Sinalag ni James ang atake at gumanti siya gamit ng isang sipa. Tumilapon ng ganun-ganun na lang ang malaking lalaki na may timbang na higit pa sa 90 kilograms. Nagdilim ang mukha ni Washington. Gusto nang mamatay ng lalaking ito dahil nangahas siyang bugbugin ang tauhan niya sa teritoryo niya. "Bata, alam mo ba kung nasaan ka ngayon? Ito ang North Cansington. Hindi ko alam kung anong pagkatao ang mayroon ka, pero sa North Cansington, kahit ang isang dragon o tigre ay kailangang yumuko sa harap ko. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad. Baka maisip ko na palampasin ang ginawa mo kapag ginawa mo 'yun." Nagbanta si Washington ng may galit na ekspresyon. Noong nakita niya na muling lalaban si James dahil sa isang gulo, agad siyang hinila ni Thea. "Kalimutan mo na 'yun, mahal."Ayaw nang mag-aksaya ni James ng oras kay Washington. Kaya naman, tumango na lang siya at sumang-ayon. Subalit, nakapako ang mga mata ni Washington sa kagandahan ni Thea. Matangkad siya, maputi ang ka
Kalamado lamang ang ekspresyon ni James. Sa sandaling ito, pinalabas na ng mga empleyado ang lahat ng mga customer sa loob ng store, tanging sila James at Thea na lamang ang naiwan sa second floor. Stomp, stomp, stomp!Narinig nila ang nga yabag na palapit sa kanila. Di nagtagal, napakaraming tao ang dumating sa second floor. May dalang mga bakal na tubo, mga machete, mga electric baton, at may mga dala pa ngang brick ang iba sa kanila. “Mr. Washington.”Isang lalaki na nasa twenties na ang lumapit at magalang na bumati. Namutla ang mukha ni Thea noong makita niya ang mga armadong lalaki.Samantala, kalmado pa rin ang ekspresyon ni James. Tumawa si Washington at tumayo. "Haha. Bata, ipakita mo sa'kin kung paano ka magyayabang ngayon. Lumuhod ka na agad at humingi ka ng tawad. Pinapangako ko na palalampasin ko ang nangyaring ito pagkatapos kong lumpuhin ang mga binti mo af paglaruan ang asawa mo ng ilang araw. Kung hindi…" Agad na nagdilim ang mukha ni James. Kaya n
Natakot si Thea noong sandaling narinig niya na parating na ang mga pulis.Noong una, hindi siya natatakot na dumating sila.Sila ang nasa tama, at sinusubukan ng pharmacy na lokohin ang mga customer nila, at pinipilit sila na bilhin ang kanilang mga produkto.Subalit, maraming sinaktang tao si James.Hindi malaking problema ang bagay na ito, at hindi rin ito isang maliit na problema.Masasabi na maliit ito dahil maaari itong maayos sa pamamagitan ng ilang salita.Masasabi na seryoso ito dahil maaaring makulong si James dahil sa pakikipaglaban at pananakit sa mga tao.“Anong gagawin natin, mahal? Anong pwede nating gawin? Oh, tama! May mga tauhan ang mga Hill sa military region. Hihingi ako ng tulong sa kanila.”Biglang nagkaroon ng ideya si Thea at gusto niyang tumawag.Agad siyang pinigilan ni James, “Mahal, ayos lang ‘yun. Ayos lang talaga ang lahat. Hindi mo kailangang tumawag ng ibang tao at abalahin sila. Aayusin ko ‘to, okay? Magtiwala ka sa’kin…”Palapit ng palapit an
Tumingin si James sa mga pulis sa harap niya.Labing isa silang lahat, at may hawak na baril ang apat sa kanila. Inabot niya ang kanyang kamay sa likod niya at kumuha siya ng labing isang karayom na gawa sa pilak.Stomp! Stomp! Stomp!Malapit na sa kanya ang mga pulis.Mabilis na kinumpas ni James ang kanyang kamay.Lumipad ang apat na karayom ng parang mga nakatagong sandata at bumaon ang mga ito sa pulso ng apat na pulis.“Argh!!!” Umalingawngaw ang mga sigaw nila.Agad na nahulog sa sahig ang apat na baril.Muling kinumpas ni James ang kanyang kamay.Lumipad ang ilang mga karayom at bumaon ito sa mga katawan ng iba pang mga pulis, tumama ito sa kanilang mga acupuncture point. Namanhid ang mga katawan nila at hindi na sila makagalaw.Nagulat si Dean sa nangyari.Natakot din si Washington.“Anong nangyari?”Natulala din si Thea.Matagal na niyang kasama si James at hindi niya alam na may ganitong kakaibang kakayahan si James sa pakikipaglaban.Nakakagulat na nagawa niya
Hinila ni James si Thea palabas ng Primary Pharmacy.Medyo namroblema si James sa sitwasyon.Paanong nagkaroon ng ganun kalaking problema dahil lang sa pagbili ng ginseng?Umalis sila sa pharmacy at tumayo sila sa tabing kalsada.Hinawi ni Thea ang mga kamay ni James at inunat niya ang kanyang mga kamay.“Ilabas mo na ‘yan.”“Huh?”“Ilabas ang ano?” Nagulat si James at klinaro niya ito kay Thea.“Huwag ka nang magtanga-tangahan. Sa tingin mo ba hindi ko nakita yung itim na card na nilabas mo kanina?”Nilabas ni James ang kanyang Black Dragon identity card, at agad itong kinuha ni Thea mula sa kanya.“General of the Southern Plains.”Tumawa ng malakas si Thea pagkatapos niyang mabasa ang mga nakasulat sa identity card.“Bakit ka tumatawa?”“Wala ka bang magawang matino, James? Sana man lang gumawa ka ng maayos at kapanipaniwalang identity card. Bakit ka gumawa ng pekeng General of the Southern Plains identity card?”Hinawakan ni James ang kanyang ilong.Bago pa siya makap
”Mhm,” Tugon ni James. “Naayos ko na ang problema. Nga pala, ang asawa ko ay tinapon ang identity card ko. Tawagan mo si Chase at ipakuha ito sa kanya. Matapos nito, itago niya ito sa ligtas na lugar.”“Kuha ko. Nasaan ang lugar?”Sinabi ni James ang lokasyon.Binaba ni Daniel ang linya at tinawagan si Chase.Kaagad, si Thea ay nandoon.Nagpunta sila sa parking lot.Tapos, sila ay nagtungo sa bagay ng mga Hill.Samantala, matapos matanggap ang tawag ni Daniel, nagmadali si Chase at nagpunta sa basurahan na sinabi ni Daniel. Kinalkal niya ang basurahan.Ang eksenang ito ay kumuha ng atensyon ng mga dumadaan.“H-Hindi ba one-star general siya? Bakit siya nagkakalkal sa basurahan?”“Hindi pwede.”Sila ay napatunganga.Hindi sila pinansin ni Chase.Kaagad, nakita niya ang itim na identity card. Matapos makumpirma ang may ari nito, huminga siya ng maluwag.“Gaano ba kaignorante ang asawa ng heneral? Paano niya nagawang itapon ang identity card ng Black Dragon sa basurahan?”
Ang uncle ni Thea ay nagngangalang Rigoberto Hills.Siya lang ang nagnenegosyo sa pamilya.Ang kanyang asset ay ilang beses higit kaysa sa mga Callahan.Si Cyrus ay ang tanging anak ni Rigoberto.Matapos na grumaduate, nagtrabaho siya sa kumpanya ng kanyang ama. Ilang taon lang, umangat siya para maging general manager.Ilang pang taon, siya na ang mamamahala sa posisyon ng chairman.Ang iba pa sa mga Hills sinuyo ang pamilya ni Rigoberto.Ginawa nila dahil ang kanilang pamilya ay mapagbigay. Sila ay magbibigay ng pera—walang anumang kapalit—hanggat ang mga Hills ay hiniling ito.Ang perang pinahiram ay dapat may kabuuang isang daang milyon.Tumingin si Rigoberto sa limited-edition na pulang Ferrari sa harap ng villa at tumango. “Hindi masama. Ito ay nagkakahalaga ng dalawampu’t walong milyong dolyar at kinukunsidera na pinakamataas na magarang kotse. Sayo ba ito, David?”“Syempre.”Tinaas ni David ang kanyang ulo.Alam niya na ang pamilya ni Cyrus ay mayaman. Bawat beses n
Tugon ni Xara, “Responsable ako sa pagpasok ng negosyo sa Food Street.”Nagmadaling dinagdag ni Cyrus, “Ganito kasi, Xara. Balak din namin na magtayo ng negosyo sa Transgenerational Group. Subalit, bukas lamang ito sa malalaking corporation sa ngayon. Tutal mataas na rangkong opisyal ka, maaari mong gamitin ang iyong koneksyon para hayaan ang pamilya ko na itatang ang aming sarili doon?” “Umm…”Si Xara ay nasa mahirap na posisyon.Ang patakaran ng kumpanya ay sinasabi na lahat ng anyo ng korapsyon at nepotismo ay pinagbabawal. Kung mahuhuli, ang mga kahihinatnan ay magiging masama.Subalit, hindi niya magagawang tanggihan ang hiling ng kanyang pamilya.Tumingin siya kay James. Nakita na nanatiling tahimik si James, nagisip siya at tumango. “Hindi ko mapagdedesisyonan magisa. Kakausapin ko si Ms. Brooks pagbalik ko.”“Mabuti iyan!” Sinabi ni Cyrus. “Tulad ng inaasahan kay Xara, siya ngayon ay department manager sa Transgenerational Group.”Merong mayabang na tingin si Zacchaeus