Pa review naman po sa story ko na 'to. Salamat po.
Nagising si Akie kinabukasan na nasa loob na siya ng silid nila ni Andrew at nakahiga na siya sa kama, pero mag-isa. Wala si Andrew, hindi niya alam kung saan ito natulog pero alam niyang ito ang nagdala sa kanya sa kuwarto dahil wala namang ibang lalaki sa penthouse na ito kundi ang binata lang, hindi rin naman puwedeng si Remia ang magdala sa kanya sa kuwarto dahil hindi siya nito kayang buhatin. Malungkot niyang pinagmasdan ang paligid. Kung dati ay napupuno ito ng halinghing at ungol nila sa ganitong oras, ngayo'y nakakabinging katahimikan na lamang ang maririnig niya. "Hanggang kailan mo ba ako hindi kikibuin, Andrew?" tanong niya sa kawalan.Ilang minuto pa siyang napatulala sa kawalan, wala pa sana siyang balak na umalis sa kama pero nakaramdam siya ng pangangasim ng sikmura kaya naman napilitan siyang magbanyo upang ilabas ang dapat na ilabas.Makalipas ang ilang minuto'y nagpasya si Akie na bumaba upang hanapin si Andrew, pero hindi niya ito nakita, sa halip si Aleng Remia
Nang makarating sa opisina niya'y kaagad nag-utos si Andrew sa secretary niya na ipagtimpla siya nito ng kape. Hindi na siya kakain ng almusal, tanghalian o kahit hapunan dahil wala naman siyang gana. Well, ilang araw na niya itong ginagawa at heto't siya, buhay pa rin naman. Tama na sa kanya ang kape, at alak naman pagkatapos ng trabaho niya. Pumasok ang secretary niyang si Loreen dala ang umuusok pang kape. Napagalitan niya ito nakaraang araw dahil pinipilit siyang kumain muna, eh, sa ayaw niya kaya napagalitan niya ito dahil makulit."Here's your coffee, Sir." Ipinatong ni Loreen ang tasa sa lamesa ng boss niya."Thanks, Loreen. At pasensya ka na sa nangyari nakaraang araw. Now leave me alone at marami pa akong gagawin," kaswal na saad ni Andrew.Si Loreen na sanay na sa ugali ng boss niya ay napailing na lang na tumalikod at napabulong sa hangin. "Nag-sorry nga, suplado naman.""What did you say?" kunot ang noo na sita ni Andrew sa secretary niya."Wala po. Kako inumin niyo na ang
Nakatayo si Akie sa harap ng pintuan ng condo unit ni Eliseo. Nanginginig ang palad na muli siyang kumatok sa isa pang pagkakataon. Habang hinihintay niyang bumukas ang pinto ay naalala na naman niya ang iskandalong ginawa niya kanina sa opisina ni Andrew. Napailing si Akie, pilit na pinapaalala sa isipang hindi niya sinasadyang saktan si Amanda, hindi niya sinasadya ang lahat. Mangiyak-ngiyak siya at puno ng pagsisisi sa kanyang nagawa. Hindi niya alam na buntis ito, kanina lang niya nalaman nang susugurin niya sana si Andrew habang binubuhat nito si Amanda, pero natigilan siya nang makita ang pulang likido na kumakalat sa binti ng dalaga at narinig din niya ang sinabi ng lalaki nang humingi ito ng tulong. Dahil sa labis na pagsisisi dahil sa kanyang ginawa ay nagpasya siyang lisanin ang penthouse habang natutulog ang kasambahay. At ang unang taong naisipan niyang puntahan ay si Eliseo, umaasa siyang nandito pa ang lalaki at hindi pa umuwi ng Pilipinas.Laking pasasalamat ni Akie nan
Baguio, Philippines Malamig na hangin ang yumakap sa katawan ni Akie mula sa terasa ng malaking bahay na pag-aari ng taong tumulong sa kanya simula nang makabalik siya ng Pilipinas. Si Jenny Delavin at ang asawa nitong si Lyzander na pinsan ni Andrew. Nang una'y ayaw niyang magtiwala sa mag-asawa dahil pamilya ito ni Andrew pero dahil wala na siyang pagtataguan ay tinanggap niya ang tulong ng mag-asawa. "How are you, Akie? Nagugutom ka ba? Sandali na lang talaga at matatapos na ang pagluluto ni Jenny ng pagkain natin," ani Lyzander na nakatayo sa bukana ng pinto ng terasa.Napabaling naman si Akie sa lalaki. Para sa kaniya, itsura pa lang nito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Guwapo lang ito pero mukhang babaero. Napangiwi si Akie sabay iwas ng tingin kay Lyzander."Okay lang ako. Hindi pa naman ako nagugutom," aniya.Naglakad si Lyzander palapit sa kanya at tumigil ito sa isang tabi. Katulad niya'y nakatayo rin ito at nakaharap sa magandang tanawin na nakaharap sa kanila."Alam kong
Kung minsan ang buhay ay talagang hindi maintindihan. Minsa'y nasa itaas, minsan nama'y nasa ibaba. Ika nga nila'y para itong gulong na umiikot-ikot na hindi malaman kung kailan hihinto. Ito ba'y titigil sa nakatakdang oras? O, magpapatuloy lang sa pag-ikot na parang mundo na walang katapusan. Life is short. Matatapos ito sa ayaw at sa gusto mo. Titigil ka sa paghinga kapag tapos na ang oras mo sa mundo at wala kang ibang magagawa kundi tanggapin na hanggang doon na lang talaga, ang buhay mo.Isang itim na kabaong na napapalibutan ng maraming bulaklak ang nakapaligid rito, na siyang center of attention ng lahat ng taong naroon sa loob ng mansiyon ng pamilyang Greyson. Lahat ay maririnig na humihikbi habang nakaupo sa mga nakahilerang upuan at nakatanaw sa kabaong ng nasawi na walang iba kundi si… Andrew Sebastian.Si Andrew na natapos ang buhay dahil sa pagbabaril at pagkasunog ng kotse nito. "Oh. . . God. I-I c-can't b-believe what just h-happened. . ." Elizabeth cried on Daniel's s
Nalilito man ang isipan kung saan siya dadalhin ni Enton ay pinili na lamang ni Akie manahimik habang nakasakay siya sa sasakyan ni Enton. Habang nasa biyahe sila ay hindi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng mama ni Andrew. Masakit ang masisi, pero siguro nga'y tama lamang na sa kaniya isisi ang lahat dahil kasalanan naman talaga niya. Kung hindi siya tumakas, siguro buhay pa rin ngayon si Andrew. Muling umusbong ang mga luha niya sa mga mata. Iisipin pa lang niyang patay na si Andrew ay para na rin siyang pinapatay. Hindi niya malaman kung paano ba ang gagawin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Makakabangon pa ba siya, o baka ikabaliw niya ang pagkawala ng lalaking mahal.Nang makita niyang nakatingin sa kaniya si Enton ay kaagad niyang pinahid ang mga luha. Umiwas siya ng tingin at itinuon sa labas ng bintana ang mga mata. Mula sa labas ng bintana ay nakikita niya ang bundok na nagluluntian dahil sa mga puno, nangunot ang noo niya sapagka't parang pamilyar
MATAGAL pang nakatitig si Enton sa dalang tray bago nito sinagot ang tanong ni Akie. Makikita rin sa mukha nito na wala itong ni anong tinatago sa dalaga at nagsasabi ito ng katotohananan. Napabuntonghininga muna ito bago nagsalita."Hindi ba obvious na kumain ako kaya may dala akong tray?" kunot ang noo na sagot nito sa dalaga na napatitig pa sa hawak na tray."Dito sa garahe? Dito ka kumain?" giit naman Akie na halatang hindi makapaniwala sa naging sagot ni Enton."Bakit masama ba kung dito ako kakain?" Balik-tanong ni Enton na napakamot pa sa batok nito.Nangunot ang noo ni Akie habang pinagkatitigan ng mabuti ang itsura ni Enton. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling pero ewan ba niya pero parang hindi siya kumbinsido sa sagot ng lalaki. Sa lawak naman kasi ng bahay bakit naman nito naisipang kumain sa garahe? Ano, nagtatago lang?Ayaw niya rin mag-isip ng ganoong bagay pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niya pang isipin ang mga ginagawa ni Enton. Sigu
"We have to go back to Manila, Akie." Ang sabi ni Enton matapos ang matagal na pagtitigan nila ni Akie. Si Akie ay napakurap sa kaniyang narinig. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam kay Enton. Ipinilig niya ang ulo. Kinikilabutan siya sa kaniyang mga iniisip. Hindi iyon normal para sa kaniya na magkaroon ng kakaibang damdamin sa lalaking ngayon lamang niya nakasama."N-Ngayon na ba?" aniya."Yes. Bukas na ang libing ni Kuya Andrew kaya kailangan nating bumalik ngayon din." Samu't saring emosyon ang kaagad na naramdaman ni Akie sa kaniyang narinig. Hindi pa siya handa. Bakit ang bilis naman yata ng lahat? Hindi ba puwedeng iburol muna ng isang buwan si Andrew para makasama pa nila ng matagal? Agad nangilid ang luha niya at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Enton. Napabuntonghininga naman ang lalaki."Hihintayin na lang kita sa sala." Wika nito saka siya agad na tinalikuran. Tumango si Akie kahit na hindi na iyon nakita ni E
Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit
PATULOY sa pakikipagpalitan ng bala ang kampo nina Andrew at Cortez, pati na rin ang mga pulis. Si Andrew ay walang takot na susugurin ang mga kalaban kahit na may mga balang nagliliparan sa ere. Si Enton nama'y buong lakas din na lumalaban kahit na may tama na ito ng bala sa kabilang binti. Habang si Cortez nama'y natatarantang utos nang utos sa mga tauhan nito na ubusin na ang lahat ng kalaban at nag-utos na rin sa tauhan na tumawag ng susundong chopper para tumakas. Ang hindi nito alam ay wala nang dadating pa na chopper dahil pinalilibutan na sila ng mga pulis. Balak din ni Cortez na bago ito umalis ay papatayin niya muna si Andrew.Nang magtagpo naman sina Enton at Andrew sa gitna ng labanan ay nagpasya si Enton na magpalit sila ni Andrew ng mascara. Nangako siya kay Akie na siya ang bahala kay Andrew kaya tutuparin niya ang sinabi niya sa dalaga. Nang una ay hindi pumayag si Andrew, pero sa huli ay pumayag din ito. Mas okay raw iyon para malito si Cortez sa kanilang dalawa kung
"DAMN that idiot!"Malakas ang boses at gigil na bulyaw ni Cortez habang mahigpit ang pagkahawak nito sa bote ng whisky. Naroon siya sa isang bahay sa Pampanga kung saan niya dinala noon si Akie dahil nilusob ng mga tauhan ni Enton Delavin ang hotel na tinutuluyan niya. Now he needs to hide para na rin makapag-isip ng bagong plano kung paano ulit dukutin si Akie."Ang lakas ng loob ng Delavin na iyon na patumbahin ang mga tauhan ko. He will pay for it!" Kumuyom ang kamao niya lalo pa nang maalala si Jack. "Isa pa ang lalaking iyon. He betrayed me. Akala ko pa naman hindi niya magagawa na ako'y lokohin, but I'm wrong! He fucking betrayed me! I will kill him!" Malakas niyang inihagis sa pader ang whisky dahilan upang mabasag ang bote. Pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong bote.Pumasok naman ang isa niyang tauhan sa silid kung nasaan siya naroon na may hawak na telepono. Sa tingin niya ay may tawag na para sa kaniya. Nagsalin siya ng alak sa baso bago nagsalita."Who is it?" tanong n
DINALA sa pinakamalapit na Hospital sa Pampanga si Akie. Dahil sa sinapit nito mula kay Cortez ay kinailangan itong tutukan ng doctor lalo't dinugo ito at may posibilidad na manganib ang kaniyang ipinagbubuntis. Unconscious ang dalaga sa mga sandaling iyon at naroon naman si Jack na nakabantay sa kaniya sa loob ng silid, habang ang matandang si Cortez naman ay hinihintay na gumising ang dalaga para papirmahin na sa mga documents. Gusto na niyang malipat sa kaniya ang lahat pero dahil wala pang malay ang babaeng iyon ay maghihintay muna siya. Naghihintay si Cortez ng tawag ni Jack mula sa hotel na tinutuluyan nito sa Pampanga. Ayaw nitong bisitahin si Akie sa hospital at baka manggigil lang siya sa dalaga at mapatay niya ito. May tiwala naman ito kay Jack na hindi nito hahayaan na makatakas ang dalaga, at isa pa ay marami siyang tauhan na nakabantay sa hospital kaya kung patatakasin man ni Jack ang dalaga ay wala pa rin itong kawala. But he's sure that Jack won't betray him dahil hind