Hindi nagpapatalo si Jonathan. Pagkatapos kumuha ng isang herb, kailangan niya lang ng ilang segundo para matukoy ito. Nang kumuha siya nang ilan na may mahina o walang amoy, simple njya itong isinantabi at nagpatuloy. Marami ang nanuod nang maigi. Kinakabahan ang mga emcee. Basa ng pawis ang mga palad ni Thea. Hindi nagtagal, lumipas ang sampung minuto. “Time’s up.”Nang marinig ito, huminto sina James at Jonathan. Tinanggal nila ang piring nila. Habang nakatingin kay James, kampanteng ngumiti si Jonathan. "Ngayon, imbitahan natin ang mga judge sa stage para tiyakin ang resulta." Pagkatapos magsalita ng emcee, maraming dalubhasang doktor ang kaagad na umakyat sa stage. Ang una nilang sinuri ay ang mga sagot ni Jonathan. Hindi sila nagtagal na matapos na markahan ang mga sagot niya. Sa loob lang ng sampung minuto, nakakuha siya ng pitomput walong tamang sagot. Pagkatapos ay si James naman. Pagkatapos makita ang ilang dosenang sagot, kumunot
Nanalo si James. Nanalo talaga siya nang malaki laban kay Jonathan. Nagpalakpakan ang madla. Ngayon, hindi nagtangka ang mga emcee na patahimikin ang lahat. Tumigil lang ang hiyawan pagkatapos ng sampung minuto. Naglaho na ang ngisi kanina ni Jonathan at napalitan ito ng galit na ekspresyon. Hindi siya makapaniwala na mayroong taong ganito kagaling sa medisina. Naniniwala siya na nagsabwatan sina Jay at ang iba pa para pahiyain siya. "Gusto ko ng isa pang round!" Naiinis na sabi ni Jonathan. Nang hindi man lang naapektuhan, lumingon si James sa kanya. "Sige, pwede kang pumili ng kahit na anong gusto mo." "Gagawa tayo ng lason kagaya kanina laban kay Jay. Ngayon, tataasan natin ang bilang ng herbs hanggang sampung libo. Gagamit tayo ng sampung libong herbs at gagawa ng isang lason na iinumin ng kabilang partido." "Sige." Sabi ni James nang walang kahit na anong pagdadalawang-isip. Kinabahan si Thea. Mahina niyang hinila ang manggas ni James at bumulong
Mahaba at manipis ang mga binti niya. Nakakaakit ito sa mga mata. "Wow… Ang ganda niya…" "Ang konti ng damit niya. Diyos ko…" "Ako na ang number one fan niya! Nahulog ako sa kanya."Nagwala ang madla sa sabik at sigla. Habang hawak ang mic, namula ang mukha ni Delilah habang sinabihan niya ang madla. "Ang totoo, hindi pa ako nagsuot nang ganito kaigsi noon. Kahit noong nagsho-shoot kami, likod ko lang ang naipakita ko. Pero tungkulin ko na tumayo hindi lang para sa mamamayan ng Sol, kundi pati rin sa Solean Medicine na pinasa ng mga ninuno natin at pinanatiling buhay hanggang ngayon." "Kaya sana wag niyong isipin na ginagawa ko lang to para magpapansin." Nang marinig ito, tumawa nang malakas ang madla. Hindi napigilan ni Thea na tignan ang katawan ni Delilah. Nakakaakit ang katawan niya at ang mukha niya ay napakaganda. Hindi napigilan ni Thea na ikumpara ang sarili niya kay Delilah. Samantala, may seryosong ekspresyon si Jonathan. Bumulong si Lucas sa ta
Ang makasaysayang laban ay magsisimula na. Ito ay isang laban sa ngalan ng pamana ng kultura. Kapag natalo si James, kailangan nilang kilalanin na ang Goryeon Medicine ang tunay na landas ng medisina. Si Jonathan, sa kabilang banda naman, ay magagamit ang pagkakataon na ito para ikalat ang Goryeon Medicine sa buong mundo. Kailangan manalo ni James. Wala na siyang ibang pagpipilian. Tiningnan ni Kevin ang mga kalahok. “Handa na ba kayo?” “Oo.” “Handa na ako.” Sabay na tumango sila James at Jonathan. “Three… Two… One… Start!” Kaagad na hinalughog si Jonathan ang mga halamang gamot kasama si Lucas. Naghanap sila ng mga halamang gamot habang nag-uusap ng may mahinang boses. May malawak na pagpipilian ng mga halamang gamot. Maraming pwedeng pagpilian pagdating sa paggawa ng lason gamit ng maraming halamang gamot na ito na pwede nilang gamitin. Gustong gumawa nila Jonathan at Lucas ng isag nakamamatay na lason na halos imposibleng gamutin. Samantala, nag-iisip
Bakit niya kailangan ibuwis ang buhay niya para lang sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman? Ang mga bigatin na nanonood sa ilalim ng stage ay nanatiling tahimik. Wala sa kanila ang lumapit para ipahiwatig ang kanilang opinyon tungkol sa bagay na ito. Pati si Jay ay walang sinabi. “Lolo, may masama bang mangyayari?” Aligagang tanong ni Christine. “Ang kakayahan ni Jonathan sa medisina ay mas magaling pa kaysa sa sayo. Kapag sinabi niya na walang lunas sa kanyang lason, totoo yun.” Na may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha, umiling si Jay. “Hindi ko alam.” Iminungkahi ni Christine, “Hindi ba dapat pigilan na natin to? Magkakagulo ang lahat kapag talagang may namatayLalo na, ang buong bansa… Hindi… Ang buong mundo ay pinapanood ito ngayon.” Gusto na ni Jay na tapusin ang kalokohan na to. Subalit, ang kanyang pride ang pumipigil sa kanya. Ang pagpapahinto sa kompetisyon ay katumbas na din ng pagsuko. Nangangahulugan ito na kinikilala nila ang Goryeon Medicine bila
Dahil sa palaging gamit ng mga doktor ang mga hinihingi ni James, naihanda kaagad ang mga ito sa loob lamang ng ilang minuto. Inabot ng mga staff ang lason na gawa ng bawat partido sa kanila. Kinuha ni James ang kanyang parte. Nakalagay ito sa isang transparent na ceramic bottle. May puting pulbos sa loob nito. Binuksan ni James ang bote at nagtaktak ng konting lason sa kanyang kamay. Pagkatapos, inamoy niya ito. Nang makita niya ito, natawa si Jonathan. “Base sa napagkasunduan natin, wala tayong oras para suriin ang lason. Subalit, dahil walang lunas ang aking lason, bibigyan kita ng ilang oras para suriin ito. Wala nga lang itong magagawa para baguhin ang kalalabasan ng kompetisyon na ito.” Tulad ng kanyang sinabi, nilabas niya ang lason ni James. Ng hindi man lang tinitingnan ito, binigay niya ito kay Lucas. Si Lucas ay isang eksperto sa medisina. Ilang dekada na din siyang nagbebenta ng gamot. Sa buong panahon na ito, ilang halamang gamot na din ang sinaliksik niya
”Inumin mo.” Tiningnan ni James ang nag-aalangan na Delilah. Huminga ng malalim si Delilah. Pagkatapos, ininom niya ang baso ng tubig sa isang lagukan lang. Mapait ito. Sa sandaling nilunok niya ang tubig, naramdaman niyang humapdi ang kanyang lalamunan. Sobrang sakit nito. Sa loob lamang ng maikling oras lang, ang makinis niyang balat ay namula. Thud! Bumagsak ang baso sa lapag. Bumagsak si Delilah sa stage. Habang hawak ang kanyang lalamunan, nangisay siya sa lapag. “Ang sakit! Tulong! Sobrang sakit! Mamamatay na ko!” Mabilis na yumuko si James. Hinawakan niya ang pulso nito para kuhaan ito ng pulso. Pagkatapos, inobserbahan niya ang ekspresyon nito at binuksan ang talukap ng mga mata nito. Ang buong proseso ay inabot lamang ng tatlumpung segundo. “Tulungan niyo siyang tumayo at hawakan niyo siya ng maigi.” Mabilis na utos ni James. May ilang babaeng staff ang kaagad na lumapit kay Delilah at hinawakan ito ng maigi. Tumayo si James at kumuha ng ilang karayom
”Thea.” Tinawag niya ito. “Bakit?” Mabilis naman lumapit si Thea. Nahihiyang lumingon palayo si James. “T-Tanggalin mo ang bra niya para sa akin. Pagkatapos, hawakan mo ang bra niya mula sa harapan. Huwag mong hahayaan na malaglag ito sa lapag. Gagamutin ko siya mula sa likuran.” Nag-alangan sandali si Thea. Pagkatapos, tumango siya, “Sige.” Mabilis niyang tianggal ang strap ng bra ni Delilah at pumunta sa harapan nito. Ng sa gayon, kahit na malaglag ang bra niya, ang hubad niyang katawan ay hindi makikita ng lahat. Ibang istorya naman ang hubad na likuran ni Delilah. Kitang kita ito ng mga tao at ng mga manonood sa buong mundo. Mabilis na kinuha ni James ang mga karayom na pilak mula sa likuran ni James. Sa sandaling natanggal ang mga pilak na karayom mula sa kanyang katawan, lumabas ang itim na dugo mula sa butas at dahan-dahan na tumulo pababa sa kanyang katawan. Gamot ang hawak niyang mga karayom na pilak, muling nagsimula si James na kumilos ng mabilis. Hindi na