Home / All / Agent Xine / 2. Their Money, Not Mine

Share

2. Their Money, Not Mine

Author: Miss_Xine
last update Last Updated: 2021-07-05 12:53:52

Habang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.

Sayang din tong 500 million.

Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko. 

Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito.

"Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang.

"Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa kaligtasan ko. Napangiti naman ako ng malawak dahil do'n.

"Eh kayo po? Gabi na po ah, ba't hindi niyo pa po ipagpabukas yan?" Tanong ko sa kanya pabalik bago ako naupo sa gilid ng kalsada, katabi niya.

"Hayy nako iha, nakikitinda lang ako, hindi ako pwedeng bumalik ng walang ingreso haha." Sabi niya pa at bahagyang napatawa, pero kitang kita ko pa rin ang lungkot na nasa mga mata niya. "Tatlong daan palang ang kita ko dahil kaninang alas sais lang ako nakalabas. Hinintay ko pa kasi ang anak ko, nag-aaral siya at may project sila kaya hinintay ko muna siya para may magbantay sa asawa ko."

"Bakit? Ano pong nangyari sa asawa niyo?" Masyado akong naging interesado sa kwento ng babaeng kaharap ko ngayon dahil sa mga emosyon na nakikita ko sa kanya.

"May sakit ang asawa ko sa baga, pero hindi ko madala-dala sa ospital dahil sa kawalan ng pera." Nakangiti niyang usal haban nakatingin sa aking mga mata, kaya kitang kita ko ang sakit na pinapasan niya.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa ginang, pero tuwing magtititigan kami ay parang naiilang ako at gusto kong magpatalo.

"Sabi ng asawa ko ay imbes na ipambayad sa ospital, ay sa iskwela nalang ng aming kaisa-isang anak na babae, ilaan ang mga ipon namin. Inayawan din naman ng anak ko ang suhestiyon ng papa niya dahil mas mainam daw na ipagamot muna ang papa niya. Sadyang napaka bait ng anak ko kaya kahit pagod na pagod ako ay hindi ako titigil hanggat hindi ko siya napagtatapos." Nakangiti siya habang nagkwe-kwento tungkol sa anak niya.

Bagay na hindi ko manlang nakita sa kahit sinong tao na nagkwe-kwento tungkol sakin. Nakaramdam naman ako ng kakaibang emosyon pero isinawalang bahala ko nalang ito. Hindi importante sa akin ang buhay ng ninuman, lalong lalo na ang nararamdaman ng kahit sino.

Nginitian ko lang siya at agad na iniba ang usapan.

"Pwede po ba akong makikain at makitulog sa inyo?" Prangka kong tanong sa ginang, napansin kong natigilan siya sa sinabi ko.

Siguro naman ay kahit naman sino, ay magugulat sa ganyang klaseng tanong mula sa isang estranghero, idagdag pa na isang magandang babaeng tulad ko ang estrangherong nagtanong.

Hayss.

Ilang minutong pananahimik ang namutawi sa aming pagitan. Nakatingin lang ako sa kawalan at walang salitang maririnig mula sa kahit kaninong panig. Hinayaan ko siyang mag isip ng kanyang isasagot saakin, habang ako ay may hindi maipaliwanag na nararamdaman. Para akong kinakabahan sa walang kadahilanan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya. Muntik pa akong magulat nang makita ko siyang nakatingin sa akin habang may malaking ngiti sa labi. Nagtataka ko siyang tinignan dahilan para mahina siyang matawa.

Marahan siyang tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Naguguluhan man ay tinanggap ko ito at tumayo na lang rin.

"Halika iha, sumunod ka sakin." Tugon niya at sumunod naman ako.

May kalayuan pa ang nilakad namin bago kami nakarating sa isang maganda-gandang bahay. Maliit lang ito, pero kung ikukumpara sa ibang nandito ay pang-mayaman na ito. Maingat siyang kumatok sa pinto, na padabog namang pinagbuksan ng nasa loob. Nakakunot ang noo ng babaeng nagbukas.

Mataba. Nakanunot ang noo. Naka daster. May curler sa buhok. Tipikal na aling may masamang ugali. At higit sa lahat. Pangit.

"Ano ba naman Glenda! Gabing-gabi na nambubulabog ka pa!" Sigaw nitong babaeng mataba na nagbukas ng pinto habang nakatingin sa ginang na kasama ko.

"Ahhh...amo, pwede bang hiramin ko muna itong benta ko?" Tanong ng ginang na kasama ko. Ramdam ko ang kaba niya habang nakayukong nakikipag usap sa kaharap.

"Ano!? Bakit?! ilan na ba ang benta mo!?" Pasigaw niya uling tanong.

"Ahh...tatlong daan palang kas--"

"Ano!? Eh ingreso mo palang yan ah! Ano!? Wala kang maibibigay sa akin ngayon!? Aba, wala namang ganyanan. Lahat tayo ay naghihirap dito Glenda. Kaya hindi!! Hindi kita papayagan sa gusto mo. Marami ka na ngang utang sa akin, tapos mangungutang ka uli!? Aba! Abusado ka naman ata. Akina! Akina yan." Mahabang kuda ng aling ito. Hindi na nahiya sa lakas ng boses, at halatang ipinapahiya niya ang kasama ko sa mga kapit-bahay nila.

Kinuha niya ang basket na dala ni Manang Glenda at kinalkal ang bag na dala, kung saan niya inilalagay ang perang kinita. Nang makuha niya ang mga iyon ay tinalikuran niya na kami at pabalibag na sinarado ang pinto.

Narinig kong bumuntong hininga si Aling Glenda, at pagtingin ko sa kanya at binibigyan niya ako ng tingin na humihingi na paumanhin.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang maging ganito kabait sa mga taong katulad ng nakasalamuha namin ngayon.

Hinawakan niya ako sa braso at iginiya papunta sa tindahan ng barbecue. Pinapili niya ako kung anong gusto ko, at pigil ang ngiti ko naman iyong ginawa. Ilang minuto lang kaming naghintay bago kami nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Dala-dala niya ang plastik ng barbecue hanggang sa makarating kami sa isang bahay na puros kahoy. Kitang kita ang kalumaan nito, hindi kaaya-aya ang panlabas nitong anyo pero napaka linis ng loob.

Iginiya niya ako papasok at bumungad agad sa amin ang isang magandang babae na nasa sala. Sa tingin ko ay kaedad ko lang rin ito. May mga notebook sa lamesa habang may hawak itong libro. Nag-angat lang ito ng tingin nang makarinig siya ng mga yabag. Nagliwanag agad ang mukha nito, na parang kanina pa naghihintay sa pag-uwi ng ina niya.

"Nay ginagabi kana. Kanina pa po kita hinihintay eh. Masama po ang nagpupuyat." Nakanguso niyang sabi na tinawanan lang ng kanyang ina. Unti-unti namang natuon sa akin ang kanyang paningin at muling ibinaling sa kanyang ina, nagtatanong.

"Anak, makikikain at makikitulog lang siya sa atin, ngayong gabi lang." Paliwanag ng kanyang ina na tinanguan lang niya. Unti-unti siyang lumapit papunta sa direksiyon ko at inilahad ang kamay, nagpapakilala.

"Hi, Ako si Anika. Anika Zyle Marie Caballero." Masayahin niyang sabi at parang ipinaparamdam sa akin na pwedeng-pwede pa akong bumalik doon. Tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa paligid niyo. Pero nasisiguro kong hindi ito maganda.

"Xine." Iyon lang ang aking sinabi at iginala na ulit ang paningin sa kabuuan ng munti nilang bahay.

Pinakain nila ako at pinahiram ng mga damit. Dala-dala ko pa rin ang bag na puno ng pera at itinabi ito sa paanan ng kama na kinaroroonan ko. Kwarto ito ng anak nila at doon nalang daw siya sa kwarto ng mga magulang niya maglalatag ng banig.

Binuksan ko ang aking relo at nakitang mag aalas dose na ng madaling araw, agad kong pinadalhan ng mensahe sila Aryan, at sinabi din ang address ng bahay na kinaroroonan ko.

Hindi ako makatulog. At wala rin akong balak na matulog. Iniisip ko kung bakit gano'n nalang ka-estranghero ng mga emosiyong naramdaman ko habang kasama ang mag-inang yon kanina. Pero kailangan kong maging handa, kailangan kong masiguradong hindi sila isa sa mga kalaban ko.

Dalawang oras akong naghintay bago ko narinig ang tunog ng sasakyan. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at walang balak na magpaalam.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko agad ang kotseng nasa kabilang gilid ng kalsada, sa tapat ng bahay na kinaroroonan ko. Naramdaman ko agad ang presensya niya mula sa aking likod, na ipinagsawalang bahala ko nalang. Tuluyan na akong nakalapit sa kotse at dahan-dahang binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Where's the money?" Tanong ni Aryan, na siyang nasa driver seat.

"What money?" Inosenting tanong ko na kanya namang sinuklian ng masamang tingin, iniiwas ko nalang sa kanya ang aking tingin at muling bumaling sa rearview mirror.

"It's their money, not mine."

Nakangising tugon ko sakanya habang palihim na tinatanaw si Anika sa likod ng kanilang bahay, na palihim ring tumitingin sakin. 

Inaasahan kong gagamitin mo ng maayos ang milyong-milyong perang iniwan ko sa inyo.

Related chapters

  • Agent Xine   3. New Mission

    Hindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono.Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot."Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin."Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.Pero dahil wala akong magagawa ay tamad

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   4. Mafia Sarmiento

    Isang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   5. Ex-husband

    Ramdam na ramdam ko ang kaba niya kahit hindi niya ito ipakita. Napangisi naman ako dahil doon.Alam mong hindi mapapantayan ng mga ensayo mo ang kinalakihan ko. Kaya hindi ko alam na ganun ka pala kahangal para sundin ang gusto niya.Napakalaki na nang pagkakangiti ko dahil sa naisip ko, at gustong-gusto ko nang humalakhak ng sobrang lakas."Kumusta?" tanong ko sa kanya at bahagya pang pinalambing ang boses.Hindi niya ako tinugon pero nasa akin pa rin ang paningin niya."Hindi ko lang kasi maisip na ganyang klase ng mga tauhan ang meron ka. Mga bobong tauhan," pagpapatuloy ko pa, pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya.

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   1. Mission Accomplished

    "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • Agent Xine   2. Their Money, Not Mine

    Habang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.Sayang din tong 500 million.Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko.Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito."Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang."Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa ka

  • Agent Xine   1. Mission Accomplished

    "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status