“Meeting adjourned,” anunsiyo ni Kyle sa lahat.
Nang matapos ang meeting ay agad naman silang nagsitayo. Naunang lumabas ang mga board members at iba pang mga head ng iba’t ibang department ng company na iyon. Ang tanging natira lamang ay ako, si Mrs. Apostol at si Kyle. Inaayos ni Mrs. Apostol ang mga projector na mga ginamit habang ako at si Kyle naman ay nakaupo pa din sa pwesto namin. Nagbabasa si Kyle sa mga documents na mga nagamit kanina. Habang ako naman ay inaayos ang mga naisulat ko tungkol sa meeting. Dahil inutusan lang naman ako ng dakilang suplado na katabi ko ngayon na magtake note ng mga important details tungkol sa mga napagmeetingan kanina.
Nang matapos niya ang ginagawa niya ay bumaling naman ito sa akin at nilahad ang kamay nito. Holding hands ba ang nais? Syempre hindi. Hinihingi lang sa akin ang notes ko kaya naman inabot ko sa kanya at nagsimula na siyang icheck ito ng nakakunot.
Nang makita kong hindi pa tapos si Mrs. Apostol sa pag-aa
Gabi na nang maisipan naming pumasok sa bar. Gustuhin ko mang sabihin sa mga kaibigan ko na lumipat muna sa ibang bar dahil baka makita ko lang ulit si Kyle dito pero nakapagreserved na sila. Atsaka ayoko namang isipin nila na umiiwas ako kay Kyle. Naguguluhan din ako kung bakit ganito ako ngayon gayong alam ko naman na gusto ko lang siya kasi hot siya sa paningin ko at sa kanya ko lang nararamdaman ang thrill. “Hello, Ma’am.” bati sa amin ng bouncer sa pinto. Tinanguan at nginitian na lang namin siya. “We’re here again,” banggit ni Aika nang makaupo kami sa table namin. Agad naman dumating ang waiter at saka binigay ang mga nakareserved naming drinks. “Okay, let’s begin our party! CHEERS!” Sigaw ni Sofia nang masalinan isa-isa ang mga baso namin ng alak. “Cheers!” Ani Aika. “Congrats!” sabay naman naming sabi ni Shona. Nagtawanan pa kami. Tumayo kami at sabay-sabay naming ininom ang mga alak. “You guys are having some fun, huh
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa opisina. Nasa loob na ako ng office ko nang may kumatok. “Come in,” sagot ko. Pumasok naman si Mrs. Apostol na may hawak na folders. “Good morning, Ma’am. Meron na po si Sir Kyle, pinapasabi po sa akin na pumunta daw po kayo sa office niya.” Pagkasabi niya ay nagpaalam na agad ito at naglakad na papunta sa pintuan. “Bakit daw po?” tanong ko sa kanya. Napatigil naman ito sa pagbukas ng pinto at humarap ulit sa akin. “Wala po siyang sinabi, Ma’am,” sagot niya. “Ah, okay. You may go,” sambit ko. Lumabas naman na ito at sinara ang pinto. Ano naman kaya ang kailangan nito? Akala ko ba nasa kanya na ang schedule nito? Or yung kahapon lang ba iyon? Hindi ko na matandaan. Tumayo na ako at inayos ang damit ko bago naglakad palabas sa office ko. Kumatok pa muna ako sa pintuan ng office niya at nang marinig ko ang boses nito ay pumasok na ako. “Good morning,” bati ko sa kanya.
Pagkabalik ko sa company ay agad akong sumakay sa elevator. Nang bumukas ang elevator ay bumungad naman sa akin si Mrs. Apostol na may hawak na mga folders. “Nandiyan na pala kayo, Ma’am. Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Kyle,” bungad nito sa akin. Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa. Lumabas na ako ng elevator at si Mrs. Apostol naman ang sumakay nun. Naglakad na ako sa tapat ng office namin ni Kyle. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok. Bakit ba ako kinakabahan? Tumuloy pa din ako kahit wala akong narinig na boses sa loob. Nang makapasok ako ay nakita ko siyang kunot ang noong nagbabasa ng isang folder na hawak nito. Napatingin naman siya sa akin ng maramdaman ang aking presensya. Tinigil nito ang ginagawa niya at matiim akong pinanood maglakad hanggang sa makalapit ako sa kanya. Napalunok naman ako sa paraan ng tingin nito. “Saan ka nanggaling?” tanong niya ng makalapit na ako ng husto sa harapan niya. “Sa kaibigan ko,” t
Dumaan ako sa bahay nila Shona. Bumusina pa muna ako bago bumaba sa aking kotse. Nakita ko naman siyang lumabas sa kanilang bahay at lumapit sa akin. “Hi,” bati ko sa kanya. “What’s up?” tugon niya at yumakap pa sa akin. “Just wanna visit my long time friend,” pang-uuto ko naman pero tumawa din kami pareho. Inimbitahan niya akong pumasok sa kanilang bahay. Kinuha ko pa muna ang cellphone ko sa loob ng sasakyan ko bago sumunod sa kanya papasok. Naupo naman ako sa sofa nila at siya naman ay dumiretso sa kanilang kusina para maghanda ng meryenda. Nang makabalik siya sa living room ay nilapag naman niya ang tray na hawak nito. “Kain ka muna,” aya nito sa akin. “Mag-isa ka lang?” tanong ko naman. “Yes, nagtravel ulit ang parents ko. And yung isang kasambahay naman namin, nagday-off.” Tugon nito sa akin sabay upo sa tabi ko. Binuksan naman niya ang TV nila at naghanap ng palabas sa Netflix. “Gusto ko yung Hunger Games
Nasa opisina na ako at nagtitipa sa aking computer nang biglang may kumatok. Kagagaling lang dito ni Mrs. Apostol, ano naman kaya ang nakalimutan nito? “Come in,” tugon niya sa kumatok nang hindi inaangat ang kanyang tingin. Hinintay niyang magsalita ang pumasok pero wala siyang narinig kahit ni yabag nito na lumapit ay wala. Tanging ang pagsara lang ng pinto ang narinig nito. Kaya naman nang iangat niya ang kanyang tingin ay napamulagat ito nang si Kyle ang nakatayo sa harapan nito. Kumunot pa ang noo ng binata nang mapansin ang paraan ng tingin nito na parang nakakita siya ng multo. Napalunok naman siya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi ko naman akalain na pumasok na siya. Akala ko pa naman si Mrs. Apostol iyong pumasok kanina. “Nandito ka na pala,” mahinang saad ko. “Bakit parang nakakita ka naman ng multo?” tanong nito. Napatingin naman ulit ako sa kanya. “Ginulat mo kasi ako,” sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
Nasa office ako nang kumatok si Mrs. Apostol. Pumasok itong may dalang bulaklak. Nagtaka naman ako sa kanya pero binigyan lamang niya ako ng matamis na ngiti. “May nagpapabigay po sa inyo,” imporma nito. “Saan po galing?” tanong ko naman habang nakakunot ang noo. Tumayo ako at sinalubong siya. Inabot naman niya sa akin ang bulaklak. “Hindi ko din po alam. Ang sabi ng receptionist sa baba ay may nag-iwan daw pong lalaki niyan doon at sinabing ibigay daw po sayo. May sulat po ata na nakalagay diyan,” sabi niya sabay turo sa bulaklak. “Ahh, thanks…” sabi ko naman. Nagpaalam na ito sa akin na lumabas kaya tumango na lamang ako. Nang makalabas ito ay inamoy ko naman ang bulaklak. Nakita ko ang isang maliit na card kaya kinuha ko ito. To: Kiarah Maurer Good morning, have a nice day ahead… From: T Nang nakita ko ang letrang T ay naisip kong si Tobi ang nagpadala nito. Siya lang naman ang nakakausap kong lalaki la
Nagising ako dahil sa alarm clock. Bumangon na ako agad at pinatay ang tumutunog pang orasan sa side table ko. Lumabas na muna ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. As usual, kumain lang ako ng cereals. Nang matapos naman akong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para maligo. Habang naliligo ay pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi matanggal-tanggal sa isip ko iyon. Nang matapos naman akong maligo ay pumasok ako sa walk-in closet ko at pumili ng isusuot. Napili ko ang isang cream na pencil cut style dress na hanggang sa taas ng tuhod ko. Kinuha ko din ang white heels ko. Nang matapos akong magblower ng buhok kada magbihis ay lumabas na ako doon. Kinuha ko naman agad ang cellphone at ang Gucci bag ko na hindi ko pa nagagamit. Nilipat ko doon ang mga gamit ko at nang matapos ay kinuha ko na ang susi sa coffee table ko. Sinara ko na ang pinto nang makalabas ako at dumiretso agad sa elevator. Pagkarating ko naman sa parking area ay sumakay na ako sa aking kots
Maagang nagising si Kiarah dahil kailangan nilang ihatid si Aika sa airport ngayon. Nagmulat ito ng mata pero agad ding napapikit ng maramdaman ang sakit ng ulo niya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak ang kanyang ulo. Tinignan pa muna niya ang kanyang cellphone na nakalapag sa side table nito.Kalaunan ay napaisip siya kung paano siya nakauwi kagabi, wala siyang maalala. Umalis ito ng kama at nagtaka naman nang makita niyang iba na ang suot niya, nakapantulog siya. Napakunot naman siya ng noo nang hindi niya maalalang pumasok siya sa closet nito. Dahan-dahan siyang nagtungo sa kanyang banyo. Nagpainit pa muna siya ng tubig bago lumusong sa bathtub. Napagdesisyunan na muna niyang magbabad saglit. Habang nakasandal ito ay hindi niya mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang nangyari kagabi. Kung paano siya nakauuwi sa condo niya. Kung paano siya nakapagpalit.Nang wala pa din siyang maalala ay binilisan na lamang niyang maligo. Kailangan niyang makausap ang isa sa m
Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong maconfirmed namin na buntis nga ako. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na may baby sa sinapupunan ko. We even decided na magsama na ni Kyle sa iisang bubong.Matapos niyang malaman na buntis ako ay nagproposed din siya sa akin.Bukas na ang kasal namin. Pinadali na ang kasal para hindi pa visible ang tiyan ko pagnagsuot ako ng gown. I am also excited to my wedding. Sa tatlong linggong nakalipas, mabuti na lamang at naayos din ang kasal. Kahit konti lang yung time ng preparation, nakaya din na maayos dahil marami naman ang tumulong sa amin. Lahat ng family ko na nasa ibang bansa ay umuwi din ng Pilipinas para sa kasal ko.I am happy now dahil makakabuo na ako ng sarili kong family. Si Kyle ay inaasikaso na din yung bahay naming dalawa. Hindi niya sinabi sa akin na may pinatayo na pala siyang bahay matagal na at plano niyang gamitin daw iyon kapag kasal na siya. At ganun na nga ang mangyayari. Everything is perfect f
Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.
Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Kunot noo akong napatingin dito at nakitang tumatawag si Kyle.“Yes?” tanong ko sa kanya.“Nagising ba kita?” tanong naman nito sa akin.“What is it? Ang aga-aga Kyle,” sabi ko sa kanya.“Bakit mo pinatay yung tawag kagabi? Sabi ko huwag mo papatayin,” nagtatampong parang batang saad nito.“Yun lang ba? Pinatay ko yung tawag dahil kailangan ko magcharge at tulog ka na nun,” pagdadahilan ko naman sa kanya.“Naiinis ako,” sabi pa nito. Nagiging childish na naman siya.“Bahala ka, babalik na lang ako sa pagtulog, bye.” sabi ko naman sa kanya at pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo nang tumawag ulit ito pero hindi ko sinagot. Inaantok pa ako.Hindi kalaunan ay napabalikwas ako ng higa nang maalala ko yung meeting namin ngayon. Agad akong napatingin sa orasan ko at may isa’t kal
Kakapasok lang namin sa bahay nila Kyle at bumungad naman sa amin ang nakangiting Mommy nito. Agad din akong napangiti sa kanya. Niyakap niya ako at humalik sa pisngi ko. She’s so lovely.“I miss you, dear.” bati niya sa akin sabay humiwalay sa yakap.“I miss you po tita. How are you po?” tanong ko sa kanya.“I’m doing good, I’ve been waiting for you to come here again,” sabi niya sa akin.“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I’m so amused.“Yeah, pero laging sinasabi ni Kyle sa akin na busy ka.” tugon niya kaya napatingin naman ako kay Kyle.“Wala naman po siyang nababanggit sa akin,” sabi ko habang nakangiti.“Tignan mong lalaki ka, ayaw mo lang ipakita sa akin si Kiarah,” reklamo ng Mommy niya.“Hey, she’s just busy kaya hindi ko siya maaya.” depensa naman niya.“Hindi po
Nang makarating ako sa bahay ay agad bumukas yung pintuan. Nakita kong lumabas si Kyle at hindi maipinta ang mukha nito. Medyo nahihilo naman akong nagpark ng kotse ko at lumabas. Sinalubong naman ako ni Kyle. Siya na din ang nagsara ng pintuan ng kotse ko. Humarap siya sa akin nang maisara na niya ito.“Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin.“Pake mo,” pagtataray ko naman sa kanya.“Nakainom ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi naman ako tumugon sa kanya.“Kiarah, sagutin mo nga ako,” sabi na naman niya kaya naman napatingin ako sa mata niya.“Oh, nandito ka pala,” sabi ko habang nahihilo yung paningin ko.“Ano bang nangyayari sayo? Saan ka ba galing? Bakit lasing ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.“Pwede ba, layuan mo ako,” sambit ko naman at napatigil siya sa sinabi ko.“Pumasok na tayo sa loob,&rdqu
“I love you,” tugon ko din sa kanya. Kinuha niya yung bulaklak at binigay sa akin.“I’m sorry for what I did,” hingi na naman niya ng tawad sa akin.“You’re so sweet,” puna ko.“I know right,” yabang naman niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.“Yabang mo,” sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at kinuha yung wine tsaka ito binuksan. Kinuha naman niya yung dalawang baso doon at nilagyan ng wine ang mga ito. Inabot niya sa akin yung isa.“Cheers,” sambit namin nang sabay at nilagok iyon ng diretso.“You don’t know how much you make me happy today,” sabi ko sa kanya.“Me also,” sabi naman niya.Hinalikan na naman niya ako pero smack lang iyon. Kinuha niya yung blanket sa loob ng sasakyan at nilapag sa harap ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at maliwanag doon. Kinuha na namin isa-isa yung mga pagkain at alak sa kots
Chapter 54Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Agad akong nagmulat at napatingin kay Kyle sa pinaggagawa niya.“Good morning,” malapad ang ngiting bati nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ako ng maluwang dahil okay na kaming dalawa.“Ang aga-aga,” suway ko sa kanya at nag-unan sa braso nito. Nakabalot lamang ako ng kumot. I didn’t expect na gagawin namin iyon nang kakabati lang namin. At hindi ko rin inaasahan na may nangyari sa amin kagabi.“Ready na ang breakfast in bed mo,” sabi nito nang may pilyong ngiti kaya iba naman ang naisip kong kahulugan nito. Pinalo ko siya sa braso dahilan para tawanan niya ako.“Loko ka talaga,” sabi ko pa sa kanya.“Ano bang iniisip mo? Pwede naman kung yun ang gusto mo,” sabi nito habang nang-aakit ang tingin nito.“Tumigil ka nga,” suway ko
Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.“Binabantayan ka,” sagot naman niya.“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis
Dalawang araw ang nakalipas mula noong nagtungo ako dito sa Baguio. Mukhang hindi nga sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko kung nasaan ako dahil wala ni isa sa kanila ang sumunod dito. Hindi rin nila ako nagambala sa tawag dahil ibang number na ang gamit ko. Gabi-gabi naman tumatawag sa akin sina Mommy at Daddy para icheck kung okay lang ako. Alam na din ni Daddy ang sitwasyon namin ni Kyle. Kapag nagkakausap kami ay hindi naman niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. But I don’t have any idea kung nakausap na niya si Kyle at kung ano ang sinabi niya dito.“Aling Tessy, aalis na po muna ako,” paalam ko bago lumabas ng bahay.Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito. May nakita kasi ako sa social media about sa isang coffee shop na sikat dito. Dinadayo pa ito ng mga foreigner. And alam kong medyo bago lang ito kasi wala naman ito noong last na punta ko dito sa Baguio. Namiss ko na din magcoffee sa labas kaya nagdesisyon akong itry iyon.Hindi