Sabrina
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala, na ang babaeng nakilala ko noong araw na iyon ay magiging estudyante ko pala.
I mean, paano siya nagkaroon ng ganoon ka perpektong itsura? Napakaganda niya at hindi ko iyon maitatanggi. Ang buong akala ko talaga eh nasa twenties na ang edad nito, but it turns out na nasa seventeen or eighteen years old pa lamang pala siya.
Napaka-matured niyang tignan. The way she talks and her posture, God! Napaka pino ng mga galaw nito kaya hindi mo talaga mahahalatang teenager pa lamang siya.
Mas lalo tuloy akong nangamba, noong makita ko na isa siya sa aking mga magiging estudyante. Araw-araw kailangan ko itong makita, araw-araw kailangan kong iwasan ang mga mata niya, ang mga titig niya, ang mga nakakaloko nitong ngiti at tingin na kahit yata nakatalikod ako eh nararamdaman ko parin.
Minsan, hindi ko mapigilan ang hindi magtaray sa loob ng klase. Hindi ako istriktang teacher, ngunit dahil masyado akong nadadala sa maganda niyang mukha, kaya kailangan kong gawin iyon. Dahil sa isang estudyante ko na nag ngangalang Brigette or...Cara, whatever her friends call her.
She's my student!
Iyan ang palagi kong pinapaalala sa aking sarili.
Pero teka nga, bakit ba masyado akong apektado at nangangamba sa estudyante kong iyon?
Hayyyy. Ewan. Basta lamang din kasi akong nadismaya noong makita na nakaupo siya sa loob ng aking klase.
Like, what the hell is she doing inside my class?
At ang malala pa roon eh, nakasuot siya ng uniform ng bagong eskwelahan na papasukan ko.
Kaya ngayon, kinailangan kong kalimutan ang parte na unang beses ko itong makita sa may seaside. Kailangam kong itanim sa aking isipan, na ang babaeng iyon ay isang estudyante ko lamang.
"Sabrina, nakikinig ka ba sa akin?" Putol ng aking kaibigan na si Lenny sa malalim kong pag iisip.
Mabilis na nag-angat ako rito ng aking paningin bago napatango. Inayos ko rin ang aking pag-upo atsaka muling nagsubo ng pagkain.
Nasa dinner date kasi kami ngayon dahil pabalik na naman ito ng Probinsya. Isa rin siyang teacher sa isang pampublikong paaralan. Mayroong dalawang anak at syempre, may mabait at responsableng asawa.
"Y-Yeah. You said you would come back here next week for an important meeting." Sagot ko sa kanya ngunit mabagal na napanguya lamang ito sa kanyang kinakain, at mataman na tinitigan ako sa aking mukha.
Napahinga rin ito ng malalim bago tuluyang binitiwan ang hawak na tinidor at kutsara.
"Hindi ka talaga nakikinig in the first place." Pahayag nito.
"What?" Nagtataka na tanong ko.
"Wala akong sinabi na babalik ako rito next week. Baka naman sa ibang table ka nakikinig?" Napatawa ito bago muling hinawakan ang kanyang kutsara.
"Anyways, okay ka na ba sa bagong apartment mo?" Tanong niya. "I mean, hindi ka na ba ginugulo ng baliw mong---"
"That's enough." Putol ko sa kanya. "Ayoko na siyang pag-usapan, okay lang ba?" Natapango ito tanda ng pagsuko at pag payag sa kahilingan ko.
"Okay, sabi mo eh."
Hindi naman na kami nagtagal pa sa restaurant. Agad na nagpaalam na rin kami sa isa't isa at tinahak ang daan pauwi sa aming mga tahanan.
Medyo marami rin kasi akong kailangang tapusin pa na gawain na inuwi ko sa bahay. Mga papers na kailangang i-check at gradings.
Kaya pagkatapos ko sa paglinis ng aking katawan ay agad na sinimulan ko na ang gawain. Hindi ko na rin nga namalayan na nakatulog na lamang ako dahil sa sobrang pagod at antok na rin.
Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa tawag mula sa aking phone. Mabuti nalang at tumawag si Lenny para magpaalam sa akin na paalis na ito ngayong araw, dahil kung hindi, tiyak na ma-le-late ako ng sobra sa aking klase.
---
Dumating ako sa klase na tahimik ang lahat. Nakakapanibago pero, nakakatuwa kapag ganoon ang mga estudyante.
Noong tuluyang makapasok na ako sa classroom ay magalang at kanya-kanya nila akong binating lahat. Except for Cara who was just quietly looking at me, she was just watching my every move and it was also noticeable that her aura was very serious this morning.
Hmmm...baka walang tulog na maayos. Sabi ko sa aking sarili at pilit na binalewala na lamang ang presensya nito.
Actually, ilang araw na rin nga pala siyang ganoon ngayon. Kaya kahit papaano eh nakakapag-discuss ako ng maayos. Mas nakakapag-concentrate ako sa pagtuturo at nagagawa ko siyang tignan sa kanyang mga mata.
Ngunit kahit ganoon, may kung anong nararamdaman parin ako na mga tingin mula sa kanya kapag hindi ako nakatingin paminsan-minsan. Weird.
Napailing na lamang ako at agad na nagsimula na aking klase.
Matalinong bata si Cara, hindi na ako nagulat noong malaman ko na siya ang number one top student ng eskwelahan na ito. Tunay na nasa kanya na ang lahat, mayaman, maganda, matalino at kahit maloko eh kapansin-pansin ang pagiging mabuti nitong tao. Nakikita ko kasi kung paano niya irespeto ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Pati na rin ang mga kasamahan kong teacher.
Ngunit ang labis na ikinagulat ko yata eh, ang malaman ko na anak pala siya ng isang Senador. At hindi lamang ito basta Senador, sikat talaga ang pangalan niya dahil kahit hindi pa siya naluluklok sa posisyon na iyon, ay kilala na ang pamilya nila bilang isa sa ma empluwensyang tao rito sa bansa.
Kaya naman pala ganoon na lamang ang awra niya noong unang beses ko itong makita. Kahit konting galos o peklat wala akong makita sa kanyang kutis. Tunay na alaga pala talaga ito at lumaki sa marangyang buhay.
Pagkatapos ng discussion ay nag-attendance na ako, isa isang kong tinawag ang kanilang mga pangalan bago tuluyang idinismiss ang klase.
Nang tumunog na ang bell ay kanya-kanya na silang nagsitayuan upang magtungo sa kanilang susunod na mga klase. Ngunit ang labis na ipinagtataka ko lamang eh, hanggang ngayon hindi parin tumatayo si Cara mula sa kanyang kinauupuan.
Hindi nag alinlangan na tumayo ako sa aking upuan bago lumapit sa kanya. Nakayuko lamang ito at abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone.
"Cara." Pagtawag ko sa kanyang pangalan.
Mabilis naman na nag-angat ito ng kanyang ulo at sinalubong ang mga mata ko. Akala ko pa naman umiiyak siya ngunit iba ang nakikita ko na namang pag ngisi sa mga labi niya ngayon.
Pilit na pinaseryoso ko ang tono ng aking boses.
"It's time for your second subject." Sabi ko. "Do you need anything else? My students will be coming soon." Tukoy ko sa mga second year high school na parating na maya-maya lamang.
Ngunit imbis na sagutin ako ay napatitig lamang ito sa akin. Iyong titig na titig hanggang sa unti-unting sumilay na naman ang nakakaloko nitong ngiti sa kanyang labi.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin atsaka napa iling. Handa na rin sana na muling talikuran siya nang magsalita ito.
"Ang sungit naman. Gusto ko lang naman masilayan ang mukha mo kahit ilang minuto pa." Bubulong-bulong na wika niya ngunit halata naman na pinariringgan ako.
"Cara--"
"Alright, Ms. Lopez. Lalabas na po." Putol nito sa akin at pagkatapos ay binigyan ako ng matamis na ngiti.
Nag-uunahan na lamang sa pagtaas baba ang aking dibdib habang sinusundan siya ng tingin. Ngunit muli na naman itong napahinto sa may pintuan atsaka lumingon sa akin.
Akala ko kung may sasabihin lang pero ang siste, kinindatan ako? Ako na teacher niya. What the!
Dahil sa ginawa niyang iyon, buong lunch break na naman akong lutang. Mabuti nalang at marami akong kasabay sa pagkain, nawawala ang stress ko sa batang 'yon kahit papaano.
Siguro napaka boring ng buhay niya kaya niya nagagawa 'yon. O baka trip lang niyang mang inis, matalino naman siya kaya hindi na niya kailangang mapapansin sa akin, right?
Ibang klase.
---
Pauwi na ako kung saan bumuhos ang malakas na ulan. Nagdadalawang isip pa ako 'nong una kung patitilain ko pa ba or magbibiyahe na ako dahil malapit ng dumilim. Ayokong abutin ng dilim sa daan.
Pero syempre, dahil mapilit ako kaya sinunod ko parin kung ano ang gusto ko. Noon naman nangyari ang hindi ko inaasahan. Bigla na lamang tumirik ang sasakyan ko.
"Bakit ngayon pa?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko habang bumababa ng aking kotse. Medyo may kalumaan na rin kasi itong sasakyan ko, pamana pa sa akin ng aking Lolo. Hindi ko magawang palitan dahil bukod sa kulang pa sa budget eh, marami pa akong problema na kinakaharap.
At kung minamalas ka nga naman, nakalimutan ko rin yata ang magdala ng payong. Hays! Bahala na nga.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumugod sa ulan kahit na may kanipisan ang suot kong blouse eh pilit ko itong binalewala.
"Need help?"
Bigla akong natigilan at nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Langya! Huwag mong sabihin na pati sa ganitong sitwasyon eh maririnig ko parin ang boses niya?
Napailing na lamang ako. Baka guni-guni ko lamang.
Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may mahanap na malapit na shop or pweding tumulong sa akin nang marinig ko na naman ang kanyang boses.
"You know, I can help you."
But this time, hindi lamang boses nito ang narinig ko kundi naramdaman ko rin ang paglapit at pagdikit ng kanyang katawan sa akin, dahilan upang mapasinghap ako.
Mabilis na lumayo ako mula sa katawan nito atsaka tinignan niya ng diretso sa kanyang mukha. Nandoon din ang tingin na pagka disgusto sa ginawa nitong paglapit ng kanyang katawan sa akin.
"Cara what are you doing--"
"I just want to help." Putol nito sa akin bago ako tinignan sa aking mga mata at binigyan ng isang pormal na ngiti.
Iyong ngiti na tila ba wala lang sa kanya 'yung ginawa niya. Muling lumapit ito para payungan ako.
Na pahinga ako ng malalim bago napasulyap sa itim na sasakyan mula sa unahan. Alam kong sasakyan niya iyon kung saan naghihintay ang kanyang driver.
"The rain is pouring go back to your car. You might get sick." Pagtatabuyan ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga kailangan ng tulong mula sa kanya.
"I am not." Pagmamatigas niya.
Napailing akong muli atsaka humakbang papalayo sa kanya.
Kung bakit naman kasi wala akong ibang malapitan ng tulong at si Cara lang ang nandito? Tsk!
"Come on, Ms. Lopez. Let me help you." Pangungulit nitong muli.
"Please, let me. Sa tingin mo ba aalis pa ako matapos kang makita sa ganitong sitwasyon?" Dagdag pa niya dahilan upang muling magbaling ako ng tingin sa kanya.
"Just pretend I am a stranger." Pagmamatigas ko rin.
"But you're not a stranger." Pangungulit parin niya. "You're my teacher, so please let me help so we can go home."
"Ba't ba ang kulit mo?! Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh!"
Nag-aalala na ako kasi baka magkasakit siya. Ayokong mapahawak dahil sa kakulitan niya, ano? Isa pa, responsibility ko rin ito dahil estudyante ko siya.
"Fine! Kung alam mo paano mabubuhay ang makina nito, tulungan mo nalang ako para matapos na tayo."
Awtomatiko naman na gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Ano pang hinihintay mo riyan?" Tanong ko dahil hindi parin ito umaalis sa kanyang kinatatayuan.
Napakamot siya sa kanyang batok.
"I know someone who can help." Sabi niya.
Awtomatiko na naman na napakunot ang noo ko.
"What?! But you said--"
"Ang sabi ko, I can help. Hindi ko sinabing ako mismo ang mag-aayos niyan." May pagka pilosopo na sagot nito sa akin. "Si Manong Rey na ang bahala riyan. Ihahatid nalang kita pauwi. Sounds good?"
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng pagak habang napapailing. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako ng ulan at pinagtitinginan na rin ng ibang dumaraan.
Magsasalita pa sana akong muli nang basta na lamang nitong hilain ang braso ko patungo sa kanyang sasakyan.
"Cara, I'm warning you. Let me go!" May pagbabanta na sambit ko ngunit parang wala itong naririnig.
"Ms. Lopez, we're not at school anymore so you can scold me." Pagkatapos ay napahinto na ito sa tapat ng kanyang sasakyan, binuksan nito ang passenger seat at agad na napa musyon na pumasok na ako.
Napatitig lamang ako sa kanyang itsura. Pero wala na rin naman akong nagawa pa kasi nagmumukha na akong basang sisiw dahil sa itsura ko ngayon.
Mabilis naman na bumaba ang driver nito. Sandali silang nag-usap pagkatapos ay agad na ring umalis si Manong Rey.
Ngunit bago ito tuluyang makaalis ay hiniram muna nito ang susi ng aking sasakyan sa akin. Magalang naman na nagpasalamat ako lalo na noong sinabi niya na siya na rin mismo ang maghahatid nito sa address ng apartment ko.
Tahimik lamang na binaybay namin ni Cara ang daan. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan, pagkatapos na mahingi ang address ng apartment ko ay agad na pinasibad niya ito.
Nakamasid lamang ako sa labas ng bintana. Medyo giniginaw na rin dahil bukod sa basang-basa ako eh, naka full pa ang aircon dito sa loob ng sasakyan.
Wala siguro siyang pakiramdam. Tss!
Napapayakap na lamang ako sa aking sarili. Ayoko namang sawayin siya dahil unang-una, sasakyan niya ito.
"Oh, sorry. Giniginaw ka ba?" Tanong niya.
Ay hindi, Cara. Init na init nga ako eh. Sabat ko sa aking isipan ngunit nanatili akong tahimik.
"You want me to hug you?" May pagk pilya na tanong nito dahilan upang tignan ko siya ng masama. Ngunit napataas baba lamang ito ng kanyang kilay, dahilan upang mang init ang buo kong itsura.
"Aside from being sexy Ms. Lopez, what do you do for a living?" Dagdag nito pagkatapos ay na patawa pa ng mahina sa dulo.
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Grabee! Ang lakas!
"Can't you just focus on driving?!" Hindi ko na mapigilan ang pag taasan ito ng boses. Dahilan upang magpakawala ito ng isang mas malutong na pagtawa.
"Oh, and I like you too!" Pang aasar parin niya at muling napatawa na naman.
Iiling-iling na lamang ako in disbelief pagkatapos ay na pahinga ng malalim. Tatanda yata ako lalo sa batang ito.
A/N: Pangatlong Patikim. Yay! Bukas ulit. 😉
SabrinaAraw ng Sabado ngayon, maaga kong natapos ang mga naiwang gawain mula sa eskwelahan kaya wala na akong kailangan pang gawin ngayong gabi kung hindi ang mag relax.Nag order na lamang ako ng pizza atsaka nanood ng paborito kong series. Alam ko naman kasi na wala na akong iba pang dapat gawin kung hindi ang magpalipas ng oras hanggang sa tuluyang makatulog.Have you watched the 100? You should watch this show kasi ang ganda talaga ng series na ito. Sobrang nakakapanabik ang bawat eksena.Habang nanonood, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng pagka uhaw, hindi sa tubig or softdrinks, kundi sa alak.Sandaling nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang aking liquor cabinet, ngunit laking pagkadismaya ko nang makita na ubos na ang aking paboritong alak.Malungkot na napabuga ako ng hangin sa ere at muling naglakad pabalik sa sala.Pero hays. Hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko talaga ng alak ngayong gabi. Mukhang hindi kasi yata ako makakatulog hangga't walang alak ang dumadal
CaraNagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas bintana. Hindi ko mapigilan ang mapa ungol bago mas ibinaon pa ang aking mukha sa unan dahil mukhang kailangan ko pa ng kahit ilang minuto na tulog.Ngunit agad akong nagtaka nang mapansin na hindi ang paborito kong fabric conditioner ang aking naaamoy mula na nasa unan na gamit ko ngayon, kaya agad na muling napamulat ako ng aking mga mata.It was only then I noticed I was not lying in my bed but on a couch.Nagtataka na inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto, sinusubukan din na maalala kung ano ba ang mga nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko kasi, ito ang unang beses na nakapasok ako sa silid na ito.Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil kusa na lamang ding nawala ang antok na aking nararamdaman kani-kanina lamang.Kunot noo at napapanguso na napatitig ako sa isang queen size bed na nasa aking harapan.Sino naman kaya ang may lakas ng loob na patulugin ako sa isang couch at hindi sa isang kama? Nagtataka
Cara "Hey, sweetie! Good morning." Pagbati sa akin ng aking ama paglabas ko pa lamang ng aking kuwarto. Tiyak na may sasabihin na naman itong importanteng bagay kaya siya nandito. Madalas kasi wala si daddy sa bahay dahil sa palagi itong abala sa kanyang trabaho. Ganoon din si mommy. Pero sanay naman na ako, dahil palagi naman silang bumabawi sa akin. "Hey, dad!" Ganting pagbati ko rin sabay halik sa pisngi nito. Sabay na kaming naglakad patungo sa dining room. Pinaghila ako nito ng upuan bago ito umikot sa kabila ng table para maupo na rin. Tahimik lamang din na dumating si mommy, hinalikan muna ako nito sa aking ulo bago naupo na rin sa aking tabi. "Morning baby." Pagbati niya. "Morning mom." Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng nakakaloko habang naglalagay ng sariling pagkain sa aking pinggan. "Mukhang may importante kayong sasabihin." Panimula ko. "What is it?" Dagdag ko pa. Napatikhim si daddy bago marahan na pinunasan ang kanyang labi. "Nothing, honey. We just miss you."
Sabrina I was wearing a fitted silver evening dress that was knee length, it was tight all over my body causing me to grab the attention of others. And three inches silver stiletto as well. My long hair is ponytailed to make me look elegant and clean. And light makeup as well because I don't like thick makeup on my face. Halos magkasabay lamang kaming dumating ni Mr. Javarez. Agad na iginaya ako nito papasok sa building ng resort kung saan gaganapin ang nasabing event. Ito ang kauna-unahang nakapasok ako rito, dahil bukod sa mamahalin na eh, wala akong pera para gumastos ng ganoon kalaking halaga. Biruin mo, ang pag stay dito ng isang gabi ay nagkakahalaga ng hundred thousand? Nakakalula, hindi ba? Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Aksaya lamang ito at higit sa lahat, maraming akong bills na kailangang unahing bayaran. At talagang, hindi ko ito afford. Pagpasok sa loob, kapansin-pansin na agad ang mga nagkalat na ibang celebrity, mga representative ng ibang sikat a
Now playing: Out Of My League Sabrina "Are you okay?" Concern na tanong sa akin ni Cara noong makaalis si Diane mula sa aming harapan at tuluyan na itong nag walk-out. Parang nanghihina ang mga tuhod ko oras na tumalikod na ito mula sa amin. Ang buong akala ko ay may gagawin muna itong isang bagay tulad ng nakasanayan niyang gawin. Eh baliw pa naman 'yong babaeng yun. "Y-Yes." Utal na sagot ko kay Cara bago napahawak sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog nito. 'It's her hair and her eyes today That just simply take me away And the feeling that I'm falling further in love Makes me shiver but in a good way' "Who is she? You look so pale and you seem to have seen a ghost earlier." Komento nito. Hindi rin nito inaalis ang mga mata sa mukha ko. Na pahinga ako ng malalim. "Just a friend." Tipid na sagot ko sa kanya at pagsisinungaling na rin. "A dangerous friend." Nag-aalala na mas lalong napatitig ito sa aking mukha. Napayuko ako ngunit marahan na hinawakan ako nito sa aki
Now playing: I would for you by Lauren Duski Sabrina It's been a month simula ng huling kulitin ako ni Cara.Hindi ko na nga rin namalayan ang paglipas ng mga araw. Hindi ko na rin ito madalas na mahuling nakatingin sa akin tulad ng nakasanayan niyang gawin. Parang itinuring na niya akong isang hangin, na kahit ilang beses pang dumaan sa harap niya, ay hindi na niya nakikita pa. Hindi na rin ito madalas nag papapansin, active man siya sa klase ngunit hanggang doon nalang iyon. Nawala na rin ang nakasanayan ko at pamilyar na mga nakakalokong ngisi at ngiti niya.. Masayahin parin naman siya, madalas nga, ako yata itong nahuhuli ko ang aking sarili na napapatitig at napapatulala sa kanya, lalo kapag abala ito sa kanyang gawain. Mataman na pinagmamasdan ko ang mga galaw at kilos nito sa klase. Ang pag kunot ng noo niya, pagtulis at pag kibot ng nguso niya sa tuwing may ginagawa itong activity at papapa isip siya. I think, mas okay na ang ganon. She deserve someone better and that some
Now playing: Just so you know Cara Nandito kami ngayon sa bahay nina Kenneth, ang boyfriend ni Audrey. Naisipan namin na tumambay dito dahil araw naman ng sabado at walang pasok. Isa pa, ilang araw ko na rin kasi silang hindi nakakasama, pwera nalang kapag mayroong klase. Pero pagkatapos noon ay nawawala na lamang ako na parang bula sa kanilang harapan. Abala kasi ako sa pang i-stalk kay Sabrina. Damn! This is the first na ginawa kong mag stalk sa isang tao at sundan ito kahit na saan siya mag punta. Tsk. Iba na talaga itong tama ko sa English teacher namin. Anlala na yata at kailangan ko na ng gamot. Hindi ko rin kasi makakalimutan iyong nangyari noong nakaraang gabi. Mabuti nalang at nagkataong napadaan ako malapit sa kanyang apartment kaya naman agad na nakita kong mayroong sumusunod sa kanya noong gabi na iyon. That night, I saw the vulnerable side of her. At inaamin kong sobrang nakakadurog ng puso ang makitang nalulungkot siya at lumuluha sa aking harapan. Kaya naman, ipi
Now playing: Dear no one by Tori Kelly Cara I woke up with a smile on my face. Ikaw ba naman ang magising na katabi ang taong gustong-gusto mo. Iyong mala anghel niyang mukha ang bubungad sayo. Hayyy. Napaka perfect sa pakiramdam na tila ba ayaw ko ng matapos pa ang bawat sandali. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ako kagabi. At hindi ko namalayan na, magiging magkatabi kami sa pagtulog dito sa medyo makipot na couch na ito. Muli akong napangiti at marahan na hinaplos ang kanyang mukha. Ang ganda-ganda talaga ni Ms. Lopez. Hindi ko rin napigilan ang mapalunok noong bumaba ang mga mata ko sa medyo nakaawang niyang labi. Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napailing. Noon din nagpasya na akong bumangon na. Maingat na at dahan-dahan na tumayo ako upang hindi ito magising. Pansin ko na medyo giniginaw siya dahil sa lamig ng aircon kaya naman hininaan ko ito. Nagtungo rin ako sandali sa kanyang kuwarto para kumuha ng kumot at maingat ko iyong ipinatong sa kanyang
Sabrina Ipinasok ko ang aking sasakyan sa isang malaking bakal at kulay puting gate kung saan ang loob nito ay isang napaka laking mansyon, na pag mamay-ari ng pamilyang Olsen. Ipinarada ko ang aking kotse kahilera ng mga bago at mamahaling sasakyan. Hindi ko tuloy mapigilan ang manliit dahil wala sa kalingkingan ang itsura ng kotse ko mula sa mga ito. May lumapit sa akin na isang matandang babae na sa tingin ko ay matagal na nilang katiwala rito. Binati ko ito at ganoon din siya sa akin. Agad na iginaya ako nito patungo sa pool area, kung saan, prenting naka upo si Senador Olsen habang seryosong nagbabasa ng kanyang hawak na dyaryo. Mabilis na inilapag nito ang kanyang hawak noong masulyapan ako bago inayos ang kanyang pagkakaupo. Habang ako naman ay kinakabahan na huminto sa kanyang harapan. Ano ba kasing kailangan ng matandang ito sa akin? Huwag niyang sabihin na hindi parin siya maka move on sa pakikipag relasyon ko sa kanyang anak? For God's sake ang tagal na panahon na iyo
Now playing: I'll never love again by Lady Gaga Sabrina "Dear Ms. Lopez Hi. How are you? I hope you are doing okay. I hope you are now doing the things you love with a smile on your face. Because that's the thing I also want and dream for you. To be happy and achieve the things you want in life, even when I am no longer by your side. I don't know why I'm typing this but, I just want to thank you for the amount of time we spent together. It's been a rollercoaster ride with you, but it's also the most amazing thing that has happened in my life. You are the plot twist of my life, Sabrina. And I never regretted meeting you. Pangarap kita eh. Pangarap ka ng kahit na sino. I mean, nasa iyo na ang lahat. At isa ako sa maswerteng nabigyan ng pagkakataon na makilala ka, na mahalin ka, at alagaan. And I was even more blessed because you were also able to love me back. Nakaroon ako ng malaking parte sa puso mo and you also took good care of me. Something I will never forget and I will always
Now playing: Faraway by NickelbackCara>>>After 2.5 years
Now playing: 6, 8, 12 by Brian Mcknight Sabrina It's been six months since Cara left. And I admit that I miss her so much. I miss everything about her. I miss her voice, I miss hearing her laughs, seeing her beautiful smiles, and her sparkling eyes. I miss kissing her and feeling the warmth of her body. I miss her so much!! Damn. And it's killing me inside, I wish we could still be together. I hope she was with me now, every day. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa na lamang pangarap at mananatili na lamang na pangarap na hindi na mangyayari pa. I know she has adjusted to the new place where she is now. I knew little by little she was becoming whole again. And knowing that she was happy again, was one of the things I knew was worth it because I let her go. She deserves to be happy. She deserves to live with overflowing joy and happiness in her heart, to love freely, at and ipagmalaki sa bung mundo and taong mapipili niyang susunod na mahalin. Something I can't afford to give her. So
Now playing: Malay mo tayo by TJ Monterde Sabrina Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan, malapit ng mag simula ang ceremony, pero nandito parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan at hindi maintindihan ang tunay na nararamdaman. Today is the Graduation ceremony of the Senior High. And I expected Cara to take the lead, especially at so many Awards. Dahil alam kong deserve niya ang lahat ng iyon. Tunay na isa siyang matalino, mabuti, at responsableng estudyante. Kaya nararapat lamang na mahakot nito ang awards. Hindi dahil mahal ko siya, kung hindi dahil nakikita ko, namin, ng lahat na naging teacher niya na siya ang nangunguna sa lahat ng klase. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas na ng aking sasakyan. Finally! Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony at naupo sa bakanteng bleachers kasama ang maraming teachers na nagmula sa iba't ibang department. Halos lahat ay nandito na at limang minuto na la
Now playing: Hanggang dito nalang by TJ MonterdeSabrinaHindi ko ginusto at intensyong saktan at iwanan sa ere si Cara, but I have to. I need to, in order to protect myself and my family. Ganoon na rin si Cara.Masyadong madami ang kailangang isakripisyo dahil lamang nagmahalan kaming dalawa. At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.*Flashback*Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa aking pintuan. Masyado pa yatang maaga para magkaroon ako
Now playing: I Love You GoodbyeSabrinaHalos dalawang linggo ko ring hindi nakita at nakasama si Cara. Masyado kasi akong nagpaka busy sa mga gawain. Bukod sa nalalapit na graduation ay minabuti ko na lamang din na bigyan si Cara ng maraming oras, upang makasama ang kanyang mga kaibigan.That's the only thing to do na pwede kong magawa at maisukli sa kanila. Sa pagbibigay ng mga ito ng respeto sa aming relasyon ni Cara. Sa pagtatago nila nito mula sa iba, kahit na hindi namin ito kailangang hilingan sa kanila ay kusa na nilang ginawa.Isa pa, alam kong miss na miss na sila ni Cara na makasama. Kaya naman sinadya ko rin ang ipaubaya sa kanya ang oras na kailangan nilang magkakaibigan. Lalo pa at alam ko na ang iba sa mga ito ay sa labas na ng bansa mag-aaral.Sinasanay ko na rin kasi ang aking sarili na hindi makita o makasama si Cara sa araw-araw dahil magiging ibang eskwela na ang aming papasukan. Hindi na magiging kagaya pa ng dati na anumang oras namin gustuhin ay pwede kaming mag
Now playing: If This Was A Movie by Taylor Swift Cara Napakabilis lamang lumipas ng mga araw. Parang kailan lamang noong unang beses kong makita si Sabrina. Noong unang beses na masilayan ko ang kanyang kagandahan, ngunit iyon din ang unang beses na minahal ko na agad siya. Parang kahapon lamang at hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking alaala, noong malaman kong siya ang aming magiging bagong English teacher. Parang kailan lamang noong paulit-ulit pa ako nitong pinagtatabuyan at tinatawag na bata. Dahil para sa kanya ay mayroon pa akong gatas sa labi. Ngunit syempre, hindi ko talaga siya sinukuan, dahil wala naman talaga akong balak na siya ay sukuan. At kahit na girlfriend ko na siya ngayon, kahit na sa akin na siya ngayon, there's no way I'm going to let her go. Dahil ang isang Sabrina Dayn Lopez, ay pag mamay-ari lamang ni Cara Olsen. Period. Natapos na ang Christmas break at New Year na magkahiwalay naming ipinagdiwang. Umuwi kasi ito sa kanyang mga magulang, habang ako na
SabrinaHindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Napakasaya ng puso ko na tila ba wala na itong katapusan.Napakatamis ng bawat sandali kapag kasama ko si Cara. Kaya naman palagi kong ninanamnam ang bawat segundo na kapiling ko ito.Ang mahalin si Cara ang isa sa tama at alam kong bagay na kailanman ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Bagay na alam kong kahit na ano pa man ang mangyari pa aming relasyon, ay hinding-hindi ko na pakakawalan pa.She was the best thing that ever happened in my life. A gift I will never want to lose again. Kung hindi si Cara, hindi na ako magmamahal pa. At hindi na rin ako maniniwalang mayroong forever.I know forever is just a word that cannot be seen. But for me, forever is a feeling you can feel with the person you want to be with for the rest of your life.Forever is a feeling.Sa edad kong ito, marami na akong natutunan at nakuhang aral sa buhay na pwede ko ng magamit sa aking araw-araw. Ngunit pagdating kay Cara ay ibang-iba.