“Paano kung sayo kaya ako nagkagusto, siguro ay masaya ako ngayon.”Wala sa isip na sabi ni Maria, hindi iyon inaasahan na marinig ni Kanor sa dalaga kaya hindi agad ito nakakibo. “Pasensya na, naiisip ko lang kung sana ay hindi ko siya nakilala, kung sayo ako unang nagkagusto, siguro pare-pareho tayong masaya ngayon.”
Pareho silang nanahimik, hindi nila pareho ang susunod na sasabihin. Kahit ang dalaga ay hindi niya akalain na masasabi niya ang ganoong bagay, pero hindi niya maiwasang mag-isip tungkol doon. Paano nga ba kung una pa lang ay ang lalake na nasa tabi niya ang pinili niya at hindi na siya nag aksaya pa ng oras para umasa sa isang napaka-imposibleng relasyon.
Nagulat na lang si Maria ng tumayo ang lalake at lumuhod sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya at tinitigan ang mga mata ng dalaga, “bakit ng aba hindi na lang ako Maria? Mahal kita at handa ako n
Dahan-dahan niyang nilabas ang papel sa loob ng sobre, nanginginig ang kamay niya habang binubuklat ito ng isang kamay ang umagaw dito at mabilis nilagay sa bulsa.“Bakit hawak mo ito? Sino ang nagdala ng sulat nag bigay sayo?” Nag-aalala na tanong ng Ama ng dalaga sa kanya.“May nagpunta lang po na lalake dito, hinahanap po kayo para ibigay ang imbitasyon mula kay Don. Vicente, pero dahil wala po kayo ay si Maria na lang ang tumanggap ng sulat. Pasensya nap o kung nangialam kami.” Si Kanor na ang nagsalita, halata kasi sa dalaga na hindi nito alam ang isasagot.Para namang natigilan ng Ama nito ay napahinga ng malalim, “ganoon ba, pasensya na. Kumain na ba kayo magtatanghalian na.” Tanong nito para mabago ang usapan.“Ama, bakit andito kayo hindi ba sabi ninyo ay pupunta kayo kila Do
“Tama ka,may alam din ako sa kaso na hawak ng Ama mo, imposible na wala akong alam kung sagkot ang Ama ko tama?” Nahihiyang sabi nito at napahawak pa sa batok.Parang natuod naman ang dalaga sa kinatatayuan, hindi niya akalain na ganoon pala kalalim ang koneksyon ng binata sa kaso kaya may alam ito. Hindi naman niya gustong maging masama o ungkatin ang tungkol doon.“Pasensya na, akala ko sinabi lang sayo ni Ama ang tungkol doon dahil mas may tiwala sya sayo hindi ko naman akalain na ganoon pala ang dahilan bakit may alam ka tungkol sa kaso.”Halatang-halata ang hiya at kaba sa boses at mukha ng dalaga.Napabuntong hininga naman ang binata at ngumiti ng pilit sa dalaga, lalo tuloy nakaramdam ng pag-sisisi si Maria dahil doon, “ayos lang, alam ko naman na gustong-gusto mo rin malaman ang tungkol doon pero hindi ko magawang sabihin sayo
“Pelipe,”gulat na bulong ni Maria ng makita ang binata sa labas ng bahay nila. Babawiin sana nito ang kamay na nakahawak sa kamay ni Kanor ng makita niyang nakatingin doon ang binata pero mabilis na hinigpitan ni Kanor ang hawak dito.May kung anong sakit naman na dumaan sa mga mata ni Pelipe.“Anong kailangan mo, Pelipe?” Si Kanor na ang nagtanong dito, lumipat naman ang tingin ng binata dito at bumati.“Magandang gabi sa inyo, gusto ko lang ibigay sa inyo itong imbitasyon para sa kasal naming ni Yola.” Walang emosyon ang mukha at tono ni Pelipe na mas lalong nagbibigay ng sakit sa damdamin ng dalaga. Bakit kailangan na personal pa nitong iabot ang imbitasyon sa kanila, hindi man lang ba nito iniisip ang nararamdaman niya o gusto nitong ipamukha na wala na talagang pag-asa at kailangan na dalagang kalimutan ni Maria ang lahat-l
“Sabihin mo sino nga ba samin ang mag matimbang sayo? Sino ba ang mas mahalaga sayo? Ako o ang Kanor na iyon?” Hindi na nakatiis na tanong ni Pelipe. Kung alam lang ng binata na ganoon ang mangyayari sa relasyon niya ay hindi na lang sana ito pumayag sa plano ng kaibigan niyang si Yola, ngayon ay nag sisisi siya, “sagutin mo, sinong mas mahalaga saming dalawa ni Kanor? Ako o Siya?” Muling pag-uulit ni Pelipe sa tanong niya sa dalaga.Hindi agad magawang sumagot ng dalaga sa tanong ng binata sa kaniya, sino nga ba ang mas mahalaga sa dalawa para sa kaniya?Bakit kailangan niyang mamili sa dalawa kung magkaiba naman ang ang nararamdaman niya sa mga ito.“Bakit kailangan ko na mamili sa inyong dalawa, bakit kailangan ko pa sabihin kung sino ang mas mahalaga sa inyo kung pareho ko kayong ayaw mawala?” Naguguluhan na tanong nito, “mahalaga si Kanor sakin dahil
“Maria, anong ibig sabihin nito? Bakit gulo-gulo ang kwarto mo at nakabukas pa ang bintana? Nako ka, alam mo naman na delikado ngayon tapos binubuksan moa ng bintana mo ng ganitong oras. Paano na lang kung pasukin ka ng mga masasamang loob at wala kaming kaalam-alam?” Nag-aalala ang mukha na sabi ng Ina nito.Napatikhim naman ang dalaga at napaiwas ng tingin sa Ina. Wala itong kaalam-alam na may tao lang kanina doon. “Ina naman, napaka-imposible ng sinasabi mo na may papasok sa bintana ko. Sino naman ang ipapahamak ang sarili kung alam naman niyang wala siyang makukuha dito.” Saad nito, mas lalo namang kumunot ang Ina ng Ginang.“Maganda na rin ang sigurado, malay mo naman ay may mga lalake talagang handing umakyat sa bintana mo para gawaan ka ng masama, yung mga ganoong tao hindi dapat pagkatiwalaan kaya nga may pintuan para doon dumaan.” Sermon nito sa dalaga.
Napahinto si Maria sa narinig, parang isang nakakabinging tunog ang mga salitang binitiwan ng kaniyang Ina ng sabihin nitong ilayo na niya ang sarili sa binatang si Pelipe. Ninanais pa nga niyang sabihin sana sa Ina ang tungkol sa kanilang dalawa ng binata na muli silang nagkabalikan, ngunit paano niya gagawin iyon kung nauna na itong magsabi na lumayo na siya dito at sa pamilya nito. “Pero Ina, kailangan ba talagang madamay kami sa gulo na iyon? Wala naman po kaming kinalaman doon, kung ang pamilya po ba ni Kanor ang nakairingan ninyo ay palalayuin nyo rin ba ako kay Kanor?” Mahinahon na tanong ni Maria sa Ina, natahimik saglit ang Ginang. Napansin siguro nito ang punto ng dalaga na away lamang iyon ng matatanda at hindi dapat sila madamay.“Naiintindi
“Basta lumayo ka muna sa kaniya, habang hindi pa natatapos ang gulo mas mabuti ng sumunod ka muna.” May paninindigan na sabi ng Ina nito kay Maria, hindi nito pwede na unahin ang awa sa anak dahil lang nahihirapan ito.“Pero paano kung sabihin ko po na hindi ko talaga kaya na isantabi ko ang nararamdaman ko, na mahal na mahal ko sya at hindi kayang mawala sya sakin.”Ang mga mata na wari’y nakikiusap ay tumitig sa Ina niya, umaasa na magbabago pa ang isip nito pero umiwas lang ng tingin at Ina at tumayo sa pagkakaupo sa kama at nagsimula ng lumakad palabas ng silid niya.“Ina, nakikiusap ako sayo kahit ikaw sana maintindihan mo ang nararamdaman ko. Ikaw ang napagsasabihin ko ng lahat at ikaw ang makakaintindi ng lahat. Pareho tayong babae at alam mo kung anong pakiramdam ng magmahal, huwag nyo naman sanang ipagkait sakin yun.”Hinawakan ng dalaga ang kamay
“Kanor,” bulong ng dalaga ng makita ang lalaking kararating lang at hindi maipinta ang mukha sa nakikita, alam nilang lahat na mainit ang dugo nito pagdating sa pamilya nila Pelipe.“Anong ibig sabihin nito? Bakit andito sya, tinalikuran nyo na ba ang pagtulong sa Ama ko kaya nakikipagkasundo na kayo ka lalakeng yan?” Iyon ang salitang unang lumabas sa bibig ng binata ng makita niya ang mukha ng panganay na anak ng mga taong tumagging tulungan ang Ama niya. “Nagkakamali ka ng iniisip, Kanor walang ganon na nagyayari maupo ka rin muna dito at mag-usap tayo.” Mahinahon ang salita ng Ama ni Maria dito at halata ang pag-aalala, kitang-kita naman ni Maria ang inggit sa mga mata ni Pelipe dahil hindi siya ganoon kausapin ng Ama ng dalaga.Nakatingin lang ng masama si Kanor kay pelipe hanggang makaupo dito, hindi tuloy mapigilan
“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k