nagbaligtad ng takbo ng kompetisyon sa medical conference ngayong taon. Imposibleng kasuhan niya ang lalaking ito sa korte. Hindi ito sapat upang baguhin ang katotohanan na ang anak niya ang nagdusa sa pangyayaring ito. "James, hindi imposible para sa'kin na iatras ang kaso. Ang kailangan mo lang gawin ay pakasalan ang anak ko. Kahit na naframe-up ka lang, inosente rin si Tiara. Ngayong hindi na siya virgin, kailangan mo siyang panagutan." Sumimangot si James. "Zigmund, nakakalimutan mo ata na may asawa na ako." Kalmadong sumagot si Zigmund, "Narinig ko na gusto kang i-divorce ni Thea sa labas ng korte kanina. Masasabi ko na magandang pagkakataon 'to. Kapag natuloy 'yun, pwede mo nang pakasalan ang anak ko ng legal. Hindi na rin masama si Tiara. Ang ganda at talento niya
Sa korte… Tinipon na ang hukom. Marami ring mga Callahan ang nandoon. Noong sandaling iyon, dumating ang isang staff ng korte at humingi siya ng tawad sa mga tao, "Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Inatras ni Mr. Youngblood ang kaso. Sinabi niya na isa lang itong hindi pagkakaintindihan at hindi ginahasa ni James ang kanyang anak. Si James, ang akusado, ay abswelto na sa kaso." "Ano?" Napatayo ang mga Callahan at hindi nila matanggap ang nangyari. Agad na sumigaw si Gladys, "Anong nangyari? Hindi maitatanggi ang ebidensya laban sa kanya. Anong ibig sabihin niyo na abswelto na siya? Dalian niyo at simulan niyo na ang paglilitis! Gusto kong mabulok sa bilangguan si James!" Hindi siya pinansin ng staff ng korte at naglakad na lang paalis pagkatapos ng anunsyo. Umalis ang mga Callahan ng puno ng pagtataka. Nakahinga ng maluwag sila Quincy at Scarlett. Tumungin si Quincy kay Scarlett ng may ngiti sa kanyang mukha at sinabing, "Mukhang naayos na niya an