Share

Chapter 24

SA ISANG private jet kami sumakay patungong Cebu. Hindi ko alam na ganito palang airplane ang sasakyan namin. Lima lamang kaming nandoon, dalawa ay kaibigan di umano ni Avon. Ang isa naman ay isang matandang babae.

Nang pumasok kami dito kanina ay ikinagulat ko ang pagmamano ni André sa matanda. Ang chinita nitong mga mata ay napapalibutan ng mga kulubot.

"Kamusta ka na, André? Kamusta si Armando?" tanong nito.

"He's okay, Manang."

"Hindi ba siya sasama sa kasal?" tanong ng matanda sabay sulyap sa akin.

"Hindi. Abala siya sa negosyo."

Umiling ang matanda. "Si Armando talaga,., Alam kong pareho kayong may iniiwasan. Mabuti at pupunta ka," anito.

Hindi umimik si André. Simula noon ay hindi na rin siya umimik kahit sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa tanawin sa babae. Wala masyadong ulap kaya kitang kita ang mga isla at mga dagat.

"According to Google Maps, malayo pa ang Moalboal sa Cebu City. Are we going to ride a bus or car?" tanong ko habang tinitingnan ang niscreen cap na G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status