"Eliseo. . ." Nakatulalang sambit ni Akie na nakatingin sa lalaking nakatayo sa kabilang terasa habang ito'y hindi din makapaniwalang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ng lalaking nagngangalang Eliseo ang pagpatak ng luha niya. Ang pagkagulat sa mukha nito'y nagbago bigla, umangat ang gilid ng labi nito na tila ba nasisiyahan pa nang makitang tumulo ang luha niya."What are you doing here, huh, Akie? Hindi ako makapaniwalang dito tayo magkikita," anang binata na ngayo'y matamis na ngumingiti.Napakurap si Akie. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Eliseo. Dapat ba niyang sabihin sa lalaking ito na kasal na siya sa kanyang amo? O sasabihin niya rito ang totoo? Hindi kaya si Eliseo na ang daan para makatakas siya kay Andrew? Ngunit bakit hindi siya nasisiyahan sa isiping iyon?"Akie, babe?" Muling narinig ni Akie ang pagtawag sa kanya ni Eliseo, napakurap siyang muli't napatingin sa lalaki. 'Babe mo mukha mo!'Nagsalubong ang mga kilay niya. "Nagtatrabaho ako dito,
Hindi na pumasok si Andrew sa trabaho sumunod na araw. Wala siyang ganang pumasok, kinansela niya ang meeting na dapat ay gaganapin ng araw na iyon. Masyadong naging big deal sa kanya ang natuklasan tungkol sa ex ni Akie. Nagpa-imbistiga siya dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa posibleng mangyari sa muling pagkikita ng dalawa. Pina-imbistigahan niya si Eliseo, at nalaman niyang pag-aari nga nito ang condo unit na katabi ng unit niya, at kasalukuyang nagbabakasyon ang lalaki sa lugar. Anong swerte pa ng bisogong iyon na magkatabi pa sila ng unit. May kaya rin ito sa buhay, maliban sa pagiging seaman ay may negosyo rin ito na pinalalakad, at kung ano iyon ay wala na siyang balak pang alamin. Alam naman niyang mas lamang siya sa bisogong iyon. Kaya naman kahit madaling araw palang at tiyak na nasa kasarapan pa ng pagtulog ang pinsan niyang si Lyzander sa Pilipinas, ay tinawagan niya ito para offer-an ng malaki—upang bilhin ang kakagawa lang nitong penthouse dito sa Los Angeles. Pa
Sa kasarapan ng pagtulog ni Akie ay kanyang naramdaman ang isang masuyong halik sa kanyang noo. Ang labing iyon ay namamasa-masa pa't naramdaman niya rin ang pagtulo ng tubig sa kanyang pisngi. Sa kanyang pagmulat ay nawala ang taong may gawa niyon, at alam niya kung sino ito dahil dalawa lang naman sila sa penthouse. Bumangon si Akie mula sa kinahihigaang sofa bed, naupo siya't bumaling sa paligid upang hanapin si Andrew subalit hindi niya ito makita. Tiningnan niya ang isang malaking wall clock sa sala, pasado alas dyes na ng umaga, mahigit isang oras siyang nakatulog. Iyon ay dahil masarap ang buga ng aircon at idagdag pa ang bango ng humidifier kaya lalong napasarap ang tulog niya.Narinig ni Akie ang pagtampisak ng tubig mula sa pool doon lamang sa kabilang bahagi ng sala. Tumayo siya't naglakad patungo roon. Nakabukas na ang sliding door, tahimik siyang lumabas mula roon at nang makita niya si Andrew ay nagmistula siyang napako sa kinatatayuan niya, at napaawang ang labi habang
The auction party will be held at Beverly Hills, sa isang luxury hotel. May venue na na pagdarausan nito at lahat nang a-attend doon ay mga billionaires. Isang emerald green ring with a diamond ang ibibida sa gabing iyon, at of course ang siyang makakakuha ay siyang mas bida sa gabing iyon. Isa na sa excited na dumalo ay si Andrew, pero hindi pa sila nakakaalis ng penthouse dahil wala pa si Akie.Hinihintay ni Andrew si Akie sa baba ng hagdan. Nakaayos na siya at ready na para sa auction. Nakasuot siya ng suit at talaga namang mapapabaling sa kanya ang sino mang babaeng madaraanan niya. While waiting for Akie, bumusangot ang mukha ni Andrew. Kanina pa kasi umalis ang mga kinuha niya para mag-ayos sa dalaga pero hanggang ngayo'y hindi pa rin ito bumababa ng hagdan. Gustong-gusto na niyang makita ang dalaga at kanina pa niya tinitikis ang sariling huwag itong silipin sa dressing room kung ano na ba ang nangyayari dito."Damn. . . I hate waiting," he muttered. Sa huli ay nagpasya si And
Kuyom ang mga kamaong nakatitig si Andrew sa walang malay na asawa habang ito'y nakahiga sa patient bed ng isang Hospital. Dinala niya rito ang dalaga matapos niya itong maabutan sa labas ng hotel na nakahandusay na sa semento. Naabutan niya rin ang isang lalaki na tumatakbo palayo sa asawa niya matapos itong may kinuha na kung ano sa asawa niya, at nalaman niya sa huli na ang singsing ni Akie ang pakay ng salarin nang makita niyang wala na ang suot nitong singsing.Hindi maalis sa larawan ni Andrew ang galit na reaksyon niya, hindi dahil sa singsing kundi dahil sa natuklasang lihim ng dalaga.Hindi siya mapakali habang hinihintay ang Doctor na tumingin kay Akie sa loob ng emergency room. Doon niya pinaderetso ang dalaga dahil sa kabang naramdaman niya matapos niya itong makitang nakahandusay na sa labas ng hotel kanina.Nang lumabas ang Doctor ay nakangiti itong bumungad sa kanya.Agad siyang napatayo upang lapitan ito."Doc, how's my wife?"The Doctor smiled at him. "You're nothing t
Nagising si Akie kinabukasan na nasa loob na siya ng silid nila ni Andrew at nakahiga na siya sa kama, pero mag-isa. Wala si Andrew, hindi niya alam kung saan ito natulog pero alam niyang ito ang nagdala sa kanya sa kuwarto dahil wala namang ibang lalaki sa penthouse na ito kundi ang binata lang, hindi rin naman puwedeng si Remia ang magdala sa kanya sa kuwarto dahil hindi siya nito kayang buhatin. Malungkot niyang pinagmasdan ang paligid. Kung dati ay napupuno ito ng halinghing at ungol nila sa ganitong oras, ngayo'y nakakabinging katahimikan na lamang ang maririnig niya. "Hanggang kailan mo ba ako hindi kikibuin, Andrew?" tanong niya sa kawalan.Ilang minuto pa siyang napatulala sa kawalan, wala pa sana siyang balak na umalis sa kama pero nakaramdam siya ng pangangasim ng sikmura kaya naman napilitan siyang magbanyo upang ilabas ang dapat na ilabas.Makalipas ang ilang minuto'y nagpasya si Akie na bumaba upang hanapin si Andrew, pero hindi niya ito nakita, sa halip si Aleng Remia
Nang makarating sa opisina niya'y kaagad nag-utos si Andrew sa secretary niya na ipagtimpla siya nito ng kape. Hindi na siya kakain ng almusal, tanghalian o kahit hapunan dahil wala naman siyang gana. Well, ilang araw na niya itong ginagawa at heto't siya, buhay pa rin naman. Tama na sa kanya ang kape, at alak naman pagkatapos ng trabaho niya. Pumasok ang secretary niyang si Loreen dala ang umuusok pang kape. Napagalitan niya ito nakaraang araw dahil pinipilit siyang kumain muna, eh, sa ayaw niya kaya napagalitan niya ito dahil makulit."Here's your coffee, Sir." Ipinatong ni Loreen ang tasa sa lamesa ng boss niya."Thanks, Loreen. At pasensya ka na sa nangyari nakaraang araw. Now leave me alone at marami pa akong gagawin," kaswal na saad ni Andrew.Si Loreen na sanay na sa ugali ng boss niya ay napailing na lang na tumalikod at napabulong sa hangin. "Nag-sorry nga, suplado naman.""What did you say?" kunot ang noo na sita ni Andrew sa secretary niya."Wala po. Kako inumin niyo na ang
Nakatayo si Akie sa harap ng pintuan ng condo unit ni Eliseo. Nanginginig ang palad na muli siyang kumatok sa isa pang pagkakataon. Habang hinihintay niyang bumukas ang pinto ay naalala na naman niya ang iskandalong ginawa niya kanina sa opisina ni Andrew. Napailing si Akie, pilit na pinapaalala sa isipang hindi niya sinasadyang saktan si Amanda, hindi niya sinasadya ang lahat. Mangiyak-ngiyak siya at puno ng pagsisisi sa kanyang nagawa. Hindi niya alam na buntis ito, kanina lang niya nalaman nang susugurin niya sana si Andrew habang binubuhat nito si Amanda, pero natigilan siya nang makita ang pulang likido na kumakalat sa binti ng dalaga at narinig din niya ang sinabi ng lalaki nang humingi ito ng tulong. Dahil sa labis na pagsisisi dahil sa kanyang ginawa ay nagpasya siyang lisanin ang penthouse habang natutulog ang kasambahay. At ang unang taong naisipan niyang puntahan ay si Eliseo, umaasa siyang nandito pa ang lalaki at hindi pa umuwi ng Pilipinas.Laking pasasalamat ni Akie nan
Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit
PATULOY sa pakikipagpalitan ng bala ang kampo nina Andrew at Cortez, pati na rin ang mga pulis. Si Andrew ay walang takot na susugurin ang mga kalaban kahit na may mga balang nagliliparan sa ere. Si Enton nama'y buong lakas din na lumalaban kahit na may tama na ito ng bala sa kabilang binti. Habang si Cortez nama'y natatarantang utos nang utos sa mga tauhan nito na ubusin na ang lahat ng kalaban at nag-utos na rin sa tauhan na tumawag ng susundong chopper para tumakas. Ang hindi nito alam ay wala nang dadating pa na chopper dahil pinalilibutan na sila ng mga pulis. Balak din ni Cortez na bago ito umalis ay papatayin niya muna si Andrew.Nang magtagpo naman sina Enton at Andrew sa gitna ng labanan ay nagpasya si Enton na magpalit sila ni Andrew ng mascara. Nangako siya kay Akie na siya ang bahala kay Andrew kaya tutuparin niya ang sinabi niya sa dalaga. Nang una ay hindi pumayag si Andrew, pero sa huli ay pumayag din ito. Mas okay raw iyon para malito si Cortez sa kanilang dalawa kung
"DAMN that idiot!"Malakas ang boses at gigil na bulyaw ni Cortez habang mahigpit ang pagkahawak nito sa bote ng whisky. Naroon siya sa isang bahay sa Pampanga kung saan niya dinala noon si Akie dahil nilusob ng mga tauhan ni Enton Delavin ang hotel na tinutuluyan niya. Now he needs to hide para na rin makapag-isip ng bagong plano kung paano ulit dukutin si Akie."Ang lakas ng loob ng Delavin na iyon na patumbahin ang mga tauhan ko. He will pay for it!" Kumuyom ang kamao niya lalo pa nang maalala si Jack. "Isa pa ang lalaking iyon. He betrayed me. Akala ko pa naman hindi niya magagawa na ako'y lokohin, but I'm wrong! He fucking betrayed me! I will kill him!" Malakas niyang inihagis sa pader ang whisky dahilan upang mabasag ang bote. Pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong bote.Pumasok naman ang isa niyang tauhan sa silid kung nasaan siya naroon na may hawak na telepono. Sa tingin niya ay may tawag na para sa kaniya. Nagsalin siya ng alak sa baso bago nagsalita."Who is it?" tanong n
DINALA sa pinakamalapit na Hospital sa Pampanga si Akie. Dahil sa sinapit nito mula kay Cortez ay kinailangan itong tutukan ng doctor lalo't dinugo ito at may posibilidad na manganib ang kaniyang ipinagbubuntis. Unconscious ang dalaga sa mga sandaling iyon at naroon naman si Jack na nakabantay sa kaniya sa loob ng silid, habang ang matandang si Cortez naman ay hinihintay na gumising ang dalaga para papirmahin na sa mga documents. Gusto na niyang malipat sa kaniya ang lahat pero dahil wala pang malay ang babaeng iyon ay maghihintay muna siya. Naghihintay si Cortez ng tawag ni Jack mula sa hotel na tinutuluyan nito sa Pampanga. Ayaw nitong bisitahin si Akie sa hospital at baka manggigil lang siya sa dalaga at mapatay niya ito. May tiwala naman ito kay Jack na hindi nito hahayaan na makatakas ang dalaga, at isa pa ay marami siyang tauhan na nakabantay sa hospital kaya kung patatakasin man ni Jack ang dalaga ay wala pa rin itong kawala. But he's sure that Jack won't betray him dahil hind