Alexandria's
POVNAGPASAMA ako kay Heinz na maihatid si Seiichi sa kan'yang private room nang makatulog na ito dahil sa labis na kalasingan. Kinapalan ko na ang mukha para kausapin siya kahit hindi ako komportable roon. Nang marating namin ang itaas ng bar kung nasaan ang kwarto ng ungas ay npatulong din ako sa kaniyang maihiga si Seiichi sa sariling kama. Matapos noon ay binalingan ko si Heinz.
"Ako na'ng bahala sa kan'ya. Salamat sa tulong mo, Heinz."
"Okay, I see. No problem," aniya pagkatapos ay tumango at bahagyang ngumiti.
Kumibot-kibot pa ang labi ni Heinz na tila may nais
Heinz's POVAno'ng ginawa mo, Heinz? Ano ba'ng pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yon ha? NAPASABUNOT ako nang mariin sa aking buhok ng maisip ang kagaguhang ginawa ko kay Alexandria. Tiyak, galit na galit na siya nang mga oras na iyon. Paniguradong maaapektuhan ang misyon ko pag nagkataon.Mag-uumaga na rin nang makauwi ako ng bahay. At heto ako ngayon, nasa sala at hindi makatulog, kakaisip sa nagawa kong katarantaduhan kay Alexandria---ang aking misyon."But, fuck! I can't help it! Hindi ko mapigilan
Heinz's POVNAGISING ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Madali ko iyong kinapa sa side table na malapit sa aking kama at hindi na ako nag-abalang bumangon pa. Pakiramdam ko kasi ay kulang na kulang pa ang aking tulog. Paano ba naman, hindi ako pinatulog nang mga naganap no'ng isang gabi sa pagitan namin ni Alexandria.Kahit nanlalabo pa ang aking paningin dahil sa antok, ay pinilit kong sipatin kung sino ang tumatawag. At bumalikwas ako ng bangon ng makitang si Mr. Dominguez ang nasa caller I'D. Mabilis ko itong sinagot."Good morning, Mr. Dominguez," namamaos pang bati ko sa kabilang linya."Good morning Mr
Alexandria's POV"BABE, pwede ba akong pumunta sa inyo?" Awtomatikong napakunot-noo ako sa tanong na iyon ni Seiichi. Ano na naman kayang balak nitong Hapon na 'to? usal ko sa sarili habang nakatingin rito. Nasa racing club kami ng gabing iyon. Katatapos lamang din ng karera at nakatambay kami kung saan madalas kaming naglalagi."Nababaliw ka na ba? Alam
Third Persons POV"DAD! 'Di na ako makapaghintay! Gusto ko nang mapasakamay ang babaeng 'yon!" Nag-iigtingan pa ang panga nito sa galit, habang ang mata'y namumula at nanlilisik nang bumaling sa ama.Tumawa ang matanda; tawang nakakapanghilakbot. "Easy son! Don't worry, pinaghahandaan ko na ang lahat. Maghintay ka lamang. Konting tiis
Heinz's POV"I'M SORRY Krishna."Malamlam ang mga mata ni Krishna nang tumingin sa akin. Tanda na malungkot siya dahil hindi namin natagpuan ang nawawalang kapatid. "It's okay. Sobrang nalulungkot lang talaga ako dahil hindi natin nakita ang kapatid ko." Bigo naming makita ang kapatid niya nang puntahan namin ang apartment na tinutuluyan nito. Ang sabi pa ng mga nakausap namin roon, nakaalis na raw ito noong isang araw pa. Sa aking palagay, marahil ay pinagtataguan talaga siya ng nakababatang kapatid.
Seiichi POV"OH? Ba't para kang naluging bakla d'yan sa itsura mo? Inaway mo na naman 'yung Tatay mong Hapon 'no?" Nakasimangot akong sinulyapan si Alexandria ng sabihin n'ya iyon. Nanumbalik tuloy ang galit sa aking dibdib nang maalala ang kalokohang pinag-usapan namin ni Papa. Kahit kasi anong tutol ko sa desisyon niyang ipakasal ako, ay wala akong nagawa. Ang sabi pa niya ay dalawa lang daw a
Alexandria's POVPAKIRAMDAM ko ay salubong na salubong ang aking mga kilay habang nakatingin kay Heinz at sa kasama niyang babae. Mula pa kanina ay 'di ko maintindihan ang nararamdaman. Hindi ako galit pero hindi rin ako natutuwa. Pinanatili ko lang rin na blanko ang aking ekspresyon kahit na pakiramdam ko, ay may mabigat na bato ang nakadagan sa aking dibdib.Selos ba ang tawag dito sa letseng nararamdaman ko? Pero bakit? Wala kaming relasyon ni Heinz para makaramdam ako ng
ALEXANDRIA'S POV1 Message received from: Heinz Montero"Good morning, Alex! Susunduin na lang kita sa bahay n'yo, 10:00AM. Magmotor na lang tayo. Wear comfy. See you later."NAIHILAMOS ko ang mga palad sa mukha nang mabasa iyon. Bakit may pa-sundo sundo pa s'ya