Share

Chapter 3

Author: KaptainChazz
last update Last Updated: 2021-09-11 17:47:08

Gumising ako ng maaga gaya ng sabi ko kahapon dahil nga pupunta ako sa opisina ngayon. Bumangon na ako kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa alak kagabi.

Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Habang naliligo, pumasok sa isip ko ang mga nangyari kahapon. It’s just too weird for me, dahil parang andaming nangyari kahapon. 

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa closet ko. Napili kong isuot ang isang blue bodycon dress na hanggang mid-thigh ko lang ang haba. I like the color of this dress kaya binili ko ito sa isang kilalang designer sa bansa.

Pagkatapos kong magbihis ay pumasok naman ako sa kusina ng condo ko at nagtimpla lang ng kape and I somehow toasted some bread para naman may laman ang tiyan ko pag-alis. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang magring ang cellphone ko. I picked up my phone and checked the caller id, it’s Dad.

‘On the Phone’

 “Hi, Dad,” bati ko. 

“Hello, hija. Good morning. Be here at 8:30 AM, okay?” paalala nito sa akin.

“Yes, Dad. Btw, what is this all about? Bigla-bigla niyo nalang ako pinapapunta. I thought next week pa ako magsisimula?”  tanong ko.

“Yes. But I want to introduce you to our new business partner. Ngayong nakauwi na siya ng Pilipinas, he requested na ngayon siya bibisita dito sa kompanya natin and para mapag-usapan na din ang iba pang bagay,” paliwanag naman nito sa akin.                  “So, kailangan na nandito ka. Don’t worry hindi ka naman magsisimula agad. Like what I’d promise, next week ka pa magsisimula.”

“Okay, I get it.”

Pagkatapos nun ay nagpaalam na siyang ibababa ang tawag at sakto naman na natapos na ako sa pagkain ko. It’s 7:59 AM already kaya dali-dali na akong pumasok sa banyo at nag-toothbrush. Then, lumabas na ako ng condo ko.

Siguradong matanda na naman ang bago naming business partner ngayon gaya nung last na may ganito na naman.

Nakarating naman ako agad sa kompanya namin. Pagkapasok ko palang ay marami nang bumati sa akin. Nginitian ko lamang sila at pumasok na sa elevator kung saan diretso sa opisina ni Dad. Nang makarating ako sa opisina ay nandoon na ang secretary ni Dad na bumati naman sa akin at ininform akong pwede na ako pumasok.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang ama ko na nakatingin sa laptop nito. Pero nang maramdaman niya ang presensya ko ay napaangat ito ng tingin at tumayo para yakapin ako.

“I miss my baby girl,” lambing nito.

“Dad, I’m not baby anymore,” nakabusangot na sambit ko na tinawanan naman nito.

“But you’re still my baby no matter what,” inirapan ko naman ang sinabi nito. Luminga-linga ako sa opisina niya.

“I thought nandito na yung bago nating business partner, Dad? And btw, where’s Mom?” takang tanong ko.

“Mr. Albert is here soon. And about your Mom, she’s not coming.”

“What? Why?” tanong ko habang nakakunot ang noo.

“Tinawagan siya ng Tita mo Monique kanina and dahil nga matagal na silang hindi nagkikita, pumayag siya sa anyaya ng tita mo na lumabas muna sila at magbonding. So pumayag na din ako and besides meron ka naman na.”

Magsasalita pa sana ako nang pumasok ang secretary nito.

“Sir, nandito na po yung bisita niyo,” imporma nito.

“Okay, let him in.”

Lumabas naman agad ang secretary nito at nang bumalik ay may kasama na itong isang binata. Nagulat pa ako dahil parang nakita ko na ito. And I didn’t expect na binata pala at hindi matanda. I mean, I’m not sure kung binata pa nga ba ito pero parang oo naman, hindi ata nalalayo ang edad nito sa akin.

Agad naman nakipagkamay si Dad dito at para hindi na din ako magmukhang bastos, lumapit din ako at nakipagkamay.

“She’s my daughter. Wala ang asawa ko ngayon.” Ngumiti naman ang lalaki sa akin at tinanggap ang kamay ko.

“Hi, I’m Franz Albert.”

“Kiarah Chelz Maurer,” simpleng pakilala ko. Hindi nagtagal ang pakikipagkamayan naming dalawa kaya bumaling agad ito sa Dad ko.

“So, kamusta Mr. Maurer?” Tanong nito at umupo sa kabilang sofa na katapat ang Dad ko.

“Mabuti naman, ikaw Mr. Albert?”

Tumawa pa ang lalaki at pasimpleng tumingin sa akin.

“Masyado pong pormal ang Mr. Albert, Franz nalang po. I’m also good, bale kagagaling ko lang States,” magalang nitong sabi. Medyo natawa naman ako dito dahil masyado siyang magalang sa Dad ko parang hindi magiging business partner.

“So, is it okay if we start now?” tanong ko.

“Masyado kang nagmamadali, Miss.” sabi nito at ngumiti ng pagkalawak lawak. 

“Just asking.”

“Well, hintayin pa muna natin ang kasama ko. Medyo nahuli siya ng dating sa akin.”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang secretary ulit ni Dad.

“May naghahanap po sa inyo, Mr. Albert.”

“He must be here. Let him in,” utos nito.

Pagkapasok ng bagong dating ay tumayo naman yung Franz at sumunod si Daddy. Dahil nga hindi ko alam kung ano ang gagawin, gumaya na lamang ako.

Nang mapatingin ako sa likod ng secretary ni Daddy ay ganun na lamang ang gulat ko. It can’t be! How on Earth na napapdpad ito dito?!

Lumabas na ang sekretarya at siya naman ay dire-diretso ang hakbang papunta sa kaibigan nito. Kaya pala parang familiar itong Franz sa akin. Dahil totoong nakita ko na ito. Nagfist bump pa silang dalawa at bumaling ito kay Daddy na di man lang bumabaling sa akin.

“Hi, Sir.” bati nito.

Nakipagkamay naman ang Dad ko at nagpakilala.

“James Maurer.”

“Kyle Elis Alvey, Sir.” 

0___0

Pagkatapos niyang makipagkamay ay saka pa lang bumaling ito sa akin at nilahad ang kamay nito. Nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko ito. Pero dahil baka mapagalitan ako kay Dad, dahan-dahan ko naman itong tinanggap.

“She’s Kiarah Chelz Maurer, dude.”

Yung Franz na ang mismong nagpakilala sa akin sa Kyle na ito. Medyo nagtagal pa ang pagdidikit ng kamay namin at siya na ang unang bumitaw. Nahiya naman ako bigla doon dahil hindi ko namalayan na nakahawak pa pala ako. Tumikhim pa muna ito sabay tingin sa kaibigan nito. 

“So, Mr. Maurer, siya yung tinutukoy ko sa tawag kanina na magiging kasama ko. Actually siya yung inasikaso ko sa States. Siya ang isang may-ari ng company na hawak ko ngayon. And para mas maganda ang pagiging magpartner natin so I decided why not dalhin dito yung isang may-ari.”

“Well, much better then,” pagsang-ayon naman ni Dad.

Bumaling naman sa akin yung Franz.

“What do you think, Ms. Maurer?” Bumaling naman silang lahat sa akin, hinihintay ang sagot ko. Pati si Kyle nakatingin din sa akin. Parang hindi ako makahinga. I’m not prepared. WTH!

“Yeah,” tugon ko na lamang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Good.”

Nagsimula na silang mag-usap about both company and nakikinig lamang kami ni Kyle. Well, nagsasalita naman siya minsan gaya nga ng sabi ni Franz kanina, siya din ang isang may-ari ng company. Ako sadyang tahimik lang sa gilid at walang iniambag na kahit isang salita lang.

Nasa kalagitnaan kami ng meeting nang pumasok ang secretary dala ang apat na kape. Yung tatlo ay gawa lang dito sa opisina habang yung isa naman ay starbucks. As usual, sa akin yung naiiba dahil nga medyo tumatambay ako dito noon, kabisado na nito kung ano ang gusto kong kape. Pagkalapag nito ng mga kape ay lumabas na ito agad.

Gumalaw ako para kunin sana ang kape ko nang bumaling silang tatlo sa akin. Napatigil naman ako at napatingin sa kanila.

Nakakahiya kaya ito. Anong mali? Gusto ko lang naman magkape. Bigla naman tumawa si Franz at sinundan iyon ng tawa ni Dad. Habang yung isa naman ay bumaling na sa ibang direksiyon. Napakunot naman ako ng noo.

“Is there something wrong?” takang tanong ko.

“Nothing. Mahilig ka pala magkape,” ngiting sambit nung Franz.

“Hindi ka nagkamali,” si Dad na ang sumagot.

“Maybe I can invite you to some coffee shop next time, then.” matapang nitong saad kahit nasa harap lang niya si Dad.

Gumalaw naman si Kyle at nabaling sa kanya ang tingin ko. Pinulot niya ang kape nito at humigop. Habang nasa bibig nito ang baso ay nakita kong nasa akin ang tingin niya. Pinagpatuloy ko nalang pulutin din ang kape ko at uminom. Bakit ba ako kinakabahan sa lalaking ito?

Pinagpatuloy nila ang pag-uusap nila at aaminin ko, hindi na ako nakikinig. Kung ano-ano na lang ang ginagawa ko sa upuan ko. Minsan napapatingin sa akin si Kyle pero panandalian lamang iyon. Di nagtagal bumaling na naman ang atensyon nila sa akin.

“What do you think, MS. Maurer?” tanong sa akin ng Franz.

“Huh?” takang tanong ko at bumaling kay Dad.

“We decided na sa company ka namin muna magtatrabaho. It means dun ang opisina mo,” paliwanag ni Franz.

“What?!” medyo napataas ang boses ko doon at tinignan nila ako maigi. Bumaling ako kay Dad.

“Like what Franz said, sa kanila ka muna papasok for the mean time,” si Dad.

“But I thought, napag-usapan na natin ito, Dad?”

“Yeah, but I changed my decision,” saad naman nito sakin.

“But—”

“No buts.” Sabay tayo nilang tatlo. Wala na din ako nagawa kundi tumayo at pinulot ang bag ko.

“So, it settled, then.” Sabi nung Franz at una nang nakipagkamay sa Dad ko bago sa akin. Sumunod naman si Kyle pero hindi na ito nakipagkamay sa akin. Akala ko pa man din magkakamay kami ulit.  His hand fits mine, tho. Pero ganun na lamang ba ito kasuplado at di man lang ulit makipagkamay.

“I’ll go na,” paalam ko sa kanila. “And uuwi ako mamaya, Dad.” Baling ko kay Dad at nang makita kong tumango ito, dali-dali na akong lumabas ng office at hindi na tumingin doon sa dalawa.

This is so frustrating! 

Ang akala ko dito ako mag-oopisina. Hmp!

Sumakay na agad ako ng elevator at pagkarating ko sa labas, pinakuha ko na lamang sa isang guard ang kotse ko. Habang nakatayo ako sa harap ng company namin, bigla naman sumulpot sa gilid ko yung dalawa.

“It’s nice to see you again, Ms. Maurer.” si Franz.

Napabaling naman ako sa kanila at ngumiti ng tipid. Nang tignan ko si Kyle, hindi man lang ito tumingin sa akin ni isang beses. Suplado! Nakita kong naunang sumakay sa kotse si Kyle at sumunod naman si Franz. Kanya-kanya sila ng gamit na sasakyan. Pagkaalis nila ay siya namang dating ng kotse ko. Nagpasalamat ako sa guard at sumakay na. Pinaharurot ko na ito paalis. Uuwi ako ngayon sa bahay, and I need to talk to my Dad.

Related chapters

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 4

    Gaya nang sabi ko, umuwi nga ako ng hapon sa bahay. Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Mommy na nagluluto ng hapunan.“Hi, Mom.” bati ko sa kanya at niyakap ito.“I miss you baby. Bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong nito.“Mom, alam mo naman may condo ako. Ano pang use nun kung di ko gagamitin, right?” pagrarason ko.“I know but, sana naman umuwi ka ng madalas. It almost 2 weeks kang hindi nagparamdam dito sa bahay.”“Btw, where is Yaya Meding? Bakit ikaw yung nagluluto?” pag-iiba ko ng topic.“Well, pinalinis ko ulit yung kwarto mo. Besides tumawag sa akin kanina ang Dad mo at nabanggit niyang uuwi ka so naisip kong ipagluto kita. Baka lang miss mo na ang luto ko,” sabi nito na ikinangiti ko naman.“Ofcourse, Mom. Kaya nga ako umuwi eh. Where is Dad?” tanong ko.“Hindi pa siya nakauwi, may tinatapos pa daw. Why? May k

    Last Updated : 2021-10-01
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 5

    Nagtaka naman ako kung sino itong tumawag. Napatingin ulit ako sa screen ng phone ko sabay balik sa tainga ko. “Who’s this?” tanong ko. “I’m sorry, I forgot to introduce. It’s me, Franz. And, kung nagtataka ka kung saan ko kinuha ang number mo, well hiningi ko sa Dad mo. Because I want to talk to you about work,” pakilala nito. Woof, now he got my number. “What is it?” tanong ko naman habang nakakunot ang noo ko. “Much better if you come to my office, if it’s okay with you?” sambit nito. “Sure, wala naman na akong gagawin.” “Good, I’ll hanging up now.” Hindi na ako tumugon pa at hinintay na lamang niya itong tapusin ang tawag. Pinaandar ko na din ang kotse ko pagkatapos nun, at dahil nga gusto ko nang malaman kung ano ang sasabihin ng Franz na yun ay tumungo na lamang ako sa kompanya nila. Mabilis lang din akong nakarating dahil medyo malapit lang naman ang kompanya nila sa coffee shop na pinanggalingan ko. Pagk

    Last Updated : 2021-10-01
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 6

    Mag-aalas sais na ng hapon nang gisingin ako ng isang kasambahay namin para maghanda na sa dinner. Bumangon naman agad ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Habang pababa ako ng hagdanan ay nakita ko namang pumasok si Mommy sa front door.“Hi, anak.” bati nito.Dali dali akong bumaba at yumakap dito. Nang maghiwalay kami sa yakap ay sakto namang pumasok si Daddy kasunod nito ang kasambahay na sumalubong sa kanila at bitbit ang mga gamit ng mga ito.“Ma’am, Sir handa na po ang dinner niyo,” sabi ni Yaya Meding na nanggaling pa sa kusina.Tumango naman ang mga magulang ko at bumaling sa akin.“Mauna ka na sa dining area, magpapalit lang kami ng Daddy mo.” utos ni Mama.“Okay po,” tugon ko.Nauna na silang umakyat ng hagdanan at ako naman ay dumiretso sa kusina kung saan inaayos na nina Yaya Meding ang mga pagkain sa lamesa. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na ang parents ko a

    Last Updated : 2021-10-02
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 7

    Umupo naman ako agad sa kanyang harapan. Nilibot ko ang paningin ko sa office niya at masasabi mo talagang ang manly ng dating. Nang dumako naman ang tingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero bigla din nag-iwas ng tingin at binaling ang mata sa computer na nasa parteng gilid ng kanyang mesa. “So, it’s your first day.” Isn’t it obvious?! “Yes, Sir.” pormal kong sagot. “Pinakuha ko pa muna kay Mrs. Apostol ang mga papeles na kailangan kong tignan bago ko ibigay sayo but it take her an hour bago dumating,” paliwanag nito. “Hmm, okay Sir.” tipid kong sagot. Akala ko naman may ibibigay na siyang trabaho sa akin. Pinatawag pa ako, dapat saka nalang ako pinatawag kung nandito na! Reklamo ko sa kaloob-looban ko. “Ipapatawag na lang kita ulit mamaya, you can go back to your office now.” saad niya. Tumango na lamang ako at agad tumayo. Tatalikod na sana ako nang bigla siya ulit magsalita. “But before that,” h

    Last Updated : 2021-10-02
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 8

    Bago ako pumasok sa loob ay tinawagan ko muna si Shona. Ilang ring pa ang nakalipas bago niya ito nasagot. Rinig ko sa kabilang linya kung gaano kaingay sa loob at napansin ko namang humanap ito ng lugar para mas marinig niya ako.“Hey, nasaan kayo?” tanong ko dito.“Nasa loob, dating pwesto. You came? That’s great! Pumasok ka na, hindi kita masyadong marinig dito.” sagot nito sa akin.“Okay.”“I’ll hang up now.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad naman niyang pinatay ang tawag. Binalik ko ang phone sa wallet ko tsaka naglakad papunta sa entrance ng bar.Hindi ko na kinailangan pang pumila sa labas para makapasok sa loob dahil kilala na ako ng bouncer na nagbabantay sa pintuan.“Hi, Ma’am.” bati pa sa akin ng isang bouncer.“Hello, loverboy.” bati ko din sa kanya at nginitian pa ito bago ako tuluyang pumasok sa loob.Kahit gaano ako kap

    Last Updated : 2021-10-02
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 9

    Mag-aalas otso na nang pumasok ako sa opisina dahil late ako ng gising. Hindi pa sana ako magigising kung hindi ako pinasok ni Mommy kanina sa kwarto ko. Late na akong nakauwi kagabi at tanging si Yaya Meding na lang ang nagising. As usual pinagsabihan na naman ako ni Mommy kaninang umaga dahil lasing at late daw akong umuwi na nalaman niya kay Yaya.So ayun nga, dali-dali akong bumangon kanina kahit masakit ang ulo ko dahil muntik ko ng makalimutan na may kailangan pala akong ipasa kay Kyle na mga dokumento ngayong umaga. At late na nga ako dahil lagpas na sa 8:00AM ang oras ko. Kaya naman agad akong pumasok sa elevator. Pagkarating ko sa aking opisina ay agad kong kinuha ang mga dokumentong nakapatong sa aking lamesa at lumabas ulit. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng office ni Kyle.Nakita ko naman si Mrs. Apostol na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.“Good morning, Ma’am.” bati nito sa akin.“Go

    Last Updated : 2021-10-02
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 10

    It was a meeting! All the way here, mali pala ako ng iniisip. Akala ko pa naman kaming dalawa lang ang kakain sa restaurant na ito. Buti nalang hindi ako nagtangkang magtanong sa kanya kung date ba ito dahil isang kahihiyan na naman sayo Kiarah! “Hi, you must be Kiarah Chelz Maurer.” Nagtaka naman ako kung bakit niya ako kilala kaya napatingin ako kay Kyle na ngumisi lang sa akin. “Yes, Sir.” Sagot ko sabay nag-aalinlangan kong abot sa kamay nito at ngumiti sa kanya. “I’m Ted Alex,” pakilala nito sa akin. “Nice to meet you, Sir.” Sabi ko naman at iminuwestra niya sa aming dalawa ni Kyle ang upuan. Kaharap namin siya pareho ni Kyle. Siguro hindi nalalayo ang agwat ng edad nito sa Daddy ko base sa physical appearance nito. Nakapang-opisina ito ng suot. Mukhang kagagaling lang din sa kompanya niya. May suot itong salamin at makikita mo ang mga wrinkles nito sa noo. “Let’s get down to business,” agad na sabi ni Kyle pagkaupo nito.

    Last Updated : 2021-10-04
  • Alluring my Interim Boss   Chapter 11

    Nasa byahe na kami pabalik ng opisina nang maisip ko ang sinabi niya kanina. Kaya naman napabaling ako sa kanya. “How come na naging PA mo ako?” tanong ko dito. Napatingin naman siya sa akin pero agad ding binalik ang mata sa daan. “You don’t even have any position in my company, so why not?” sagot naman niya sa akin. “That’s not a valid reason.” I stated. “I don’t also have reasons why not,” giit naman nito. Parang ayaw magpatalo. “I’m going to talk to my Dad about this.” I informed him. “Okay? Hindi rin naman siya magdi-disagree sa mga gusto ko.” “Why not?” pataray kong tanong sa kanya. At pinakita na naman niya sa akin ang ngisi nito. “Look, you’re like a trainee to my company. And your Dad wants you to learn about some other things in business world. So I came up with a decision with your Dad that I’m gonna let you work to my company,” pabitin nitong saad. “And that is?” Curiousity consumed me. “Gawi

    Last Updated : 2021-10-04

Latest chapter

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 60

    Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong maconfirmed namin na buntis nga ako. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na may baby sa sinapupunan ko. We even decided na magsama na ni Kyle sa iisang bubong.Matapos niyang malaman na buntis ako ay nagproposed din siya sa akin.Bukas na ang kasal namin. Pinadali na ang kasal para hindi pa visible ang tiyan ko pagnagsuot ako ng gown. I am also excited to my wedding. Sa tatlong linggong nakalipas, mabuti na lamang at naayos din ang kasal. Kahit konti lang yung time ng preparation, nakaya din na maayos dahil marami naman ang tumulong sa amin. Lahat ng family ko na nasa ibang bansa ay umuwi din ng Pilipinas para sa kasal ko.I am happy now dahil makakabuo na ako ng sarili kong family. Si Kyle ay inaasikaso na din yung bahay naming dalawa. Hindi niya sinabi sa akin na may pinatayo na pala siyang bahay matagal na at plano niyang gamitin daw iyon kapag kasal na siya. At ganun na nga ang mangyayari. Everything is perfect f

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 59

    Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 58

    Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Kunot noo akong napatingin dito at nakitang tumatawag si Kyle.“Yes?” tanong ko sa kanya.“Nagising ba kita?” tanong naman nito sa akin.“What is it? Ang aga-aga Kyle,” sabi ko sa kanya.“Bakit mo pinatay yung tawag kagabi? Sabi ko huwag mo papatayin,” nagtatampong parang batang saad nito.“Yun lang ba? Pinatay ko yung tawag dahil kailangan ko magcharge at tulog ka na nun,” pagdadahilan ko naman sa kanya.“Naiinis ako,” sabi pa nito. Nagiging childish na naman siya.“Bahala ka, babalik na lang ako sa pagtulog, bye.” sabi ko naman sa kanya at pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo nang tumawag ulit ito pero hindi ko sinagot. Inaantok pa ako.Hindi kalaunan ay napabalikwas ako ng higa nang maalala ko yung meeting namin ngayon. Agad akong napatingin sa orasan ko at may isa’t kal

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 57

    Kakapasok lang namin sa bahay nila Kyle at bumungad naman sa amin ang nakangiting Mommy nito. Agad din akong napangiti sa kanya. Niyakap niya ako at humalik sa pisngi ko. She’s so lovely.“I miss you, dear.” bati niya sa akin sabay humiwalay sa yakap.“I miss you po tita. How are you po?” tanong ko sa kanya.“I’m doing good, I’ve been waiting for you to come here again,” sabi niya sa akin.“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I’m so amused.“Yeah, pero laging sinasabi ni Kyle sa akin na busy ka.” tugon niya kaya napatingin naman ako kay Kyle.“Wala naman po siyang nababanggit sa akin,” sabi ko habang nakangiti.“Tignan mong lalaki ka, ayaw mo lang ipakita sa akin si Kiarah,” reklamo ng Mommy niya.“Hey, she’s just busy kaya hindi ko siya maaya.” depensa naman niya.“Hindi po

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 56

    Nang makarating ako sa bahay ay agad bumukas yung pintuan. Nakita kong lumabas si Kyle at hindi maipinta ang mukha nito. Medyo nahihilo naman akong nagpark ng kotse ko at lumabas. Sinalubong naman ako ni Kyle. Siya na din ang nagsara ng pintuan ng kotse ko. Humarap siya sa akin nang maisara na niya ito.“Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin.“Pake mo,” pagtataray ko naman sa kanya.“Nakainom ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi naman ako tumugon sa kanya.“Kiarah, sagutin mo nga ako,” sabi na naman niya kaya naman napatingin ako sa mata niya.“Oh, nandito ka pala,” sabi ko habang nahihilo yung paningin ko.“Ano bang nangyayari sayo? Saan ka ba galing? Bakit lasing ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.“Pwede ba, layuan mo ako,” sambit ko naman at napatigil siya sa sinabi ko.“Pumasok na tayo sa loob,&rdqu

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 55

    “I love you,” tugon ko din sa kanya. Kinuha niya yung bulaklak at binigay sa akin.“I’m sorry for what I did,” hingi na naman niya ng tawad sa akin.“You’re so sweet,” puna ko.“I know right,” yabang naman niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.“Yabang mo,” sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at kinuha yung wine tsaka ito binuksan. Kinuha naman niya yung dalawang baso doon at nilagyan ng wine ang mga ito. Inabot niya sa akin yung isa.“Cheers,” sambit namin nang sabay at nilagok iyon ng diretso.“You don’t know how much you make me happy today,” sabi ko sa kanya.“Me also,” sabi naman niya.Hinalikan na naman niya ako pero smack lang iyon. Kinuha niya yung blanket sa loob ng sasakyan at nilapag sa harap ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at maliwanag doon. Kinuha na namin isa-isa yung mga pagkain at alak sa kots

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 54

    Chapter 54Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Agad akong nagmulat at napatingin kay Kyle sa pinaggagawa niya.“Good morning,” malapad ang ngiting bati nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ako ng maluwang dahil okay na kaming dalawa.“Ang aga-aga,” suway ko sa kanya at nag-unan sa braso nito. Nakabalot lamang ako ng kumot. I didn’t expect na gagawin namin iyon nang kakabati lang namin. At hindi ko rin inaasahan na may nangyari sa amin kagabi.“Ready na ang breakfast in bed mo,” sabi nito nang may pilyong ngiti kaya iba naman ang naisip kong kahulugan nito. Pinalo ko siya sa braso dahilan para tawanan niya ako.“Loko ka talaga,” sabi ko pa sa kanya.“Ano bang iniisip mo? Pwede naman kung yun ang gusto mo,” sabi nito habang nang-aakit ang tingin nito.“Tumigil ka nga,” suway ko

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 53

    Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.“Binabantayan ka,” sagot naman niya.“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis

  • Alluring my Interim Boss   Chapter 52

    Dalawang araw ang nakalipas mula noong nagtungo ako dito sa Baguio. Mukhang hindi nga sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko kung nasaan ako dahil wala ni isa sa kanila ang sumunod dito. Hindi rin nila ako nagambala sa tawag dahil ibang number na ang gamit ko. Gabi-gabi naman tumatawag sa akin sina Mommy at Daddy para icheck kung okay lang ako. Alam na din ni Daddy ang sitwasyon namin ni Kyle. Kapag nagkakausap kami ay hindi naman niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. But I don’t have any idea kung nakausap na niya si Kyle at kung ano ang sinabi niya dito.“Aling Tessy, aalis na po muna ako,” paalam ko bago lumabas ng bahay.Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito. May nakita kasi ako sa social media about sa isang coffee shop na sikat dito. Dinadayo pa ito ng mga foreigner. And alam kong medyo bago lang ito kasi wala naman ito noong last na punta ko dito sa Baguio. Namiss ko na din magcoffee sa labas kaya nagdesisyon akong itry iyon.Hindi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status