"JANE, huwag mo nang painumin si Gwendolyn." Kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang talim ng boses ni Trina. Dumilat ako at umiikot parin ang paningin ko. Trina's with her boyfriend and Jane with her probably boytoy for tonight. "Come on, Trina. I want to be happy! Hindi ba iyon pwede? Huh?" utas ko habang kinukuha ang kopitang may lamang cocktail. Hindi ko na mabilang kung ilan nito ang naubos ko sa gabing ito. Maingay ang buong bar at marami nang nagsasayawang tao sa dancefloor. The party's in full blast. Sumimsim ako sa cocktail at inubos ko sa isang inuman ang buong laman nito. Nag angat agad ako ng kamay para makakuha ng isa pa. "Why don't you break up with him, Gwen? Hindi iyong laging ganito!" iritadong sinabi ni Trina. "I can't, Yari ako sa Pamilya ko kapag hiniwalayan ko siya!" maagap kong sinabi. Hindi na ulit nagsalita si Trina. Hindi ko siya mahiwalayan dahil lumaki ako sa isang traditional na pamilya na may malalim na kasunduan sa arranged marriage at negosyo. Mu
HILONG-HILO pa ako patungo sa kompanya. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-iisip. Una, iyong nangyari sa amin ng Ialaking hindi ko kilala. Pangalawa, si Clyde na tawag nang tawag hanggang ngayon. Pangatlo, ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over na tinamo kagabi.Nasa loob pa ako ng aking Cruze. Propesyunal ako sa pagtatago ng hang over. Dahil makinis ang mukha ko, tatabunan ko lang ng makapal na smoky eyes make up ang aking mga mata para hindi makita ang bigat nito. My lips are in soft pink at isang kalabit sa matangos kong ilong ay tapos na ako.Bumaba ako sa aking sasakyan at inayos ang suot kong itim na peplum dress. Naglakad na ako ng diretso sa lift."Good morning, Miss Gwen!" bati ng security guard."Blooming si ma'am ha?"Nginitian ko ang security guard ng building. "Salamat!"Nagsara ang lift at napawi ang ngiti ko. Blooming, really? Gusto kong maiyak! Last night I lost my virginity over this stranger! My God, ano ba ang iniisip ko kagabi?Halos wala akong maalala s
NAKAPASOK kaagad ako sa elevator na punong puno ng tao. Siniksik ko talaga ang sarili ko kahit na ngumingiwi na sa akin ang mga katabi ko.Nang nakita iyon ni Roble ay dumiretso siya sa kabilang elevator. Nagsara ang pintuan at umangat na iyon. Mabilis ang takbo ng puso ko. What does he want? Why does he have to follow me? Well, obvious na ako ang hinahabol niya.Nang nasa tamang palapag na ay agad kong itinulak ang pintuan para makapasok sa aming opisina. Taas noo akong nagmartsa patungo sa aking mesa. Kahit na kabado ay nagkunwari akong hindi.Ilang saglit lang pagkatapos kong maupo ay nakita ko kaagad ang pagpasok ni Roble. Nahanap niya kaagad ako at patungo na siya sa akin ngayon.Naghuhuramentado na ang dibdib ko sa kaba pero hindi ko parin ipinapahalata. Nagawa ko pang humikab at tumitig sa aking monitor. Wala akong magawa sa furnitures na nakikita ko sa software. Hindi pumapasok ang artistic side ko.Palapit na siya, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata. Tumigil siya sa harap
NAG-AALINLANGAN ako ng husto. Hindi ako mapakali nang nag park siya sa isang malaking hotel, malapit lamang sa aking pinag tatrabahuan."Clyde, we shouldn't rush!" giit ko nang nagtanggal na siya ng seatbelts.Ang valet ay naghihintay na para tanggapin ang sasakyan at para makapasok na kami sa loob."We didn't rush! llang taon na tayo at hindi parin natin ito nagagawa... Come on, Gwen..."Hinawakan niya ang aking batok at nagsimula na naman siya sa kanyang mga halik. Tinulak ko siya ng bahagya ngunit sa kagustuhan kong mahanap iyong elektrisidad na gusto kong maramdaman ay sinuklian ko ang halik niya."See? Just loosen up..." Kinagat ni Clyde ang kanyang labi pagkatapos ng halik.Agad siyang lumabas. Ako naman ay unti unting kinakalas ang seatbelts. Until now, I am still unsure of this. Iniisip ko, wala nang mawawala sa akin. I lost it to a stranger for God's sake and why can't I do it with Clyde?Naiiyak na ako habang pinagmamasdan si Clyde na kinukuha ang magandang suite para sa ami
IMBES na magpatuloy sa pagsasayaw ay tinungo ko ang tinutukoy ni André. I'm sure hindi siya nagsisinungaling. Para saan ang pagsisinungaling niya 'di ba?Naaninag ko kaagad si Clyde sa may bar. May kabulungan itong babae. Halos masuka ako nang makita ang labi niyang bahagyang hinahalikan ang tainga ng haliparot niyang kabit. Nawala na ako sa aking utak. Nag dilim ang paningin ko at gusto ko na silang sugurin. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Clyde, live na nakikipaglampungan sa kanyang babae! Lagi ay sa pictures ko lang nakikita!"Don't do it... Magmumukha ka lang tanga." Hinigit ni André ang aking braso bago pa ako magmartsa patungo kina Clyde."Bitiwan mo ako!" I ordered. No ones going to stop me from doing this!Hindi niya ako binitiwan. Imbes ay mas Ialo niya lang hinigpitan ang pagkapit sa akin."Bitiwan mo ako, André!" mariin kong sinabi.Ngunit nang ibinalik ko ang aking mga mata kay Clyde at doon sa babae niya ay nakita kong lumabas na sila ng bar. Gusto ko silang sun
PAGKATAPOS kong magpasalamat kay André ay umakyat na ako sa tower. I was just too preoccupied to even think if he's fine or what.'Tsaka lang ako tuluyang natauhan nang nasa loob na ako ng aking condo unit. llang tawag galing kay Trina at Jane ang nasa cellphone ko. Tinext ko na lang ang dalawa na nakauwi na ako para hindi na mag-alala.Humiga kaagad ako sa kama at nakatulog. Pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari.Inuubos ko ang weekends ko sa pag gy-gym o di kaya ay pag jo-jogging. Normal na ang pakiramdam ko. Sa sobra sigurong redundant ng pagtataksil ni Clyde ay namamanhid na ako. I don't think I love him anymore. Pakiramdam ko nga ay wala na kami. Hindi nga lang opisyal na nag break dahil mahihirapan lang ako.Kasosyo ng daddy ang pamilya ng mga Prieto. On Clyde's part, ganoon din siguro ang nararamdaman niya. We're both just pressured by our parents..."Umalis ka na naman ba kasama si André Roble Coleman" nangingiting tanong ni Trina sa akin.Buong team kaming nasa conference r
MAAGA akong pinakawalan ng aming supervisor. Halos hindi ako nakapag paalam ng mabuti kina Jane at Trina dahil sa kaba ko. They were both watching me curiously at wala akong maisagot sa mga tanong nila. I guess André's right. We're adults. I guess I am attracted to him. What is it? Lust? I don't know. What with my life going down, ano pa ba ang pwedeng gawin, hindi ba? Kundi ang lumipad pataas. This is my escape. This is the joke. Sa kabila ng seryoso at mabigat kong buhay ay ito ang magpapagaan."I brought my car," sabi ko nang dire diretso ang lakad ni André sa valet."Just leave it here," aniya.Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone ni André. The valet opened the door for me. Tumango ako at ngumiti bago pumasok. Bumaling ako kay André na pumasok na rin sa kanyang sasakyan."I told you to cancel the meeting," aniya sa kabilang linya.Sumulyap si André sa akin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. I will pretend I didn't hear anything?"What?" nagulat siya sa sinabi ng
"ANONG pinag-usapan ninyo ni André?" tanong kaagad ni Jane nang nakarating ako sa opisina, Iunes ng umaga.Patuloy ang paglalakad ko patungo sa aking mesa. Halos tumatakbo na siya dahil sa tulin ng paglalakad ko at sa kagustuhan niyang malaman ang nangyari."Business ang pinag-usapan namin, Jane," sagot ko."Sus! Alam ko na 'yan!" Humalukipkip siya at dinungaw ako sa aking mesa.Binuhay ko ang computer bago ako bumaling sa kay Jane na nangingiti parin ngayon."Alam mo na pala, bakit ka pa nagtatanong?"Hindi doon nagtatapos ang mga tanong niya sa akin. Kaya kahit si Trina tuloy ay nakakapagtanong kung nag level up na ba kami ni André. I can't believe my friends. Imbes na pagsabihan nila ako na mali ang ginagawa ko ay parang sinusuportahan pa nila ako.Palabas na ako sa clinic. Nagpacheck na ako sa 0B tulad ng gustong mangyari ni André. Magsisimula na rin ako sa pill dahil may period ako sa araw na iyon. Hinahanap ko ang susi ng aking kotse nang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag.
I GIVE him this time. I give Katelyn this time to talk to Andrè dahil pagkatapos nito, maaaring ipagdamot ko na siya ng husto. I don't want this to happen but I also want to fight for us. "I said, no.. ulit ni Andrè sa akin, pinipigilan ako sa paglabas. Nanghina ako kaya tumigil ako sa pagpiglas. "Care to explain to me why she's crying?" mariing tanong ni André. "Andrè, like what my mom told you, she's just emotional." Hindi nagsalita si Andrè. Unti unting nanghina ang kanyang pagkakahawak sa akin. Makakawala na ako, "Please excuse us. I need to talk to Gwen..." Napatingin ako kay Andrè. Hinila niya ako palabas doon. Nakita kong nag uusap parin si Kier at ang ilang mga agents. Wala na si daddy doon. Hindi ko alam kung nasaan. "Let's go..." ani Andrè. Ang akala ko ay doon lamang kami mag uusap sa labas pero nagulat ako nang hinigit niya ako palayo roon. "We can talk here..." sabi ko nang hindi siya tumigil sa paglalakad. Bumaba kami sa palapag na iyon at hindi parin siya nag
LUMAYO ako doon para sagutin ang tawag ni mommy. Kahit nakalayo ay nakatingin parin ako sa kanila. Maja looked stunned. Nakakunot naman ang noo ni Clyde habang pinagmamasdan si Andrè at Sky."Mom," salubong ko sa kabilang linya."Gwen, we transfered in St. Lukes. Masyadong malayo ang Laguna sa business ng Tito mo kaya nagpalipat na kami. How's the case? Do you have any updates?" tanong ni mommy, bilang panimula."l... Uhm, I just know that Marina was caught. At ang ilan pang nakatakas na mga tauhan."What about the other people involved? Syndicates? Other allies in politics of Sen. Fuentes?" tanong ni mommy.Napatingin ako kay Andrè. Wala akong alam sa lahat ng gustong malaman ni mommy. I'm sure Andrè can help them though. Ayaw ko nga lang na istorbohin ito sa kay Sky."I'll ask Andrè later, mom. Ipapatawag ko siya sa inyo para sa updates.""Mabuti naman kung ganoon. Tell him I want to talk to him. Katelyn's looking for him. We need security and updates, okay?""Okay PO... Ayos na po
BUONG araw kong pinagmasdan si André at Sky na naglalaro. Panay ang tingin ni Sky sa akin, nagbabakasakaling sumali ako sa kanilang dalawa pero hindi ko ginawa. Malamig ang trato ni André sa akin at pakiramdam ko ay may malaking utang ako sa kanya. Hinayaan ko siyang makipaglaro sa anak namin."Mommy! Look!" sigaw ni Sky habang tinuturo sa akin ang mga nakahilerang mga sasakyan niya sa mat,Ngumiti lamang ako at pinagpatuloy ang panunuod sa kanila.Nang gumabi na ay pareho silang pagod. Humikab si André ngunit sinikap niya paring makipaglaro kay Sky. Humikab din si Sky at ngumingiwi na. 'Mommy!" sigaw niya sabay bitiw sa mga Iaruan.Alas otso pa lang ng gabi. Madalas ay masigla pa siya ng ganitong mga oras pero iba yata ang araw na ito.Nilingon ako ni André, hindi alam ang gagawin. Nilapitan ko si Sky at kinarga. Nakanguso siya habang tinitingnan ako.Kinukusot niya ang kanyang mga matang may kaonting Iuha."Are you sleepy?" tanong ko.Hindi siya sumagot. Niyakap niya Iamang ako. Hi
NAGMAMADALI akong umuwi. Hindi ko na pinatapos ni Mary sa mga sinasabi niya. Ang tanging naisip ko na lang ngayon ay ang umuwi.Maraming spekulasyon sa aking utak at lahat ng iyon ay puro nakakatakot. Pero sa huli tinanggap ko rin ang gusto kong iwasan. It is probably André. Hindi ito maaaring ibang tao.Sa isang tao lamang nagmana si Sky.Tinakbo ko ang distansya ng pinagbilhan ko ng pagkain patungong condo. Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang puso ko. Dahil ba iyon sa nangyayari o dahil sa pagtakbo ko."Good morning, ma'am!" anang guard na sumalubong sa akin malapit sa lift.Mabilis ang pindot ko sa mga buton doon, Habang tumataas naman ang lift ay para akong naiiihi sa kakahintay. Nang sa wakas ay tumunog ito sa tamang palapag ay mabilis ulit akong lumabas.Malamig ang pawis ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng dugo. Butterflies are floating freely on my stomach. Ang sabi nila ay magandang pakiramdam daw iyon pero bakit hindi ako natutuwa?Mabilis kong pinihit ang doorhandl
TUMAWAG muli si Andre nang gumabi. I made sure I'm alone when he called."Hindi parin kami panatag," aniya, tinutukoy ang mga kasamahan ni Marina na maaaring nakatakas parin."Thank you so much for the help. Alam kong hindi kayo sangkot sa gulong ito pero-""The Fuentes' are our business partners and Marina is an old friend. Isa pa, pinagtangkaan niya rin ang buhay ng iyong ama and the result was you got shot, Gwen. How am I not involved here?"Bumuntong hininga ako. "I'm sorry... Thank you, really. How's my mom? And Katelyn? Pati si Tito?"Hindi siya agad nakapagsalita. Tila ba dinadama niya ang tono ng aking boses. It's frustrating."You're mom is calm. Katelyn's recovering. Ganoon din angTito Christopher mo. Mag sasampa ng kaso ang Tito Christopher mo kay Marina.""Kamusta ang sugat ni Katelyn?" tanong ko."Her spleen's affected," ani André."Oh God!" Napahawak ako sa aking labi. 'And? Kailangan ba siyang operahan muli?""No... It doesn't require surgical repair pero kailangang im
SUMAMA ako kay Kier at Daddy pagkauwi. Hindi ako kumibo sa tabi ni daddy at ng isa pang bodyguard habang papauwi kami."l want to transfer some patients..." pinipilit ni daddy ang gusto niyang mapadali ang transfer nina mommy sa Manila.Not that he doesn't trust André's agency, gusto niya lang ding mas malapit sila sa amin. Humalukipkip ako at tumingin sa daanan. May convoy din kaming mga bodyguards, pinaghalong kina Kier at kay André.Nasa front seat si Kier at kanina pa ako sinusulyapan sa likod. I know he's going to start once dad's done with his calls.Tumawag naman ngayon si daddy kay Tita Irene. Alam kong hindi maganda ang relasyon ni Tita at ni Mommy pero unti unti na rin silang nagiging civil sa isa't-isa."Tiningnan lang namin kung maayos sila. Pauwi na kami ng Manila-" natigilan si daddy. "Christopher got shot and their daughter Katelyn too!" paliwanag ni daddy.Ilang sandali pang tumagal ang mukhang pagtatalo ni Tita Irene at daddy sa cellphone bago niya ito binaba. Ngayon
ILANG TAWAG na ang ginawa ko kay Clyde at kay Maja.Natatakot ako para sa kanila. Alam kong malayo sila dito sa Laguna at malabong masali pero malubha parin ang takot ko."Where are you ba kasi?" tanong ni Maja sa isang iritado nang tinig."I'm in Laguna. I'm in the Headquarters of Trion," I confessed."What? Why... Why the hell are you there? What's wrong? What happened?""Asan siya, Maja?" tanong ni Clyde sa background.Natigil si Clyde sa pagtatanong nang mukhang may sinagot itong cellphone, The news probably reached my father."She's in Laguna... Why are you there?" tanong ni Maja sa akin."Something happened. Kina mommy, Katelyn, at TitoChristopher. May barilang naganap kanina sa isang Iiblib na intersection.""What? Sinong magtatangka? Wait! Why are you in the HQ of Trion? Gwen!" sigaw ni Maja."According to André, iyong mga tauhan daw ni Sen. Pancho Fuentes. Inutusan yata ng anak niyang si Marina Fuentes, Maja.""Marina? Why would Marina do that?" tumataas na ang boses ni Maja
HABANG naliligo ako at nagpapalit ng damit ay naririnig ko si André sa kwarto. Tinawagan niya si Katelyn at nakikipag cooperate din siya sa mga agents na nasa Monitoring Room. "Kate, I'm not in my condo..." Narinig kong sinabi ni André sa kabilang linya.Nagsusuklay ako ng buhok. I can hear the frustration in his voice. I wonder if Katelyn visits his condo?"Is your dad home?" tanong niya.Binuksan ko ang pintuan para makalabas na. Suot ko iyong puting longsleeve button down shirt niya at ang gray short pants na hanggang itaas ng tuhod ko. Napatingin siya sa akin at napahilot sa kanyang sentido. Bumaling siya sa computer."Where is he then?" tanong niya habang ginagalaw ang mouse ng computer.I took out my phone to text Clyde and Maja. I will check if they're fine too. Sa totoo lang, kahit walang kinalaman ang pamilya nina daddy dito ay natatakot parin ako para kay Sky. I don't want to freak out. It won't help.Ako:Maja, how's Sky? Lock the doors. Is your bodyguards with you?Ako pa
MAHABA ang byahe patungong Laguna. May isang sasakyang nakasunod sa amin. Naroon ang mga bodyguards ni André. 'May problema ba?" pang ilang tanong ko na ito sa kanya ngunit pareho parin ang kanyang sagot. "Wala..." Nakatitig siya sa daanan at seryoso habang nagpapatakbo ng sasakyan. Parang may tinatago siya sa akin pero hindi na ako nangulit. Malamang marami siyang iniisip sa ngayon. Nagkaproblema yata ang kanilang kompanya. Nakatulog ako sa byahe. Nagising lamang ako nang may nadaanan kaming lubak-lubak na kalsada. Kinusot ko ang mga mata ko at napansin ko ang kumot sa aking katawan. Nilingon ko si André na sumulyap din sa akin "You're awake? We're almost there." Kinusot ko ang mga mata ko para makita ng maliwanag ang paligid. Madilim at halos puro kagubatan ang nakikita ko. Mga matatayog na punong kahoy at matalahib na mga patag. "Nasa Laguna na tayo?" tanong ko. "Yup," sagot niya. Biglang bumagal ang kanyang patakbo. Tingin ko ay malapit na kami sa headquarters na sinasabi