Inalok ni Ronn ng sigarilyo si James.Tinanggap ito ni James.“May balita na ba kay Jonathan?”Sapagkat nagplano ng mabuti at nagpakahirap si Jonathan at mga alalay niya, siguradong may iba pa silang pinaplano maliban sa pag-atake sa mga doktor ng Solean.Hindi pa din ito mapagtanto ni James.Umiling-iling si Ronn. “Binabantayan namin ng mabuti si Jonathan. Matapos niya umalis kahapon, hindi pa siya nagpapakita muli.”Nagtanong si James, “Nadiskubre ba ninyo kung anong mga pinaplano nila?”Malagim ang itsura niya.Sinulyapan siya ni James, “Sabihin mo ang totoo.”Sinabi ni Ronn, “May nakalap kami na impormasyon. Base sa nakalap namin, nagtayo ng research lab sa Lily City ang Universal Hospital tatlong buwan na ang nakararaan. Nakatago ang lokasyon nito sa loob ng bundok, at bantay sarado ito ng mga sundalo. Hindi rin makapasok ang intelligence network namin. Hindi namin alam kung anong sinasaliksik nila.”“Isang lihim na research lab?”Pumikit si James.Kung may kinalaman ang lab na it
Nagtanong si James, “Anong nangyayari?”Ipinaliwanag ni Ronn, “Sir, nagsetup po ng underground intelligence network si Jake. Kumplikado po ito sapagkat kabilang po dito ang iba’t ibang mga industriya. Alam ng mga latak ng lipunan ng Cansington na maaari po sila bumili ng impormasyon mula kay Jake, kaya matagal na siyang tinutugis ng mga awtoridad.”“Bukod sa po sa pagiging illegal ng setup na ito, marami din na illegal cases na kabilang ang network na ito.”“Gusto na ng mga awtoridad na matapos na ang network na ito, kaya nagorganisa sila ng mga espiya na ilang taon ng kabilang sa mga tao natin. Ngayon, hindi ko na alam kung sino ang mga espiya, kaya hinuli ko ang lahat ng tauhan ni James para isa-isa silang kuwestiyunin.”Sinalaysay ni Ronn kay James ang kasalukuyan na nangyayari.Habang nagsasalita siya, itinuro niya ang isang lalake na nakagapos.Ang edad ng lalakeng ito as nasa kuwarenta. Sa kasalukuyan, nakatali siya. Matindi ang pinsala niya at maraming sugat sa katawan, ang ilan
Tahimik na lumipas ang gabi.Sa sumunod na araw.Inutusan ni James si Ronn na magorganisa ng sasakyan pabalik sa lungsod.Sa mga Callahans’.Maagang nagising si Thea.Kahapon, umalis siya para puntahan ang Black Dragon, pero ng makita niya na si Quincy na kasama nito, nalungkot siya.Pakiramdam niya, nasira na ang puso niya, pero salamat kay Gladys, bumalik na muli ang kumpiyansa niya sa sarili.Dahil dito, maaga siyang gumising at nagshopping. Marami siyang binili na mga damit.Revealing ang mga ito at hindi pangkaraniwan na sinusuot niya noon.Pasado alas diyes na ng makabalik si James sa lungsod.Dumaan siya sa isang florist at bumili ng ninety-nine roses. Dala ang mga rosas, tumungo siya sa mga Callahans.Kakarating lang niya sa entrance ng makita niya ang dalawang babae sa hindi kalayuan.“Megan, maraming salamat sa pagsama sa akin habang nagsho-shopping ako.” Puno ang mga braso ni Thea ng mga shopping bag.Bihira lang siya magshopping, kaya nagpatulong at nagpasama siya kay Megan
Masakit ang mga salitang binitiwan ni Thea kay James. Pakiramdam niya may bumara sa lalamunan niya. Napakasakit ng pakiramdam na ito.Tama si Quincy.Wala silang malinaw na relasyon ni Thea.Ok lang sana noong short term lang ito, pero habang tumatagal, nagsisimulang lumabas ang mga problema at mga pagkakaiba.“Sa tingin ko mas mabuti na maghiwalay tayo.” Tinignan ni Thea si James. Habang nakikita ang ekspresyon niya, naawa siya, kaya gumaan ang tono ng pananalita niya. “Huwag na natin ito patagalin pa. Pumayag ka na sa paghihiwalay natin. Kung aabot pa ito sa korte, magiging mahirap lang ito para sa lahat.”Sa oras na ito, sumagi sa isip ni James na sumuko na at pakawalan siya.Ang rason kaya niya nilapitan si Thea ay para suklian siya.Ang gusto lang niya ay suklian si Thea para sa pagligtas nito sa buhay niya at makabawi sa pagkakamali na iniwan siya noon.Ngunit, habang iniisip niya na si Thea ay nahuhulog na para sa isa pa niyang pagkatao, na si Black Dragon, nawala ang pagkamuhi
Sa oras na naayos na ni Zane ang sarili niya, tumingin siya kay James.Hindi niya alam kung bakit inililihim niya ang tunay niyang pagkakakilanlan sa mga Callahans, pero batid niya na wala siyang kahit na anong estado sa pamilya.Nag-isip muna siya bago lumapit muli. “Si James ang tagapagligtas ko. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Zane Dawn. Baka hindi mo ako kilala o hindi mo pa naririnig ang pangalan ko, pero hayaan mo na ipakilalako ang sarili ko. Ako ang may hawak sa lahat ng minahan sa norte. Kabilang sa mga operasyon ko ay daan-daang mga uling, ginto at minahan ng mga diamante. Ang lahat ng nasa ilalim ng lupa ay akin.”Natulala si Gladys.Hindi niya inaasahan na may mabigat na pagkakakilanlan ang lalakeng ito.Narinig na niya ang pangalan niya noon.Iniligtas ni James ang anak niya, at nakumbinsi ang mga Watsons at mga Xenoses na hayaan ang mga Callahans, kaya nagkaroon sila ng bagong buhay.Nagbago bigla ang ekspresyon niya, biglang nabalot ng ngiti. “Ang Mining King, tama? T
Lalo ng kinamuhian ni James si Thea habang tumatagal.Sa tuwing nakikita niya si James, hindi niya mapigilan ang sarili niya na ikumpara siya kay Black Dragon.Sobra talaga ang pagkakaiba nila.Paano siya maikukumpara kay Black Dragon?Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung ano ba ang nakita niya noon kay James, magkasama sila sa iisang kama at halos ibigay na niya ang lahat sa kanya.Nandoon din si Megan.Tahimik siya, at inoobserbahan si James at Zane.Lalo na si Zane.Nagmula siya sa mayaman na pamilya at marami ng nakilala na mayayaman na tao.Ngunit, sa tingin niya hindi kabilang ang lalakeng ito sa kanila, lalo na ang maging isang klase ng tao na triliones ang halaga.“James, saan mo nahanap ang artista na ito? Triliones ang halaga? Tapos bibigyan ka niya ng five hundred billion ng ganoon na lang? Sino ang gumagawa ng ganoon?” Mapanghamak siyang tinignan ni Megan.Alam niya na kumuha lang ng artista si James.“Kinuha ko siya sa kalsada.” Tumawa si James, habang nakatingin k
“Ginalingan ng artistang kinuha niya. Mukhang mamahalin ang imbitasyon na ito.”Ginintuan ang imbitasyon at makintab ito, na tila gold plated ito.Kinuha ito ni Megan.Mabigat ito sa pakiramdam.Para sa kanya na mula sa mayaman na pamilya, nakita niya agad ang quality nito. Sa oras na binuhat niya ang card, alam niya agad na tunay na ginto ito.“Totoo ito?” Nagulat siya. “Tunay itong ginto?”Sa kabilang banda, inilabas ni Gladys ang phone niya.Nag-search siya sa internet tungkol kay Zane.Maraming resulta ang lumabas.Nandoon ang Mining King, ang pinakamayaman na tao sa norte…Marami din larawan dito.“Ah…”Noong nakita niya ang mga litrato ni Zane, napasigaw siya sa gulat. “Siya nga! Siya nga! Si Zane Dawn nga, ang pinakamayaman na tao sa norte! Ang anak niya ay si Cynthia Dawn.”Napaisip si Thea. Tinignan niya ito.Matapos makita ang mga artikulo at mga litrato, napasimangot siya at bumulong, “Totoo ba na VIP ang lalakeng iyon at triliones ang halaga niya?”Hindi mapakali si Gladys.
May problema si James sa relasyon niya.Hindi pa siya nagkakaroon ng karelasyon noon. Paano niya malalaman kung ano ang gagawin?May trabaho si Quincy at walang oras para aksayahin sa kanya.Sa halip, kumuha siya ng mga love analyst para sa kanya.Naghintay si James sa office niya.Kasabay nito, pumunta si Thea sa villa ng Callahans.Nandoon ang buong pamilya.Tatlong henerasyon ng pamilya ang naririto.Si Lex na nakaupo sa sofa ay naninigarilyo ng tabako. Habang nakatingin sa pamilya niya, sinabi niya, “Si Zane Dawn mula sa norte ay nagpadala ng mga imbitasyon para sa kaarawan ng anak niya. Narinig ninyo na ba ang tungkol sa kanya? Siya ang depenisyon ng tunay na kapangyarihan. Hindi maikukumpara sa kanya ang Five Provinces Business Alliance.”“Naparito tayo para pagusapan kung paano makakakuha ng imbitasyon.”“Ngayon at genius na doktor si Thea ng Cansington, tumaas na ang estado natin. Kung makakadalo tayo sa birthday party na ito, mas magiging maimpluwensiya tayo sa Cansington.”“D