Dahil sa palaging gamit ng mga doktor ang mga hinihingi ni James, naihanda kaagad ang mga ito sa loob lamang ng ilang minuto. Inabot ng mga staff ang lason na gawa ng bawat partido sa kanila. Kinuha ni James ang kanyang parte. Nakalagay ito sa isang transparent na ceramic bottle. May puting pulbos sa loob nito. Binuksan ni James ang bote at nagtaktak ng konting lason sa kanyang kamay. Pagkatapos, inamoy niya ito. Nang makita niya ito, natawa si Jonathan. “Base sa napagkasunduan natin, wala tayong oras para suriin ang lason. Subalit, dahil walang lunas ang aking lason, bibigyan kita ng ilang oras para suriin ito. Wala nga lang itong magagawa para baguhin ang kalalabasan ng kompetisyon na ito.” Tulad ng kanyang sinabi, nilabas niya ang lason ni James. Ng hindi man lang tinitingnan ito, binigay niya ito kay Lucas. Si Lucas ay isang eksperto sa medisina. Ilang dekada na din siyang nagbebenta ng gamot. Sa buong panahon na ito, ilang halamang gamot na din ang sinaliksik niya
”Inumin mo.” Tiningnan ni James ang nag-aalangan na Delilah. Huminga ng malalim si Delilah. Pagkatapos, ininom niya ang baso ng tubig sa isang lagukan lang. Mapait ito. Sa sandaling nilunok niya ang tubig, naramdaman niyang humapdi ang kanyang lalamunan. Sobrang sakit nito. Sa loob lamang ng maikling oras lang, ang makinis niyang balat ay namula. Thud! Bumagsak ang baso sa lapag. Bumagsak si Delilah sa stage. Habang hawak ang kanyang lalamunan, nangisay siya sa lapag. “Ang sakit! Tulong! Sobrang sakit! Mamamatay na ko!” Mabilis na yumuko si James. Hinawakan niya ang pulso nito para kuhaan ito ng pulso. Pagkatapos, inobserbahan niya ang ekspresyon nito at binuksan ang talukap ng mga mata nito. Ang buong proseso ay inabot lamang ng tatlumpung segundo. “Tulungan niyo siyang tumayo at hawakan niyo siya ng maigi.” Mabilis na utos ni James. May ilang babaeng staff ang kaagad na lumapit kay Delilah at hinawakan ito ng maigi. Tumayo si James at kumuha ng ilang karayom
”Thea.” Tinawag niya ito. “Bakit?” Mabilis naman lumapit si Thea. Nahihiyang lumingon palayo si James. “T-Tanggalin mo ang bra niya para sa akin. Pagkatapos, hawakan mo ang bra niya mula sa harapan. Huwag mong hahayaan na malaglag ito sa lapag. Gagamutin ko siya mula sa likuran.” Nag-alangan sandali si Thea. Pagkatapos, tumango siya, “Sige.” Mabilis niyang tianggal ang strap ng bra ni Delilah at pumunta sa harapan nito. Ng sa gayon, kahit na malaglag ang bra niya, ang hubad niyang katawan ay hindi makikita ng lahat. Ibang istorya naman ang hubad na likuran ni Delilah. Kitang kita ito ng mga tao at ng mga manonood sa buong mundo. Mabilis na kinuha ni James ang mga karayom na pilak mula sa likuran ni James. Sa sandaling natanggal ang mga pilak na karayom mula sa kanyang katawan, lumabas ang itim na dugo mula sa butas at dahan-dahan na tumulo pababa sa kanyang katawan. Gamot ang hawak niyang mga karayom na pilak, muling nagsimula si James na kumilos ng mabilis. Hindi na
Ang matagal ng nawawalang maalamat na medical art na ginawa ni James ang gumulat sa lahat ng mga doktor. Kabaliktaran sa mga doktor na nakatuon ang kanilang atensyon sa mga ginagawa ni James, ang mga tao ay nasiyahan sa nakita nila. Sa tingin ng mga tao, ang buong nangyayari ay kawili-wili at kapanapanabik—lalo na nung binuo ng mga pilak na karayom ang salitang ‘apoy’ at ‘yelo’ at kung paano magkasalikop ang mga ito sa isa’t isa. Nagulat silang lahat sa kanilang nasaksihan. Ang buong proseso ay tumagal lang ng ilang segundo. Makalipas ang ilang oras, ang Needle of Fire at ang Needle of Ice ay pinatay ng maitim na dugo. Maingat na tinanggal ni James ang mga karayom. Sa pamamagitan ng Needle of Yin and Yang, ilan sa mga lason na nasa katawan ni Delilah ay lumabas. Subalit, hindi pa tapos ang kalbaryo niya. Pagkatapos nito, nilingon niya si Thea. “Damitan mo siya.” Maingat na dinamitan ni Thea si Delilah. Inutusan ni James si Delilah, “Humiga ka.” Pagkatapos, sa tu
May konting lason pa din na natira sa katawan ni Delilah. Si Jonathan, sa kabilang banda naman, ay pinagpapawisan ng husto sa taranta. Ginamit na niya ang lahat ng alam niya. Subalit, hindi niya mailabas ang lason sa katawan ni Lucas. Ang kanyang mga karayom na pilak, acupuncture treatment, at ang iba pang paraan na alam niya ay walang nagawa. Tatlong minuto na ang lumipas. Sinubukan niyang tingnan kung ano na ang ginagawa ni James. Subalit, naharangan ng mga tao ang tanawin. Hindi niya masabi kung ano ang nangyayari doon, o kaya ay matukoy tungkol sa kondisyon nib Delilah. Pagkatapos ng serye ng mga pagtanggal ng lason, tiningnan ni James si Delilah na nakahiga sa kama, at tinanong, “Kamusta na ang pakiramdam mo?” “Paano ko sasabihin to?” Habang nakahiga sa kama, hindi alam ni Delilah kung ano ang nararamdaman niya. Pagkatapos ng pag-isip sandali, sinabi niya, “Medyo nahihilo ako. Sala sa init sala sa lamig ang katawan ko, pero hindi naman ito pangit pakiramdam.” Tan
Pati si Christine Fallon ay lumuhod din. Tanging si Jay lang ang naiwang nakatayo. “Anong klaseng tanwin to.” Natuwa si Jay. “Buhay pa din ang Solean Medicine.” Ng may masayang ekspresyon, ang lahat ng mga kilalang mga doktor ay tinuon ang kanilang mga tingin kay James. Nagpamalas si James ng nakakamanghang husay sa larangan ng medisina. Ginawa niya ang mga matagal nang nawawalang mga technique na mahahanap na lang sa mga sinaunang kasulatan. Ang Needle of Fire… Ang Needle of Ice… Ang Needle of Yin and Yang… ang Wind-Chasing Cup… Ang Dragon-seeking Massotherapy… At ang panghuli, ang Eighty-One Needles of Abomination. “Ikaw…” Namutla ang mukha ni Jonathan. Tinitigan niya si James dahil sa hindi siya makapaniwala, “Hindi ito maaari. Paano nangyari to? Paano ka nakalabas? Walang sinabi si James at ngumiti. “Jonathan, inaamin mo ba ang iyong pagkatalo.” “Ako…” Bukas-sara ang bibig ni Jonathan n a parang isang isdang humihinga. Sa wakas ay sinabi din niya, “Aminad
Sa tulong ni James,si Thea ang naging Asclepius ng taong ito. Kahit na walang alam si Thea tungkol sa medisina, ibinigay ng media ang titulo sa kanya bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni James. Binaligtad ni James ang takbo ng kompetisyon at tinalo niya si Jonathan Harris. Dinepensahan niya ang dangal ng Solean Medicine at ang pamana ng sibilisasyon ng Sol na ipinasa sa iba't ibang henerasyon sa loob ng ilang libong taon. Dahil gusto ni James na si Thea ang maging Asclepius, susundin nila ang kahilingan niya bilang pasasalamat sa kanyang pagsisikap. Umalis ng tahimik si James. Kahit na tapos na ang medical conference, may mga problema pa siyang kailangang alalahanin. Kasalukuyan siyang nililitis sa korte. Kahit na na-frame up lang siya, nandoon pa rin ang katotohanan na pwinersa niya ang sarili niya kay Tiara Youngblood. "Anong dapat kong gawin?" Habang may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha, nagpalakad-lakad si James sa lansangan. Nakasunod sa likod
Isang kotse ng pulis ang huminto sa tapat ng courthouse. Ibinaba ng mga pulis si James mula sa kotse. Napansin niya na napakaraming tao sa may gate ng korte. Nandoon si Thea at ang iba pang mga Callahan. Nandoon din si Quincy, si Scarlett, at ang iba pang mula sa Transgenerational Group. Nandoon din si Zigmund. Naglakad si Thea papunta kay James na kasalukuyang nakaposas at ibinababa ng mga pulis mula sa kotse. "Pwede mo ba siyang makausap sandali?" Tumango ang pulis at sinabing, "Dalian mo lang." Naghihinang ngumiti si James. "Bakit ka nandito, mahal?" Inangat ni Thea ang kanyang kamay upang pigilan si James. "Makukulong ka, James. Baka maging mabait sa'yo ang judge kapag inamin mo ang mga kasalanan mo. Sana matutunan mo ang leksyon mo pagkatapos mong makulong. Hindi kita hihintayin. Sa oras na mahatulan ka, hihiwalayan na kita." Hindi makapagsalita si James. Mula noong kinasal sila, lagi silang naninimbang sa isa't isa. Naging dahilan ito upang ilang b
Sa sandaling ito, naramdaman ni James na nasira ang Time Formation na kanyang itinayo. Ang pagkabasag na ito ng pormasyon ay sinundan ng isang malakas na haligi ng liwanag.Agad siyang pumasok sa Ikapitong Yugto ng Omniscience Path at naglabas ng puting liwanag mula ulo hanggang paa, na naging isang maliwanag na haligi. Umakyat ang liwanag na haligi, sinalubong ang nahuhulog na haligi.Clap! Nagsalpukan ang dalawang pwersa, na nagbuga sa mga tipak. Ang nagresultang produkto ng banggaan ay napakalakas na winasak nito ang buong lugar, na naging isang walang laman na lugar. Sa susunod na sandali, gayunpaman, lahat ay nakuhang muli.Lumitaw si James sa abot-tanaw. Ang malagim na sugat ay tumama sa kanyang buong katawan. Nabali ang isang paa niya. Nakatayo siya ng ganoon sa hangin, humihingal at nagha hyperventilate.“Kahanga hanga.” Hindi maiwasan ni Wotan na humanga sa lakas ni James. Ito ay pwersang pinagsama samang ginawa ng hindi bababa sa dalawampung Quasi-Acmeans, ngunit nagtagump
Si Wotan ay medyo tiwala sa kanyang mga kakayahan. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay isang bilang ng mga Quasi Acmean figure. Kahit gaano pa siya kalakas, halos sampung minuto lang niya kayang labanan ang mga ito.Buti na lang, sapat na ang sampung minuto para kay James, salamat sa Time Path na pinagkadalubhasaan niya. Maaari siyang manatili sa Time Formation ng napakatagal na panahon sa kabila ng pagkakaroon lamang ng sampung minuto sa outer realm.Ng makapasok na siya sa limang-kulay na lawa, naramdaman niya ang nakakatakot na ingay ng labanan sa labas. Hindi niya pinansin ang lahat ng ito at sa halip ay nagpatawag siya ng Time Formation.Ang tubig sa lawa ay napuno ng makulay na mga kulay. Ito ay mystical, dahil naglalaman ito ng napakalaking enerhiya. Sa sandaling makapasok siya sa lawa, bumukas ang lahat ng mga butas sa kanyang katawan, masiglang hinihigop ang enerhiya mula sa lawa. Ang enerhiya ay nagpalusog sa kanyang pisikal na katawan, na nagbukas ng pagbubukas ng kanyang mga pu
Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na
Nasa isang pagkapatas ngayon sina James at Wotan. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw.Kahit na mukhang kalmado si James, ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas. Matapos ipatawag ang Omniscience Path at maabot ang Seventh Stage nito, ang kapangyarihan ni James ay tumaas nang husto, na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng isang lubhang nakakatakot na kapangyarihan. Ang produkto ay isang invisible magnetic field na lumalaban sa pag atake ni Wotan.Wala sa kanila ang gumagalaw, ngunit nagmula ang malalaking enerhiya mula sa dalawang core. Ang sitwasyong ito ay nagpatuloy ng halos isang minuto. Pagkaraan ng isang minuto, naputol ang magnetic field. Sa sandaling ito, ang makintab na talim ay patungo sa utak ni James.Dahil sa mabilis niyang reaksyon, madaling nakaiwas si James sa pag atake. Ang nakabubulag na kapangyarihan ng espada ay sumabog, tumagos sa kawalan at bumubuo ng isang napakalaking black hole. Ang black hole ay agad na nabawi ng mystical power.Sa pag iwas lamang sa sunt
Huminga ng malalim si James. Sa kasalukuyan, kailangan niyang umasa nang husto sa Chaos Power at sa Omniscience Path. Sa mga ganoong sitwasyon, kailangan niyang mag ingat na huwag ilantad ang Chaos Power, dahil makakaapekto ito sa kanyang magiging membership sa Dooms. Sa oras na iyon, hindi alintana kung siya ay matagumpay na pumasa bilang isang miyembro ng Dooms, ang Dooms ay magiging maingat sa kanya at tatanggihan siya sa mas mataas na posisyon. Kahit na kailangan niyang ipagsapalaran ang paglantad ng kanyang pagkatao, hindi dapat ipaalam ni James ang kanyang Chaos Power.Ang pag atake ni Wotan Buster ay nagdulot ng pagkagulat sa hindi mabilang na bilang ng mga buhay na nilalang na natipon sa lugar na ito."Siya ay nabubuhay hanggang sa kanyang pangalan–-ang Chaos Gold Ranking's top ten. Bagama't ang pisikal na lakas ni Forty nine physical ay nasa Quasi Acme Rank, napasok niya ang kanyang dibdib sa isang suntok.""Tsk, tsk, grabeng tao. At ito ay purong lakas, ng hindi gumagamit n
Mayabang si Wotan. Hindi niya kailangan ng anumang kakampi. Ang sinumang gustong makipagsanib pwersa sa kanya ay kailangan munang patunayan ang kanilang halaga."O baka kalabanin mo ako."Lumakas ang boses ni Wotan.Sinulyapan ni James si Leilani at ang iba pa bago tumingin kay Wotan. Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, nagpasya siyang lumaban kay Wotan. Si Wotan ay nasa ika sampung rank sa Chaos Gold Ranking. Gusto niyang makita kung gaano kalakas si Wotan, kung isasaalang alang na ang lahat ay natatakot sa kanya.“Ikaw.”Tinuro ni James si Wotan.Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Wotan. Sa sandaling iyon, isang napakalakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at tumagos sa paligid. Naging sanhi ito ng pagkasira ng kawalan. Isinasaalang alang na ang Planet Desolation ay pinangangalagaan ng kapangyarihan ng formation, hindi pa banggitin na mayroong isang misteryosong tao na kumokontrol sa lahat mula sa likod ng mga eksena, ang espasyo ay lubhang matatag d
Ngayong lumabas na si Wotan na nasa ika sampu sa Chaos Gold Ranking, banta na siya sa lahat.Kahit na naririnig ni Wotan ang mga talakayang ito, hindi niya ito pinansin. Sa halip, sinuri niya ang kanyang paligid at humakbang pasulong, patungo sa Five-color Holy Pond sa gitna.Kahit na mayroong hindi mabilang na mga nabubuhay na nilalang dito, wala sa kanila ang nangahas na kumilos nang walang ingat. Kahit na gusto nilang pigilan si Wotan, hindi sila nangahas na humakbang pasulong, dahil ang pagpukaw kay Wotan ay maaaring mangahulugan ng tiyak na kamatayan.Papalapit ng papalapit si Wotan sa Five-color Holy Pond.Si Leilani, Wynnstand, Sigmund at ang iba pa ay nababalisa. Malungkot ang ekspresyon ni James. Ang paglalaan na ito ay magiging lubhang kapaki pakinabang sa kanya. Kaya naman, hindi niya ito kayang isuko ng ganun ganun lang."Sinusubukan na angkinin ang providence para sa sarili mo? Ano sa tingin mo ang gagawin namin?" Sabi ni James at nagpakita sa ere. Sinalubong ng kanyan
Nakaharap kay Wotan, maging ang ekspresyon ni Leilani ay malungkot. Para sa kanya, kailangan niyang pagsamahin ang lakas ng kanyang grupo para makalaban si Wotan.Sa sandaling iyon, maraming buhay na nilalang ang dumating. Gayunpaman, nang makita si Leilani, Wotan at ang iba pa, napaatras sila at hindi nangahas na lumapit. Si Leilani, Wynnstan, at ang iba pa sa grupo ay hindi kapani paniwalang makapangyarihang mga indibidwal. Gayunpaman, ang presensya ni Wotan ay nagtanim ng takot sa kanilang mga puso.Ng makitang parami ng parami ang mga taong nagkukumpulan dito, napataas ang kilay ni James. Napakaraming tao na ang narito sa maikling panahon. Nag aalala siya na may dadating pa.'Ano ang dapat kong gawin?'Naguguluhan si James.Tiwala siya sa kanyang lakas. Gayunpaman, hindi siya masyadong mapagmataas para maniwala na kaya niyang labanan ang lahat ng pinakamakapangyarihang nilalang sa Greater Realms ng mag isa.Ng makita si Leilani at ang iba pa, naglakad si James palapit sa kani
"Mga kapwa ko kaibigan!"Sa sandaling iyon, muling nagboom ang boses kanina."Maraming providences sa Planet Desolation. Ngayon, ang unang major providence ay lumitaw sa isang limang kulay na pond sa isang bundok. Sa pond, mayroong isang pambihirang Five-color Holy Water. Sa pamamagitan ng pagbababad sa pond, ang iyong pisikal na lakas ay tataas ng mabilis! Ang Five-Color Holy Pond ay napakabihirang, kaya mangyaring huwag hayaan ang isang mapagkukunan ng buhay na sayangin ang maaari."Ng marinig ito ni James ay tuwang tuwa.Sa ibang mga nilalang, ito ay para lamang sa pagpapataas ng pisikal na lakas ng isang tao. Gayunpaman, para kay James, ito ay isang malaking hakbang patungo sa Eight Stage ng Omniscience Path. Sa sandaling tumawid siya sa Eighth Stage ng Omniscience Path, hindi na siya matatakot sa sinumang Acmeans. Kapag naabot na niya ang Ninth Stage, nasa stage na si Soren Plamen, walang nabubuhay na nilalang sa Greater Realms ang makakapatay sa kanya.Tuwang tuwa si James,