Chapter: 5. Ex-husband Ramdam na ramdam ko ang kaba niya kahit hindi niya ito ipakita. Napangisi naman ako dahil doon.Alam mong hindi mapapantayan ng mga ensayo mo ang kinalakihan ko. Kaya hindi ko alam na ganun ka pala kahangal para sundin ang gusto niya.Napakalaki na nang pagkakangiti ko dahil sa naisip ko, at gustong-gusto ko nang humalakhak ng sobrang lakas."Kumusta?" tanong ko sa kanya at bahagya pang pinalambing ang boses.Hindi niya ako tinugon pero nasa akin pa rin ang paningin niya."Hindi ko lang kasi maisip na ganyang klase ng mga tauhan ang meron ka. Mga bobong tauhan," pagpapatuloy ko pa, pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya.
Last Updated: 2021-07-05
Chapter: 4. Mafia SarmientoIsang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila
Last Updated: 2021-07-05
Chapter: 3. New MissionHindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono.Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot."Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin."Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.Pero dahil wala akong magagawa ay tamad
Last Updated: 2021-07-05
Chapter: 2. Their Money, Not MineHabang naglalakad paalis ay dumaan muna ako sa gilid ng kalsada, sa madamong parte, kung saan ko ihinulog ang isang bag ng pera.Sayang din tong 500 million.Kinuha ko ito at parang modelong naglakad patungo sa mataong lugar ng probinsiyang kinaroroonan ko.Gabing-gabi na at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa matandang nagtitinda ng chicharon at tinanong ito."Anong oras na po manang?" Tanong ko sa kanya ng may paggalang."Alas onse na iha, masyado ng gabi para magpagala-gala kapa. Delikado ang panahon ngayon iha." Tuloy-tuloy niya pang sabi at parang alalang-alala para sa ka
Last Updated: 2021-07-05
Chapter: 1. Mission Accomplished "Nasaan na?!"Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan."Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong.Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo."Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!"Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.
Last Updated: 2021-07-05