Bumagsak ang balikat ni Marga nang mapagtanto ang sinabi ni Brandon. Nang pumasok siya sa Fowler Family ay mas bata pa siya kesa kay Cathy, pero nagawa niya naman ng mabuti ang mga trabaho niya. Naputol ang pag-iisip ni Marga nang biglang nagsalita si Brandon.
“I have not mentioned the annulment to Grandpa yet,” saad ni Brandon.
Umawang ang labi ni Marga. Wala rin siyang balak sabihin ang tungkol doon dahil nagpapagaling pa matanda sa bahay nitong mga taon. Baka mabinat ang Lolo ni Brandon kapag nabalitaan ang tungkol sa kanila. Kahit na hindi gaanong maayos ang relasyon nilang dalawa, baka hindi kakayanin ng matandar na marinig ang tungkol sa pagpapawalang-bisa ng kasal.
Bumaba ang paningin ni Marga. “Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa annulment kapag naging mabuti na ang kalagayan niya.”
Binalot ulit sila ng nakakabinging katahimikan. Uminom ng wine si Marga ng gabing ‘yon at hindi man lang kumain ng hapunan dahil walang siyang gana. Marami siyang iniisip, sobrang gulo ng isipan niya. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa loob ng sasakyan.
Hindi mapigilan ni Brandon na pagmasdan si Marga na mahimbing ng natutulog nang mapansin nito ang maputlang mukha. Nangunot ang noo ni Brandon habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Dadalhin niya sa ospital si Marga dahil hindi na normal ang kulay ng balat nito.
Habang nasa biyahe patungong ospital ay naalipungatan si Marga. Luminga-linga siya sa paligid at tumingin kay Brandon. “Saan tayo pupunta?” curious niyang tanong. Her voice was a little horse.
“Dadalhin kita sa ospital. Mukhang masama na naman ang pakiramdam mo.” SInulyapan siya ni Brandon.
Biglang kinabahan si Marga nang hindi niya alam. Sumagi sa isipan niya nang tanungin siya ni Brandon kung buntis ba raw siya. “Masakit lang ang tiyan ko. Hindi kasi ako kumain ng hapunan. Hindi rin naman ako nagugutom. Uuwi na lang ako upang makapagpahinga.”
Matalim siyang tinititigan ni Brandon. Hindi na rin mapigilan ng lalaking mag-alala, ayaw niya lang ipahalata kay Marga na nag-aalala pa rin siya sa kalusugan nito. “Okay. I’ll take you home.”
Nang makauwi na si Marga sa bahay ay kaagad niyang tinawagan ang kaniyang kaibigan na si Caroline upang bumili ng pregnancy test. Kinakabahan na siya dahil ilang araw na siyang may morning sick. Pili rin ang mga pagkaing kakainin niya hindi katulad dati na kahit ano ang pagkaing nasa hapag ay kakainin niya.
***
Kahit masama ang kaniyang pakiramdam ay pumunta pa rin siya sa welcoming party ng mutual friends nila ni Brandon na si Kanata Cruz. Sinadya talagang imbitahan ni Kanata sina Brandon at Marga dahil gusto niyang magkaayos ang dalawa. Hindi siya makapaniwala na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawang matalik niyang kaibigan. Para sa kaniya, baka siya ang magiging daan upang magkaayos ang mga ito.
Nang mapansin ni Kanata ang pagdating ni Marga ay bigla siyang nagsalita, “Totoo ba ang nabalitaan ko, Brandon? Si Cathy ang dahilan kaya kayo naghiwalay?”
Umangat ang gilid ng labi ni Brandon dahil sa tanong ng kaniyang kaibigan. Hindi niya aakalaing sa mismong kaibigan niya manggagaling ang tanong na ‘yon. Sa pagkakaalam niya, pareho nilang desisyon ni Marga ang paghihiwalay dahil alam nilang walang patutunguhan ang kanilang kasal. Hindi nila mahal ang isa’t isa at pareho lang silang napilitang magpakasal noon.
“Napag-usapan namin ng maayos ni Marga ang tungkol sa hiwalayan.”
“Ano ba ang nakikita mo sa kapatid niya na hindi mo nakita sa kaniya, Brandon? Maganda naman siya, matalino, may pinag-aralan, at halos lahat ng kompanya ay pinag-aagawan siya dahil magaling siya sa pagpapatakbo ng kompanya. Malaki rin ang naging kontribusiyon niya sa iyong pamilya. Niligtas ka nga niya noon sa mga magnanakaw. Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi mo nakikita ang halaga niya? Dahil ba galing siya sa isang mahirap na pamilya? O may mas malalim ka pang dahilan?” Ngumisi si Kanata at uminom ng wine. Pinaglalaruan niya ang wine glass habang hinahanap sa paligid si Marga dahil bigla itong nawala sa paningin niya. “Kung hiwalay na talaga kayo, baka bigla mong pagsisihan ang iyong desisyon, Brandon.”
“I won’t regret the decision that I have made, Kanata. Wala akong nararamdaman sa kaniya kahit tatlong taon na kaming nagsama sa iisang bubong. Hindi mo rin ako mapipilit kung ayaw ko talaga sa kaniya. Let’s just say, Marga and I are not suitable. Ang layo ng agwat namin sa buhay.”
“Pag-isipan mo ng mabuti ang naging desisyon mo, Brandon. Ayaw kitang pangunahan, pero baka magsisi ka sa huli.
Nang marinig ni Marga ang pinag-usapan ng dalawa ay mabilis siyang nag-text kay Kanata na may importante siyang gagawin na appointment kasama si Caroline. Ang totoo, ayaw niya lang makita si Brandon. Mabilis niyang nakita sa paligid si Caroline kaya kaagd niya itong pinuntahan.
“Buntis ka ba?” diretsong tanong ni Caroline sa kaniya nang inabot nito ang pregnancy test.
Tinanggap kaagad ni Marga ang pregnancy test at tinago sa loob ng bag niya. “Hindi ko alam. Ilang araw na akong nilalagnat. Palagi rin akong nagsusuka. Hindi pa rin ako dinadatnan ngayong buwan.” Ginulo ni Marga ang kaniyang buhok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag napatunayang siya ay nagdadalang-tao. “Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi matatanggap ni Brandon ang anak namin. He hates me. Hiwalay na rin kami.”
Pati si Caroline ay hindi na rin mapakali. “Paano kapag buntis ka talga? Ano ang gagawin mo? Ipapalaglag mo ang bata? Malaking kasalanan ‘yon, Marga!”
Hinawakan ng mahigpit ni Marga ang pregnancy test. Nawala siya sa mood nang maisip ang posibleng gawin ni Brandon kapag nalaman nitong magkakaanak na silang dalawa. Baka si Brandon pa mismo ang mag-uutos sa kaniya na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya dahil hindi ito matanggap.
Sa sumunod na araw, nang makabalik na siya sa trabaho, bigla niyang naalala ang tungkol sa pregnancy test na nasa loob ng kaniyang bag. Ilang araw at gabi na siyang hindi makatulog at mapakali sa kaiisip kung buntis ba talaga siya. Pumunta siya sa CR, para siyang binuhosan ng malamig na tubig nang makita ang dalawang linya sa hawak niyang pregnancy test. Buntis siya. Magkakaanak na silang dalawa ni Brandon, pero ramdam niya na kaagad ang sakit dahil alam niyang hindi matatanggap nito ang kaniyang pagbubuntis.
Itinago niya ang pregnancy test sa takot na baka may ibang makakita no’n. Pagkalabas niya sa CR, nagkasalubong niya ang kaniyang kapatid na si Cathy.“Ate Marga, galit ka ba sa akin? Hindi mo naman ako sinisisi sa nangyari, ‘di ba? Hindi ko rin naman alam na magagawa nila ang bagay na ‘yon sa kompanya.”Napasinghap si Marga. “Ang kompanya ay magbibigay ng punishment sa mga empleyadong nagkakamali. Hindi naman aabot sana sa ganoon kung nakinig ka lang at naging maingat sa ginagawa mo, Cathy.”“Pupunta ka ba sa birthday ni Papa next week?” Pag-iiba ni Cathy ng topic. “Matagal ka ng hindi nakikita ni Papa. Gusto mo bang bumalik sa pamilya natin upang sabay natin ipagdiwang ang kaniyang kaarawan?”Napahinto si Marga sa paglalakad at hinarap ang kaniyang kapatid. “Wala ako sa mood makipagbiruan sa ‘yo. Nasa tamang pag-iisip ka pa naman siguro, ‘di ba? Ipapaalala ko lang sa ‘yo na wala akong balak bumalik sa pamilyang sinasabi mo at ang araw na ‘yon ay hindi mabuti para sa akin at kay Mama.”
Pumungay ang mga mata ni Brandon, pinasadahan niya ng tingin si Marga. Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito. Bumuntong-hininga siya. “Naikwento ni Cathy sa akin ang nangyari sa inyo kanina. Nag-away na naman ba kayo? Nasa loob kayo ng kompanya. Ano na naman ba ang sinabi mo sa kaniya? Parang wala siya sa sarili kanina kaya natapilok siya sa hagdanan nang pababa na siya.”“Wala naman. Gusto niya akong papuntahin sa kaarawan ni Papa,” tamad na sagot ni Marga.“Kung ano man ang hindi pagkakaunawan ninyong dalawa, sana intindihin mo na lang siya dahil ikaw ang mas nakakatanda. Bata pa siya. She’s immature. Nakakagawa ng mali. Ikaw na lang ang mag-adjust sa kapatid mo. She is kind-hearted. Hindi niya ugali ang makipag-away.”“Hindi na siya bata, Mr. Fowler. At isa pa, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Sinabi ko lang sa kaniya ang mga gagawin niya rito sa loob ng kompanya.” Tiningnan niya ng malalim si Brandon. “Gusto mo talagang malaman kung ano ang nangyari kanina?”Hindi makas
Umingay ang paligid, halos hindi sila makapaniwalang ililibre sila ng kanilang Manager. Nang matapos na si Marga sa kaniyang ginagawa, nagpasya siyang ihatid ang isang kontrata sa opisina ni Brandon. Papasok na sana siya nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid sa loob.“Wala ba talaga akong silbi rito sa kompanya? Marami kasi ang nagsasabi na ang layo ko raw sa kapatid ko.” Nagsisimula na naman mangilid ang mga luha sa mata ni Cathy dahil maraming beses niya ng narinig ngayong araw ang mga sinasabi ng ibang empleyado sa kaniya.Nangunot ang noo ni Brandon. “Magkaiba kayong dalawa, Cathy.” Pinunasan niya ang luhang Nangingilid sa mga mata ng dalaga.Humugot muna ng malalim na hininga si Marga bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina. “Mr. Fowler, this is the latest information from Mr. Minerva,” kalmadong sabi ni Marga. Sinulyapan niya muna si Cathy bago inilagay sa ibabaw ng mesa ang mga dokumento.The new contract and latest cooperation proposed by Calix Minerva and Ce
Marga was playing with the USB flash drive in her hand. Ngumisi siya habang nakatingin kay Cathy. “Mr. Fowler, this is the project team, not the president’s office and secretarial department is on the top floor.” Bumaling siya kay Brandon na nakakunot ang noo. “Or, may kailangan bang sabihin si Secretary Santillan sa inyo?”She seems to be giving Cathy a way out, but Cathy immediately grabbed the step.“Yes, it was him who asked me to come and give instructions!” sigaw ni Cathy.Ngumisi si Marga. “What kind of work does Secretary Santillan want to ask me to do?”Minsan lang siyang ngumiti, ang kaniyang mukha na parang nakabalut ng yellow ay biglang lumiwanag. Sumandal siya sa bintana, the gray curtains on the window frame fluttering I the breeze, making her look even more graceful under the soft light.“Sasabihin mo ba sa akin ang tungkol sa Gonzalez Pharmaceutical o ang Mercedes Construction?” tanong ni Marga.Saglit na natahimik si Cathy. “Lahat ng ‘yan ay pag-uusapan natin.”Lumapa
Nanatiling tahimik si Marga at hindi na lang pinansin ang mga sinasabi ng binata. Pinatay niya na lang ang tawag. Bumaba ang paningin niya sa bulaklak at kuwintas. Kumuyom ang mga kamao niya sa galit.Sobrang laki ng bulaklak, halos hindi iyon kayanin ng kamay niya. Umaalingangaw ang halimuyak ng bulaklak sa kompanya. Hindi niya maiwasang mapangiti nang mapagtantong first time niyang makatanggap ng bulaklak.Noong nag-aaral pa siya, binigyan siya ng iba’t ibang klase ng bulaklak ng kaniyang manliligaw, pero hindi niya tinanggap. Nang ikasal siya kay Brandon, gusto niyang makatanggap ng bulaklak, pero never niya itong naranasan. Bumagsak ang balikat niya nang maalala ang sinabi ni Brandon sa kaniya noon. Kung gusto niya raw ng bulaklak, bumili siya para sa sarili niya dahil hindi na siya bata. Habang iniisip ang masasakit na salitang binitawan ng dati niyang asawa, hindi niya pa rin aakalaing makakatanggap ulit siya ng bulaklak ay galing pa sa ibang lalaki at kung kailan siya ay hiwala
Seeing that she seemed to be about to explode, Clinton somehow thought of the black-footed cat wandering in the wild, which was very wild, but also extremely aggressive.“Take a look at this information. I wonder if Manager Santillan is interested.” Inabot niya ang isang dokumento sa dalaga.Sa isang tingin pa lang, nag-angat ng tingin si Marga, and the man tilted his head to signal her to continue looking. Marga lowered her eyes, but her heart was shocked by the man’s innovation. She wanted to conduct research in the field of holography, which is a very expensive research area.“Mr. Minerva, sa pagkakaalala ko, maraming mga professionals na ang gumagawa nito sa ibang bansa six years ago, pero ang nagawa lang nila ay 3D projection.”“Manager Santillan, doesn’t she want to innovate?” Clinton asked her.“May I ask if Mr. Minerva has a specific research team? Do you know how to decode the holographic code algorithm?”Hindi kaagad makasagot si Clinton. Today, he is not only here to discus
Sa loob ng tatlong taon nang ikasal siya kay Brandon, nakakasakay lang siya sa kotse nito sa tuwing kasama nila ang ma ni Brandon, and over time, her traces were left in the car. Ang mga laruang iniwan niya sa loob ng sasakyan ay nawala na. Katulad sa kaniya, mabilis din siyang inalis sa buhay ni Brandon.Nang mapansin ni Cathy ang tinitingnan ni Marga ay bigla siya nagsalita ng mahinahong. “Ate, I’m sorry. Kaunti lang ang mga gamit dito sa loob ng sasakyan, pero Ayoko sa mga laruan at amoy na nakasanayan mo, kaya sinabihan ko si Brandon na palitan ang mga ‘yon.” Sinulyapan ni Cathy si Brandon. “Aksidente ko rin nadumihan ang laruan na ‘yon kaya wala akong ibang choice kung ‘di itapon a lang. Sana hindi mo masasamain ang ginawa ko. Alam mo namang ayaw ni Brandon ng marumi, ‘di ba?”Cathy did not just want Brandon to change his car. She replaced the fragrance with that scent with one she liked. Hindi na siya makapaghintay na palitan si Marga sa buhay ni Brandon.Kumuyom ang mga kamao n
Nang narinig ni Marga ang sinabi ni Brandon, gusto niyang matawa. Alam ni Marga na kilala si Brandon sa pagiging possessive. Kahit hindi siya minahal nito pagkatapos ng kanilang kasal, Brandon will not allow other men to be around her. Sa panahong ‘yon, she was always considerate and gentle, and never had too much contact sa ibang mga lalaki sa publiko.Pero iba na ngayon. Hiwalay na silang dalawa. Anong karapatan ni Brandon na sabihin siyang hubarin ang suot niyang kuwintas? Bakit ipapahubad ng kaniyang ex-husband ang kuwintas na binigay sa kaniya ng taong nagkakagusto sa kaniya?Nag-angat ng tingin si Marga at tinitigan ng maigi si Brandon, ang mga mata niya, na dapat ay malamig, biglang lumiwanag. Tiningnan niya lang ng kalmado ang lalaki at tinaasan ng kilay.“Bakit ayaw mong suotin ko ang kuwintas na ‘to?” Marga stroked the expensive red agate necklace around her neck with her slender long fingers and opened her lips to speck. “Don’t you think I’d be a good match for this necklac
Tila sadyang sinabi ni Clinton ang mga medyo malupit na salitang ito kay Faith sa pagkakataong ito, para pigilan siyang banggitin pa si Brandon sa harap ni Marga sa hinaharap.Hindi mabubuting tao ang pamilya Minerva at hindi rin madaling pakisamahan ang pamilya Fowler!Ang sinabi ni Clinton ay hindi lamang para marinig ni Faith, kundi para rin marinig nina Mr. Fowler at Brandon.Isa itong babala na mag-iingat siya para hindi makalapit ang pamilya Minerva kay Marga. Syempre, kailangan ding magkaroon ng self-awareness ang pamilya Fowler.Si Faith, na dating madaldal, ay tahimik na ngayon.Lumabas ng kotse si Charlie na nakangiti, tumayo sa tabi ni Faith, at ipinaliwanag para sa kanya. “Medyo childish pa si Faith, wala siyang ibang masamang intensyon. Mr. Minerva, huwag mo siyang sisihin.”Lahat ng miyembro ng pamilya Fowler ay may magaganda at gwapong mukha, at hindi rin iba si Charlie.Kahit malapit na siya sa limampung taong gulang, maayos pa rin ang kanyang itsura at mas banayad pa
Ang lugar kung saan nakatayo ngayon ang lumang bahay ng pamilya Fowler ay napakayaman, ngunit hindi talaga ito ang ancestral home ng pamilya Fowler.Dati, nagdusa ang pamilya Fowler sa pang-uusig at ang kanilang ancestral property ay naibenta at napunta sa pamilya Minerva.Ang tunay na ancestral property ng pamilya Fowler ay matatagpuan sa pinakamayamang lugar ng lungsod. Parang isang klasikong kastilyo ito at matagal nang kasama sa listahan ng protektadong lugar ng Pilipinas. Bukod pa sa halaga ng ancestral home, ang lupa lamang sa lugar na iyon ay nagkakahalaga ng sampu-sampung bilyon.Napakabilis ni Clinton na gamitin ang ancestral home na pagmamay-ari ng pamilya ni Brandon para sa ganitong uri ng pustahan.“Clinton, sigurado ka ba na seryoso ka?” tanong ni Brandon sa malalim na boses.Malamig ang mga mata ni Clinton. “Hindi ako magbibiro sa ganitong bagay.” “Kung manalo ang Minerva Group, kailangan mong ibigay sa akin ang ebidensya ng krimen ni Charlie Fowler. Kung mananalo ka, il
Nakasuot din si Clinton ng parehong itim na robe, ngunit mas kontrolado ang kanyang aura at tila medyo walang pakialam, pero sa totoo lang ay hindi siya gaanong nakakatanot kaysa kay Brandon.Tinaas ni Clinton ang kanyang mga pilikmata at hinaplos ang kanyang manipis na mga labi, na parang sadyang nagpapayabang, o parang ipinagpipilitan niya ang kanyang awtoridad.Nakatayo si Brandon kung nasaan siya, nakatingin sa kanilang mga likod na may madidilim na mata.Matagal nang naghihintay doon si Kyle at ibinigay ang impormasyong kanyang inimbestigahan kay Brandon.Nang makita ang mapang-uyam na ngiti ni Cathy sa surveillance video, unti-unting kumunot ang noo ni Brandon.“Mr. Fowler, may maitutulong ba ako sa inyo?” tanong ni Kyle.Nahulaan din niya ang nangyari kagabi.Wala itong iba kundi ang pagtatago ni Cathy ng kanyang maruruming iniisip at gustong sirain si Marga. Gusto niyang makita ni Clinton sina Marga at Brandon na magkasama, at pagkatapos ay mawala kay Marga ang proteksyon ni C
Hinawakan ni Clinton ang mukha ni Marga sa kanyang mga kamay, at nang ibaba niya ang kanyang tingin, may bahid ng kawalan ng magawa na sumilay sa kanyang makikitid na mga mata. Malambing ang mga mata ni Clinton nang tumingin siya kay Marga.Ang lambing na iyon ay maaaring hindi nangangahulugan ng sobrang pag-ibig, parang isang lalaking hayop na dinadala siya sa kanyang proteksyon at itinuturing siya bilang isang malapit na relasyon, kaya binibigyan niya ito ng atensyon.Pinunasan niya gamit ang kanyang mahahabang daliri ang mga luhang patuloy na tumutulo sa mukha ni Marga.Sa sandaling ito, namumula ang mga pisngi at mata ni Marga, at ang kanyang mga mata, na dapat sana ay puno ng kislap ng bituin, ay tila mayroon na lamang natitirang sirang liwanag. Ang kanyang ilong ay tila kulay rosas din, at tumulo ang mga luha mula sa mga sulok ng kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay puno ng luha at basa.Mabilis siyang tumakbo dahil alam niyang kailangan niyang pigilan ang kanyang mga luha
Ang tubig sa kahoy na palanggana na may yelo ay ibinuhos sa dalawang lalaki. Ang lamig nito ay nakapagpakalma sa dalawang lalaking galit pa rin. “Marga, gusto ko lang ilabas ang galit ko.” Paos ang boses ni Clinton at halata ang galit.Nang marinig ni Clinton ang mga salitang iyon ni Brandon, hindi na niya nakayanan at kumilos na siya.Si Marga ay girlfriend niya at hindi niya hahayaang insultuhin ito ng kahit sino.Ang higit na hindi niya matanggap ay ang basta na lang tanggapin ni Brandon ang tatlong taong pagmamahal ni Marga nang walang pakialam, at sa huli ay sasabihindg deserve ni Marga ang mga nangyari.“Hindi na kailangan,” malamig na sabi ni Marga.Hinila ni Marga ang kanyang coat para ibalot sa kanyang katawan. Tila naramdaman niya ang lamig, ngunit may bahagyang ngiti pa rin sa kanyang mga labi.Ang ngiting iyon ay banayad at mainit, parang dumadaloy na tubig mula sa bukal kapag natunaw ang yelo at niyebe pagkatapos ng taglamig at dumating ang tagsibol, maganda at malinaw.
Sumagi sa isip ni Brandon ang tingin sa kanyang mga mata noong nasa tabi niya si Marga. Sobrang seryoso at nakatuon, na may halatang lambing at pagmamahal na nakatago rito.Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, tumakbo na si Marga sa piling ng iba, parang isang pagtataksil.Tiningnan ni Brandon ang dalawang taong magkayakap nang mahigpit, at ang kanyang mga mata ay lalong dumidilim.Nakatingin si Brandon sa ilalim ng maliwanag at nakasisilaw na mga ilaw, tahimik na nakatitig sa dalawang taong naghahalikan.Ang nakapapasong temperatura ay dapat sana’y sa kanya, ngunit lamig lamang ang kanyang naramdaman sa kanyang mga kamay.Hindi alam ng dalawa kung gaano katagal sila naghalikan, at hindi inalis ni Brandon ang kanyang mga mata sa kanila. Kahit nasasaktan ang kanyang puso, pinanood pa rin niya ang dalawang taong naghahalikan sa harap niya na parang pinahihirapan ang kanyang sarili.Hindi natapos ang lahat hanggang sa wakas ay naghiwalay ang dalawa at tila hindi na makayanan ni Mar
“Naghalikan kami, hindi mo ba nakita?” tanong ni Brandon.Ang paos na boses ni Brandon ay may bahid ng kasiyahan matapos niyang mahalikan si Marga. Mahigpit niyang hinawakan si Marga sa kanyang mga bisig, hindi hinahayaang lumaban ito.“Brandon! Nasisiraan ka na talaga ng ulo!” sigaw ni Marga.Natigilan si Marga at itinulak si Brandon palayo. Sa pagkakataong ito, hindi siya pinigilan ng lalaki. Ngunit hindi siya makatayo kahit na nakakapit sa pader, at ang sampal na ibinigay niya sa mukha ng lalaki ay walang anumang epekto.“Brandon, gumagawa ka ng krimen! Mali ang ginagawa mo! Hiwalay na tayo at hinding-hindi na ako babalik sa iyo!” sigaw ulit ni Marga. Natigilan siya at muntik nang matumba, ngunit may humawak sa kanyang baywang.Sa wakas, nahulog siya sa mga bisig ni Clinton at mahigpit siyang hinawakan nito. Madilim at malalim ang mga mata ni Clinton, at mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Marga.“Marga, sabihin mo sa akin, siya ba o ako ang gusto mong makasama?” tanong ni Clint
Matapos humiling at makakuha ng positibong sagot mula sa kausap, umalis na siya.Ang waiter/waitress ay may Bluetooth headset sa isang tainga at napansin lamang ito pagkaalis ni Marga.Kanino kaya ipinapabigay ni Manager Santillan ang liham?Sobrang nakatuon siya sa pakikinig sa kanta kaya hindi niya napansin kung para kanino iyon.Para ba kay Mr. Fowler?Napakaganda ng relasyon ni Manager Santillan kay President Fowler, kaya tiyak na ipapaliwanag niya ang kaso ni Mr. Lazarus kay President Fowler sa pagkakataong ito. Ang liham na ito ay tiyak na liham ng paliwanag.Nag-aalala rin ang waiter/waitress na baka may nangyaring mali dahil sa kanyang pagkaantala, kaya agad niyang tinawagan si Kyle sa internal phone para iulat ang bagay na ito.Nang matanggap ni Kyle ang tawag, medyo natigilan siya. Ngunit malinaw na pareho sila ng iniisip ng waiter/waitress.Akala ng lahat na ang liham na ito ay isang liham ng paliwanag na isinulat ni Marga para kay Brandon.Si Marga, na walang alam tungkol
Tumaas ang tingin ni Marga, at ang kanyang malamig na mga mata ay bumaling kay Alex at nagsalita. “Ako ay kasal at buntis sa anak ni Brandon. Kailangan kong isilang ang batang ito at palakihin siya. Napakaraming manliligaw sa ating sirkulo. Gusto nila ako, pero sino ang makakagarantiya na hindi sila magagalit kapag nalaman nila ito? Kahit hindi sila magalit, ang mga nakatatanda sa aking pamilya ay magagalit. At ang bata sa aking sinapupunan ay magiging isang tinik sa kanilang mga mata. Kahit isilang ko siya, natatakot akong hindi siya mabubuhay nang ilang taon.”Ang kanyang tono ay kalmado, ngunit ang kanyang mga salita ay nagdulot ng lamig at kilabot sa mga tao.“Mag-aalala sila na kukunin ng batang ito ang kanilang negosyo sa pamilya sa hinaharap, kaya ang aking anak ay hindi mabubuhay hanggang sa pagtanda,” dagdag ni Marga.“Iba ba si Clinton?” tanong sa kanya ni Alex.Bumuntong-hininga si Marga at hinawakan nang mahigpit ang baso ng gatas.“Sabi ko nga, pareho kami ng uri. Kung ak