Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko na kanina pa tumutunog. Dahan-dahan ko itong inabot sa side table ko at sinagot.
“What?” may irita sa boses kong sabi.“Ang harsh hindi pwedeng hello muna?” reklamo ng nasa kabilang linya.Tinignan ko kung sino ang caller id, si Shona.“What do you want?”“Well, as you can see, tanghali na. Bumangon ka na diyan. Alam kong nakahiga ka pa din.”“I’m still sleepy,” nakasimangot kong sagot as if makikita niya.“I’m going to call Tita Fe,” banta nito.“Don’t you dare!” Nagising bigla ang diwa ko.Paano ba naman kasi, malalaman na naman nilang nanggaling ako sa bar kagabi. Mamaya pagalitan pa ako. Nasa condo ako ngayon and I don’t want to go home yet. May hang-over ako.“Bumangon ka na. May lakad tayo ngayon, remember?”“Huh? Where?” nagtatakang tanong ko.“You forgot!” inis nitong sambit. “It’s our day, today. You’re supposed to be here but there you are! You forgot it!” nagtatampo niyang sambit.Omyyyy!“Shona, I’m sorry wait! I’ll be there. Does Sofia and Aika coming?”“Ikaw nalang wala dito.”Oh crap!Agad akong nagpaalam sa kanya at binaba na ang tawag. Kahit masakit pa ang ulo ko, pinilit ko pa ding magmadali at pumasok sa banyo. Nang matapos akong maligo, medyo nahimasmasan na ako kaunti. Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa walk-in closet ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng white off-shoulder and high waisted pants. Nagsuot lang din ako ng flat shoes and there! I’m ready to go!Agad akong sumakay ng elevator at pagkarating ko sa parking area, sumakay na din ako sa kotse ko at umalis.Nang makarating ako sa bahay nila Shona ay nasa sala sila at nakaupo. We are celebrating our Friendship Day and I, well, forgot it. I felt sorry for them but I know they understand me.“Hey,” bati ko sa kanila.“You’re late,” agad na sabi ni Sofia.“I’m sorry. I’ll make it up to you guys. My treat,” sabi ko.Agad naman silang ngumiti. Ganyan sila, kung sa libre, mabilisan lang mawawala ang tampo nila.“You should,” ani Shona.“So what’s the plan?” tanong ko. I don’t even have the idea of what are we going to do today. Am I that bad already?“I want to watch a movie,” sabi ni Aika.“I want to go shopping,” sabi naman ni Sofia.“I want to eat something delicious,” si Shona.I kind a felt weird pero hinayaan ko lang sila sa gusto nila. My brain isn’t functioning, okay? Masakit pa din ang ulo ko.“Okay, let’s go.” Anyaya ko sa kanila sabay lakad palabas.Ginamit namin ang kotse ko. Si Shona ang nagdrive , ako ang nasa shotgun seat, sina Aika at Sofia naman ang nasa likod.Napagdesisyunan naming sa isang restaurant muna kami di-diretso dahil wala pa akong nakakain mula kanina.Nang makaorder na ay agad kaming kumain. Pagkatapos ay dumiretso kami sa sinehan. Si Aika ang pumili ng papanoorin namin. Horror movie ang napili nito. Noong una ay nagtalo pa sila ni Sofia dahil takot ito sa ganoong palabas. Pero kalaunan ay sumama din ito sa amin sa loob. Nagsisimula na ang palabas nung pumasok kami. Medyo marami naman ang mga nanonood ngayon. Pumwesto kami sa may bandang gitna at si Sofia ay panay ang kapit kay Shona.“What the heck, Sofie! Para kang bata,” suway pa nito sa kanya.“Eh bakit ba kasi ito pa napili ni abnoy.”“Hoy! Narinig ko yun ha,” depensa naman ni Aika.“We’re in a Cinema. Kayo lang naririnig kong maingay,” suway ko sa kanila.Tumahimik naman sila. Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng maramdaman kong may pumwesto sa likod naming mga lalaki. Bale lima sila.“Hi girls,” bati nung isa. Sumulyap naman ang mga kasama ko sa kanila. Pinagsawalang bahala ko muna yung mga lalaki dahil intense part na yung pinapanood namin kung saan tumatakbo yung bida at nang mga kasama nito. Hinahabol sila nung babaeng nakakatakot ang itsura. At wala pa ko sa mood makipagchikahan o makipagflirt sa lalaki ngayon dahil di pa totally natatanggal ang sakit ng ulo ko. Pero nakatulong naman yung kinain ko kanina kahit papaano medyo di na masakit.“Huy," kalabit ni Aika sa akin. Sinulyapan ko naman siya at ininguso niya sa akin ang likuran ko. Umayos ako ng upo bago bumaling sa likuran.
“Hi, Miss,” bati agad nila sa akin.“Yes?” mahinahon kong sambit. Gaya nang sabi ko kanina, wala pa ako sa mood makipagharutan ngayon pero infairness , ang gwa-gwapo nila.“Wala, gusto lang naman naming magpakilala sa inyo.” sagot ng isa.Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Hinayaan ko na lamang na ipakilala nila ako pero nang matapos ang panonood ay lumabas na kami agad para makalayo sa presensya ng mga yun.Aminado akong nanghaharot ako, pero may taste ako. Gwapo nga ng mga yun pero mukha namang mga adik at masyado silang presko.“Ang gwapo ng isa kanina,” komento ni Sofia.Tinaasan ko sila ng kilay.
“Who?”“Yung nakaputi. Yung nakausap mo kanina.”“Type mo?” agad naming tanong ni Shona.“Not really, naastigan lang ako sa kanya.” pag-amin naman niya.“Kain na muna ulit tayo,” anyaya ko sa kanila.Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa isang restaurant. Habang nagkwe-kwentuhan ay nakita kong may pumasok ulit na grupo ng mga kalalakihan. Mas disente na tignan ang mga ito.Napansin ko yung pinakahuling umupo sa kanila. Medyo malapit sa amin ang pwesto kung saan sila umupo.“Oh my ulam!” Sofia said.“Sino mga yan?” tanong ko sa kanila.“Well, famous ang mga yan. Di mo kilala?” nagtatakang tanong pa sa akin ni Aika.“Magtatanong ba naman ako kung alam ko,” sarkastiko kong sagot.“Mag-open ka din kasi minsan sa social media. Puro ka boys,” puna ni Shona.“Hmm, well yung nakablue, siya si Sky. Ofcourse kilala mo na yan as usual, lagi tayong napapadpad sa bar niya eh. Yung---“ Aika.“Yung nakawhite?” putol ko sa sinasabi niya. I don’t care about the other guys na kasama nung nakawhite. Siya ang gusto kong malaman kung ano pangalan niya.“Ahh, that’s Kyle Elis Alvey. He graduated from States pero dito niya napiling magtrabaho kasi nandito ang mga magulang niya,” sabi nito.“You like him?” takang tanong ni Shona.“I like him,” I blurted out without realizing what I just said.Tinawanan ako ng mga kaibigan ko.“Balita ko, medyo suplado daw siya,” sambit ni Sofia.“So, ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya?” tanong ko sabay tingin sa kanilang tatlo. They just shrugged. I might open my social media later then.“Anong malay namin sayo,” si Shona na may halong tukso ang mga ngiti.Tumingin ulit ako sa lalaki bago pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang maubos ko ito ay nag-excuse muna ako sa kanila para magrestroom.Nag-ayos lang ako at naghugas. Nang makalabas ako ay nakita kong naglalakad yung sinasabi nilang Kyle papalapit sa akin. I smiled immediately pero nagulat ako nang lagpasan niya ako.Napahiya ako dun ah! This can’t be! Hinintay ko ang lalaki na lumabas sa restroom. Nang lumipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto. Hinarang ko agad ang braso ko doon at nang-aakit na tumingin sa kanya. Tinignan lang niya ako na parang walang pakialam. At mas ikinagulat ko nung bungguin niya ang kamay ko. Ansakit hah!“Hoy,” tawag ko dito. Napatigil naman ito sa paglalakad at matagal bago ako nilingon.Tinaasan niya ako ng kilay. Naghihintay siguro kung ano ang sasabihin ko.“Bakit mo ako binunggo?!” inis na tanong ko.Walang nagbago sa reaksiyon niya. Ni hindi ko man lang nakitang interesado siya sa akin.“You blocked my way.” Mahinang sagot nito at naglakad na pabalik sa mesa nila.Naiwan akong nakaawang ang labi. Nang makarecover ay inis akong bumalik sa table namin. Hindi na ako tumingin sa pwesto nung lalaki at ng mga kasama niya dahil na sa hiyang naramdaman ko. Pero nakita ko sa gilid ng paningin kong napatingin yung mga lalaki sa akin pati na yung nakaputi pero agad din niyang inalis ang tingin niya. Shit!“Oh, anyare sayo? Ba’t parang pinagtakluban ka ng langit at lupa?” mapang-asar na tanong ni Aika.“Nakita namin galing din sa restroom si Kyle ah,” puna ni Shona.“Let’s go,” inis na sabi ko.Sumunod naman agad sa akin ang mga kaibigan ko dahil dire-diretso lang akong lumabas ng restaurant na yun.Nang mahabol nila ako ay nagtanong sila kung ano ba ang nangyari sa akin sa restroom kanina. Kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari. Pero mas nainis ako dahil pinagtawanan lang nila ako.“I told you, suplado siya,” sabi ni Sofia na tatawa-tawa.“Oh my, I can’t believe this!” sambit naman ni Shona.“What?!” I snapped at her. “First time mong matanggihan sa lalaki,” pagkasabi niya nun ay pinagtawanan na naman nila ako.“Sige asarin niyo pa ako. Bahala kayo sa buhay niyo. Magjeep kayo!” asar nang sabi ko.“Hoy, we’re just joking,” sabi ni Aika na tumatawa pa.“Stop laughing!” saway ko sa kanila.Nang matapos nila akong pagtawanan ay nag-arcade kami para daw makalimutan ko yung nangyari kanina. Nagtaka din sila kung bakit ko ba daw kasi hinarangan sa mismong pintuan. Hindi ko din alam bakit ko nagawa yun. Nag-eenjoy sila sa paglalaro habang ako ay parang sisirain ko na ang isang machine na napagdiskitahan ko dahil sa inis. Di pa rin ako makaget-over.Pagkatapos naming maglaro at magshopping ay inaya ko na silang magbar. Saktong padilim na, pumunta na kami sa paborito naming bar ‘Sky Bar’.Dito kami laging nagba-bar. Laging may special treatment ang mga waiter sa amin. And also, marami akong nakakasalamuhang mga lalaki dito. Baka sakaling makalimutan ko ang nangyari kanina.Nang makapasok kami ay nag-order kami agad nang maiinom. Black Label ang inuna ko. Ilang oras na ang nakalipas at nandito pa din ako sa table naming umiinom pero hindi pa naman ako ganun kalasing. May tama lang kaunti kasi kanina pa ako umiinom. Ang mga kaibigan ko, hindi ko alam saan na sila napadpad. Basta nagpaalam sila sa akin kanina na sasayaw lang sila pero di pa din sila bumabalik.Habang nakaupo ako dito ay may pumasok na mga bagong dating lang na grupo ng mga lalaki. Nakita ko ang isa sa mga nandoon. Nung una hindi ko pa muna ito mamukhaan pero nung maupo sila sa table na malapit sa amin ay doon ko mas nakilala ang taong ito at walang iba kundi yung nasa restaurant kanina. Si suplado. Biglang nawala ang ngiti ko at pinukol ito ng masamang tingin pero bakit ang gwapo niya?Nagulat pa ako nang biglang lumingon ito sa gawi ko. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Ako kaya ang tinignan niya? What the hell! Naaninag kong tumatayo na ito at naglalakad papunta sa pwesto namin. Mayghaaddd!!! Lalapit ba siya sa akin? Hindi na ba niya matiis at gusto na niya ako lapitan? Para ano?!Pero bigla akong nahiya nung nilagpasan lang niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito. Nakita kong dire-diretso ang lakad niya sa lalaking kasama din niya sa restaurant kanina at ito ang may-ari ng bar.“Hey, Sky.” rinig kong sabi nito sa kausap di kalayuan kung saan ako nakaupo. Infairness ang gwapo din ng boses. Nang mapansin kong pabalik na sila sa pwesto nila, yumuko ako. The heck! Hindi naman ako ganito kamalas na pinanganak , diba?I can’t believe this!I can't belive this!Nang bumalik ang mga kaibigan ko sa pwesto namin ay medyo may lumingon pa sa amin dahil sa grabe yung ingay na ginagawa nila. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan nila. At nang sumulyap ako sa kabilang pwesto ay nakatingin din sila sa amin. And worst, Kyle is also looking at me! Teka, bakit sa akin? Eh hindi naman ako maingay gaya ng mga kaibigan ko na parang abnormal kung tumawa. Pero nag-iwas na lang din ako ng tingin. Hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya ngayon dahil sa pinag-gagawa ng mga kaibigan ko."His face is priceless," rinig kong sabi ni Aika habang tumatawa."Yeah, I can't stop laughing, tf!" wika naman ni Shona."Don't tell me, hindi ka umalis sa pwesto mo mula nung umalis kami?" baling sa akin ni Sofia."Yeah, mas gusto ko muna uminom ngayon," sagot ko."Weird," ani Aika at tumango nanan ang dalawa bilang pagsang-ayon.Umiling na lang ako sa kanila at tumawa naman sila dahil sa akin.
Gumising ako ng maaga gaya ng sabi ko kahapon dahil nga pupunta ako sa opisina ngayon. Bumangon na ako kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa alak kagabi.Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Habang naliligo, pumasok sa isip ko ang mga nangyari kahapon. It’s just too weird for me, dahil parang andaming nangyari kahapon.Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa closet ko. Napili kong isuot ang isang blue bodycon dress na hanggang mid-thigh ko lang ang haba. I like the color of this dress kaya binili ko ito sa isang kilalang designer sa bansa.Pagkatapos kong magbihis ay pumasok naman ako sa kusina ng condo ko at nagtimpla lang ng kape and I somehow toasted some bread para naman may laman ang tiyan ko pag-alis. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang magring ang cellphone ko. I picked up my phone and checked the caller id, it’s Dad.‘On the Phone’“Hi,
Gaya nang sabi ko, umuwi nga ako ng hapon sa bahay. Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Mommy na nagluluto ng hapunan.“Hi, Mom.” bati ko sa kanya at niyakap ito.“I miss you baby. Bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong nito.“Mom, alam mo naman may condo ako. Ano pang use nun kung di ko gagamitin, right?” pagrarason ko.“I know but, sana naman umuwi ka ng madalas. It almost 2 weeks kang hindi nagparamdam dito sa bahay.”“Btw, where is Yaya Meding? Bakit ikaw yung nagluluto?” pag-iiba ko ng topic.“Well, pinalinis ko ulit yung kwarto mo. Besides tumawag sa akin kanina ang Dad mo at nabanggit niyang uuwi ka so naisip kong ipagluto kita. Baka lang miss mo na ang luto ko,” sabi nito na ikinangiti ko naman.“Ofcourse, Mom. Kaya nga ako umuwi eh. Where is Dad?” tanong ko.“Hindi pa siya nakauwi, may tinatapos pa daw. Why? May k
Nagtaka naman ako kung sino itong tumawag. Napatingin ulit ako sa screen ng phone ko sabay balik sa tainga ko. “Who’s this?” tanong ko. “I’m sorry, I forgot to introduce. It’s me, Franz. And, kung nagtataka ka kung saan ko kinuha ang number mo, well hiningi ko sa Dad mo. Because I want to talk to you about work,” pakilala nito. Woof, now he got my number. “What is it?” tanong ko naman habang nakakunot ang noo ko. “Much better if you come to my office, if it’s okay with you?” sambit nito. “Sure, wala naman na akong gagawin.” “Good, I’ll hanging up now.” Hindi na ako tumugon pa at hinintay na lamang niya itong tapusin ang tawag. Pinaandar ko na din ang kotse ko pagkatapos nun, at dahil nga gusto ko nang malaman kung ano ang sasabihin ng Franz na yun ay tumungo na lamang ako sa kompanya nila. Mabilis lang din akong nakarating dahil medyo malapit lang naman ang kompanya nila sa coffee shop na pinanggalingan ko. Pagk
Mag-aalas sais na ng hapon nang gisingin ako ng isang kasambahay namin para maghanda na sa dinner. Bumangon naman agad ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Habang pababa ako ng hagdanan ay nakita ko namang pumasok si Mommy sa front door.“Hi, anak.” bati nito.Dali dali akong bumaba at yumakap dito. Nang maghiwalay kami sa yakap ay sakto namang pumasok si Daddy kasunod nito ang kasambahay na sumalubong sa kanila at bitbit ang mga gamit ng mga ito.“Ma’am, Sir handa na po ang dinner niyo,” sabi ni Yaya Meding na nanggaling pa sa kusina.Tumango naman ang mga magulang ko at bumaling sa akin.“Mauna ka na sa dining area, magpapalit lang kami ng Daddy mo.” utos ni Mama.“Okay po,” tugon ko.Nauna na silang umakyat ng hagdanan at ako naman ay dumiretso sa kusina kung saan inaayos na nina Yaya Meding ang mga pagkain sa lamesa. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na ang parents ko a
Umupo naman ako agad sa kanyang harapan. Nilibot ko ang paningin ko sa office niya at masasabi mo talagang ang manly ng dating. Nang dumako naman ang tingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero bigla din nag-iwas ng tingin at binaling ang mata sa computer na nasa parteng gilid ng kanyang mesa. “So, it’s your first day.” Isn’t it obvious?! “Yes, Sir.” pormal kong sagot. “Pinakuha ko pa muna kay Mrs. Apostol ang mga papeles na kailangan kong tignan bago ko ibigay sayo but it take her an hour bago dumating,” paliwanag nito. “Hmm, okay Sir.” tipid kong sagot. Akala ko naman may ibibigay na siyang trabaho sa akin. Pinatawag pa ako, dapat saka nalang ako pinatawag kung nandito na! Reklamo ko sa kaloob-looban ko. “Ipapatawag na lang kita ulit mamaya, you can go back to your office now.” saad niya. Tumango na lamang ako at agad tumayo. Tatalikod na sana ako nang bigla siya ulit magsalita. “But before that,” h
Bago ako pumasok sa loob ay tinawagan ko muna si Shona. Ilang ring pa ang nakalipas bago niya ito nasagot. Rinig ko sa kabilang linya kung gaano kaingay sa loob at napansin ko namang humanap ito ng lugar para mas marinig niya ako.“Hey, nasaan kayo?” tanong ko dito.“Nasa loob, dating pwesto. You came? That’s great! Pumasok ka na, hindi kita masyadong marinig dito.” sagot nito sa akin.“Okay.”“I’ll hang up now.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad naman niyang pinatay ang tawag. Binalik ko ang phone sa wallet ko tsaka naglakad papunta sa entrance ng bar.Hindi ko na kinailangan pang pumila sa labas para makapasok sa loob dahil kilala na ako ng bouncer na nagbabantay sa pintuan.“Hi, Ma’am.” bati pa sa akin ng isang bouncer.“Hello, loverboy.” bati ko din sa kanya at nginitian pa ito bago ako tuluyang pumasok sa loob.Kahit gaano ako kap
Mag-aalas otso na nang pumasok ako sa opisina dahil late ako ng gising. Hindi pa sana ako magigising kung hindi ako pinasok ni Mommy kanina sa kwarto ko. Late na akong nakauwi kagabi at tanging si Yaya Meding na lang ang nagising. As usual pinagsabihan na naman ako ni Mommy kaninang umaga dahil lasing at late daw akong umuwi na nalaman niya kay Yaya.So ayun nga, dali-dali akong bumangon kanina kahit masakit ang ulo ko dahil muntik ko ng makalimutan na may kailangan pala akong ipasa kay Kyle na mga dokumento ngayong umaga. At late na nga ako dahil lagpas na sa 8:00AM ang oras ko. Kaya naman agad akong pumasok sa elevator. Pagkarating ko sa aking opisina ay agad kong kinuha ang mga dokumentong nakapatong sa aking lamesa at lumabas ulit. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng office ni Kyle.Nakita ko naman si Mrs. Apostol na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.“Good morning, Ma’am.” bati nito sa akin.“Go
Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong maconfirmed namin na buntis nga ako. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na may baby sa sinapupunan ko. We even decided na magsama na ni Kyle sa iisang bubong.Matapos niyang malaman na buntis ako ay nagproposed din siya sa akin.Bukas na ang kasal namin. Pinadali na ang kasal para hindi pa visible ang tiyan ko pagnagsuot ako ng gown. I am also excited to my wedding. Sa tatlong linggong nakalipas, mabuti na lamang at naayos din ang kasal. Kahit konti lang yung time ng preparation, nakaya din na maayos dahil marami naman ang tumulong sa amin. Lahat ng family ko na nasa ibang bansa ay umuwi din ng Pilipinas para sa kasal ko.I am happy now dahil makakabuo na ako ng sarili kong family. Si Kyle ay inaasikaso na din yung bahay naming dalawa. Hindi niya sinabi sa akin na may pinatayo na pala siyang bahay matagal na at plano niyang gamitin daw iyon kapag kasal na siya. At ganun na nga ang mangyayari. Everything is perfect f
Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.
Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Kunot noo akong napatingin dito at nakitang tumatawag si Kyle.“Yes?” tanong ko sa kanya.“Nagising ba kita?” tanong naman nito sa akin.“What is it? Ang aga-aga Kyle,” sabi ko sa kanya.“Bakit mo pinatay yung tawag kagabi? Sabi ko huwag mo papatayin,” nagtatampong parang batang saad nito.“Yun lang ba? Pinatay ko yung tawag dahil kailangan ko magcharge at tulog ka na nun,” pagdadahilan ko naman sa kanya.“Naiinis ako,” sabi pa nito. Nagiging childish na naman siya.“Bahala ka, babalik na lang ako sa pagtulog, bye.” sabi ko naman sa kanya at pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo nang tumawag ulit ito pero hindi ko sinagot. Inaantok pa ako.Hindi kalaunan ay napabalikwas ako ng higa nang maalala ko yung meeting namin ngayon. Agad akong napatingin sa orasan ko at may isa’t kal
Kakapasok lang namin sa bahay nila Kyle at bumungad naman sa amin ang nakangiting Mommy nito. Agad din akong napangiti sa kanya. Niyakap niya ako at humalik sa pisngi ko. She’s so lovely.“I miss you, dear.” bati niya sa akin sabay humiwalay sa yakap.“I miss you po tita. How are you po?” tanong ko sa kanya.“I’m doing good, I’ve been waiting for you to come here again,” sabi niya sa akin.“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I’m so amused.“Yeah, pero laging sinasabi ni Kyle sa akin na busy ka.” tugon niya kaya napatingin naman ako kay Kyle.“Wala naman po siyang nababanggit sa akin,” sabi ko habang nakangiti.“Tignan mong lalaki ka, ayaw mo lang ipakita sa akin si Kiarah,” reklamo ng Mommy niya.“Hey, she’s just busy kaya hindi ko siya maaya.” depensa naman niya.“Hindi po
Nang makarating ako sa bahay ay agad bumukas yung pintuan. Nakita kong lumabas si Kyle at hindi maipinta ang mukha nito. Medyo nahihilo naman akong nagpark ng kotse ko at lumabas. Sinalubong naman ako ni Kyle. Siya na din ang nagsara ng pintuan ng kotse ko. Humarap siya sa akin nang maisara na niya ito.“Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin.“Pake mo,” pagtataray ko naman sa kanya.“Nakainom ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi naman ako tumugon sa kanya.“Kiarah, sagutin mo nga ako,” sabi na naman niya kaya naman napatingin ako sa mata niya.“Oh, nandito ka pala,” sabi ko habang nahihilo yung paningin ko.“Ano bang nangyayari sayo? Saan ka ba galing? Bakit lasing ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.“Pwede ba, layuan mo ako,” sambit ko naman at napatigil siya sa sinabi ko.“Pumasok na tayo sa loob,&rdqu
“I love you,” tugon ko din sa kanya. Kinuha niya yung bulaklak at binigay sa akin.“I’m sorry for what I did,” hingi na naman niya ng tawad sa akin.“You’re so sweet,” puna ko.“I know right,” yabang naman niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.“Yabang mo,” sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at kinuha yung wine tsaka ito binuksan. Kinuha naman niya yung dalawang baso doon at nilagyan ng wine ang mga ito. Inabot niya sa akin yung isa.“Cheers,” sambit namin nang sabay at nilagok iyon ng diretso.“You don’t know how much you make me happy today,” sabi ko sa kanya.“Me also,” sabi naman niya.Hinalikan na naman niya ako pero smack lang iyon. Kinuha niya yung blanket sa loob ng sasakyan at nilapag sa harap ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at maliwanag doon. Kinuha na namin isa-isa yung mga pagkain at alak sa kots
Chapter 54Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Agad akong nagmulat at napatingin kay Kyle sa pinaggagawa niya.“Good morning,” malapad ang ngiting bati nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ako ng maluwang dahil okay na kaming dalawa.“Ang aga-aga,” suway ko sa kanya at nag-unan sa braso nito. Nakabalot lamang ako ng kumot. I didn’t expect na gagawin namin iyon nang kakabati lang namin. At hindi ko rin inaasahan na may nangyari sa amin kagabi.“Ready na ang breakfast in bed mo,” sabi nito nang may pilyong ngiti kaya iba naman ang naisip kong kahulugan nito. Pinalo ko siya sa braso dahilan para tawanan niya ako.“Loko ka talaga,” sabi ko pa sa kanya.“Ano bang iniisip mo? Pwede naman kung yun ang gusto mo,” sabi nito habang nang-aakit ang tingin nito.“Tumigil ka nga,” suway ko
Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.“Binabantayan ka,” sagot naman niya.“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis
Dalawang araw ang nakalipas mula noong nagtungo ako dito sa Baguio. Mukhang hindi nga sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko kung nasaan ako dahil wala ni isa sa kanila ang sumunod dito. Hindi rin nila ako nagambala sa tawag dahil ibang number na ang gamit ko. Gabi-gabi naman tumatawag sa akin sina Mommy at Daddy para icheck kung okay lang ako. Alam na din ni Daddy ang sitwasyon namin ni Kyle. Kapag nagkakausap kami ay hindi naman niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. But I don’t have any idea kung nakausap na niya si Kyle at kung ano ang sinabi niya dito.“Aling Tessy, aalis na po muna ako,” paalam ko bago lumabas ng bahay.Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito. May nakita kasi ako sa social media about sa isang coffee shop na sikat dito. Dinadayo pa ito ng mga foreigner. And alam kong medyo bago lang ito kasi wala naman ito noong last na punta ko dito sa Baguio. Namiss ko na din magcoffee sa labas kaya nagdesisyon akong itry iyon.Hindi