Home / Romance / Agent Xine / 5. Ex-husband

Share

5. Ex-husband

Author: Miss_Xine
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Ramdam na ramdam ko ang kaba niya kahit hindi niya ito ipakita. Napangisi naman ako dahil doon.

Alam mong hindi mapapantayan ng mga ensayo mo ang kinalakihan ko. Kaya hindi ko alam na ganun ka pala kahangal para sundin ang gusto niya.

Napakalaki na nang pagkakangiti ko dahil sa naisip ko, at gustong-gusto ko nang humalakhak ng sobrang lakas. 

"Kumusta?" tanong ko sa kanya at bahagya pang pinalambing ang boses. 

Hindi niya ako tinugon pero nasa akin pa rin ang paningin niya.

"Hindi ko lang kasi maisip na ganyang klase ng mga tauhan ang meron ka. Mga bobong tauhan," pagpapatuloy ko pa, pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya.

Muli akong sumeryoso ng makita ko ang pangungulila mula sa kanyang mga mata. Katulad ng kung paano niya ako tignan dati. Tulad nang kung paano namin plinano ang amin kinabukasan ng may saya at kompletong pamilya. Bumabalik sa akin lahat ng pinag daanan namin. Ang mga masasayang taon na parang kaming dalawa lang ang naninirahan sa mundo. Nasa iisang bubong at nasa iisang kama. Kontento sa kung anong kaya naming ibigay sa isa-t-isa at kontento sa kung ano kami. Walang sikretong namumutawi at alam namin ang lahat tungkol sa isa't-isa.

Inisa-isa ko ang katangian ng kanyang muka na labis at palagi kong pinauulanan ng mga halik. Ang kanyang noo, ang kanyang pisngi, at ang kanyang labi. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at hindi inaasahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Gusto kong magwala at pasabugin ang buong mansiyon na ito, pero masyado akong nanghihina. Gusto kong patayin ang lahat ng tao na nakikita ko ngayon pero hindi ko magawa. Ipinakita ko sa kanya ang lahat ng emosyong gusto niyang makita. Walang umaawat at walang pumipigil sa amin. Nakatingin lang kami sa mga mata ng isa't-isa at inaalala ang lahat ng aming pinagsamahan.

Ako mismo ang pumutol ng aming tinginan at humagulgol sa mismong harapan niya, sa harapan ng kanyang mga tauhan.

"M-mahal."

Tawag ko sa kaniya habang humahagulgol. Naramdaman ko ang yakap niya na mas lalong nagpahagulgol sa akin. Pinapatahan niya ako at hinahalikan ang aking noo at pisngi. Unti-unti niya akong itinayo at inakay palabas ng kwartong kinaroroonan namin. Nakita ko pa ang nais na pagsunod sa amin ng iba sa kaniyang mga tauhan, na agad naman niyang pinahinto. Dumaan pa kami sa hagdan bago namin nadating ang kanyang opisina. 

Naiiyak nanaman ako habang nililibot ang buong silid na pinagdalhan niya sa akin. Nandoon pa ang aming mga larawan. Lahat ng mga larawan sa mahahalagang okasyon ng aming buhay ay nandoon. Nakita ko pa ang isang babasaging kahon at nakita ang aking mga sulat doon. Ang mga love letter na ako pa mismo ang sumulat.

Narinig ko ang pagsara niya ng pinto at ang kanyang mga yabag, ilang segundo lang ang hinintay ko at muli ko na siyang nakita sa harapan ko. Agad ko siyang niyakap ng napakahigpit at pinaparamdam sa kanya ang aking pangungulila. 

"Na-miss kita mahal." 

Malambing niyang sabi sa akin habang hinahalikan ang aking noo. Hinahanap ng mga labi ko ang labi niya, kaya naman ako na mismo ang sumunggab sa kanyang mga labi na masagana niya namang tinugunan.

Napaupo siya sa kanyang upuan habang ako naman ay nakapatong lang sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya matapos ang mahaba-haba naming halikan. Hindi man niya banggitin ang kompletong tanong ay alam na alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Dahil kailangan," bulong ko pa sa kanya at sinunggaban siya uli ng matatamis na halik. 

"Alam ko ang ipinunta mo dito," sabi niya ng panandaliang maghiwalay ang mga labi namin.

"Hindi mo alam ang iniisip ko," ako na mismo ang humiwalay mula sa kanyang mga labi.

"Hindi nga, pero alam ko ang nararamdaman mo."

"Sinasaktan mo ako, Javier."

"Kilala na kita Xine, alam na alam ko ang likaw ng bituka mo."

"Kung ganun ay bakit mo ako dinala dito?" Nanunubig ang mga matang tanong ko sa kaniya. At hindi naman siya sumagot.

"Hindi ko akalain na huhusgahan mo ako ng ganun kabilis. Hindi ko alam na parang wala lang sayo ang lahat ng pinagsamahan natin." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"May pinagsamahan nga ba tayo Xine? Dahil buong akala ko ay trabaho lang natin ang isa't-isa." 

Tinignan ko siya nang seryoso dahil sa mga sinabi niya. Nalulungkot ako. 

Nalulungkot ako dahil hindi niya manlang pinatagal ang pag uusap namin.

Napangisi nalang ako dahil sa sinabi niya. Gusto kong humalakhak ng malakas kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Nakaupo pa rin ako sa kandungan niya habang tumatawa ng malakas.

Hahahahaha!! Bat ko nga ba nakalimutan na isa rin siyang agent.

Ilang segundo pa ang lumipas at humupa rin ang tawa ko at muling tumingin sa kanyang mga mata habang may nakakalokong ngisi. Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan niya at nilibot ang munting silid na kinaroroonan namin.

"Kung ganun ay, kumusta naman ang pag arte ko?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong seryoso lang ang kanyang tingin at walang emosyong makikita rito.

Sinasabi ko naman sayo, tsk! Tsk! Kulang na kulang ang mga ENSAYO niyo kung ikukumpara sa KINALAKIHAN namin.

"Hindi naman masama kung magbibigay ka ng opiniyon mo Javier. Kahit isang, great job baby, manlang." Tatawa-tawa ko pang ani pero wala pa ring makikitang emosyon sa kanyang muka. "Hindi ako mag eenjoy sa laro nating ito kung wala ka manlang sasabi--"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang naglabas ng baril at ipinutok iyon sa kanang braso ko.

Nakita ko ang pagtulo ng dugo mula rito, ramdam ko ang sakit na unti-unting napapalitan ng manhid. Hinayaan ko lang itong nakalaylay habang saganang umaagos ang dugo. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngisi at bahagya pang tinawanan ang pagbaril niya sa akin.

Ramdam kita Javier.

Napalitan ng mapait na ngiti ang aking ngisi nang makita kong hindi niya kaya ang ginagawa niya. Nararamdaman ko pa rin ang pag iingat at pagmamahal niya, kahit sa pagbaril.

Sinimulan kong haplusin at marahang pinipindot-pindot ng aking mga daliri ang aking palad.

Gulat siyang napalingon sa may pintuan ng marinig niya ang malakas na pagsabog mula sa ibaba ng masiyon niya.

Rinig na rinig hanggang dito ang ingay na nilikha ng mga microbomb na inilagay ko sa lahat ng sulok na pinuntahan ko sa kwartong kinaroroonan namin kanina. Nakita ko naman ang unti-unting pagsilay nang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Marahan niyang ibinaba ang hawak niyang baril at muling umupo sa kanyang upuan.

"Ano pa ba ang aasahan ko? Sa tatlong taon nating pagsasama ay hindi ko nga alam ang totoo mong pangalan. Sa tatlong taon nating pagsasama ay hindi mo manlang inalala na napapahamak na ako habang kasama kita."

Mapait siyang nakangiti habang nasa akin pa rin ang paningin. Ramdam ko ang sama ng loob niya para sa akin. Ramdam ko ang kanyang pagtatampo na parang hinihintay ang paglalambing ko.

Nawala ang lahat ng reaksiyong pinapakita ko sa kanya kanina, tinitigan ko siya gamit ang normal na mga tingin. Walang emosyon.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang marahang inilalabas ang aking baril. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata kaya dagli-dagli niyang pinulot ang kanya. Pero tulad ng inaasahan ay wala na itong bala. Tinignan niya ako ng may pagtataka at parang sumusukong umupo nalang sa kanyang upuan.

Inilapag ko sa mesa niya ang mga balang kinuha ko mula sa magasin ng kanyang baril. At marahan kong itinutok sa kanyang noo ang baril na hawak ko.

"Sa tatlong taon nating pagsasama," panimula ko. "Ni kailanman ay hindi ako nakaramdam. Sa tatlong taon nating pagsasama, hindi kita inutusang makaramdam ng pagmamahal sa mga bagay na normal kong ginagawa."

"Pero pinagkatiwalaan mo ako," Pagpuputol niya sa iba kung sasabihin.

"Sa anong paraan mo nasabi ang bagay na iyan?" pabalik kong tanong.

"Sinasabi mo sa akin lahat ng sikreto mo, ang trabaho mo at tungkol sa pagkatao mo." 

"Wala akong pinagkakatiwalaan maliban sa sarili ko, Javier. Kung inaakala mong dahil sinabi ko sayo ang lahat tungkol sa akin ay pinagkakatiwalaan na kita, pwes nagkakamali ka. Hindi lang talaga ako marunong magsinungaling. At mamamatay ka lang rin naman, kaya, bakit hindi ko pa sasabihin, hindi ba?"

"Kung ganoon ay bakit hindi mo man lang ipinaalam sa akin ang buo mong pangalan?" malungkot niyang tanong.

"Kung pwede lang Javier," huling saad ko sa kanya bago ko siya binaril sa mismong noo niya na sinundan pa sa kanyang dibdib.

Kitang kita ko kung paano tumagas pababa ang kanyang dugo na nagmumula pa sa kanyang noo. Ang pag labas ng dugo mula sa kanyang bibig. At ang unti-unting pagsara ng talukap nang kanyang mga mata.

Walang emosyon akong lumabas sa mansyon na aking kinaroroonan at nakitang may kotse nang naghihintay sa akin sa labas. Nanatili muna ako sa labas at pilit na tinititigan ang reaksiyon sa muka ng nasa loob. Ilang minuto lang ang pinanatili ko at agad na pumasok sa loob at sumakay sa passenger seat. Si Aryan ang nagmamaneho at hindi manlang ako binigyan ng tingin, bago pinaharurot ang kotse.

Ang galing niyong maglaro Aryan. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennifer Naral
bat wlang update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Agent Xine   1. Mission Accomplished

    "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

  • Agent Xine   2. Their Money, Not Mine

    Habang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.Sayang din tong 500 million.Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko.Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito."Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang."Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa ka

  • Agent Xine   3. New Mission

    Hindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono.Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot."Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin."Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.Pero dahil wala akong magagawa ay tamad

  • Agent Xine   4. Mafia Sarmiento

    Isang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila

Latest chapter

  • Agent Xine   5. Ex-husband

    Ramdam na ramdam ko ang kaba niya kahit hindi niya ito ipakita. Napangisi naman ako dahil doon.Alam mong hindi mapapantayan ng mga ensayo mo ang kinalakihan ko. Kaya hindi ko alam na ganun ka pala kahangal para sundin ang gusto niya.Napakalaki na nang pagkakangiti ko dahil sa naisip ko, at gustong-gusto ko nang humalakhak ng sobrang lakas."Kumusta?" tanong ko sa kanya at bahagya pang pinalambing ang boses.Hindi niya ako tinugon pero nasa akin pa rin ang paningin niya."Hindi ko lang kasi maisip na ganyang klase ng mga tauhan ang meron ka. Mga bobong tauhan," pagpapatuloy ko pa, pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya.

  • Agent Xine   4. Mafia Sarmiento

    Isang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila

  • Agent Xine   3. New Mission

    Hindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono.Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot."Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin."Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.Pero dahil wala akong magagawa ay tamad

  • Agent Xine   2. Their Money, Not Mine

    Habang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.Sayang din tong 500 million.Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko.Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito."Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang."Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa ka

  • Agent Xine   1. Mission Accomplished

    "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

DMCA.com Protection Status