Nakahinto ang Pacific Manufacturing Factory. Kinakabahan si Larry. Nakakuha na sila sa wakas ng orders at nagsimulang magtrabaho ulit pero hindi nagtagal ay nagkaroon sila kaagad ng problema. "Ms. Thea, paano mo nagalit si Walter ng Purity Pharmaceuticals? Paano kung manghingi ka ng tawad sa kanya? Tayo ang malulugi kapag nagpatuloy to…" Nainis si Thea. 'Humingi ng tawad? 'Wala akong ginawang mali kaya bakit ako dapat na humingi ng tawad?' naisip ni Thea. "Sige na, bumalik ka muna sa trabaho mo." "Sige." Umalis si Larry. Umupo si Thea sa office chair niya at yumuko sa panlulumo. Wala siyang magawa sa sitwasyong ito. May problema ang kumpanya, pero wala siyang magagawa para baliktarin ang sitwasyon. Nagpasya siyang humingi ng tulong sa misteryosong si Mr. Caden. 'Mang… Manghihingi ako ng tulong sa kanya kahit ngayon lang. 'Hindi ko na siya hahanapin ulit pagkatapos ng isang beses na'to,' inisip ni Thea sa sarili niya. May kumatok sa pinto nang buo na ang
Nakahinga nang maluwag si Walter pagkatapos niyang matanggap ang pera. Papatayin siya ni Dawson sa bugbog pagbalik niya kapag hindi ito tinanggap ni Thea. "Ms. Thea, salamat sa kapatawaran mo. Aalis na ako." Hindi na gusto ni Walter na magtagal doon. Tumingin si Larry kay Walter sa gulat habang binubuhat ito ng mga bodyguard. Nahimasmasan lang siya pagkatapos umalis ni Walter. “M-Ms. Thea…”Kumaway si Thea at nagsabing, "Sige, ayos na ang lahat. Lumabas ka muna. Ilalagay ko ang pera sa account ng kumpanya at gagamitin to bilang expansion funds natin." "Sige." Nagtatakang umalis si Larry. 'Anong nangyayari? 'Nagpadala si Walter ng tao para manggulo kahapon at humingi ng tawad gamit ng three hundred million dollars ngayong araw? 'Kailan pa nawalan ng halaga ang pera para sa kanya?'Umupo si Thea. Inisip niya kung dapat niya bang bisitahin ang Majestic Corporation at pasalamat si Mr. Caden ang personal. Bumalik si Larry sa opisina habang malalim ang iniisip niy
Sa kasamaang palad, hindi pa rin niya nakita ang chairman. Dahil hindi niya siya nakita, hindi na niya gustong manatili sa Majestic Corporation. Kahit na ang Majestic Corporation ay isang malaking korporasyon at may napakataas na ranggo sa Cansington, mas mababa ito kumpara sa Transgenerational Group. May siguradong kinabukasan at pag-unlad ang Transgenerational Group. Hindi siya mananatili sa Majestic Corporation dahil lang sa personal na bagay. Sampung taon na nga ang hinintay niya at wala siyang pakialam kung hahaba pa ito dahil saglit na lang naman bago sila magkita. Nilapitan nila ang isa't-isa sa sandaling nagkita sila. “Ha…”Natawa si Quincy na makita si James na nakasuot ng simpleng damit. Pinagpatong niya ang braso niya sa dibdib niya. "Nagkataon nga naman, James. Nakikita kita kahit saan. Hindi mo ba alam kung saan ka nakatayo ngayon? Anong ginagawa mo rito?" "Hindi ba nag-apply ka sa Majestic Corporation? Bakit ka nandito ngayon?" Sabi ni James nang nakang
Sa may interview room. Isang hindi ganun katanda na lalaki ang nakatanggap ng tawag.“Oo, oo, sige.”Ibinaba niya ang phone at tinignan si Quincy na nakaupo sa kabilang panig niya.Tumayo siya ng nakangiti at sinabi, “Congratulations, Ms. Xyla. Labis na nasiyahan ang chairman sa iyo. Bibigyan ka namin ng tatlong buwan para subukan ang iyong kakayahan bilang vice-president. Paghusayan mo pa at huwag mong bibiguin ang chairman.”“Ano?”Nabigla si Quincy.Inilagay niya sa kanyang resume na nag-aaplay lang siya bilang isang department manager.Bakit bigla na lang siya binigyan ng posisyon bilang vice-president ngayon?Hindi maikukumpara ang vice president ng Transgenerational Group sa Majestic Corporation.Ang kabuuang asset ng Majestic Corporation ay aabot ng higit sa sampung bilyon.Kung ikukumpara ang mga ito, ang assets ng Transgenerational Group ay nasa trilyon. Hindi ito ang kanilang market value pero ang hawak nilang real estates.Kahit na pareho ang posisyon na ito, ma
Kahit saan ka magpunta ay mamaliitin ka ng mga taong may kakayahan. Kaya naman, naghanda si Scarlett ng maraming identity tags para kay James. Kaswal na pinulot ni James ang ilan sa mga ito at tinignan. [Name: James][Position: Chairman of the Transgenerational Group]…[Name: James][Position: Head of Security Department]…[Name: James][Position: General Manager of the Transgenerational Group]…Natawa na lang si James matapos niyang makita ang lahat ng mga identity tags. "Ano naman ang silbi ng lahat ng mga ito, Scarlett? Sa tingin mo ba ay gagamitin ko ang lahat ng ito para lang magpakitang-gilas?""James, ako…" "Ayos lang naman. Alam kong may maganda kang intensyon. Sapat na ang account executive na to. Pwede mo nang ita i ang iba.""Sige."Tumango si Scarlett at itinabi ang identity tag. Hindi na nagtagal si James sa Transgenerational Group at nagdesisyon na umalis na. Sa labas ng Transgenerational Tower. Nakatayo siya sa labas at hindi mapigilan na m
Kian Campbell!Una siyang nag-debut sa isang model show.Gamit ang kanyang talento sa pagkanta at paglitaw sa mga pelikula, mabilis siyang naging pinakasikat na celebrity sa bansa.Ang presyo para gumanap siya bilang bida sa isang pelikula at nagkakahalaga ng 100 milyon, at tanging mga leading roles lang ang tinatanggap niya.Tinignan ni Kian ang mga hindi magkandaugaga na mga babae sa kanyang paligid, at isang masiglang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Pagkatapos, inunat niya ang kanyang kamay para makipag high-five sa kanyang mga tagahanga.“Sige. Hindi ito isang fan meeting. Abala si Kian, at kung niyong kumuha ng litrato, pwede kayong mag-iwan ng mensahe sa kanyang Twitter, at ang maswerteng mananalo ay pipiliin para makasama si Kian sa litrato.”Lumapit ang manager ni Kian.Ilang mga bodyguard ang pumalibot kay Kian at prinotektahan ito habang paalis ito ng Transgenerational Tower sa ilalim ng masiglang hiyawan ng mga tao sa paligid niya. Nilapitan ni James si Quincy a
Dahil sa isa siyang artist na kumikita ng pera para sa kanyang kumpanya, hindi na siya inintindi pa masyado ni James.“James, malamang ay hindi mo alam ang tungkol sa lahat ng mga negosyo na hawak ng Transgenerational Group. Ipapaliwanag ko at ipapakita ko sayo ang lahat ng ito ngayon.”“Sige, gusto kong marinig ang tungkol dito.”Nagpakita ng interes si James.Sinabi ni Scarlett, “Ang Transgenerational Group ay sangkot sa maraming industriya kasma na ang pagkain, fashion, pabahay, transportasyon, entertainment…”Matiyagang ipinaliwanag ni Scarlett ang lahat.Inantok naman si James.Humikab siya at kinaway ang kanyang kamay, ‘Tama na. Ikaw na ang bahala sa mga ito.”Ayaw masangkot ni James sa mga bagay na may kinalaman sa Transgenerational Group.Tinignan niya ang oras at nalaman niya na malapit na palang magtanghali.Nang makita niya na magtatanghali na pala, tumayo na si James at umalis.Sumakay siya sa isang personal elevator na papuntang ground floor.At sa mga oras din
“Tambangan?”Naguluhan si James.Naglakad siya palabas ng normal mula sa elevator, kaya bakit naman bigla na lang siya inakusahan ng pananambang?“Huwag niyo kong akusahan ng isang bagay na hindi ko naman ginawa. Sino ang tumambang sa inyo? Bakit ko naman kayo tatambangan?” Dumilim ang mukha ni James, at sumama ang timpla ng kanyang mukha. Ang Manager ni Kian na si Hellen, ay nilapitan ako at sinampal si James sa mukha.Tinaas ni James ang kanyang kamay para harangin ang kamay nito.“Ang lakas naman ng loob mo na manlaban?”Kaagad na sinigaw ni Hellen, “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Kilala mo ba kung sino ang inatake mo? Ang lalaking ito ay ang sikat na celebrity an si Kian Campbell! Anong balak mong gawin? Gusto mo bang mabulok sa bilangguan?”Maraming mga reporters ang nag-abang sa may labas ng Transgenerational Tower.At ang ilan sa mga ito ay mga reporter na kinuntiyaba ni Hellen. Maraming mga reporter ang dumating sa loob lamang ng ilang minuto sa isang tawag lang