Share

Kabanata 29

Author: crayeo
last update Huling Na-update: 2021-07-18 00:10:53

MARAHAN kong iminulat ang mga mata ko na tila isang panaginip lamang ang mga nangyari, simula sa unang pagtatagpo namin ni Sevasti hanggang sa pagkatalo namin sa ginawang pagsalakay sa Subastahan.

Agad akong tumayo sa kama upang ayusin ang aking sarili, wala na ang magkapatid na siyang lagi kong katabi sa pagtulog. Nang makapagbihis ay lumabas na ako, ang bawat nilalang na madaanan ko ay binabati ako na siyang sinusuklian ko lamang nang ngiti at pagtango.

Sa labas ay bumungad sa akin ang mga nagsasanay sa malawak na bahagi ng lugar, pantay-pantay silang nakahilera kaharap ang kahoy na nababalutan ng dayami upang lumambot ito sa tuwing itatama nila ang mga hawak na espadang kahoy.

Huminto ako upang pagmasdan sila, ang ilan sa kanila ay mga bata pa ngunit determinadong matuto na siyang isang dapat katangian ng isang mandirigma. At karamihan sa kanila ay mga dalagita at binatilyo na, ang mga noon ay batang sinanay namin limang taon na ang nakakalipas.

It

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 30

    INABOT ko kay Hurisa ang mga supot ng barya dahil siya ang namamahala niyon. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan ang laman ng mga ito. "Ito na ang panglabing-isa ngayong linggo. Nagbabalak kang umalis muli?" tanong niya nang bumaling sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango. "Bukas ay muli akong magpupunta sa ibang pamilihan upang mas madami pa ang maibigay ko sa iyo." "Saang kaharian ka magtutungo sa pagkakataong ito?" "Sa Widolla, ngunit ilang araw pa iyong mula ngayon." "Kailangan mo pa bang magtungo sa pamilihan bukas? Marami na ito kasama ang iba mo pang ibinigay, sa tingin ko ay aabot na iyon para sa susunod pang buwan. Magtatagal ka ba sa kahariang iyon?" "Hindi ko pa alam, Hurisa. Ngunit mabuti na ang sigurado, mas mapapanatag ang loob ko kung sobra pa ang kakainin ninyo para sa buwang ito kaysa kulang," wika ko, tipid na ngumiti. Ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para sa kakainin ng aking mga kasama haban

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 31

    NAKANGITI kong nilagpasan ang huling maharlikang ninakawan ko, hindi ko na tiningnan pa ang supot dahil alam ko na ang laman nito, basta ko na lang ito nilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. Lumapit ako sa tindahan ng mga kasuotan para bumili, hinawakan ko ang mga malalambot na tela nito at pumili nang madilim na kulay na siyang paborito ko. Babayaran ko sa sana iyon ngunit inilibot ko muna ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nakadapo si Vivi ngunit nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na ginoo. Binitawan ko ang hawak na kasuotan at pinagmasdan siya, ditretso lamang ang paningin niya. Mag-isa siyang naglalakad, nasa likod ang dalawang kamay at suot ang isang marangyang kasuotan. Wala talagang pinagbago, napakaguwapo niya pa rin. Tila kumikinang siya sa parteng iyon ng lugar na lahat ng binibining dumadaan ay napapalingon sa kaniya. Bumuntong hininga ako, hindi ko dapat hayaang magtagpo ang aming landas. Aalis na sana a

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 32

    SA pagdaong ng bangkang sinasaksayan ko ay agad lumipad paalis si Vivi sa balikat ko upang maglibot sa paligid, pinagmasdan ko lamang siyang malayang lumilipad sa himpapawid. Maganda ang panahon at asul na asul ang kalangitan, ganoon din ang dagat. Napangisi ako nang itapak ang mga paa sa lupain ng Widolla. Hindi lang naman pagnanakaw ang pakay ko sa kahariang ito, nalaman ko na rito ko matatagpuan ang isa sa nilalang na matagal ko nang hinahanap. "Talim ng aking espada ang isasalubong ko sa iyo sa muli nating pagkikita," tiim bagang kong bulong sa hangin. Tahimik kong nilagpasan ang mga abalang nilalang na nakikipagkalakalan sa paligid, dito unang nagaganap ang pakikipagkalakalan dahil sa pagdaong ng mga produkto mula sa ibang kaharian. At habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mga kamay ko na lumikot upang magnakaw sa mga maharlikang nakakasalubong ko. "Paumanhin ngunit kailangan ko ring mabuhay," nakangisi kong wika nang makakuha ng isang supot ng salapi. Agad ko itong iti

    Huling Na-update : 2021-07-24
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 33

    IBINALIK ko ang punyal sa kaha nito at inilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. "Ano pa ang hinihintay mo? Ituro mo na ang daan upang makarating na tayo sa iyong tahanan, Ginoo," kalmado kong wika. Hilaw siyang ngumiti at naglakad ngunit nakaharap sa akin na tila binabantayan ang galaw ko sa pag-aakalang sasaktan ko siya, muntik pa siyang matumba dahil hindi nakatingin sa daan. Tutulungan ko sana siya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin, nag-iingat. "Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan," wika ko. "Talaga?" paninigurado niya, tumingin sa kamay ko. "Pero bakit nakahawak ka sa espada mo?" kabadong aniya. Napatingin din ako sa kamay ko at agad itong inalis sa nakahawak na espada sa baywang ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ere upang ipakita sa kaniya. "Ayos na ba?" tanong ko. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit muli siyang umatras. "Oo, ayos na!" Tumawa siya upang alisin ang kabang nararamdaman. "Halika na, bago p

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 34

    AGAD akong napatingin kay Mikhel nang tumakbo siya upang makatakas. Matalim ang tinging ipinukol ko kay Sevasti bago habulin ang nakatakas kong biktima. Ngunit muli akong nagulat nang pigilian ako ni Sevasti, hinawakan niya ang braso ko na lagi niyang ginagawa kapag ginagamit ko ang taglay kong bilis. Oo nga pala, naririnig niya ang mga galaw ko sa hangin. Galit kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Prinsipe?" tiim bagang kong wika. "Bakit mo ako pinipigilan sa nais kong gawin?" Itinulak ko siya. "Wala kang karapatang pigilan ako!" Nilampasan ko siya at hinanap ng paningin ko si Mikhel, ngunit muli na naman niya akong hinarangan. Ano ba ang kailangan ng hangal na ito? Nais niya talagang ipagyabang sa akin na mas malakas ang kapangyarihan niya. "Hindi mo gugustuhing masaksihan ng mga nilalang na ito ang gagawin mo sa ginoong iyon," seryosong aniya. Tinutukoy ang mga nilalang sa paligid. "Kapag gumawa ka ng k

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 35

    DAHIL sa pagmamadali kong maglakad ay nabangga ko ang isang ginoo, nalaglag ang hawak niyang supot ng salapi, bukas iyon kaya tumapon ang ilang tanso at pilak na barya mula roon. "Paumanhin, Ginoo," wika ko. Inunahan ko siya sa pagpulot ng mga iyon, tinulungan niya rin naman ako kaya mabilis naming nakuha ang mga iyon. Nang makatayo kaming pareho ay nakangiti kong binigay sa kaniya ang mga salapi, bahagya pa siyang natulala nang tumama ang mga mata sa akin. "Aliara," pirming wika ng nilalang sa tabi ko, si Sevasti. Ngunit hindi ko siya pinansin. Ako na ang naglagay ng hawak kong salapi sa supot na hawak ng ginoo dahilan upang bahagyang maglapat ang balat namin. Gusto kong matawa nang makita ang panginginig ng kamay niya sa nangyar

    Huling Na-update : 2021-07-30
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 36

    MAAGA akong gumising upang simulan na ang paghahanap kay Mikhel. Mukhang pareho pang tulog ang dalawa kaya hindi ako gumagawa ng ingay upang hindi sila maistorbo, magkasamang natutulog si Sevasti at Gudan sa kabilang silid. Itinitirintas ko ang buhok habang naglalakad palabas ng tahanan ni Gudan. Agad lumipad si Vivi palapit sa akin, babatiin ko sana siya ngunit nilampasan niya ako. Napalingon ako sa likod ko habang hawak pa rin ang buhok kong nasa likod. "Magandang umaga, Vivi," nakangiting bati ni Sevasti rito na ngayon ay nakadapo na sa braso niya. "Magandang umaga! Magandang umaga!" sagot naman nito kaya napairap ako. "Hindi mo ba ako babatiin, Vivi? Ako ang amo mo ngunit tila mas gusto mo pa ang ginoong iyan." Lumingon ito sa akin. "Magandang umaga, Binibini. Magandang umaga, Binibini," wika niya bago lumipad paalis. Muli akong umirap at tumingin kay Sevasti na nakangiting sinusundan ng tingin ang ibon. "Ang tagal ka niyang hindi

    Huling Na-update : 2021-08-01
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 37

    HUMINTO kami sa makipot na daan sa pagitan ng dalawang tindahan, pumasok kami roon at nadatnan ang isang babaeng nakasandal sa haligi ng tindahan. May hawak pa siyang palito na isinusuksok niya sa ngipin niya at tila walang pakialam sa makakakita. "Estra!" tawag ni Gudan dito dahilan upang mapalingon ito sa amin at inayos ang tindig niya. Tinapon niya ang hawak na palito at nakangiting lumapit sa amin. "Gudan, mabuti naman ay dumating ka na. Kanina ko pa kayo hinihintay," aniya. Pinagmasdan ko siya, maganda naman siya ngunit marungis siyang tingnan na hindi kaaya-aya para sa isang binibini at ang kilos niya ay tila lalaki. Nakapusod ang lahat ng buhok niya sa isang piraso ng tela. "Paumanhin, natagalan lamang kami dahil sa ipinaguhit na larawan," wika ni Gudan. Tumango ang tinawag niyang Estra at tumitig sa aming dalawa ni Sevasti. "Uh, ito nga pala si Aliara at Sevasti, sila ang nais maghanap sa hinahanap nilang ginoo," wikang muli ni Gudan.

    Huling Na-update : 2021-08-02

Pinakabagong kabanata

  • Aliara: Ang Kaharian   Ang Huling Kabanata

    Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 82

    "MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 81

    SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 80

    MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 79

    "ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 78

    MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 77

    NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 76

    HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 75

    NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg

DMCA.com Protection Status