Share

Age Is Just A Number (FILIPINO)
Age Is Just A Number (FILIPINO)
Author: Jennex

AIJAN: 1

Author: Jennex
last update Last Updated: 2022-09-27 14:19:10

Sabrina

Nakapikit ang aking dalawang mga mata habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha, mula dito sa seaside para panoorin ang papalubog na araw.

I really love the sunset.

Because sunset is proof that the ending can often be beautiful too.

Atsaka inihahalintulad ko rin ito sa aking buhay, sa aking sarili. Kahit na madalas sinasabi ng iba na ang araw ay parang isang buhay ng tao, na lumulubog at natatapos.

Pero sa akin? Hindi. Dahil muli itong sisikat pagdating ng bagong umaga. Nagpapatunay na kahit na ano pa man ang mangyari sa ating mga buhay, mapagod man tayo o paulit-ulit na madapa, muli tayong tatayo para magpatuloy. Because in this life, we always need to keep moving forward.

Nakaugalian ko na ang dumaan dito sa tuwing ganitong oras. Sa ganitong paraan ko lamang kasi nahahanap ang kapayapaan na kailangan ng puso ko at ng aking isipan.

Minsan hindi naman talaga masama na takasan ang realidad. Lalo na ang mga problema. Kailangan natin ang mag recharge, nang sa gayon ay magkaroon pa tayo ng maraming dahilan upang magpatuloy sa araw-araw.

Muling iminulat ko ang aking mga mata bago kinuha ang aking phone mula sa loob ng aking handbag. Masyadong maganda ang view kung hindi ko kukunan ng litrato.

Nakakadalawang take pa lamang ako nang may biglang humarang na babae sa may kinukuhanan kong view. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil against the light ito.

"Why did you stop?" Tanong nito at agad na humakbang palapit sa akin. "Just keep taking pictures and include me to make the view more beautiful." May pagkapresko pang dagdag niya.

Napangisi na lamang ako atsaka napa iling dahil sa kanyang sinabi.

Wala sigurong magawa sa buhay. O baka naman walang makausap. Baka kailangan lang niya ng makakausap. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

"Are you okay?" Tanong ko rito in a sarcastic tone.

Isang napakasarap sa tenga naman na tawa ang pinakawalan nito bago naupo sa aking tabi.

This time, I finally saw her face. And all of a sudden, I was stunned and amazed at her beauty. Mayroon siyang mahaba at kulay blonde na buhok na hanggang beywang ang haba. Napaka amo ng kanyang maliit na itsura, mahaba at makapal ang mga pilik mata at masyadong makinis ang kutis na walang bahid ng kahit na konting galos. Ang tangos din ng kanyang ilong at halatang natural ang pagkapula ng kanyang mga labi.

At mas lalo pang nangibabaw ang kagandahan nito dahil sa reflection ng papalubog na araw na tumatama sa kanyang mukha.

Gosh! Nakakainggit ang kagandahan niya.

Based on her posture and aura, I think she is in her twenties.

Bago bago pa man ako nito tuluyang mahuli na nakatingin sa kanya, ay agad nagbawi na ako ng aking paningin.

"Beer?"

Tanong nito sabay abot ng isang can ng San Mig light sa akin. Napatawa ako.

"No. Thanks!" Pormal na pagpapasalamat ko at pagtatanggi na rin.

"Come on, mas masarap manood ng sunset kapag may beer na kasama." Muli akong nagbaling ng tingin sa kanya atsaka tinignan ito ng mataman sa kanyang itsura.

Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Isa pa, mukhang wala sa itsura niya ang gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

"Just try it." Dagdag na pangungumbinsi pa niya.

Isang matamis na ngiti naman ang gumuhit sa aking labi noong tinanggap ang beer mula sa kanyang kamay.

 "Thanks!" Agad na binuksan ko iyon bago sinimulan nang inumin.

"Hmmm..." Napapapikit ako noong malasahan ang beer, habang dumadaloy ang malamig na likido sa aking lalamunan.

"Wow!" Rinig kong komento niya. "Bakit hindi ka nalang nag modelo?" Pahabol na komento pa niya dahilan upang mang init ang magkabilaang tenga ko.

Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi nito.

"First time mo ba rito?" Tanong ko at pag iiba na rin ng usapan dahil ngayon ko lamang siya napansin sa lugar na ito.

Iilan lamang kasi ang tao na napapadpad rito, kaya sa madalas na pagpunta ko rito eh nakakabisado ko na ang kanilang mga itsura.

Agad naman siyang napatango bago napayuko. Inilapit din nito sandali ang kanyang mukha sa akin.

 "Tumakas kasi ako." Bulong niya atsaka napatawa.

"Tumakas? Why? Artista ka ba?" Tanong kong muli ng may pagtataka.

No wonder kung bakit ang ganda-ganda niya at mahahalata mo talaga na nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Halatang alaga rin ang katawan at kutis niya.

Hindi ito kumibo, sa halip ay binigyan na lamang ako ng isang pormal na ngiti. Inilahad din nito ang kanyang kanang kamay pagkatapos.

"I'm Brigette." Pagpapakilala niya.

Napangiti rin akong muli bago tuluyang tinanggap ang kamay nito. "Sabrina." Pagpapakilala ko rin dito.

"Sabrina..." Napapatango na pag-ulit nito sa pangalan ko. "As in, from the River Severn?" Dagdag pa nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napatawa. Bakit ganon? Ang gaan-gaan yata ng loob ko sa kanya. Para sa isang tao na ngayon ko lamang nakilala. Ang bilis lang din niya akong patawanin at pangitiin.

Weird.

Kunot noo na napatitig ako sa mukha niya.

"What? It's a Latin name of the river Severn in the United Kingdom." Paliwanag nito dahil baka iniisip niyang hindi ako naniniwala.

 "How did you know?" Tanong ko. At panunukso na rin.

Mukhang ang talino rin niyang tao. Nakakahanga lang. Bihira lamang ako humanga sa isang tao, pero pagdating sa kanya, ibang klase. And take note, isa lamang siyang stranger na napadpad sa harap ko ilang minuto pa lamang ang nakakalipas.

"Because I'm smart?" Patanong na sagot nito ngunit nahihimigan ko ang pagyayabang.

 "Nice one." Usal ko bago tuluyang inubos ang huling laman ng can ng beer.

 "Thanks for the drink again." Muling pagpapasalamat ko at handa na sana sa pagtayo upang makaalis na nang pigilan niya ako.

"Aalis kana agad?" Iyong tono ng boses niya parang nagpapaawa na ewan. Hayyy.

Cute.

Pigil ang ngiti na muling nagbaling ako ng tingin sa kanyang magandang mukha.

"Dahil dumidilim na po ang paligid binibini." Naka ngiting sagot ko sa kanya. "At hindi maganda para sa ating mga kababaihan ang mamalagi sa dilim." Dagdag ko pa.

Nagpakawala ito ng isang mahinang pagtawa.

"You have a point, but can you please stay even a few more minutes?" Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagat nito sa ibabang parte ng kanyang labi.

Mabilis na muling napaiwas ako roon ng tingin bago napatikhim.

"S-Sure!" Tuluyang pagpayag ko.

Naisip ko kasi baka may pinagdadaanan siya at kailangan lamang niya ng makakausap. Baka kailangan din niya na may mapaglabasan ng sama ng loob.

Ganon naman kasi tayo ‘di ba? Mas madali sa mga part natin ang magbukas ng problema sa ibang tao.

Muli kong inayos ang aking pag-upo sa kanyang tabi.

"So, what are we going to talk about?" Tanong ko in a serious tone.

"Is there something you want to talk about? Don't worry, I'm just a stranger here. Pwede mo akong pagsabihan ng kahit na ano. At hindi kita i-ja-judge." Pagbibigay ko ng assurance.

Napahinga siya ng malalim.

Tinitigan niya ako ng medyo may katagalan sa aking mukha kaya napa iwas ako ng aking mga mata. Agad na naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

Grabe naman siya kung makatitig. Para akong tinutunaw.

 "Yeah. May problema kasi talaga ako." Sabay yuko na sambit nito. Halatang malungkot. Bigla naman akong nag-alala kasi baka umiyak nalang siya bigla.

Hindi ko pa naman alam ang gagawin kapag ganito. Ang awkward naman yata kung basta ko nalang siyang yayakapin.

"W-What is it? You can tell me." Muling inayos ko ang aking pag-upo at handa na sa pakikinig.

"Do you believe in love at first sight—or should I walk by again?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko pa sana mage-gets ang sinabi nito kung hindi ko nakita na napangiti siya ng nakakaloko.

"What? Are you serious?" Hindi ako makapaniwala na magbabanat lamang pala siya. "I'm serious, Miss." Nauubusan na ako ng pasensya.

Pero dahil maganda siya, sige lang.

Napatawa itong muli ng mahina.

"Fine." Napatikhim ito. "I will tell you."

"Good."

Natahimik siya sandali. Medyo madilim na talaga ang paligid dahil konting liwanag nalang ang nakikita mula sa araw na ngayon ay pawala na sa aming paningin.

"In my opinion, there are three kinds of beautiful." Panimula niya. Mukha naman na siyang seryoso kaya mas nakinig na ako this time.

"Smart, pretty, and sexy. But somehow, you manage to be all three." Sabay sulyap na dagdag nito sa akin. Halatang nagpipigil ng kanyang pag ngiti.

Napapa 'Wow' na lamang ako in disbelief. Mukhang nagsasayang na lamang din ako ng oras dito.

"You know what, you are wasting my time Brigette. Can I go home now? Dahil sa tingin ko, okay ka naman eh." Tuluyan nang naubusan ng pasensya na saad ko.

Ngunit pinagtawanan lamang ako nito.

But the hell? Bakit imbis na mas mainis pa ako eh natatanggal pa yata ang init ng ulo ko dahil sa ganda niya kung tumawa.

Napabuga ako ng hangin sa ere.

"Okay, I'm going home now." Sabay tayo na sambit ko pero mabilis na pinigilan ako nito sa  aking braso.

Nakatayo na rin siya katulad ko. Sandaling napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa akin, kaya naman agad niya iyong tinanggal.

"Sorry." Paghingi nito ng tawad ngunit alam mong hindi naman siya seryoso.

"Sorry for what? For messing with me or for wasting my time?" May pagka sarkastiko na tanong kong muli.

Napakagat itong muli sa kanyang labi.

God! Can she stop biting her lip?

"I'm sorry if the first time I saw you, I couldn't take my eyes off you. And that's my problem now, I can't get you out of my mind so I just introduced myself to you, to get to know you." Paliwanag niya sa akin.

Naka drugs siguro itong babaeng ito. O baka naman naalog ang utak.

Muli akong nagpakawala ng hangin sa ere.

"Tapos kana ba, BRIGETTE?" Bigay diin ko sa pangalan niya.

Dahil sa totoo lang hindi na siya nakakatuwa. Sayang 'yong ganda niya kung sa bawat stranger na makakasalamuha niya eh ganito siya.

"Relax, Sabrina." Pagpapakalma nito sa akin bago umatras ng konti para kunin ang naiwan nitong paper bag, na mayroong laman ng empty can ng beer.

"Can I take you home now?" Tanong niya.

Seryoso lamang ang mukha na tinignan ko ito bago tuluyang tumalikod na. Hindi ko naman alam na susunod parin pala siya.

"What I mean is, take you home. Ihahatid kita. Hindi i-te-take out pfft." Wika nito.

Pero nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya narinig.

"Hey!" Sabay kalabit sa aking braso.

"Hindi ka ba talaga titigil? Kasi kung hindi, tatawag ako ng pulis." Nag-uunahan na sa pagtaas baba ang aking dibdib.

"Hindi na kailangan." Sabi niya habang napapakamot sa batok. "Nagmamagandang loob lang naman eh." Pahabol pa nito.

"May kotse ako at kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa pag alok pero aalis na ako." Padabog na muling inihakbang ko ang aking mga paa hanggang sa makarating ako sa tapat ng aking sasakyan.

"See you when I see you, Sabrina!" Sigaw nito. Noon ko lamang napansin na sakay na siya ng kanyang sports car.

Shit! Ang gara naman.

Pero teka...

Agad akong natigilan noong muling maalala ang mukha nito. Sobrang pamilyar at parang nakita ko na siya sa kung saan. Hindi ko lang matandaan.

Well, bakit ko pa ba pag-aaksayahan ng oras ang babaeng iyon? Gayong mas maraming oras ang kailangan ko ngayon para sa paghahanda kinabukasan.

Isa kasi ako sa magiging bagong English teacher mula sa isang Private School na inapplay-an ko. At bukas na ang aking first day slash first class ko.

Yes, I am a teacher. My job is to teach and guide my students so they have a great future that kind of thing.

And I am so excited to meet my new students.

A/N: Unang Patikim...

Related chapters

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 2

    Cara"Have you heard the news?" Tanong ni Audrey, one of my best friends. Habang kausap ko ito mula sa kabilang linya.I am now on my way to University. Unang araw ng eskwela kaya expected ko nang marami na naman itong tsismis na sasabihin sa akin."What news?" Bored na tanong ko dahil sa totoo lang, hindi ako natutuwa kapag ganitong ke aga-aga eh tsismis ang ibabalita sa akin.Pero dahil kaibigan ko siya, kaya sige, pagbibigyan ko nalang. Hindi pa ba ako nasanay?"Mr. Gomez has resigned. So we don't have to sleep in every boring class of him." Unang pahayag nito sa akin.Yeah, I remember Mr. Gomez, iyong matandang English teacher namin na palaging tinutulugan ng kanyang mga estudyante dahil sobrang nakakaantok kung magturo."It's just YOU. That's your thing, not me." Pagtatama ko kay Audrey.Kahit hindi ko nakikita ang kanyang itsura, alam kong napapatirik ito ng kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. "Whatever. But guess what? Syempre kapag may umalis, may bagong darating. So, this i

    Last Updated : 2022-09-27
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 3

    SabrinaHanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala, na ang babaeng nakilala ko noong araw na iyon ay magiging estudyante ko pala.I mean, paano siya nagkaroon ng ganoon ka perpektong itsura? Napakaganda niya at hindi ko iyon maitatanggi. Ang buong akala ko talaga eh nasa twenties na ang edad nito, but it turns out na nasa seventeen or eighteen years old pa lamang pala siya.Napaka-matured niyang tignan. The way she talks and her posture, God! Napaka pino ng mga galaw nito kaya hindi mo talaga mahahalatang teenager pa lamang siya.Mas lalo tuloy akong nangamba, noong makita ko na isa siya sa aking mga magiging estudyante. Araw-araw kailangan ko itong makita, araw-araw kailangan kong iwasan ang mga mata niya, ang mga titig niya, ang mga nakakaloko nitong ngiti at tingin na kahit yata nakatalikod ako eh nararamdaman ko parin.Minsan, hindi ko mapigilan ang hindi magtaray sa loob ng klase. Hindi ako istriktang teacher, ngunit dahil masyado akong nadadala sa maganda niyang mukha, kaya ka

    Last Updated : 2022-09-27
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 4

    SabrinaAraw ng Sabado ngayon, maaga kong natapos ang mga naiwang gawain mula sa eskwelahan kaya wala na akong kailangan pang gawin ngayong gabi kung hindi ang mag relax.Nag order na lamang ako ng pizza atsaka nanood ng paborito kong series. Alam ko naman kasi na wala na akong iba pang dapat gawin kung hindi ang magpalipas ng oras hanggang sa tuluyang makatulog.Have you watched the 100? You should watch this show kasi ang ganda talaga ng series na ito. Sobrang nakakapanabik ang bawat eksena.Habang nanonood, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng pagka uhaw, hindi sa tubig or softdrinks, kundi sa alak.Sandaling nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang aking liquor cabinet, ngunit laking pagkadismaya ko nang makita na ubos na ang aking paboritong alak.Malungkot na napabuga ako ng hangin sa ere at muling naglakad pabalik sa sala.Pero hays. Hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko talaga ng alak ngayong gabi. Mukhang hindi kasi yata ako makakatulog hangga't walang alak ang dumadal

    Last Updated : 2022-09-27
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 5

    CaraNagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas bintana. Hindi ko mapigilan ang mapa ungol bago mas ibinaon pa ang aking mukha sa unan dahil mukhang kailangan ko pa ng kahit ilang minuto na tulog.Ngunit agad akong nagtaka nang mapansin na hindi ang paborito kong fabric conditioner ang aking naaamoy mula na nasa unan na gamit ko ngayon, kaya agad na muling napamulat ako ng aking mga mata.It was only then I noticed I was not lying in my bed but on a couch.Nagtataka na inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto, sinusubukan din na maalala kung ano ba ang mga nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko kasi, ito ang unang beses na nakapasok ako sa silid na ito.Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil kusa na lamang ding nawala ang antok na aking nararamdaman kani-kanina lamang.Kunot noo at napapanguso na napatitig ako sa isang queen size bed na nasa aking harapan.Sino naman kaya ang may lakas ng loob na patulugin ako sa isang couch at hindi sa isang kama? Nagtataka

    Last Updated : 2022-09-27
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 6

    Cara "Hey, sweetie! Good morning." Pagbati sa akin ng aking ama paglabas ko pa lamang ng aking kuwarto. Tiyak na may sasabihin na naman itong importanteng bagay kaya siya nandito. Madalas kasi wala si daddy sa bahay dahil sa palagi itong abala sa kanyang trabaho. Ganoon din si mommy. Pero sanay naman na ako, dahil palagi naman silang bumabawi sa akin. "Hey, dad!" Ganting pagbati ko rin sabay halik sa pisngi nito. Sabay na kaming naglakad patungo sa dining room. Pinaghila ako nito ng upuan bago ito umikot sa kabila ng table para maupo na rin. Tahimik lamang din na dumating si mommy, hinalikan muna ako nito sa aking ulo bago naupo na rin sa aking tabi. "Morning baby." Pagbati niya. "Morning mom." Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng nakakaloko habang naglalagay ng sariling pagkain sa aking pinggan. "Mukhang may importante kayong sasabihin." Panimula ko. "What is it?" Dagdag ko pa. Napatikhim si daddy bago marahan na pinunasan ang kanyang labi. "Nothing, honey. We just miss you."

    Last Updated : 2022-10-17
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 7

    Sabrina I was wearing a fitted silver evening dress that was knee length, it was tight all over my body causing me to grab the attention of others. And three inches silver stiletto as well. My long hair is ponytailed to make me look elegant and clean. And light makeup as well because I don't like thick makeup on my face. Halos magkasabay lamang kaming dumating ni Mr. Javarez. Agad na iginaya ako nito papasok sa building ng resort kung saan gaganapin ang nasabing event. Ito ang kauna-unahang nakapasok ako rito, dahil bukod sa mamahalin na eh, wala akong pera para gumastos ng ganoon kalaking halaga. Biruin mo, ang pag stay dito ng isang gabi ay nagkakahalaga ng hundred thousand? Nakakalula, hindi ba? Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Aksaya lamang ito at higit sa lahat, maraming akong bills na kailangang unahing bayaran. At talagang, hindi ko ito afford. Pagpasok sa loob, kapansin-pansin na agad ang mga nagkalat na ibang celebrity, mga representative ng ibang sikat a

    Last Updated : 2022-10-17
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 8

    Now playing: Out Of My League Sabrina "Are you okay?" Concern na tanong sa akin ni Cara noong makaalis si Diane mula sa aming harapan at tuluyan na itong nag walk-out. Parang nanghihina ang mga tuhod ko oras na tumalikod na ito mula sa amin. Ang buong akala ko ay may gagawin muna itong isang bagay tulad ng nakasanayan niyang gawin. Eh baliw pa naman 'yong babaeng yun. "Y-Yes." Utal na sagot ko kay Cara bago napahawak sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog nito. 'It's her hair and her eyes today That just simply take me away And the feeling that I'm falling further in love Makes me shiver but in a good way' "Who is she? You look so pale and you seem to have seen a ghost earlier." Komento nito. Hindi rin nito inaalis ang mga mata sa mukha ko. Na pahinga ako ng malalim. "Just a friend." Tipid na sagot ko sa kanya at pagsisinungaling na rin. "A dangerous friend." Nag-aalala na mas lalong napatitig ito sa aking mukha. Napayuko ako ngunit marahan na hinawakan ako nito sa aki

    Last Updated : 2022-10-18
  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 9

    Now playing: I would for you by Lauren Duski Sabrina It's been a month simula ng huling kulitin ako ni Cara.Hindi ko na nga rin namalayan ang paglipas ng mga araw. Hindi ko na rin ito madalas na mahuling nakatingin sa akin tulad ng nakasanayan niyang gawin. Parang itinuring na niya akong isang hangin, na kahit ilang beses pang dumaan sa harap niya, ay hindi na niya nakikita pa. Hindi na rin ito madalas nag papapansin, active man siya sa klase ngunit hanggang doon nalang iyon. Nawala na rin ang nakasanayan ko at pamilyar na mga nakakalokong ngisi at ngiti niya.. Masayahin parin naman siya, madalas nga, ako yata itong nahuhuli ko ang aking sarili na napapatitig at napapatulala sa kanya, lalo kapag abala ito sa kanyang gawain. Mataman na pinagmamasdan ko ang mga galaw at kilos nito sa klase. Ang pag kunot ng noo niya, pagtulis at pag kibot ng nguso niya sa tuwing may ginagawa itong activity at papapa isip siya. I think, mas okay na ang ganon. She deserve someone better and that some

    Last Updated : 2022-10-19

Latest chapter

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   Epilogue

    Sabrina Ipinasok ko ang aking sasakyan sa isang malaking bakal at kulay puting gate kung saan ang loob nito ay isang napaka laking mansyon, na pag mamay-ari ng pamilyang Olsen. Ipinarada ko ang aking kotse kahilera ng mga bago at mamahaling sasakyan. Hindi ko tuloy mapigilan ang manliit dahil wala sa kalingkingan ang itsura ng kotse ko mula sa mga ito. May lumapit sa akin na isang matandang babae na sa tingin ko ay matagal na nilang katiwala rito. Binati ko ito at ganoon din siya sa akin. Agad na iginaya ako nito patungo sa pool area, kung saan, prenting naka upo si Senador Olsen habang seryosong nagbabasa ng kanyang hawak na dyaryo. Mabilis na inilapag nito ang kanyang hawak noong masulyapan ako bago inayos ang kanyang pagkakaupo. Habang ako naman ay kinakabahan na huminto sa kanyang harapan. Ano ba kasing kailangan ng matandang ito sa akin? Huwag niyang sabihin na hindi parin siya maka move on sa pakikipag relasyon ko sa kanyang anak? For God's sake ang tagal na panahon na iyo

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   Final Chapter

    Now playing: I'll never love again by Lady Gaga Sabrina "Dear Ms. Lopez Hi. How are you? I hope you are doing okay. I hope you are now doing the things you love with a smile on your face. Because that's the thing I also want and dream for you. To be happy and achieve the things you want in life, even when I am no longer by your side. I don't know why I'm typing this but, I just want to thank you for the amount of time we spent together. It's been a rollercoaster ride with you, but it's also the most amazing thing that has happened in my life. You are the plot twist of my life, Sabrina. And I never regretted meeting you. Pangarap kita eh. Pangarap ka ng kahit na sino. I mean, nasa iyo na ang lahat. At isa ako sa maswerteng nabigyan ng pagkakataon na makilala ka, na mahalin ka, at alagaan. And I was even more blessed because you were also able to love me back. Nakaroon ako ng malaking parte sa puso mo and you also took good care of me. Something I will never forget and I will always

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 32

    Now playing: Faraway by NickelbackCara>>>After 2.5 years

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 31

    Now playing: 6, 8, 12 by Brian Mcknight Sabrina It's been six months since Cara left. And I admit that I miss her so much. I miss everything about her. I miss her voice, I miss hearing her laughs, seeing her beautiful smiles, and her sparkling eyes. I miss kissing her and feeling the warmth of her body. I miss her so much!! Damn. And it's killing me inside, I wish we could still be together. I hope she was with me now, every day. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa na lamang pangarap at mananatili na lamang na pangarap na hindi na mangyayari pa. I know she has adjusted to the new place where she is now. I knew little by little she was becoming whole again. And knowing that she was happy again, was one of the things I knew was worth it because I let her go. She deserves to be happy. She deserves to live with overflowing joy and happiness in her heart, to love freely, at and ipagmalaki sa bung mundo and taong mapipili niyang susunod na mahalin. Something I can't afford to give her. So

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 30

    Now playing: Malay mo tayo by TJ Monterde Sabrina Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan, malapit ng mag simula ang ceremony, pero nandito parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan at hindi maintindihan ang tunay na nararamdaman. Today is the Graduation ceremony of the Senior High. And I expected Cara to take the lead, especially at so many Awards. Dahil alam kong deserve niya ang lahat ng iyon. Tunay na isa siyang matalino, mabuti, at responsableng estudyante. Kaya nararapat lamang na mahakot nito ang awards. Hindi dahil mahal ko siya, kung hindi dahil nakikita ko, namin, ng lahat na naging teacher niya na siya ang nangunguna sa lahat ng klase. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas na ng aking sasakyan. Finally! Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony at naupo sa bakanteng bleachers kasama ang maraming teachers na nagmula sa iba't ibang department. Halos lahat ay nandito na at limang minuto na la

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 29

    Now playing: Hanggang dito nalang by TJ MonterdeSabrinaHindi ko ginusto at intensyong saktan at iwanan sa ere si Cara, but I have to. I need to, in order to protect myself and my family. Ganoon na rin si Cara.Masyadong madami ang kailangang isakripisyo dahil lamang nagmahalan kaming dalawa. At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.*Flashback*Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa aking pintuan. Masyado pa yatang maaga para magkaroon ako

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 28

    Now playing: I Love You GoodbyeSabrinaHalos dalawang linggo ko ring hindi nakita at nakasama si Cara. Masyado kasi akong nagpaka busy sa mga gawain. Bukod sa nalalapit na graduation ay minabuti ko na lamang din na bigyan si Cara ng maraming oras, upang makasama ang kanyang mga kaibigan.That's the only thing to do na pwede kong magawa at maisukli sa kanila. Sa pagbibigay ng mga ito ng respeto sa aming relasyon ni Cara. Sa pagtatago nila nito mula sa iba, kahit na hindi namin ito kailangang hilingan sa kanila ay kusa na nilang ginawa.Isa pa, alam kong miss na miss na sila ni Cara na makasama. Kaya naman sinadya ko rin ang ipaubaya sa kanya ang oras na kailangan nilang magkakaibigan. Lalo pa at alam ko na ang iba sa mga ito ay sa labas na ng bansa mag-aaral.Sinasanay ko na rin kasi ang aking sarili na hindi makita o makasama si Cara sa araw-araw dahil magiging ibang eskwela na ang aming papasukan. Hindi na magiging kagaya pa ng dati na anumang oras namin gustuhin ay pwede kaming mag

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 27

    Now playing: If This Was A Movie by Taylor Swift Cara Napakabilis lamang lumipas ng mga araw. Parang kailan lamang noong unang beses kong makita si Sabrina. Noong unang beses na masilayan ko ang kanyang kagandahan, ngunit iyon din ang unang beses na minahal ko na agad siya. Parang kahapon lamang at hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking alaala, noong malaman kong siya ang aming magiging bagong English teacher. Parang kailan lamang noong paulit-ulit pa ako nitong pinagtatabuyan at tinatawag na bata. Dahil para sa kanya ay mayroon pa akong gatas sa labi. Ngunit syempre, hindi ko talaga siya sinukuan, dahil wala naman talaga akong balak na siya ay sukuan. At kahit na girlfriend ko na siya ngayon, kahit na sa akin na siya ngayon, there's no way I'm going to let her go. Dahil ang isang Sabrina Dayn Lopez, ay pag mamay-ari lamang ni Cara Olsen. Period. Natapos na ang Christmas break at New Year na magkahiwalay naming ipinagdiwang. Umuwi kasi ito sa kanyang mga magulang, habang ako na

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 26

    SabrinaHindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Napakasaya ng puso ko na tila ba wala na itong katapusan.Napakatamis ng bawat sandali kapag kasama ko si Cara. Kaya naman palagi kong ninanamnam ang bawat segundo na kapiling ko ito.Ang mahalin si Cara ang isa sa tama at alam kong bagay na kailanman ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Bagay na alam kong kahit na ano pa man ang mangyari pa aming relasyon, ay hinding-hindi ko na pakakawalan pa.She was the best thing that ever happened in my life. A gift I will never want to lose again. Kung hindi si Cara, hindi na ako magmamahal pa. At hindi na rin ako maniniwalang mayroong forever.I know forever is just a word that cannot be seen. But for me, forever is a feeling you can feel with the person you want to be with for the rest of your life.Forever is a feeling.Sa edad kong ito, marami na akong natutunan at nakuhang aral sa buhay na pwede ko ng magamit sa aking araw-araw. Ngunit pagdating kay Cara ay ibang-iba.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status