Kaagad siyang pumunta sa top floor. Matagal na din nung sumali siya sa Transgenerational Group, pero hindi pa siya nakapunta ng top floor. Ang top floor ay isang restricted area, at hindi sila pwedeng pumunta doon ng walang pahintulot. Kahit siya ay hindi pwedeng pumunta sa opisina ng chairman kahit na siya ang general manager ng Transgenerational Entertainment.Pumasok siya sa loob ng opisina.Nabigla si Harvey dahil ang opisina ay higit sa 1,000 square meters ang lawak.“M-Ms. Brooks.”Binati niya si Scarlett ng magalang nung nakita niya ito.“Gusto kang makita ni boss.”“Ano?”Medyo naguluhan si Harvey sa mga sinabi ni Scarlett.‘Boss?‘Hindi ba’t si Scarlett ang chairman ng Transgenerational Group? Meron pa bang isa pang boss sa likod niya?’Tinaas niya ang kanyang tingin at nakita si James na nakaupo sa may office chair. ‘Ang lalaking ito na nakasuot ng pangkaraniwang damit ay ang boss sa likod ng Transgenerational Group?’Hindi siya makapaniwala.Subalit, dala
Blacklist?Tuluyang nabigla si Kian.Ano ba talaga ang nangyayari dito?Paano ang isang katulad niya na may hindi kapansin-pansin na itsura na nakasuot ng pangkaraniwang damit ang totoong boss ng Transgenerational Group?Hindi makapaniwala si Kian. “M-Ms. Brooks, isang biro lang ito, tama?”“Layas.”Tinuro ni Harvey ang pinto at pinpalayas sila.Makatwiran siyang tao para makarating sa kinalalagyan niya.Kaagad niyang naunawaan na naagrabyado ni Kian ang behind-the-scenes boss, na naging dahilan kaya ito na-blacklist.“Tanggal ka na, Kian. Wala nang entertainment company ang sa loob ng bansa ang kukuha pa sayo kahit na kailan. Hindi mo na magagawang umarte sa mga pelikula, at wala nang major entertainment programs ang mag-iimbita sayo. Ngayon, umalis ka na kaagad sa lugar na ito.”“M-Mr. Shaw, ako… Kakapirma ko lang ng kontrata…” Tinignan ni Kian si Harvey at sinabi.Hindi na sila pinansin pa ni James at tumayo na para umalis.Nung una, balak niya sanang bumalik para humi
Sa bandang huli, pinakita sa balita ang eksena na kung saan humihingi ng tawad si James.Kaagad na dumilim ang mukha ni Thea matapos niyang makita si James.Napasimangot din si Quincy at sinabi, “Anong ginagawa niya? Ayaw na ba niyang mabuhay? Bakit niya inatake si Kian?”“Ayos ka lang ba, Thea?” Tanong ni Quincy, nang maramdaman niya na parang may mali kay Thea.“A-Ayos lang ako.” Kinaway ni Thea ang kanyang kamay.Ayos na sa kanya para kay James na maging nakakahiya sa bahay.Ngayon naman, pinapahiya na siya nito sa paglitaw nito sa balita.“Thea, hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo, pero hindi karapatdapat si James sayo. Bakit hindi kaya kita ipakilala kay Mr. Watson sa susunod?”“K-Kalimutan mo na lang.” Kinaway ni Thea ang kanyang kamay.“Hay.” Umiling an lang si Quincy at palihim na naawa kay Thea.Tiyak na makakahanap si Thea ng mas mabuting kapareha gamit ng kanyang ganda at talento.Isang malaking pag-aaksaya lang na magpatuloy siya sa pananatili sa tabi ni
Walang babae na papahalagahan ang isang walang kwentang lalaki. Hindi naiiba si Thea. Alam niya na may kakayahan si James. Sa kabila ng lahat ng wala siya, napakahusay niya sa medisina. Kayang-kayang higitan ng kakayahan ni James sa medisina ang higit sa 99% ng mga medical practitioner sa Medical Street ng Cansington. Gayunpaman, napakatamad ni James. Kaya naman, gustong udyukan ni Thea si James. Tumingin siya kay James. Kahit na nakakatukso ang mga sinabi ni Thea, ayaw talaga ni James na maging sikat. Sa wakas ay nagawa na niyang maging isang ordinaryong mamamayan at masayang-masaya siya sa buhay niya ngayon. "Bakit hindi na lang ikaw ang sumali, mahal?" "Anong ibig mong sabihin, James? Sabihin mo na lang na ayaw mo. Anong sinasabi mo na ako na lang ang sumali? Wala akong alam na medical skills at hindi rin ako pamilyar sa medisina. Tsaka, anong ginawa mo ngayong araw? Bakit mo inatake ang isang celebrity at pinahiya mo ang sarili mo sa telebisyon?"Gusto niya talag
Walang pakialam si Thea dito. Ayaw niyang maging masyadong pansinin. Siguradong makakuha ng atensyon ang kotse kapag minaneho niya ito. Hindi nagrereklamo si Thea, kaya hindi na rin gaanong nagsalita si James. Binuksan niya ang pinto ng Maserati at sumakay siya sa driver's seat. Sumakay si Thea sa passenger seat, at nagmadali silang bumyahe sa highway. Ang North Cansington ang katabing siyudad ng Cansington at isa rin ito sa pinakamalaking siyudad ng bansa. Tama lang ang pagmamaneho ni James, hindi ito gaanong mabilis at hindi rin ito gaanong mabagal. Noong makarating sila sa highway, pinanatili niya ang bilis na 120 miles per hour. "James, bumili tayo ng mga regalo kapag nakarating tayo sa downtown North Cansington. Halos sampung taon na akong hindi nakakapunta sa North Cansington at matagal ko nang hindi nakikita ang lolo't lola ko. Tutal ipagdiriwang natin ang kaarawan ng lola ko, hindi tayo pwedeng pumunta dun ng walang dalang kahit ano." Ang sabi ni Thea habang nakaupo
Ang Cansington ang capital ng medicine. Dahil katabi lang ng North Cansington ang Cansington, marami ring mga pharmacy dito. Naglakad-lakad sila James at Thea sa siyudad at pinuntahan nila ang pinakamalaking pharmacy sa North Cansington, ang Primary Pharmacy. Napakalaki ng pharmacy at napakagarbo ng dekorasyon nito. Isang babae na nakasuot ng uniform ng isang nurse ang nakatayo sa may pinto upang batiin sila. Naglakad papasok ang dalawa. Bago sila pumasok sa pinto, naaamoy na nila ang mga gamot. “Welcome.”Ang babaeng nakasuot ng uniform ng nurse ay nakatayo sa may pinto at ngumiti. Binati niya ang mag-asawa ng nakangiti at nagtanong siya, "May hinahanap ba kayong dalawa ngayong araw?""Bibili kami ng wild ginseng." Agad na sinabi ni Thea ang pakay nila. "Sige, please, sumunod kayo sa'kin."Nagtungo ang dalawa sa isang counter kasama ang nurse. May ilang mga kahon na maganda ang pagkakabalot sa may counter. Puno ng ginseng na may pabangong amoy ang mga kahon. "
Nilabas niya ang kanyang phone at mabilis siyang nagkwenta.“Ang kabuuang halaga nito ay four million three hundred and sixty-eight thousand dollars. Ira-round up ko ito sa four million three hundred thousand dollars.”“Ha!” Tumawa si James.“Hindi mo ba kailangang tingnan muna ang isang bagay bago mo ito bilhin? Scam ba ‘to?”“Tama ka, bata. Kailangan mo itong bilhin pagkatapos mo itong tingnan.”Biglang lumapit ang isang lalaki mula sa di kalayuan.Mukhang nasa thirties na ang lalaking ito. Nakasuot siya ng itim na button-up shirt ngunit mayroon lamang itong dalawang butones at may gintong kwintas na nakasabit sa kanyang leeg. Nakasunod sa likod niya ang dalawang maskuladong lalaki.Maraming mga customer ang lumingon sa kanila James at Thea.Mukhang tuwang-tuwa sila dahil alam nila na magkakaroon ng isang magandang palabas.Lumapit sa kanila ang lalaki, tumingin sa nakabukas na kahon ng ginseng sa mesa, at nakangiting sinabi na, “Ito ang patakaran ng Primary Pharmacy. Hindi
Sinalag ni James ang atake at gumanti siya gamit ng isang sipa. Tumilapon ng ganun-ganun na lang ang malaking lalaki na may timbang na higit pa sa 90 kilograms. Nagdilim ang mukha ni Washington. Gusto nang mamatay ng lalaking ito dahil nangahas siyang bugbugin ang tauhan niya sa teritoryo niya. "Bata, alam mo ba kung nasaan ka ngayon? Ito ang North Cansington. Hindi ko alam kung anong pagkatao ang mayroon ka, pero sa North Cansington, kahit ang isang dragon o tigre ay kailangang yumuko sa harap ko. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad. Baka maisip ko na palampasin ang ginawa mo kapag ginawa mo 'yun." Nagbanta si Washington ng may galit na ekspresyon. Noong nakita niya na muling lalaban si James dahil sa isang gulo, agad siyang hinila ni Thea. "Kalimutan mo na 'yun, mahal."Ayaw nang mag-aksaya ni James ng oras kay Washington. Kaya naman, tumango na lang siya at sumang-ayon. Subalit, nakapako ang mga mata ni Washington sa kagandahan ni Thea. Matangkad siya, maputi ang ka