Dasha's Point Of View.Nang makarating kami ng mall ay dumiretso kaagad kami sa furniture store, papasok na sana kami ng bigla akong kalabitin ni Jazz."Ano iyon?" tanong ko, nagtataka kung bakit biglang seryoso ang kaniyang mukha. Lumapit naman siya sa akin at bumulong"Aalis lang ako sandali pero babalik ako, parang nakita ko kasi siya pagpasok natin," ani niya, sandaling napakunot ang noo ko at nagtaka sa kaniyang sinabi. Ngunit nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay mabilis akong tumango at ngumiti."Sige lang, hanapin mo na siya," sabi ko at mabilis naman siyang umalis. Nang mawala siya sa paningin namin ay nilingon ko si Elias na mukhang nagtataka sa pag-alis ni Jazz."May hahanapin lang iyon, mauna na raw tayo mamili," paliwanag ko."Tsk. Hindi naman kasi siya kailangan dito," narinig kong saad niya habang papasok kami.Napailang na lamang ako. "Siya ang naunang nagsabing sasamahan niya ako, alangan naman hindi ko siya isama?""Sana sinabi mo rin sa akin ng mas maag
Jazz's Point Of View.Hindi alam ni Mamita na alam ko na ang totoo, wala rin akong balak ipaalam sa kaniya. Aalamin ko muna kung sino ang kausap niya sa cellphone na iyon at kung bakit niya tinatago sa akin.Hindi ko rin alam kung balak ko bang sabihin iyon kay Elias, halata naman kasing wala siyang idea. Sasabihin ko naman, maghahanap lang ako ng mas magandang tiyempo."Tsk," giit ni Elias at malakas na napabuntong hininga, sandali akong tumingin kay Dasha na medyo malayo sa amin dahil abala sa pagtingin ng mga plato."Alam mo. . . hangga't nandiyan pa ang anak mo, huwag mo sanang sayangin ang panahon na makasama siya," sabi ko at umiwas ng tingin, alam kong naguguluhan siya dahil mas lalong kumunot ang noo niya."What do you mean?"Muli ko siyang tinignan, seryoso siyang tumingin sa akin. "Simple lang naman ang gusto kong iparating... Hangga't nandyan pa ang mahal mo sa buhay, mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Sabihin mong mahal mo siya dahil hindi naman sa lahat ng pagkaka
Dasha's Point Of View."Salamat po sa pagbili, balik po kayo ah?" nakangiting saad ko sa babaeng matandang bumili sa bakery shop."Aba siyempre naman, hija. Gustong-gusto ng mga apo ko ang mga tinda niyo rito," sagot niya bago umalis.Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko kahit pa tuluyan na siyang nakaalis. Isang linggo na ang lumipas simula ng buksan ang sarili kong bakery shop, sobrang saya sa pakiramdam dahil pagkatapos ng lahat ng pagod namin sa pag-aasikaso, mula sa pag-order ng mga ingredients, furniture at iba pa. Nabayaran ang aming pagod noong makitang successful ang aming pagbukas.Noong unang araw pa lang ay dinagsa na kaagad kami ng mga dahil sa tulong nila Jazz. Pinagkalat kasi nilang dalawa ni Angela sa kanilang iba pang mga kaibigan ang tungkol sa shop ko, maging sa social media ay nagsabi rin sila kaya naman marami talagang nag-abang sa pagbubukas namin. Pati sina Papa at Lola, sinabi rin sa mga empleyado ng kompanya ang tungkol dito sa shop.Gusto kong maiyak sa tu
Dasha's Point Of View.Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang magtrabaho pagkatapos noong pag-uusap namin ni Joel. Kilalang-kilala niya na talaga si Elias, mula pagkabata kasi ay magkaibigan na silang dalawa kaya hindi nakakakapagtaka.Pero dahil sa mga sinabi sa akin niya sa akin ay pakiramdam ko mas lalo ko pa nakilala si Elias. Pakiramdam ko mas lalo ko pa siya naintindihan.At pakiramdam ko ay may alam din si Joel kung bakit nanghihingi ng oras si Elias sa akin. Ano ba kasi iyong dahilan na iyon? Nang tanungin ko naman siya kanina kung ano ba iyon, ngumiti lang siya sa akin at sinabing si Elias dapat magsabi noon sa akin.Gustong-gusto ko ng malaman iyon pero tulad ng sabi ni Elias... Bigyan ko siya ng oras at ang ibig sabihin lang din noon ay dapat akong maghintay, maghintay hanggang sa maging handa na siya."Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Marilyn sa akin habang nagpupunas ng lamesa, mabuti na lang at wala ng kumakain.Umilang. "Wala, ang hirap palang magmahal," pagda
Dasha's Point Of View.Nakita ko namang inilibot ni Jazz ang kaniyang mga mata, napangisi siya bago lumingon sa akin."Bianca iyong babae niya?" tanong niya.Tumango naman ako, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at mukhang napansin niya iyon kaya ngumiti siya."Huwag kang kabahan, kapag inaway ka, aawayin ko rin."Napailang na lamang ako. "Para kang baliw," giit ko ngunit ngumiti lang siya at umakbay sa akin."Tara na pumasok na tayo, ipakita mo kay Elias kung sino ang sinayang niya," natatawang wika niya habang papasok kami, napailang na lamang ako sa kaniyang kalokohan.Maingay na musika ang bumungad sa amin, ang daming taong lasing sa bawat lamesa. Marami ring sumasayaw sa dancefloor. Ramdam ko ang paghigpit ng pag-akbay sa akin ni Jazz nang mapadaan kami sa lamesa nila. Tuwid lang ang tingin ko at walang reaksyon, ngunit mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglingon sa amin ni Bianca at Elias.Umupo kami sa isang couch hindi kalayuan sa kanilang pwesto, dalawang c
Dasha's Point Of View."S-Sapat na siguro ang nakita natin para malamang hindi siya nagseselos dahil nagmamahalan silang dalawa," malumanay kong saad ngunit ramdam ko ang kung anong bumabara sa aking lalamunan. Mabilis kong kinuha ang baso na may lamang alak bago mabilis na inumin iyon, napapikit ako dahil sa init na naramdaman.Saka ko muling naalaa na siya naman pala ang dahilan kaya ako sumama ngayon kay Jazz. Bakit ba ang tindi ng tama ko sa kaniya? Hindi ko alam... Hindi ko na maalala, pero alam ko pa rin iyong pakiramdam noong unang beses ko siyang makita.Bumisita ako noon sa mansyon nila, dumiretso ako sa likod ng kusina tulad ng palagi kong ginagawa kapag pumupunta kasi doon ko makikita si Mama na naglalaba. Pero si Elias ang nakita ko, nakaupo lang siya noon sa maliit na bench at nasa malilim na puno. May libro siyang binabasa na tungkol sa law kaya alam kong nag-aaral siya. Sobrang amo ng kaniyang mukha, kahit mag-isa lang ay masungit pa rin ang tingin sa mga pahina ng libr
Dasha's Point Of View."A-Ah oo nga eh," sagot ko ng makabawi sa gulat, umupo siya sa tabi ni Jazz at tumingin sa akin."Sinong magdidrive sa inyo pauwi?" seryosong tanong niya at tinuro ko naman si Jazz na ngayon ay kinakausap na ang basong hawak niya."Siya. . . Hindi naman ako marunong magmaneho.""Delikado, he's drunk. Mukhang wala na nga sa katinuan," sagot niya at napalingon naman sa kaniya si Jazz."Elias? Anong ghinagawa mho sa couch nhamin?" lasing niyang tanong, nakakunot pa ang kaniyang noo, namumula na ang buong mukha at leeg niya dahil sa alak. "Theka... Pinag-uusapan niyo ba ako?""Mukhang kailangan niyo na talagang umuwi," giit ni Elias habang nakatingin sa akin, tumango lamang ako bago lumapit kay Jazz na lupaypay na sa couch at hindi na makaupo nang maayos."Jazz, uuwi na tayo," sabi ko sa kaniya."Uuwi? Hindi pa nga natin siya nahahanap," sagot niya habang nakayakap sa bote ng alak, kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.Malakas akong napabuntong hininga, m
Dasha's Point Of View."Sa susunod talaga, Jazz. Ilalayo na kita sa alak, kung anu-anong mga walang kwentang bagay ang lumalabas sa bibig mo," inis kong sambit sa kaniya at bahagyang natawa upang mabawasan ang bigat ng atmosphere dito sa loob ng sasakyan.Alam kong naasar din siya sa mga ginawa sa akin ni Elias noon, galit na galit. Kahit ako rin naman, nakakaramdam pa rin ako ng galit dahil wala naman akong narinig na explanation. Pero tinanggap ko naman, na siguro kaya ganoon ang pagtrato niya ay dahil ayaw niya sa akin. Ayaw niyang magpakasal sa akin—natural lang naman na ganoon ang magiging reaksyon niya, alangan namang gapangin niya ako at lambingin kahit na ako naman ang sumira sa relasyon nila.Muli akong lumingon kay Elias. "P-pasensya ka na talaga. . ."Sandali siyang lumingon sa akin bago muling ibalik ang tingin sa kalsada. "It's okay, I understand," saad niya. "I totally understand what you're trying to say, Jazz.""Ayaw mo bang maging masaya si Dasha?" ayaw niya pa ring m
Dasha's Point Of View.Nang makalabas kami mula sa kulay grey na pintuan ay bumungad sa akin ang tahimik at may kahabaang hallway. Walang mga gamit sa paligid at plain lamang ang kulay, ang sahig ay kakulay lang din ng pader. Nakita kong binitawan ako sandali ng lalaki at ni-lock ang pinaglabasan naming pintuan.Nanatili akong tahimik kahit na gustong-gusto kong sumigaw at tanungin sila ng maraming mga katanungan ngunit mas pinili kong kainin ang mga tanong na iyon. Ilang minuto rin ang aming naging paglalakas, pumasok kami sa isa pang pintuan at bumungad sa akin ang mga taong nakasuot ng lab gowns. Tatlo silang nasa loob, may mga hospital beds din ngunit bakante. Marami ring mga gamit na pang hospital na hindi ako pamilyar.Mga Doctor ba sila? At nasagot ang tanong ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila."How is she, Doc?" tanong ng isang babaeng blonde ang buhok at tumingin sa matandang kasama namin."She's normal," sagot naman noong matanda at naglakad na paalis. "I'm no lo
Dasha's Point Of View.Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Malabo ba ang buong paligid hanggang sa maging malinaw na, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang mapagtanto kung nasaan ako.Nasa isang kulungan ako, tanging kama lang ang nandito. Umupo ako mula sa pagkakahiga, pansin ko ang isang may kalakihang band aid sa aking braso. Tinanggal ko iyon at walang napansing kung ano kundi ang pamumula ng parte ng braso kong iyon.Pumikit ako at inalala kung paano ako napunta rito. Mall, Jazz, Van. Noong una ay hindi ko pa mapagtagpi-tagpi lahat ngunit ng ilang mga minuto ang lumipas ay napasinghap na lamang ako ng maalala kung paano ako napadpad rito.Tulad ng napag-usapan namin ni Jazz, hihintayin ko siya mall para bumili ng ingredients. Habang hinihintay siya ay isang van ang huminto sa harapan ko, ni-hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil mabilis nila akong hinala papasok sa loob ng sasakyan. May pinaamoy sila sa aking kung ano kaya
Dasha's Point Of View."Huh? Baka coincidence lang," sagot ko naman. "Baka nga... Nakasuot kasi siya ng face mask noong nakipagkita siya sa akin kaya hindi ko matandaan ang mukha niya."Sandali akong napaisip. "May alam si Tita Cyla tungkol sa kaso ko, nababasa niya raw sa social media. Pero malabo namang siya ang magbigay sa'yo ng mga footage na iyon diba?" giit ko. "Bakit pumayag ka sa ganoon?""What do you mean?" bakas ang pagtataka sa kaniyang boses."I mean, alam kong hands on ka sa trabaho mo. Maingat ka dahil alam mo ring delikado, kaya bakit pumayag kang makipagkita sa taong hindi mo naman kilala? Alam kong pumasok sa isip mong baka hindi totoo ang sinasabi noong Cyla na iyon. Kaya bakit? Bakit tumuloy ka pa rin?"Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa, muli na sana akong magsasalita dahil akala ko hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit narinig ko ang kaniyang boses."I was so desperate... I was so desperate to get you out of jail. To the point na wala na akon
Dasha's Point Of View."Oh, Dasha. Ikaw pala, mabuti naman at natandaan mo pa ako," wika niya bago maliit na ngumiti.Ngumiti naman ako pabalik. "Siyempre naman po, Ma'am Cyla," sagot ko at napansin ko naman ang pagngiwi niya."Anong Ma'am? Tita Cyla na lang, para naman akong donya kung Ma'am."Natawa naman ako bago tumango. "Sige po, Tita Cyla. Kamusta na po pala si Celaida? Matagal-tagal na rin po noong huli ko siyang nakamusta, ilang beses na rin po siyang bumili sa shop ko.""Nagdadala nga siya sa akin sa tuwing bumibili siya at tama nga ang sinasabi niyang masarap," giit niya na mas lalong nagpangiti sa akin. "Maayos naman siya, nakahanap na rin siya ng trabaho. Ikaw ba? Kamusta ka na?""Mabuti naman po kung ganoon, mabuti po at nagustuhan mo ang mga gawa namin," sagot ko. "Maayos naman po ako, ikaw po ba?""Ayos lang naman, salamat sa pagtatanong. Sino palang binibisita mo ngayon dito?"Tumikhim ako at hindi kaagad nakasagot. "Si Samuel po... yung—""Namatay mong asawa?""Paano
Dasha's Point Of View."Thanks for letting me know that," dagdag niya. "Ngayon, baka madagdag na sa imbestigasyon ko ang pamilya ng mga Valdez. Hindi naman si Selena Valdez magbibitaw ng ganoong pambabanta sa isang Prosecutor kung wala talaga siyang balak iyon gawin.""Hindi naman siya ganoon noon," halos pabulong kong sabi. Siguro, ganoon lang talaga kasakit ang pagkamatay ni Samuel kaya magagawa niyang manakit ng ibang tao. "Hindi ba't sinabi mo noon na tumatakbo bilang Mayor si Tito Simon? Ano na kayang balita tungkol doon? Hindi ko alam kung naapektuhan ba ang pangangampanya niya dahil sa nangyari pero alam kong possible, pero sana naman ay maayos lang siya."Alam kong galit din sa akin si Tito Simon, ayaw niya lang iparamdam sa akin. Minsan na rin niya nasigawan noong gabing pinanganak ko si Dawn dahil akala nila anak siya ni Samuel. Pero hindi siya katulad ni Tita Selena na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Ngayong nawalan na sila ng anak, kamusta na kaya sila ngayon?"W
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, pinoproseso ang kaniyang sinabi."B-Bakit mo naman kailangang mag-apologize?" tanong ko ng makabawi sa gulat. Hindi naman nawala ang seryosong mukha niya at malakas na bumuntong hininga."Noong una pa lang, alam kong hindi ka guilty sa pagkamatay ni Mr. Valdez," panimula niya at naramdaman ko ang kung anong mabigat na pakiramdam ang gumuhit sa aking lalamunin. "Ayokong ding tanggapin ang kaso niya...""Pero tinanggap mo pa rin.""It because I need to," seryosong sabi niya, nababasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Kung hindi ko iyon tinanggap, malamang ay wala na ang asawa at anak ko ngayon."Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang iyon. "A-Ano? Sinasabi mo bang. . .""Yes, Ms. Rivera. Selena Valdez forced me to accept his case, she said that if I did not accept it she would do something bad to my family..."Hindi kaagad ako nakapagreact ng marinig iyon, nang makabawi sa gulat ay hindi ko
Joel's Point Of View."You lied to me! Gusto mo ba talagang tapusin ko na ang pagkakaibigan natin?" malamig na tanong sa akin ni Elias, napasimangot naman ako sa narinig. "Malay ko bang mag-iinom ka at sasabihin mo kay Dasha ang totoo?" pagtatanggol ko sa sarili at mukhang mas lalo siyang na bad trip sa sinabi ko."Damn it! Pero hindi ka na lang sana nag-imbento ng kung anu-ano, hindi ka naman writer para gumawa ng kuwento," naiinis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga. "Alam mo namang sasabihin ko rin naman kay Dasha ang totoo, hindi nga lang ngayon. Pero dahil sa sinabi mo, natakot ako. Ayokong ibigay ulit siya sa ibang lalaki, hindi ko pa nga matanggap ang nangyari sa kaniya noong binalikan niya si Samuel.""Wala namang nagbago, napaaga nga lang ang pagsabi mo."Sinamaan niya ako ng tingin. "And that's your fucking fault.""Hindi ko naman inakalang iyon ang magiging dahilan mo para sabihin kay Dasha ang totoo... Pinagtritripan lang naman kita. Pero ang mahalaga nasabi mo, d
Dasha's Point Of View."Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko eh," bulaslas ni Angela pagkatapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ni Jazz ang nangyari kahapon. Nandito sila ngayon sa kuwarto ko, si Jamela muna ang pinagbukas ko ng shop ngayon dahil binigyan ko rin naman siya noon ng spare key. Nagsalubong ang kilay ko. "Hinala?"Pasampak siyang umuwi sa sofang nasa harapan ko bago sumagot. "Malamang, iyong hinala kong may nararamdaman siya sa'yo.""Huh?" nagtatakang tanong ko. "At bakit ka naman maghihinala nang ganyan?""Hindi halata sa'yo, diba?" singit ni Jazz na nasa kabilang sofa lang. "Diba noong unang beses ko siyang nakita, nagtataka pa ako dahil akala ko talaga nagseselos siya sa akin. . . Kung hindi mo pa sinabi sa aking may pamilya na siya, aakalain ko talagang may gusto siya sa'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi nila, hindi ko maiwasang matawa. "Paano niyo inakala 'yan? Palagi ngang nakakunot ang noo niya kapag kausap ako, halatang-ha
Dasha's Point Of View.Napahilamos na lamang ako ng mukha kasabay ng pagtulo ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa halo-halong nararamdaman."I understand your anger, hindi ko rin hinihiling na mapatawad mo ako sa mga nagawa ko—"Ngumiti ako at pinutol ang kaniyang sasabihin. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. . . Alam kong mas naging mahirap din sa'yo. Siguro sa ngayon gulat pa rin talaga ako kaya hindi ko maproseso ang mga nasabi mo pero gusto kong magpasalamat sa'yo, Elias. Noon pa man pala, palagi mo na akong tinutulungan. Hindi ko nga lang alam."Nakita ko ang maliit niyang ngiti pagkatapos kong magsalita. "Thank you, Dasha. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niyong dalawa ni Dawn. Hangga't maari ay ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko kaya ang gusto ko sana ay tapusin ko muna ang mga bagay na dapat kong tapusin," wika niya at sandaling napakamot sa ulo. "Wala rin talaga akong balak sabihin sa'yo ngayon ito, biglaan lang dahil tulad ng sabi ko kanina.