"Bro, what have you done? This is a big problem. Why you do this? We know you, just tell us. Kung bakit mo nagawa ang bagay na 'yan. Ipaliwanag mo sa amin, alam namin na may dahilan ka. So tell us!""This is my problem. Labas kayo dito, huwag na lang kayo maki-alam pa.""What? Anong wala? What are you talking about? Kapatid ako ng asawa mo, kaya hindi pwedeng wala akong pake-alam. Dahil, ngayon pa lang alam na natin na sobra mong nasaktan ang kapatid ko!"He's turning cold to us. Pati ba naman sa amin. Kung may problema siya, deretsuhin niya kami. Hindi ang gagawa siya nang kalokohan at ikakasakit ng iba. "Ako na ang bahala, you may leave." He coldly said.Like what the fuck! Problema ng kaibigan kong 'to. Tsk! Kapag hindi niya sinabi, hindi ako aalis dito. Hinding-hindi kailangan niyang magpaliwanag, para maipaliwanag ko rin sa kapatid ko.ZINNIA POV.Ang tagal niyang umuwi. Kanina pa akong naghihintay sa kanya, gusto kong malaman ang buong katotohanan. Ang mga anak namin, nakita na
ZINNIA POV. Hindi ko na alam. Parang gusto ko nang umalis dito. Nang isang araw lang ang nakaraan, may bagong babaeng dumating dito sa mansion. Ang nais niya, dito siya tumira kasama ang asawa ko. Hindi ko inaasahan na ngayon ay nagkaroon ako ng ka-agaw. Ang masama pa, hindi ko gusto ang masamang pag-uugali niya. Kung hindi ko lang kanina nakita, malamang na-isugod na ngayon ang anak kong si, Angela sa hospital. Pinagbuhatan niya nang kamay ang anak ko, ni hindi ko nga 'yon kayang gawin kahit ako ang Ina nila. Ngayon pa lang, nararamdaman ko na, na magiging komplikado ang lahat. "Hey girl, what are you doing? Huh?" Mataray na sambit nito. "Bakit? May pake-alam ka ba?" Inaakala siguro nang babaeng 'to, na hindi ko siya lalabanan. Tsk! matapos niyang saktan ang anak ko, iniisip ba niya, na magiging maayos pa ang trato ko sa kanya? Walang hiya, mukha palang niya nagagalit na ako. Dinagdagan pa talaga ng ugali niya. "Are you talking to me like that? Hey cheap! Wala kang karapa
Bumisita muna ako rito sa mansion ng pamilya namin. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko ngayon. Nadatnan ko lamang sina Mom and Dad. Wala si kuya Ruan, dahil nagbakasyon muna sila ni Myrna. Siguro nga, mas mabuti na 'yon. Upang ilaan din nila ang oras sa isa't isa. Saglit lang rin ako dito. Hindi ko na-isama ang mga anak ko. Dahil, kasama nina Tita Wena. Masaya pa rin naman ang pamilya ko dito at stable ang lagay nila. Ilang oras, naisipan ko na rin ang umuwi. Kaya, maayos akong nagpaalam sa kanila. Nakasakay ako ngayon sa kotse ko. Napapaisip ako, kung na saan na rin kaya si Dave, ngayon. Sabi niya dati, tutungo siya sa State, sana maayos lang din ang lagay niya doon. Siguro nga, Nakita na rin niya ang litrato. Sana lang, hindi 'yon magbigay ng sama nang loob sa kanya.Bago ako uuwi sa mansion, naisipan ko munang maglakad-lakad upang pagmasdan na rin ang mga tanawin. Ilang araw din akong naka-focus sa bahay, sa mansion. Kaya, bibigyan ko na muna nang Oras ang sarili ko ngayon. Bak
STEVE POV. This is so damn shit. Nawawalan ako nang oras ngayon sa pamilya ko. Nararamdaman ko na rin ang pagiging malamig ng asawa ko at ng mga anak ko. I know it's all my fault. But, still pinapaimbistigahan ko pa rin naman ang mga nangyari. Miana, said nabuntis ko siya. But, wala akong maalala. Tanging pinakita niya sa akin ang CCTV na katabi ko siyang matulog sa isang hotel. Nangyari sa amin ang bagay na 'yon. Noong, nawalan ako nang alaala. At ngayon, kailangan ko siyang panagutan. Dahil, kung hindi masisira ang reputasiyon ng pamilya ko at pinagbantangan nila ang buhay ng asawa ko at ng mga anak ko. Naipit ako ngayon sa sitwasyong walang kasiguraduhan. Kung hindi ko ito gagawin, tiyak na muling babangon ang kasamaan ng pamilya ni Miana, ang pamilyang, Suarez. Isa sa mga mayayamang pamilya na naging kalaban din ng pamilya ko. Ganun pa man, nais pa rin nilang ipilit sa akin ang anak nila. Batid kong may plinaplano sila. Kahit na ganun, kailangan ko rin na pagmantiyagan si, Mian
"Ano ang ginagawa mo dito Josh?" pagtatakang tanong ko. "I just want to relax." Tanging sagot niya.Matapos kanina, muntik pa siyang mabugbog. Mukhang tama nga si, Princess. Walang pwedeng gumalaw sa amin kahit lumapit lang. Napaka-over naman kasi, kaibigan niya pala ang mga lalaking 'to, kaya naman pala iba kung tumingin kasi nagbabantay pala sa amin."Sorry ahh, kasi na muntikan ka na kanina nila."" No it's okay. It's normal. Isa pa, dapat nagpapahinga ka sa oras na ito. Ikasasama ng anak mo ang pagpunta mo rito. Lalo na kakaiba ang lugar na ito, kahit alak naamoy agad. Ano ba ang ginagawa mo dito?""Wala.""Wala? Hindi pwedeng wala. Of course may dahilan. Just tell it.""Sinamahan ko lang ang kaibigan ko, si Kristen. Tapos, gusto ko din munang mag-relax, kahit mabawasan lang ang iniisip ko ngayon.""Did you drink alcohol?""Hindi, hindi ako umiinom.""Well, why there? Then, nabawasan na ang iniisip mo ngayon?"Hindi ako makasagot, tama nga mukhang nadagdagan lang naman. Iniling k
"Gusto kong matulog sa tabi ng mga anak natin. Babawi ako sa kanila, dahil late na akong umuwi ngayon. Kaya, pwede bang bitawan mo ako, Steve. Isa pa, matulog ka na din, dahil alam ko naman na bukas ibibigay mo na naman ang maraming oras mo sa babae mo. Dahil ano? Buntis siya diba? Iyan naman lagi ang dinadahilan mo. Kung gusto mo nga, doon ka na din matulog sa kanya ngayon. Magsama na lang kayong dalawa, kahit kailan niyo pa gusto!" galit kong sabi. Bigla naman kasing bumalik sa ala-ala ko ang unang beses na pagdating dito ng babaeng iyon. Dagdag pa ang masama niyang ginawa sa anak ko. Mabuti sana kung ako lang, kaso nga lang ginalaw pa niya ang pinakamamahal kong mga anak. Maya-maya pa, tuluyan na akong umalis. Nagtungo ako sa kwarto ng mga anak ko. Napangiti akong makita silang magkakasama at magkayakap kung matulog. "Mga anak, I'm sorry, na late si Mommy."Hinalikan ko sila isa't isa. Sa itsura nila, mukhang pagod na pagod sila. Siguro naman, pinagod sila sa kakalaro nina kuya S
Nang nakarating kami sa kwarto, agad akong nagtungo sa kabinet upang ayusin ang mga gamit ng mga anak ko. Para mamaya ay makatulog sila nang maayos at komportable."Mom, mahal pa ba tayo ng Daddy?"Dahil dito, napahinto ako sa ginagawa ko. Pati sarili ko tinanong ko na rin. Ngumiti na lamang ako. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanila. Nalulungkot akong makita silang nagkakaganito. Magkakatabi silang umupo at parehong malungkot ang mga mata. Mas lalo akong nasasaktan at nadudurog. Ang nais ko lang naman sa buhay, ay ang maging masaya sila kasama kami ng Daddy nila. Ngunit, ngayon ay tila'y nagbago na, hindi ko na palaging natatanaw ang mga ngiti nila. Paano kaya kung, ipadala ko na lang muna sila sa mansion ng pamilya namin? Hanggang sa magka-anak ako. Wala naman akong balak na iwan ang asawa ko. Siguro, kailangan ko lang ngayon ng panahon para makapag-isip-isip nang maayos, at para maasikaso ang sanggol na dinadala ko."Babies, magbihis na kayo. Lalakad tayo, kumain tayo
(Another Day)"Josh, anong ginagawa mo diyan?""Nothing, why?""Anong why? May trabaho ka diba? Wala ka bang importanteng operasyon ngayon? Andito ka para paglaruan ang mga anak ko. Wala ka na talagang magawa noh, hahha.""Ano ka ba, Zinnia. It's okay, wala naman akong anak kaya sila na lang muna kung pwede. Isa pa masaya naman sila kalaro ako, right children?""Yes, uncle.....""See, hahaha"Nakakatuwa naman silang pagmasdan, parang tunay na mag-ama. Speaking of mag-ama, hayts, wala na talaga siyang oras. Nasa park kami ngayon, naglalaro ang bata kasama ni, Josh. Tinawagan ko si Steve, pero hindi man lang sumasagot. Pero, ngayon tawag pa rin ako nang tawag. Sana sumagot na siya, total ring nang ring naman ang cellphone niya. Ikalimang tawag ko, sumagot na rin. Napangiti ako dahil iimbitahan ko siya dito ngayon. "Hello, Steve. Pwede ka ba---" naputol."No." Boses naman ni Miana. Napa-isip ako kung bakit nasa kanya ang cellphone ng asawa ko. Hindi naman sila nagkakatabi sa pagtulog.
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak
RUAN POV. Kahit anong mangyari ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabawi ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Minsan na kaming naghiwalay, paulit-ulit pa na nangyari, and now kailangan ko siyang ibalik. Wala mansiya sa kanyang pag-iisip, ede ipapaalala ko sa kanya kung sino siya. Sa mga sinabi kanina ni, Josh. Tila'y totoo ang lahat, hindi na bigyan ng oras ang kapatid ko, hindi ko siya naipagtanggol. Sa mga oras na kailangan niya ako, hindi ko siya na samahan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ko na siya mahal bilang kapatid ko. Kanina pa kami pabalik balik, parang naglalaro lang kami sa araw na ito, ang dami daming humahadlang sa mga kailangan namin gawin. Ang sakit sakit sa ulo, gulong gulo ang isipan ko. Halos hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Si Tita Lorna, nagbago ang itsura niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya, dati naman hindi siya ganun. Sino ba ang may gawa no'n sa kanya, nang una ko siyang makita ulit kanina, nagduda akong si, Josh ang may
Nang makarating kami roon, tila'y nagbago agad ang lahat. Parang may mali na rito, na wala pati ang mga bantay. Mas lalo lang binahidan ng pagtataka ang utak ko ngayon. "What's happening? Anong meron? Bakit ang tahimik rito?" Prince asked na may pagtatakang boses."Mag-iingat na lang tayo, baka mamaya may patibong lang dito." Tugon namn ni, Alexander."Wait, andiyan ang ale kanina, look ayon siya ohh... Ano kaya, ginagawa niya, mag-isa lang kaya siya diyan?" Sabay turo ni, Prince. Sabay sabay naman kaming napatingin roon. Sakto andoon nga si Tita Lorna. Naisipan kong bumaba sa kotse, tinawag pa nila ako ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dali-dali rin akong lumapit kay Tita Lorna. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil, hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya muli, na nagkaganyan pa ang kanyang itsura. Malayong malayo ito sa dating siya. Tinawag ko siya, ngunit tumingin lang siya sa akin, then umakbang naan siya upang lumayo sa akin. Wala akong ibang magawa
Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong naglalakad para magahanap, nagkasalubong kaming magkakaibigan. Nagkatitigan kaming lahat sabay iling ng mga ulo namin. Hindi nga nila nakita."Wala ehh, ano ba naman.""Pero, imposible, dahil pinasara ko na kanina pa ang airport, at wala naman balita sa akin na, may nakalabas na eroplano." Smabit ni, Alexander, sabay hawak sa kanyang makabilang bewang. "Mukhang naisihan tayo.""Ikaw Ruan, anong balita ng mga tauhan mo? I asked."Wala rin silang nakita.""Ano? Pinagloloko lang ba tayo dito." Alexander said."Hindi naman kaya, nagsinungaling sa atin ang ale kanina?" Prince said."Balikan natin siya." I said with my deep tone. Ang ayaw ko sa lahat, ang pinagsisinungalingan ako at pinaglalaruan ak