Mag-aalas sais na ng hapon nang gisingin ako ng isang kasambahay namin para maghanda na sa dinner. Bumangon naman agad ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Habang pababa ako ng hagdanan ay nakita ko namang pumasok si Mommy sa front door.
“Hi, anak.” bati nito.
Dali dali akong bumaba at yumakap dito. Nang maghiwalay kami sa yakap ay sakto namang pumasok si Daddy kasunod nito ang kasambahay na sumalubong sa kanila at bitbit ang mga gamit ng mga ito.
“Ma’am, Sir handa na po ang dinner niyo,” sabi ni Yaya Meding na nanggaling pa sa kusina.
Tumango naman ang mga magulang ko at bumaling sa akin.
“Mauna ka na sa dining area, magpapalit lang kami ng Daddy mo.” utos ni Mama.
“Okay po,” tugon ko.
Nauna na silang umakyat ng hagdanan at ako naman ay dumiretso sa kusina kung saan inaayos na nina Yaya Meding ang mga pagkain sa lamesa. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na ang parents ko a
Umupo naman ako agad sa kanyang harapan. Nilibot ko ang paningin ko sa office niya at masasabi mo talagang ang manly ng dating. Nang dumako naman ang tingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero bigla din nag-iwas ng tingin at binaling ang mata sa computer na nasa parteng gilid ng kanyang mesa. “So, it’s your first day.” Isn’t it obvious?! “Yes, Sir.” pormal kong sagot. “Pinakuha ko pa muna kay Mrs. Apostol ang mga papeles na kailangan kong tignan bago ko ibigay sayo but it take her an hour bago dumating,” paliwanag nito. “Hmm, okay Sir.” tipid kong sagot. Akala ko naman may ibibigay na siyang trabaho sa akin. Pinatawag pa ako, dapat saka nalang ako pinatawag kung nandito na! Reklamo ko sa kaloob-looban ko. “Ipapatawag na lang kita ulit mamaya, you can go back to your office now.” saad niya. Tumango na lamang ako at agad tumayo. Tatalikod na sana ako nang bigla siya ulit magsalita. “But before that,” h
Bago ako pumasok sa loob ay tinawagan ko muna si Shona. Ilang ring pa ang nakalipas bago niya ito nasagot. Rinig ko sa kabilang linya kung gaano kaingay sa loob at napansin ko namang humanap ito ng lugar para mas marinig niya ako.“Hey, nasaan kayo?” tanong ko dito.“Nasa loob, dating pwesto. You came? That’s great! Pumasok ka na, hindi kita masyadong marinig dito.” sagot nito sa akin.“Okay.”“I’ll hang up now.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad naman niyang pinatay ang tawag. Binalik ko ang phone sa wallet ko tsaka naglakad papunta sa entrance ng bar.Hindi ko na kinailangan pang pumila sa labas para makapasok sa loob dahil kilala na ako ng bouncer na nagbabantay sa pintuan.“Hi, Ma’am.” bati pa sa akin ng isang bouncer.“Hello, loverboy.” bati ko din sa kanya at nginitian pa ito bago ako tuluyang pumasok sa loob.Kahit gaano ako kap
Mag-aalas otso na nang pumasok ako sa opisina dahil late ako ng gising. Hindi pa sana ako magigising kung hindi ako pinasok ni Mommy kanina sa kwarto ko. Late na akong nakauwi kagabi at tanging si Yaya Meding na lang ang nagising. As usual pinagsabihan na naman ako ni Mommy kaninang umaga dahil lasing at late daw akong umuwi na nalaman niya kay Yaya.So ayun nga, dali-dali akong bumangon kanina kahit masakit ang ulo ko dahil muntik ko ng makalimutan na may kailangan pala akong ipasa kay Kyle na mga dokumento ngayong umaga. At late na nga ako dahil lagpas na sa 8:00AM ang oras ko. Kaya naman agad akong pumasok sa elevator. Pagkarating ko sa aking opisina ay agad kong kinuha ang mga dokumentong nakapatong sa aking lamesa at lumabas ulit. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng office ni Kyle.Nakita ko naman si Mrs. Apostol na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.“Good morning, Ma’am.” bati nito sa akin.“Go
It was a meeting! All the way here, mali pala ako ng iniisip. Akala ko pa naman kaming dalawa lang ang kakain sa restaurant na ito. Buti nalang hindi ako nagtangkang magtanong sa kanya kung date ba ito dahil isang kahihiyan na naman sayo Kiarah! “Hi, you must be Kiarah Chelz Maurer.” Nagtaka naman ako kung bakit niya ako kilala kaya napatingin ako kay Kyle na ngumisi lang sa akin. “Yes, Sir.” Sagot ko sabay nag-aalinlangan kong abot sa kamay nito at ngumiti sa kanya. “I’m Ted Alex,” pakilala nito sa akin. “Nice to meet you, Sir.” Sabi ko naman at iminuwestra niya sa aming dalawa ni Kyle ang upuan. Kaharap namin siya pareho ni Kyle. Siguro hindi nalalayo ang agwat ng edad nito sa Daddy ko base sa physical appearance nito. Nakapang-opisina ito ng suot. Mukhang kagagaling lang din sa kompanya niya. May suot itong salamin at makikita mo ang mga wrinkles nito sa noo. “Let’s get down to business,” agad na sabi ni Kyle pagkaupo nito.
Nasa byahe na kami pabalik ng opisina nang maisip ko ang sinabi niya kanina. Kaya naman napabaling ako sa kanya. “How come na naging PA mo ako?” tanong ko dito. Napatingin naman siya sa akin pero agad ding binalik ang mata sa daan. “You don’t even have any position in my company, so why not?” sagot naman niya sa akin. “That’s not a valid reason.” I stated. “I don’t also have reasons why not,” giit naman nito. Parang ayaw magpatalo. “I’m going to talk to my Dad about this.” I informed him. “Okay? Hindi rin naman siya magdi-disagree sa mga gusto ko.” “Why not?” pataray kong tanong sa kanya. At pinakita na naman niya sa akin ang ngisi nito. “Look, you’re like a trainee to my company. And your Dad wants you to learn about some other things in business world. So I came up with a decision with your Dad that I’m gonna let you work to my company,” pabitin nitong saad. “And that is?” Curiousity consumed me. “Gawi
Nasa kwarto na ako nagpapahinga. Katatapos lang dinner namin ng family ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko nang makatanggap ako ng isang text message mula kay Sofia. From: Sofia Kailan ka free? Labas tayo, my treat. To: Sofia I don’t know yet, tignan ko bukas. Ano meron? Reply ko sa kanya. Hindi nagtagal ay nagreply din ito ulit na natanggap siya sa trabaho at gusto niyang icelebrate iyon. To: Sofia Congrats, Sis. Let’s see kung pwede ako bukas ng gabi. Nagreply na lang siya ng ‘okay’. Hindi na din ako tumugon pa pagkatapos nun. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang tumunog ito hudyat na may tumatawag sa akin. Nagtaka naman ako nang makita kong unregistered number lang ito. Kaya naman tinitigan ko pa muna ito at hindi sinagot. Hinayaan ko lang na tumunog iyon hanggang sa namatay na ito. Nilapag ko siya sa tabi ko. Di kalaunan ay tumunog na naman ito at parehong number pa din ang nasa screen. Nang mamatay ang
“Meeting adjourned,” anunsiyo ni Kyle sa lahat. Nang matapos ang meeting ay agad naman silang nagsitayo. Naunang lumabas ang mga board members at iba pang mga head ng iba’t ibang department ng company na iyon. Ang tanging natira lamang ay ako, si Mrs. Apostol at si Kyle. Inaayos ni Mrs. Apostol ang mga projector na mga ginamit habang ako at si Kyle naman ay nakaupo pa din sa pwesto namin. Nagbabasa si Kyle sa mga documents na mga nagamit kanina. Habang ako naman ay inaayos ang mga naisulat ko tungkol sa meeting. Dahil inutusan lang naman ako ng dakilang suplado na katabi ko ngayon na magtake note ng mga important details tungkol sa mga napagmeetingan kanina. Nang matapos niya ang ginagawa niya ay bumaling naman ito sa akin at nilahad ang kamay nito. Holding hands ba ang nais? Syempre hindi. Hinihingi lang sa akin ang notes ko kaya naman inabot ko sa kanya at nagsimula na siyang icheck ito ng nakakunot. Nang makita kong hindi pa tapos si Mrs. Apostol sa pag-aa
Gabi na nang maisipan naming pumasok sa bar. Gustuhin ko mang sabihin sa mga kaibigan ko na lumipat muna sa ibang bar dahil baka makita ko lang ulit si Kyle dito pero nakapagreserved na sila. Atsaka ayoko namang isipin nila na umiiwas ako kay Kyle. Naguguluhan din ako kung bakit ganito ako ngayon gayong alam ko naman na gusto ko lang siya kasi hot siya sa paningin ko at sa kanya ko lang nararamdaman ang thrill. “Hello, Ma’am.” bati sa amin ng bouncer sa pinto. Tinanguan at nginitian na lang namin siya. “We’re here again,” banggit ni Aika nang makaupo kami sa table namin. Agad naman dumating ang waiter at saka binigay ang mga nakareserved naming drinks. “Okay, let’s begin our party! CHEERS!” Sigaw ni Sofia nang masalinan isa-isa ang mga baso namin ng alak. “Cheers!” Ani Aika. “Congrats!” sabay naman naming sabi ni Shona. Nagtawanan pa kami. Tumayo kami at sabay-sabay naming ininom ang mga alak. “You guys are having some fun, huh
Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong maconfirmed namin na buntis nga ako. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na may baby sa sinapupunan ko. We even decided na magsama na ni Kyle sa iisang bubong.Matapos niyang malaman na buntis ako ay nagproposed din siya sa akin.Bukas na ang kasal namin. Pinadali na ang kasal para hindi pa visible ang tiyan ko pagnagsuot ako ng gown. I am also excited to my wedding. Sa tatlong linggong nakalipas, mabuti na lamang at naayos din ang kasal. Kahit konti lang yung time ng preparation, nakaya din na maayos dahil marami naman ang tumulong sa amin. Lahat ng family ko na nasa ibang bansa ay umuwi din ng Pilipinas para sa kasal ko.I am happy now dahil makakabuo na ako ng sarili kong family. Si Kyle ay inaasikaso na din yung bahay naming dalawa. Hindi niya sinabi sa akin na may pinatayo na pala siyang bahay matagal na at plano niyang gamitin daw iyon kapag kasal na siya. At ganun na nga ang mangyayari. Everything is perfect f
Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.
Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Kunot noo akong napatingin dito at nakitang tumatawag si Kyle.“Yes?” tanong ko sa kanya.“Nagising ba kita?” tanong naman nito sa akin.“What is it? Ang aga-aga Kyle,” sabi ko sa kanya.“Bakit mo pinatay yung tawag kagabi? Sabi ko huwag mo papatayin,” nagtatampong parang batang saad nito.“Yun lang ba? Pinatay ko yung tawag dahil kailangan ko magcharge at tulog ka na nun,” pagdadahilan ko naman sa kanya.“Naiinis ako,” sabi pa nito. Nagiging childish na naman siya.“Bahala ka, babalik na lang ako sa pagtulog, bye.” sabi ko naman sa kanya at pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo nang tumawag ulit ito pero hindi ko sinagot. Inaantok pa ako.Hindi kalaunan ay napabalikwas ako ng higa nang maalala ko yung meeting namin ngayon. Agad akong napatingin sa orasan ko at may isa’t kal
Kakapasok lang namin sa bahay nila Kyle at bumungad naman sa amin ang nakangiting Mommy nito. Agad din akong napangiti sa kanya. Niyakap niya ako at humalik sa pisngi ko. She’s so lovely.“I miss you, dear.” bati niya sa akin sabay humiwalay sa yakap.“I miss you po tita. How are you po?” tanong ko sa kanya.“I’m doing good, I’ve been waiting for you to come here again,” sabi niya sa akin.“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I’m so amused.“Yeah, pero laging sinasabi ni Kyle sa akin na busy ka.” tugon niya kaya napatingin naman ako kay Kyle.“Wala naman po siyang nababanggit sa akin,” sabi ko habang nakangiti.“Tignan mong lalaki ka, ayaw mo lang ipakita sa akin si Kiarah,” reklamo ng Mommy niya.“Hey, she’s just busy kaya hindi ko siya maaya.” depensa naman niya.“Hindi po
Nang makarating ako sa bahay ay agad bumukas yung pintuan. Nakita kong lumabas si Kyle at hindi maipinta ang mukha nito. Medyo nahihilo naman akong nagpark ng kotse ko at lumabas. Sinalubong naman ako ni Kyle. Siya na din ang nagsara ng pintuan ng kotse ko. Humarap siya sa akin nang maisara na niya ito.“Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin.“Pake mo,” pagtataray ko naman sa kanya.“Nakainom ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi naman ako tumugon sa kanya.“Kiarah, sagutin mo nga ako,” sabi na naman niya kaya naman napatingin ako sa mata niya.“Oh, nandito ka pala,” sabi ko habang nahihilo yung paningin ko.“Ano bang nangyayari sayo? Saan ka ba galing? Bakit lasing ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.“Pwede ba, layuan mo ako,” sambit ko naman at napatigil siya sa sinabi ko.“Pumasok na tayo sa loob,&rdqu
“I love you,” tugon ko din sa kanya. Kinuha niya yung bulaklak at binigay sa akin.“I’m sorry for what I did,” hingi na naman niya ng tawad sa akin.“You’re so sweet,” puna ko.“I know right,” yabang naman niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.“Yabang mo,” sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at kinuha yung wine tsaka ito binuksan. Kinuha naman niya yung dalawang baso doon at nilagyan ng wine ang mga ito. Inabot niya sa akin yung isa.“Cheers,” sambit namin nang sabay at nilagok iyon ng diretso.“You don’t know how much you make me happy today,” sabi ko sa kanya.“Me also,” sabi naman niya.Hinalikan na naman niya ako pero smack lang iyon. Kinuha niya yung blanket sa loob ng sasakyan at nilapag sa harap ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at maliwanag doon. Kinuha na namin isa-isa yung mga pagkain at alak sa kots
Chapter 54Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Agad akong nagmulat at napatingin kay Kyle sa pinaggagawa niya.“Good morning,” malapad ang ngiting bati nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ako ng maluwang dahil okay na kaming dalawa.“Ang aga-aga,” suway ko sa kanya at nag-unan sa braso nito. Nakabalot lamang ako ng kumot. I didn’t expect na gagawin namin iyon nang kakabati lang namin. At hindi ko rin inaasahan na may nangyari sa amin kagabi.“Ready na ang breakfast in bed mo,” sabi nito nang may pilyong ngiti kaya iba naman ang naisip kong kahulugan nito. Pinalo ko siya sa braso dahilan para tawanan niya ako.“Loko ka talaga,” sabi ko pa sa kanya.“Ano bang iniisip mo? Pwede naman kung yun ang gusto mo,” sabi nito habang nang-aakit ang tingin nito.“Tumigil ka nga,” suway ko
Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.“Binabantayan ka,” sagot naman niya.“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis
Dalawang araw ang nakalipas mula noong nagtungo ako dito sa Baguio. Mukhang hindi nga sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko kung nasaan ako dahil wala ni isa sa kanila ang sumunod dito. Hindi rin nila ako nagambala sa tawag dahil ibang number na ang gamit ko. Gabi-gabi naman tumatawag sa akin sina Mommy at Daddy para icheck kung okay lang ako. Alam na din ni Daddy ang sitwasyon namin ni Kyle. Kapag nagkakausap kami ay hindi naman niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. But I don’t have any idea kung nakausap na niya si Kyle at kung ano ang sinabi niya dito.“Aling Tessy, aalis na po muna ako,” paalam ko bago lumabas ng bahay.Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito. May nakita kasi ako sa social media about sa isang coffee shop na sikat dito. Dinadayo pa ito ng mga foreigner. And alam kong medyo bago lang ito kasi wala naman ito noong last na punta ko dito sa Baguio. Namiss ko na din magcoffee sa labas kaya nagdesisyon akong itry iyon.Hindi