Hindi pinaandar ni Quincy ang kotse. Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin siya kay James. Nakita niya ang inis at kawalan ng pag-asa sa mukha ni James. Hindi siya makapaniwala na ang protektor ng Sol at ang Asclepius ng Cansington ay magpapakita ng kanyang kahinaan. "Bakit hindi mo na lang sabihin kay Thea ang buong katotohanan? Sabihin mo sa kanya kung sino ka at hindi na niya gugustuhing hiwalayan ka." Sinubukang pagaanin ni Quincy ang loob ni James. "Matagal ko na sanang sinabi sa kanya kung kaya ko lang." Ang malungkot na sinabi ni James. Pagkatapos, bumuntong hininga siya, "Hayaan mo na, kalimutan na lang natin ang tungkol dito. Dalhin mo ako sa Sky Repair Shop sa suburbs." “James…” “Hmm?” Nagtatakang tumingin sa kanya si James. "Anong problema?" Binuka at sinara ni Quincy ang kanyang bibig ng walang sinasabi. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Tutulungan kita sa pagkakataong 'to." “Huh?” Hindi pa rin alam ni James kung ano ang nangyayari. Pin
Hinawakan siya ni Quincy at inudyukan niya siya. “Malapit na siyang dumating. Ano pang hinihintay mo?” Diniin ni Quincy ang kanyang katawan sa katawan ni James.Nararamdaman ni James ang init ng kanyang katawan. Medyo kinakabahan siya. Kahit na nagpapanggap lang sila upang sukuan siya ni Thea, kailangan pa rin nilang ipakita na nagmamahalan sila. Medyo nahihiya siya.Samantala, kabaligtaran niya si Quincy. Mapangahas at malakas ang loob ni Quincy, at pinangunahan niya ang lahat.… Nagsuot ng sexy na damit si Thea para sa pagkikita nila ng Black Dragon.Inaalala niya ang payo sa kanya ng kanyang ina na mukhang makatwiran naman.Habang papunta siya sa Majestic Corporation, napagdesisyunan niya na ibigay ang sarili niya sa Black Dragon kung gugustuhin niya. Gagamitin niya ang kanyang katawan upang mapasakanya ang Black Dragon. Sa oras na i-divorce niya si James, papakasalan niya ang Black Dragon. Sa tulong ni Newton, nakarating siya sa tapat ng opisina ng chairman. Puno s
Malaki ang pasasalamat ni James kay Quincy. Sa tulong ni Quincy, sa wakas ay susuko na si Thea sa paghabol sa Black Dragon. Dahil dito, mababawasan ang posibilidad na hiwalayan siya ni Thea.Pinag-isipan niya ang tungkol dito at naniniwala siya na hindi naman ito isang mabigat na kapalit.“Sige. Pero isang araw lang.”Umirap si Quincy at sinagot niya si James. “Please, talaga bang miserable kang maging boyfriend ko? Sasabihin ko lang sa’yo, isa pa rin akong magandang babae.”Naiilang na ngumiti si James. “Pero kasal na ako. Paano ko ipapaliwanag ‘to sa asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol dito?” “Huwag mo nang isipin ‘yun, tara na.”Hindi na pinahaba pa ni Quincy ang pagtatalo nila. Hinawakan niya si James sa braso at umalis sila. Mula sa malayo, mukha silang nagmamahalan─gaya ng isang karaniwang magkasintahan.Nangako si James na magiging boyfriend niya siya sa loob ng isang araw. Hangga’t hindi siya lalagpas sa limitasyon niya, ayos lang sa kanya ito. Samantala, tumakb
Tinama ni Gladys ang sinabi niya. “Huwag mong kalimutan na magsuot ng mas magagandang damit. Pero, hindi ka dapat magsuot ng mga damit na masyadong mahalay! Dapat hayaan mong gumana ang imahinasyon nila. Tsaka, pansinin mo ang kilos mo. Siguraduhin mo na may karisma ang bawat kilos at salita mo. Sa ganitong paraan, magagawa mong buhayin ang pagnanasa ng isang lalaki.”Sinimulan ni Gladys na turuan si Thea. “Malaki rin ang magiging papel ng mga ekspresyon. Alam mo ba kung paano magpakita ng mapang-akit na ekspresyon?”Umiling si Thea. “Hayy… Ipapakita ko sa’yo.”Kumurap ng ilang beses si Gladys at dahan-dahan niyang kinagat ang kanyang mga labi.Si Benjamin, na may kausap sa phone, ay napatingin kay Gladys. Noong nakita niya ang ginawa ng asawa niya, pinigilan niya ang sarili niya na masuka. Subalit, noong nakita niya ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Gladys, agad siyang tumayo at sinabing, “Masikip dito. Doon na muna ako sa balkonahe.”“Ano sa tingin mo, Thea?” S
“Sa tingin ko hindi.”Tinanggihan siya agad ni James.Hindi niya naisip na magandang ideya ang makasama ng matagal si Quincy.Kaakit-akit siya at sexy. Ang makasama siya ng matagal ay magbibigay lamang ng problema sa hinaharap.“Bakit? Natatakot ka ba na baka mahulog ka sa akin?” Ngumiti si Quincy.“Parang ganoon na nga.” Sumangayon si James. “Bukod pa doon, kasal na ako. Para ko na din kayo binastos pareho ni Thea kung may mamamagitan sa atin. Hindi na ako responsableng lalake sa puntong iyon.”“Wala akong pakielam. At hindi naman malalaman ni Thea kung isisikreto natin ito.”Umiling-iling si James.Alam niya na marahil nagbibiro lang si Quincy.Maaari siyang umalis at ipaalam agad ito kay Thea.Kahit na nakangiti pa din si Quincy, batid ang pagkabigo sa mga mata niya.Anong hindi niya isusuko para lang manatili na ganito sila ng habang panahon?Ngunit, iba si James kumpara sa mga pangkaraniwang mga lalake.Bayani siya. May mga prinsipyo siya at hindi nakikiapid.Lalo siyang nahulog p
Inalok ni Ronn ng sigarilyo si James.Tinanggap ito ni James.“May balita na ba kay Jonathan?”Sapagkat nagplano ng mabuti at nagpakahirap si Jonathan at mga alalay niya, siguradong may iba pa silang pinaplano maliban sa pag-atake sa mga doktor ng Solean.Hindi pa din ito mapagtanto ni James.Umiling-iling si Ronn. “Binabantayan namin ng mabuti si Jonathan. Matapos niya umalis kahapon, hindi pa siya nagpapakita muli.”Nagtanong si James, “Nadiskubre ba ninyo kung anong mga pinaplano nila?”Malagim ang itsura niya.Sinulyapan siya ni James, “Sabihin mo ang totoo.”Sinabi ni Ronn, “May nakalap kami na impormasyon. Base sa nakalap namin, nagtayo ng research lab sa Lily City ang Universal Hospital tatlong buwan na ang nakararaan. Nakatago ang lokasyon nito sa loob ng bundok, at bantay sarado ito ng mga sundalo. Hindi rin makapasok ang intelligence network namin. Hindi namin alam kung anong sinasaliksik nila.”“Isang lihim na research lab?”Pumikit si James.Kung may kinalaman ang lab na it
Nagtanong si James, “Anong nangyayari?”Ipinaliwanag ni Ronn, “Sir, nagsetup po ng underground intelligence network si Jake. Kumplikado po ito sapagkat kabilang po dito ang iba’t ibang mga industriya. Alam ng mga latak ng lipunan ng Cansington na maaari po sila bumili ng impormasyon mula kay Jake, kaya matagal na siyang tinutugis ng mga awtoridad.”“Bukod sa po sa pagiging illegal ng setup na ito, marami din na illegal cases na kabilang ang network na ito.”“Gusto na ng mga awtoridad na matapos na ang network na ito, kaya nagorganisa sila ng mga espiya na ilang taon ng kabilang sa mga tao natin. Ngayon, hindi ko na alam kung sino ang mga espiya, kaya hinuli ko ang lahat ng tauhan ni James para isa-isa silang kuwestiyunin.”Sinalaysay ni Ronn kay James ang kasalukuyan na nangyayari.Habang nagsasalita siya, itinuro niya ang isang lalake na nakagapos.Ang edad ng lalakeng ito as nasa kuwarenta. Sa kasalukuyan, nakatali siya. Matindi ang pinsala niya at maraming sugat sa katawan, ang ilan
Tahimik na lumipas ang gabi.Sa sumunod na araw.Inutusan ni James si Ronn na magorganisa ng sasakyan pabalik sa lungsod.Sa mga Callahans’.Maagang nagising si Thea.Kahapon, umalis siya para puntahan ang Black Dragon, pero ng makita niya na si Quincy na kasama nito, nalungkot siya.Pakiramdam niya, nasira na ang puso niya, pero salamat kay Gladys, bumalik na muli ang kumpiyansa niya sa sarili.Dahil dito, maaga siyang gumising at nagshopping. Marami siyang binili na mga damit.Revealing ang mga ito at hindi pangkaraniwan na sinusuot niya noon.Pasado alas diyes na ng makabalik si James sa lungsod.Dumaan siya sa isang florist at bumili ng ninety-nine roses. Dala ang mga rosas, tumungo siya sa mga Callahans.Kakarating lang niya sa entrance ng makita niya ang dalawang babae sa hindi kalayuan.“Megan, maraming salamat sa pagsama sa akin habang nagsho-shopping ako.” Puno ang mga braso ni Thea ng mga shopping bag.Bihira lang siya magshopping, kaya nagpatulong at nagpasama siya kay Megan