Sa korte… Tinipon na ang hukom. Marami ring mga Callahan ang nandoon. Noong sandaling iyon, dumating ang isang staff ng korte at humingi siya ng tawad sa mga tao, "Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Inatras ni Mr. Youngblood ang kaso. Sinabi niya na isa lang itong hindi pagkakaintindihan at hindi ginahasa ni James ang kanyang anak. Si James, ang akusado, ay abswelto na sa kaso." "Ano?" Napatayo ang mga Callahan at hindi nila matanggap ang nangyari. Agad na sumigaw si Gladys, "Anong nangyari? Hindi maitatanggi ang ebidensya laban sa kanya. Anong ibig sabihin niyo na abswelto na siya? Dalian niyo at simulan niyo na ang paglilitis! Gusto kong mabulok sa bilangguan si James!" Hindi siya pinansin ng staff ng korte at naglakad na lang paalis pagkatapos ng anunsyo. Umalis ang mga Callahan ng puno ng pagtataka. Nakahinga ng maluwag sila Quincy at Scarlett. Tumungin si Quincy kay Scarlett ng may ngiti sa kanyang mukha at sinabing, "Mukhang naayos na niya an
Ngayong alam na niya ang buong katotohanan, pinili niyang patawarin siya. Nakaramdam din siya ng kaunting awa kay James noong nakita niya kung paano siya tratuhin ng mga Callahan. Kahit na siya ang protektor ng Sol, hindi siya nakatanggap ng respeto mula sa mga Callahan. Tinanggihan ni James ang alok ni Zigmund, "Nakakatawa ka, Zigmund. Kahit na paano pa ang pagtrato sa'kin ni Thea o ng mga Callahan, hindi ko siya hihiwalayan." "Hayy…" Bumuntong hininga si Zigmund. Hinawakan niya ang braso ni Tiara at umalis sila. Lumingon si Tiara. Pinagmasdan niya ang mukha ni James habang naglalakad siya palayo. Gusto niyang tandaan ang lalaking ito─ang Diyos ng Digmaan at protektor ng Sol, at ang lalaking kumuha sa kanyang virginity. Alam niya na posibleng ito na ang huling pagkikita nila at baka hindi na niya makitang muli si James. Kaya itinatak niyang maigi ang kanyang itsura sa isipan niya. Pag-alis ng dalawa, tumingin si James sa mga Callahan. Nabaling ang tingin ni
Hindi pinaandar ni Quincy ang kotse. Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin siya kay James. Nakita niya ang inis at kawalan ng pag-asa sa mukha ni James. Hindi siya makapaniwala na ang protektor ng Sol at ang Asclepius ng Cansington ay magpapakita ng kanyang kahinaan. "Bakit hindi mo na lang sabihin kay Thea ang buong katotohanan? Sabihin mo sa kanya kung sino ka at hindi na niya gugustuhing hiwalayan ka." Sinubukang pagaanin ni Quincy ang loob ni James. "Matagal ko na sanang sinabi sa kanya kung kaya ko lang." Ang malungkot na sinabi ni James. Pagkatapos, bumuntong hininga siya, "Hayaan mo na, kalimutan na lang natin ang tungkol dito. Dalhin mo ako sa Sky Repair Shop sa suburbs." “James…” “Hmm?” Nagtatakang tumingin sa kanya si James. "Anong problema?" Binuka at sinara ni Quincy ang kanyang bibig ng walang sinasabi. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Tutulungan kita sa pagkakataong 'to." “Huh?” Hindi pa rin alam ni James kung ano ang nangyayari. Pin
Hinawakan siya ni Quincy at inudyukan niya siya. “Malapit na siyang dumating. Ano pang hinihintay mo?” Diniin ni Quincy ang kanyang katawan sa katawan ni James.Nararamdaman ni James ang init ng kanyang katawan. Medyo kinakabahan siya. Kahit na nagpapanggap lang sila upang sukuan siya ni Thea, kailangan pa rin nilang ipakita na nagmamahalan sila. Medyo nahihiya siya.Samantala, kabaligtaran niya si Quincy. Mapangahas at malakas ang loob ni Quincy, at pinangunahan niya ang lahat.… Nagsuot ng sexy na damit si Thea para sa pagkikita nila ng Black Dragon.Inaalala niya ang payo sa kanya ng kanyang ina na mukhang makatwiran naman.Habang papunta siya sa Majestic Corporation, napagdesisyunan niya na ibigay ang sarili niya sa Black Dragon kung gugustuhin niya. Gagamitin niya ang kanyang katawan upang mapasakanya ang Black Dragon. Sa oras na i-divorce niya si James, papakasalan niya ang Black Dragon. Sa tulong ni Newton, nakarating siya sa tapat ng opisina ng chairman. Puno s
Malaki ang pasasalamat ni James kay Quincy. Sa tulong ni Quincy, sa wakas ay susuko na si Thea sa paghabol sa Black Dragon. Dahil dito, mababawasan ang posibilidad na hiwalayan siya ni Thea.Pinag-isipan niya ang tungkol dito at naniniwala siya na hindi naman ito isang mabigat na kapalit.“Sige. Pero isang araw lang.”Umirap si Quincy at sinagot niya si James. “Please, talaga bang miserable kang maging boyfriend ko? Sasabihin ko lang sa’yo, isa pa rin akong magandang babae.”Naiilang na ngumiti si James. “Pero kasal na ako. Paano ko ipapaliwanag ‘to sa asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol dito?” “Huwag mo nang isipin ‘yun, tara na.”Hindi na pinahaba pa ni Quincy ang pagtatalo nila. Hinawakan niya si James sa braso at umalis sila. Mula sa malayo, mukha silang nagmamahalan─gaya ng isang karaniwang magkasintahan.Nangako si James na magiging boyfriend niya siya sa loob ng isang araw. Hangga’t hindi siya lalagpas sa limitasyon niya, ayos lang sa kanya ito. Samantala, tumakb
Tinama ni Gladys ang sinabi niya. “Huwag mong kalimutan na magsuot ng mas magagandang damit. Pero, hindi ka dapat magsuot ng mga damit na masyadong mahalay! Dapat hayaan mong gumana ang imahinasyon nila. Tsaka, pansinin mo ang kilos mo. Siguraduhin mo na may karisma ang bawat kilos at salita mo. Sa ganitong paraan, magagawa mong buhayin ang pagnanasa ng isang lalaki.”Sinimulan ni Gladys na turuan si Thea. “Malaki rin ang magiging papel ng mga ekspresyon. Alam mo ba kung paano magpakita ng mapang-akit na ekspresyon?”Umiling si Thea. “Hayy… Ipapakita ko sa’yo.”Kumurap ng ilang beses si Gladys at dahan-dahan niyang kinagat ang kanyang mga labi.Si Benjamin, na may kausap sa phone, ay napatingin kay Gladys. Noong nakita niya ang ginawa ng asawa niya, pinigilan niya ang sarili niya na masuka. Subalit, noong nakita niya ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Gladys, agad siyang tumayo at sinabing, “Masikip dito. Doon na muna ako sa balkonahe.”“Ano sa tingin mo, Thea?” S
“Sa tingin ko hindi.”Tinanggihan siya agad ni James.Hindi niya naisip na magandang ideya ang makasama ng matagal si Quincy.Kaakit-akit siya at sexy. Ang makasama siya ng matagal ay magbibigay lamang ng problema sa hinaharap.“Bakit? Natatakot ka ba na baka mahulog ka sa akin?” Ngumiti si Quincy.“Parang ganoon na nga.” Sumangayon si James. “Bukod pa doon, kasal na ako. Para ko na din kayo binastos pareho ni Thea kung may mamamagitan sa atin. Hindi na ako responsableng lalake sa puntong iyon.”“Wala akong pakielam. At hindi naman malalaman ni Thea kung isisikreto natin ito.”Umiling-iling si James.Alam niya na marahil nagbibiro lang si Quincy.Maaari siyang umalis at ipaalam agad ito kay Thea.Kahit na nakangiti pa din si Quincy, batid ang pagkabigo sa mga mata niya.Anong hindi niya isusuko para lang manatili na ganito sila ng habang panahon?Ngunit, iba si James kumpara sa mga pangkaraniwang mga lalake.Bayani siya. May mga prinsipyo siya at hindi nakikiapid.Lalo siyang nahulog p
Inalok ni Ronn ng sigarilyo si James.Tinanggap ito ni James.“May balita na ba kay Jonathan?”Sapagkat nagplano ng mabuti at nagpakahirap si Jonathan at mga alalay niya, siguradong may iba pa silang pinaplano maliban sa pag-atake sa mga doktor ng Solean.Hindi pa din ito mapagtanto ni James.Umiling-iling si Ronn. “Binabantayan namin ng mabuti si Jonathan. Matapos niya umalis kahapon, hindi pa siya nagpapakita muli.”Nagtanong si James, “Nadiskubre ba ninyo kung anong mga pinaplano nila?”Malagim ang itsura niya.Sinulyapan siya ni James, “Sabihin mo ang totoo.”Sinabi ni Ronn, “May nakalap kami na impormasyon. Base sa nakalap namin, nagtayo ng research lab sa Lily City ang Universal Hospital tatlong buwan na ang nakararaan. Nakatago ang lokasyon nito sa loob ng bundok, at bantay sarado ito ng mga sundalo. Hindi rin makapasok ang intelligence network namin. Hindi namin alam kung anong sinasaliksik nila.”“Isang lihim na research lab?”Pumikit si James.Kung may kinalaman ang lab na it