Ikasampung Patikim! ;) Buffet is waving! Hahahaha. Jk!
Now playing: Dear no one by Tori Kelly Cara I woke up with a smile on my face. Ikaw ba naman ang magising na katabi ang taong gustong-gusto mo. Iyong mala anghel niyang mukha ang bubungad sayo. Hayyy. Napaka perfect sa pakiramdam na tila ba ayaw ko ng matapos pa ang bawat sandali. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ako kagabi. At hindi ko namalayan na, magiging magkatabi kami sa pagtulog dito sa medyo makipot na couch na ito. Muli akong napangiti at marahan na hinaplos ang kanyang mukha. Ang ganda-ganda talaga ni Ms. Lopez. Hindi ko rin napigilan ang mapalunok noong bumaba ang mga mata ko sa medyo nakaawang niyang labi. Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napailing. Noon din nagpasya na akong bumangon na. Maingat na at dahan-dahan na tumayo ako upang hindi ito magising. Pansin ko na medyo giniginaw siya dahil sa lamig ng aircon kaya naman hininaan ko ito. Nagtungo rin ako sandali sa kanyang kuwarto para kumuha ng kumot at maingat ko iyong ipinatong sa kanyang
Now playing: She by Jake Scott Sabrina Kahapon pa ako hindi mapakali. I don't know. Nawawala ako sa focus sa aking mga klase lalo na ngayong araw, dahil sa tuwing naaalala ko ang date na meron ako ngayong gabi kasama si Cara...hindi ko mapigilan ang makaramdam ng excitement. Bakit ako na i-excite? It's just one date with her. With my stubborn student to be exact. Argh! Ni hindi ko nga alam kung ano ang susuotin ko. Because I really have no idea where she was going to take me. Ngayon lamang yata ako kinabahan ng ganito. Sa isang date. I've dated a lot before but when it comes to her, I'm so nervous. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil estudyante ko siya. Tama? Siguro dahil bago lamang sa akin ang ganito. At sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako makikipag date sa isang teenager at estudyante ko pa. At maraming bagay ang pweding makaapekto sa trabaho dahil lamang sa pumayag akong makipag date sa kanya. Paano nalang kung may makakitang ibang estudyante sa amin? Or
Now playing: Without You by AJ Rafael Sabrina Kinabukasan, pumasok ako na puyat na puyat at lantang lanta ang katawan dahil sa magdamag na walang tulog. Hindi ko kasi makalimutan ang mga nangyari. Paulit-ulit akong binabalikan ng mga salita ni Cara. Bakit ba pakiramdam ko, nasasaktan din ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya? Lalo na kapag naaalala ko ang malungkot na mukha nito noong tuluyan na siyang umalis. Para bang...gusto ko siyang habulin para yakapin. At sabihin na, magiging okay rin ang lahat. Lalo na siya. Kahit na alam kong ako naman talaga ang dahilan kung bakit ito nalukungkot at nasasaktan. Wala rin ako sa lugar para i-comfort ito. Mas lalo lamang lalalim ang nararamdaman nito oras na gawin ko yun. Kaya kahit na labag sa loob kong umalis siya na ganoon ang nararamdaman, hinayaan ko na lamang. Mas mabuti na iyon kaysa umasa siya sa mga impossibleng bagay. Ang klase kung saan si Cara ang unang klase ko ngayong umaga. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag mapati
CaraWe cannot force someone to love us back. Because when we do, that's no longer love.Yan ang itinanim ko na sa aking isipan mula pa noon. Pero sa ginagawa ko ngayon, tila ba pinipilit ko rin na magustuhan ako pabalik ni Sabrina. Kahit na hindi naman dapat.Pero ano bang magagawa ko? Sa bawat ginagawa ko, sa bawat pag lingon sa paligid ko, at kahit sa maliliit na mga bagay na nakikita ko, siya ang unang pumapasok sa isipan ko.Siya ang inspirasyon ko at ang nag sisilbi ko ng gabay at kumpas mula nang pinili siya ng puso kong mahalin.So even though it's really impossible for her to like me back, I still choose to continue to love her. Ganon naman dapat kasi kapag totoong mahal mo ang isang tao, hindi ba?Hindi ka na mag i-expect ng kahit na ano pabalik. Basta, ipinapakita mo sa kanya na mahal mo siya, na importante siya, at kung gaano siya kahalaga.Bonus nalang kung mamahalin ka rin nito pabalik. Pero sa ngayon? Mas pinili ko na lamang muna ang makontento sa kung anong merong ibini
Now Playing: Me and You - CassieSabrinaHabang abala ako sa paghahanda ng aking lulutuin na creamy carbonara, ay hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Cara habang tahimik lamang nitong pinagmamasdan at pinanonood ang bawat kilos ko.May minsan naman na sa kanyang cellphone lamang nakatutok ang kanyang mga mata. Ngunit madalas, sa akin ko nahuhuli itong naka tingin.I couldn't help but smile when our eyes met. She immediately smiled back at me and jumped off the chair before approaching me.Huminto ito sa aking tabi bago napasulyap sa aking ginagawa."Why? What's with the face?" I asked.Napansin ko kasi na ngiting-ngiti ito habang nanonood sa ginagawa ko.Mabilis na napa iling ito bago ako binigyan ng halik sa aking pisngi."Nothing. You're just too good at everything you do. Makes me fall in love with you even more." Matamis na sabi nito sa akin.Awtomatikon naman na naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Mabuti nalang at hindi niya iyon napansin.Pabiro at mahinang hinampas
SabrinaNagising ako dahil sa isang malambot na labi ang marahan na humalik sa aking noo kinabukasan."Hmmm.." Hindi ko mapigilang mapa ungol nang may ngiti sa aking labi, bago mas isiniksik pa ang aking mukha sa unan na nasa aking tabi.Unan na amoy...nevermind. Hindi nga pala unan itong niyayakap ko kundi isang dyosa."You are such an angel.." Rinig kong komento ni Cara dahilan upang mapakagat ako ng aking labi ngunit nananatili paring pikit ang mga mata.Ang sarap niyang yakapin. Nakaka relax. Nakakawala ng stress. Para ngang ayaw ko ng umalis kami sa ganitong posisyon at ganito nalang kami sa maghapon. Parang ayaw ko ng mawalay sa kanyang tabi.Nakakaadik ang kapayapaan sa piling niya."Oh, shut up Ms. Olsen." Saway ko sa kanya.Narinig kong napatawa ito ng mahina. Ngunit sapat upang magbigay ang tawa nito ng kiliti sa aking sikmura. Sa madaling salita, kinikilig ako.Anak ng! Wew! Sa age kong ito, kinikilig parin pala ako.Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang marahan na paghaplos n
Cara"Hey, don't forget, huh?" Muling paalala sa akin ni Audrey habang binabaybay namin ang daan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Sabrina."Oo na po. Behave lang ako." Parang bata na napapa nguso na sabi ko naman habang napapatingin sa labas ng bintana.Si Audrey na ang mismo ang nagkusang ihatid ako dahil hindi ako pweding gumamit ng sasakyan at mag drive. Napaka higpit naman kasi ng parents ko. Haaay.Kanina pa rin ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang excitement na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ito kasi ang kauna-unahang mag out of town ako kasama si Sabrina. At ang unang beses na makikita at makikila ko ang kaibigan niya."Just be yourself. Ano ka ba, sa dami ng babaeng nahuhumaling sa'yo, ngayon ka pa ba kakabahan? Of course, magugustuhan ka rin ng kaibigan niya kagaya ng iba. Tulad ni Ms. Lopez" Patuloy na pag papagaan ni Audrey sa loob ko.Napatawa naman ako ng may pagkaalanganin."Masyado mo naman akong pinupuri." Wika ko. "Baka mama
Now playing: The only one by Reyne (cover) Cara Iniwan ko na muna sandali si Sabrina sa loob ng guest room kung saan kami mag i-stay for tonight. Hinayaan ko na muna itong mapag-isa at mas minabuti na lamang na hanapin si Lenny. I just wanna to talk to her. Gusto kong sabihin at patunayan sa kanya na safe sa akin si Sabrina. Lalo at hindi ko kayang makita na nasasaktan ang girlfriend ko dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan nang dahil sa akin. Sinubukan kong bumalik sa kitchen para tignan kung nandoon ito, ngunit bigo ako. Hindi ko rin mahagilap si Rooney pati na rin ang mga bata. Marahil ipinasyal na muna nito ang mga iyon dahil sa tensyon na meron dito sa loob ng kanilang bahay. Habang naghahanap kay Lenny, hindi ko mapigilan ang mapakapit sa aking tyan dahil sa biglang pagkulo nito. Oras na kasi sa pananghalian pero heto kami, nagtatagu-taguan. Sinubukan ko ang magtungo sa likod ng kanilang bahay. Hindi ko mapigialan ang mamangha dahil sa napakalawak pala ng space rito
Sabrina Ipinasok ko ang aking sasakyan sa isang malaking bakal at kulay puting gate kung saan ang loob nito ay isang napaka laking mansyon, na pag mamay-ari ng pamilyang Olsen. Ipinarada ko ang aking kotse kahilera ng mga bago at mamahaling sasakyan. Hindi ko tuloy mapigilan ang manliit dahil wala sa kalingkingan ang itsura ng kotse ko mula sa mga ito. May lumapit sa akin na isang matandang babae na sa tingin ko ay matagal na nilang katiwala rito. Binati ko ito at ganoon din siya sa akin. Agad na iginaya ako nito patungo sa pool area, kung saan, prenting naka upo si Senador Olsen habang seryosong nagbabasa ng kanyang hawak na dyaryo. Mabilis na inilapag nito ang kanyang hawak noong masulyapan ako bago inayos ang kanyang pagkakaupo. Habang ako naman ay kinakabahan na huminto sa kanyang harapan. Ano ba kasing kailangan ng matandang ito sa akin? Huwag niyang sabihin na hindi parin siya maka move on sa pakikipag relasyon ko sa kanyang anak? For God's sake ang tagal na panahon na iyo
Now playing: I'll never love again by Lady Gaga Sabrina "Dear Ms. Lopez Hi. How are you? I hope you are doing okay. I hope you are now doing the things you love with a smile on your face. Because that's the thing I also want and dream for you. To be happy and achieve the things you want in life, even when I am no longer by your side. I don't know why I'm typing this but, I just want to thank you for the amount of time we spent together. It's been a rollercoaster ride with you, but it's also the most amazing thing that has happened in my life. You are the plot twist of my life, Sabrina. And I never regretted meeting you. Pangarap kita eh. Pangarap ka ng kahit na sino. I mean, nasa iyo na ang lahat. At isa ako sa maswerteng nabigyan ng pagkakataon na makilala ka, na mahalin ka, at alagaan. And I was even more blessed because you were also able to love me back. Nakaroon ako ng malaking parte sa puso mo and you also took good care of me. Something I will never forget and I will always
Now playing: Faraway by NickelbackCara>>>After 2.5 years
Now playing: 6, 8, 12 by Brian Mcknight Sabrina It's been six months since Cara left. And I admit that I miss her so much. I miss everything about her. I miss her voice, I miss hearing her laughs, seeing her beautiful smiles, and her sparkling eyes. I miss kissing her and feeling the warmth of her body. I miss her so much!! Damn. And it's killing me inside, I wish we could still be together. I hope she was with me now, every day. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa na lamang pangarap at mananatili na lamang na pangarap na hindi na mangyayari pa. I know she has adjusted to the new place where she is now. I knew little by little she was becoming whole again. And knowing that she was happy again, was one of the things I knew was worth it because I let her go. She deserves to be happy. She deserves to live with overflowing joy and happiness in her heart, to love freely, at and ipagmalaki sa bung mundo and taong mapipili niyang susunod na mahalin. Something I can't afford to give her. So
Now playing: Malay mo tayo by TJ Monterde Sabrina Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan, malapit ng mag simula ang ceremony, pero nandito parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan at hindi maintindihan ang tunay na nararamdaman. Today is the Graduation ceremony of the Senior High. And I expected Cara to take the lead, especially at so many Awards. Dahil alam kong deserve niya ang lahat ng iyon. Tunay na isa siyang matalino, mabuti, at responsableng estudyante. Kaya nararapat lamang na mahakot nito ang awards. Hindi dahil mahal ko siya, kung hindi dahil nakikita ko, namin, ng lahat na naging teacher niya na siya ang nangunguna sa lahat ng klase. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas na ng aking sasakyan. Finally! Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony at naupo sa bakanteng bleachers kasama ang maraming teachers na nagmula sa iba't ibang department. Halos lahat ay nandito na at limang minuto na la
Now playing: Hanggang dito nalang by TJ MonterdeSabrinaHindi ko ginusto at intensyong saktan at iwanan sa ere si Cara, but I have to. I need to, in order to protect myself and my family. Ganoon na rin si Cara.Masyadong madami ang kailangang isakripisyo dahil lamang nagmahalan kaming dalawa. At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.*Flashback*Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa aking pintuan. Masyado pa yatang maaga para magkaroon ako
Now playing: I Love You GoodbyeSabrinaHalos dalawang linggo ko ring hindi nakita at nakasama si Cara. Masyado kasi akong nagpaka busy sa mga gawain. Bukod sa nalalapit na graduation ay minabuti ko na lamang din na bigyan si Cara ng maraming oras, upang makasama ang kanyang mga kaibigan.That's the only thing to do na pwede kong magawa at maisukli sa kanila. Sa pagbibigay ng mga ito ng respeto sa aming relasyon ni Cara. Sa pagtatago nila nito mula sa iba, kahit na hindi namin ito kailangang hilingan sa kanila ay kusa na nilang ginawa.Isa pa, alam kong miss na miss na sila ni Cara na makasama. Kaya naman sinadya ko rin ang ipaubaya sa kanya ang oras na kailangan nilang magkakaibigan. Lalo pa at alam ko na ang iba sa mga ito ay sa labas na ng bansa mag-aaral.Sinasanay ko na rin kasi ang aking sarili na hindi makita o makasama si Cara sa araw-araw dahil magiging ibang eskwela na ang aming papasukan. Hindi na magiging kagaya pa ng dati na anumang oras namin gustuhin ay pwede kaming mag
Now playing: If This Was A Movie by Taylor Swift Cara Napakabilis lamang lumipas ng mga araw. Parang kailan lamang noong unang beses kong makita si Sabrina. Noong unang beses na masilayan ko ang kanyang kagandahan, ngunit iyon din ang unang beses na minahal ko na agad siya. Parang kahapon lamang at hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking alaala, noong malaman kong siya ang aming magiging bagong English teacher. Parang kailan lamang noong paulit-ulit pa ako nitong pinagtatabuyan at tinatawag na bata. Dahil para sa kanya ay mayroon pa akong gatas sa labi. Ngunit syempre, hindi ko talaga siya sinukuan, dahil wala naman talaga akong balak na siya ay sukuan. At kahit na girlfriend ko na siya ngayon, kahit na sa akin na siya ngayon, there's no way I'm going to let her go. Dahil ang isang Sabrina Dayn Lopez, ay pag mamay-ari lamang ni Cara Olsen. Period. Natapos na ang Christmas break at New Year na magkahiwalay naming ipinagdiwang. Umuwi kasi ito sa kanyang mga magulang, habang ako na
SabrinaHindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Napakasaya ng puso ko na tila ba wala na itong katapusan.Napakatamis ng bawat sandali kapag kasama ko si Cara. Kaya naman palagi kong ninanamnam ang bawat segundo na kapiling ko ito.Ang mahalin si Cara ang isa sa tama at alam kong bagay na kailanman ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Bagay na alam kong kahit na ano pa man ang mangyari pa aming relasyon, ay hinding-hindi ko na pakakawalan pa.She was the best thing that ever happened in my life. A gift I will never want to lose again. Kung hindi si Cara, hindi na ako magmamahal pa. At hindi na rin ako maniniwalang mayroong forever.I know forever is just a word that cannot be seen. But for me, forever is a feeling you can feel with the person you want to be with for the rest of your life.Forever is a feeling.Sa edad kong ito, marami na akong natutunan at nakuhang aral sa buhay na pwede ko ng magamit sa aking araw-araw. Ngunit pagdating kay Cara ay ibang-iba.