Dahil sa isa siyang artist na kumikita ng pera para sa kanyang kumpanya, hindi na siya inintindi pa masyado ni James.“James, malamang ay hindi mo alam ang tungkol sa lahat ng mga negosyo na hawak ng Transgenerational Group. Ipapaliwanag ko at ipapakita ko sayo ang lahat ng ito ngayon.”“Sige, gusto kong marinig ang tungkol dito.”Nagpakita ng interes si James.Sinabi ni Scarlett, “Ang Transgenerational Group ay sangkot sa maraming industriya kasma na ang pagkain, fashion, pabahay, transportasyon, entertainment…”Matiyagang ipinaliwanag ni Scarlett ang lahat.Inantok naman si James.Humikab siya at kinaway ang kanyang kamay, ‘Tama na. Ikaw na ang bahala sa mga ito.”Ayaw masangkot ni James sa mga bagay na may kinalaman sa Transgenerational Group.Tinignan niya ang oras at nalaman niya na malapit na palang magtanghali.Nang makita niya na magtatanghali na pala, tumayo na si James at umalis.Sumakay siya sa isang personal elevator na papuntang ground floor.At sa mga oras din
“Tambangan?”Naguluhan si James.Naglakad siya palabas ng normal mula sa elevator, kaya bakit naman bigla na lang siya inakusahan ng pananambang?“Huwag niyo kong akusahan ng isang bagay na hindi ko naman ginawa. Sino ang tumambang sa inyo? Bakit ko naman kayo tatambangan?” Dumilim ang mukha ni James, at sumama ang timpla ng kanyang mukha. Ang Manager ni Kian na si Hellen, ay nilapitan ako at sinampal si James sa mukha.Tinaas ni James ang kanyang kamay para harangin ang kamay nito.“Ang lakas naman ng loob mo na manlaban?”Kaagad na sinigaw ni Hellen, “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Kilala mo ba kung sino ang inatake mo? Ang lalaking ito ay ang sikat na celebrity an si Kian Campbell! Anong balak mong gawin? Gusto mo bang mabulok sa bilangguan?”Maraming mga reporters ang nag-abang sa may labas ng Transgenerational Tower.At ang ilan sa mga ito ay mga reporter na kinuntiyaba ni Hellen. Maraming mga reporter ang dumating sa loob lamang ng ilang minuto sa isang tawag lang
Kaagad siyang pumunta sa top floor. Matagal na din nung sumali siya sa Transgenerational Group, pero hindi pa siya nakapunta ng top floor. Ang top floor ay isang restricted area, at hindi sila pwedeng pumunta doon ng walang pahintulot. Kahit siya ay hindi pwedeng pumunta sa opisina ng chairman kahit na siya ang general manager ng Transgenerational Entertainment.Pumasok siya sa loob ng opisina.Nabigla si Harvey dahil ang opisina ay higit sa 1,000 square meters ang lawak.“M-Ms. Brooks.”Binati niya si Scarlett ng magalang nung nakita niya ito.“Gusto kang makita ni boss.”“Ano?”Medyo naguluhan si Harvey sa mga sinabi ni Scarlett.‘Boss?‘Hindi ba’t si Scarlett ang chairman ng Transgenerational Group? Meron pa bang isa pang boss sa likod niya?’Tinaas niya ang kanyang tingin at nakita si James na nakaupo sa may office chair. ‘Ang lalaking ito na nakasuot ng pangkaraniwang damit ay ang boss sa likod ng Transgenerational Group?’Hindi siya makapaniwala.Subalit, dala
Blacklist?Tuluyang nabigla si Kian.Ano ba talaga ang nangyayari dito?Paano ang isang katulad niya na may hindi kapansin-pansin na itsura na nakasuot ng pangkaraniwang damit ang totoong boss ng Transgenerational Group?Hindi makapaniwala si Kian. “M-Ms. Brooks, isang biro lang ito, tama?”“Layas.”Tinuro ni Harvey ang pinto at pinpalayas sila.Makatwiran siyang tao para makarating sa kinalalagyan niya.Kaagad niyang naunawaan na naagrabyado ni Kian ang behind-the-scenes boss, na naging dahilan kaya ito na-blacklist.“Tanggal ka na, Kian. Wala nang entertainment company ang sa loob ng bansa ang kukuha pa sayo kahit na kailan. Hindi mo na magagawang umarte sa mga pelikula, at wala nang major entertainment programs ang mag-iimbita sayo. Ngayon, umalis ka na kaagad sa lugar na ito.”“M-Mr. Shaw, ako… Kakapirma ko lang ng kontrata…” Tinignan ni Kian si Harvey at sinabi.Hindi na sila pinansin pa ni James at tumayo na para umalis.Nung una, balak niya sanang bumalik para humi
Sa bandang huli, pinakita sa balita ang eksena na kung saan humihingi ng tawad si James.Kaagad na dumilim ang mukha ni Thea matapos niyang makita si James.Napasimangot din si Quincy at sinabi, “Anong ginagawa niya? Ayaw na ba niyang mabuhay? Bakit niya inatake si Kian?”“Ayos ka lang ba, Thea?” Tanong ni Quincy, nang maramdaman niya na parang may mali kay Thea.“A-Ayos lang ako.” Kinaway ni Thea ang kanyang kamay.Ayos na sa kanya para kay James na maging nakakahiya sa bahay.Ngayon naman, pinapahiya na siya nito sa paglitaw nito sa balita.“Thea, hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo, pero hindi karapatdapat si James sayo. Bakit hindi kaya kita ipakilala kay Mr. Watson sa susunod?”“K-Kalimutan mo na lang.” Kinaway ni Thea ang kanyang kamay.“Hay.” Umiling an lang si Quincy at palihim na naawa kay Thea.Tiyak na makakahanap si Thea ng mas mabuting kapareha gamit ng kanyang ganda at talento.Isang malaking pag-aaksaya lang na magpatuloy siya sa pananatili sa tabi ni
Walang babae na papahalagahan ang isang walang kwentang lalaki. Hindi naiiba si Thea. Alam niya na may kakayahan si James. Sa kabila ng lahat ng wala siya, napakahusay niya sa medisina. Kayang-kayang higitan ng kakayahan ni James sa medisina ang higit sa 99% ng mga medical practitioner sa Medical Street ng Cansington. Gayunpaman, napakatamad ni James. Kaya naman, gustong udyukan ni Thea si James. Tumingin siya kay James. Kahit na nakakatukso ang mga sinabi ni Thea, ayaw talaga ni James na maging sikat. Sa wakas ay nagawa na niyang maging isang ordinaryong mamamayan at masayang-masaya siya sa buhay niya ngayon. "Bakit hindi na lang ikaw ang sumali, mahal?" "Anong ibig mong sabihin, James? Sabihin mo na lang na ayaw mo. Anong sinasabi mo na ako na lang ang sumali? Wala akong alam na medical skills at hindi rin ako pamilyar sa medisina. Tsaka, anong ginawa mo ngayong araw? Bakit mo inatake ang isang celebrity at pinahiya mo ang sarili mo sa telebisyon?"Gusto niya talag
Walang pakialam si Thea dito. Ayaw niyang maging masyadong pansinin. Siguradong makakuha ng atensyon ang kotse kapag minaneho niya ito. Hindi nagrereklamo si Thea, kaya hindi na rin gaanong nagsalita si James. Binuksan niya ang pinto ng Maserati at sumakay siya sa driver's seat. Sumakay si Thea sa passenger seat, at nagmadali silang bumyahe sa highway. Ang North Cansington ang katabing siyudad ng Cansington at isa rin ito sa pinakamalaking siyudad ng bansa. Tama lang ang pagmamaneho ni James, hindi ito gaanong mabilis at hindi rin ito gaanong mabagal. Noong makarating sila sa highway, pinanatili niya ang bilis na 120 miles per hour. "James, bumili tayo ng mga regalo kapag nakarating tayo sa downtown North Cansington. Halos sampung taon na akong hindi nakakapunta sa North Cansington at matagal ko nang hindi nakikita ang lolo't lola ko. Tutal ipagdiriwang natin ang kaarawan ng lola ko, hindi tayo pwedeng pumunta dun ng walang dalang kahit ano." Ang sabi ni Thea habang nakaupo
Ang Cansington ang capital ng medicine. Dahil katabi lang ng North Cansington ang Cansington, marami ring mga pharmacy dito. Naglakad-lakad sila James at Thea sa siyudad at pinuntahan nila ang pinakamalaking pharmacy sa North Cansington, ang Primary Pharmacy. Napakalaki ng pharmacy at napakagarbo ng dekorasyon nito. Isang babae na nakasuot ng uniform ng isang nurse ang nakatayo sa may pinto upang batiin sila. Naglakad papasok ang dalawa. Bago sila pumasok sa pinto, naaamoy na nila ang mga gamot. “Welcome.”Ang babaeng nakasuot ng uniform ng nurse ay nakatayo sa may pinto at ngumiti. Binati niya ang mag-asawa ng nakangiti at nagtanong siya, "May hinahanap ba kayong dalawa ngayong araw?""Bibili kami ng wild ginseng." Agad na sinabi ni Thea ang pakay nila. "Sige, please, sumunod kayo sa'kin."Nagtungo ang dalawa sa isang counter kasama ang nurse. May ilang mga kahon na maganda ang pagkakabalot sa may counter. Puno ng ginseng na may pabangong amoy ang mga kahon. "