Home / Romance / Agent Xine / 1. Mission Accomplished

Share

Agent Xine
Agent Xine
Author: Miss_Xine

1. Mission Accomplished

Author: Miss_Xine
last update Last Updated: 2021-07-05 12:36:15

"Nasaan na?!"

Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong  lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan.

"Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.

Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo.

"Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"

Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

Hindi ko siya sinagot at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha, na labis ko namang ikinatuwa. 

Sige lang, galitin mo lang ang sarili mo.

"Nasaan ang pera namin!"

Tanong niya sa pangatlong pagkakataon at malakas na sinampal ang aking kaliwang ipisngi. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa manhid, at pinanatili sa kabilang gilid ang aking mukha. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti kong inayos ang aking pwesto, hindi pinapahalata ang sakit na bumalatay sa kaliwa kong pisngi.

Hindi ko siya sinagot at itinaas lang ang aking kilay, para mas lalo siyang inisin. At tulad nga ng inaasahan ay muli niya na naman akong sinapak, dahilan upang muling matumba ang inuupuan ko. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon at mabilisang inabot ang sapatos na suot-suot at kinuha ang bagay na nasa loob niyon.

Pwersahan niya na namang hinatak ang aking buhok para maitayo ako sa muling pagkakatumba.

Siguraduhin mo lang na makakaligtas ka sa lugar na 'to. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong wala ka nang mahahawakan sa oras na makaalis ako dito.

Hindi ko isinatinig ang banta kong iyon at walang emosyon ko siyang tinitigan sa mga mata. Nakita ko ang pagkaasar at inis sa kanya habang unti-unti na naman siyang lumalapit, hudyat na sasapakin niya ulit ako. Pero bago pa man siya makalapit sa akin ay nagsalita na ako.

"Nasa secret compartment ng kotse ko," walang gana kong saad, dahilan para mapatigil siya sa akmang paglapit.

Tinitigan niya lang ako sa dalawang mata, at inaalam kong nagsasabi ba ako ng totoo. "Sa ilalim ng dashboard, sa mismong ilalim ng compartment."

Pagpapatuloy ko habang hindi tumitinag sa kanyang mga titig. Nakita ko ang pagsenyas niya sa tatlo niyang tauhan, na agad namang tumalima, dahilan upang maiwan silang apat na pare-parehong nakaupo sa sofang nasa harapan ko.

"Mas gusto mo talaga ang nahihirapan ano? Maaari mo namang sabihin sa simula pa lang, ba't kailangan mo pang patagalin?" Mahinahong tanong ng isa sa kanila, hinuha ko ay siya ang pinakabata, habang unti-unting lumalapit sakin.

Binigyan ko muna siya ng nakakalokong ngisi bago ko siya sinagot.

"Mas masakit. Mas masarap."

Iyon lang ang itinugon ko sa kaniya pero nakita kong gumuhit ang mas malaking ngisi sa kanyang labi.

Tsk! Dirty minded.

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at ngayon ay unti-unti nang hinahaplos ang aking bewang pababa sa aking hita.

"Hindi ko alam na," Putol niya sa sariling sinasabi habang unti-unting pumapasok sa loob ng damit ko ang kamay. "Mas masarap pala para sayo ang nasasaktan." 

Ngising-ngisi siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Naramdaman ko pa ang lalong pagtaas ng kanyang kamay papunta sa aking dibdib.

Hinahayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa dahil mas binibigyan ko ng atensiyon ang mga nakatali kong kamay. Marahan kong pinuputol, ang telang ginamit nila para itali sa akin, gamit ang kutsilyong nakuha ko mula sa aking sapatos.

Nang maramdaman ko ang paghinto ng kanyang kamay ay muli kong naituon sa kanya ang aking buong atensyon.

Hindi ko na siya nakita sa aking harapan, at nasulyapan siyang naglalakad pabalik sa kanyang mga kasama. Umupo siya sa sofa kaharap ng upuang aking kinaroroonan. Unti-unti kong nahubad ang tali sa aking mga kamay ng may pag-iingat, pero pinanatili ko lang ito sa aking likod. Hawak-hawak ang telang pinantali nila sa akin ay dahan-dahan kong inipit ang kutsilyong ginamit sa aking suot na pantalon.

Muling tumayo ang isa sa kanyang mga kasama at lumapit sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya at pati kaloob-looban ng kanyang bunganga ay makikita ko. Pero pinanatili ko ang aking paningin sa kanya at nilabanan ang mga titig niya.

"Bibigyan kita ng isang minuto," panimula niyang saad. "Isang minuto upang makaalis ka sa pwestong kinaroroonan mo." Sabi niya at mas inilapit pa ang muka sa aking taenga. "Dahil kong hindi, sisiguraduhin kong hindi kami magsasawang ulit-uliting angkinin ang napakaganda mong katawan." 

May pang-aakit na bulong niya sa akin, naramdaman ko pa ang init ng dila niya na humaplos sa puno ng aking taenga papunta sa aking pisngi.

Eww! Yucks!

Napabuntong hininga ako upang makuha ang atensyon nilang lahat. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang ilang pares ng mga mata na nakatingin sa akin, kasama na rito ang mga mata ng lalaking nasa harap ko. Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti, dahilan upang makita ko ang kaunti pagkagulat sa kanyang mata.

"Limang segundo," panggagaya ko sa kanya bago itinuon sa kanyang mga kasama ang paningin. "Bibigyan ko kayo ng limang segundo upang makaalis sa mismong kinaroroonan niyo," at dahan-dahang inilipat sa mismong mukha niya ang aking paningin. "Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong walang makakaalis dito ng buhay maliban sa akin." Pabulong kong sabi pero sinigurado kong maririnig nilang lahat iyon. 

Bahagya ko pang inilapit ang aking labi sa gilid ng kanyang labi, na dahan-dahang lumilihis papunta sa kanyang leeg kung saan ko ilinagay ang aking matamis na halik.

Narinig ko ang kanyang paglunok, kaya naman unti-unti kong inilayo ang aking mukha mula sa kanya, dahilan upang makita ko takot at pangamba sa kanyang Mga mata.

Tsk! Coward.

Dahan-dahan siyang naglakad papalayo mula sa aking kinaroroonan at naupo kasama ang kanyang mga kaibigan. Napalahaw ito ng nakakainsultong halakhak na unti-unti namang humawa sa kanyang mga kasama. Mas lalong napalaki ang aking ngisi dahil sa pananabik.

Sabay-sabay silang apat na humahalakhak habang ako ay nakasandal sa aking kinauupuan, pinagmamasdan sila nang may matamis na ngiti sa labi.

"Isa."

Isa-isa silang napahinto sa paghalakhak at napatingin sa akin.

"Dalawa." 

Nakangising ani ko sa kanila, habang kinakagat kagat pa ang pang ibabang labi.

"Tatlo." 

Natatawa kong bilang nang makita ko ang takot sa kanilang mga mata. Kanya-kanya silang pumulot ng kani-kanilang baril, at parang handa nang iputok iyon sa akin.

"Apat." 

Nakita ko pa ang panginginig ng mga kamay nila habang unti-unting itinututok sa akin ang kanilang mga baril.

Hindi pa man umaabot sa lima ang bilang ko ay agad ko nang hinaplos ang aking palad, dahilan para masilayan ko mismo ang pagtalsik ng kanilang mga katawan.

Rinig na rinig ang may kalakasang pagsabog ng microbomb na iplinanta ko sa leeg nung pangatlong lalaki, sa pamamagitan ng halik.

"Lima." 

Pagtatapos ko sa bilang. Napalitan ng mahinang pagtawa ang aking ngisi dahil sa kabobohan ng mga ito. 

Tsk! Sana pala ay pinaabot ko ng sampung segundo.

Napapailing nalang ako dahil huli na no'ng pumasok ang ideyang iyon. Linibot ko ng tingin ang strukturang kinaroroonan ko, mukha iyong building na hindi pa matapos-tapos. Tinitignan ko ang bawat sulok ng kwarto at hinahanap ang aking mga alaga. Nakita ko naman ang mga ito kaya agad ko iyong kinuha.

Babies!

Walang tinig na bati ko sa dalawa kong baril. Sinipat ko muna ito isa-isa, kung nasa tamang pwesto pa ba ang mga magazine na nakakabit dito.

Dala-dalawa ang magazine kaya hindi madaling maubusan ng bala.

Parehong may silencer.

At higit sa lahat, makikita ang tatak ng aking pangalan sa mismong gilid ng mga ito.

Xine

Bumalik sa dati ang mukha ko at walang emosyong bumaba sa kwartong iyon, dahan-dahan akong bumaba, dala ang dalawang nakaambang baril na handang pumutok sa mga kalaban. Nang makarating ako sa baba ay kitang-kita ko ang tatlo nilang tauhan na parang mga asong binabaklas at sinisira ang aking kotse.

"Tsk! Tsk! Tsk!"

Pagpaparinig ko sa kanila na mabilis naman nilang nilingon at nag unahan pang lapitan ang kaniya-kaniyang baril, pero bago pa man nila iyon makuha ay inunahan ko na sila. Binaril ko sila sa mismong ulo para hindi na ako masyadong mag aksaya ng maraming bala.

Habang tinitignan ang kabuuan ng aking kotse ay napabuntong-hininga nalang ako bago humarap sa kanila, animo'y kinakausap ang kanilang mga bangkay.

"Tsk! Kwits na, sinira niyo yung kotse ko eh."

Muli ko pa itong sinuri bago ako dire-diretsong naglakad paalis sa abandonadong building na iyon, na parang walang nangyari.

"Agent Xine, mission accomplished."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennifer Naral
Daily update ba2
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Agent Xine   2. Their Money, Not Mine

    Habang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.Sayang din tong 500 million.Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko.Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito."Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang."Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa ka

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   3. New Mission

    Hindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono.Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot."Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin."Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.Pero dahil wala akong magagawa ay tamad

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   4. Mafia Sarmiento

    Isang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila

    Last Updated : 2021-07-05
  • Agent Xine   5. Ex-husband

    Ramdam na ramdam ko ang kaba niya kahit hindi niya ito ipakita. Napangisi naman ako dahil doon.Alam mong hindi mapapantayan ng mga ensayo mo ang kinalakihan ko. Kaya hindi ko alam na ganun ka pala kahangal para sundin ang gusto niya.Napakalaki na nang pagkakangiti ko dahil sa naisip ko, at gustong-gusto ko nang humalakhak ng sobrang lakas."Kumusta?" tanong ko sa kanya at bahagya pang pinalambing ang boses.Hindi niya ako tinugon pero nasa akin pa rin ang paningin niya."Hindi ko lang kasi maisip na ganyang klase ng mga tauhan ang meron ka. Mga bobong tauhan," pagpapatuloy ko pa, pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya.

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • Agent Xine   1. Mission Accomplished

    "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.

DMCA.com Protection Status