Dasha's Point Of View."Sa susunod talaga, Jazz. Ilalayo na kita sa alak, kung anu-anong mga walang kwentang bagay ang lumalabas sa bibig mo," inis kong sambit sa kaniya at bahagyang natawa upang mabawasan ang bigat ng atmosphere dito sa loob ng sasakyan.Alam kong naasar din siya sa mga ginawa sa akin ni Elias noon, galit na galit. Kahit ako rin naman, nakakaramdam pa rin ako ng galit dahil wala naman akong narinig na explanation. Pero tinanggap ko naman, na siguro kaya ganoon ang pagtrato niya ay dahil ayaw niya sa akin. Ayaw niyang magpakasal sa akin—natural lang naman na ganoon ang magiging reaksyon niya, alangan namang gapangin niya ako at lambingin kahit na ako naman ang sumira sa relasyon nila.Muli akong lumingon kay Elias. "P-pasensya ka na talaga. . ."Sandali siyang lumingon sa akin bago muling ibalik ang tingin sa kalsada. "It's okay, I understand," saad niya. "I totally understand what you're trying to say, Jazz.""Ayaw mo bang maging masaya si Dasha?" ayaw niya pa ring m
Joel's Point Of View.Ang hirap makita siyang ganito, palagi niya kasing tinatago ang mga nararamdaman niya. At tanging sa akin lang siya nagkukuwento, minsan nga ay hindi pa talaga siya nagsasabi dahil pakiramdam niya ay nakakaabala siya sa akin.Umilang ako sa kaniyang sinabi. "Wala ka namang mas pinili sa dalawa. . . Kahit naman pinili mong makipagbalikan kay Bianca para imbestigahan ang kaso ng Mom mo. Ginawa mo rin naman iyon para sa kaligtasan ni Dasha, diba?" malumanay kong paliwanag. "Kaya ka nakipagbalikan, para maghiwalay kayo ni Dasha at hindi na siya madamay pa sa mga gustong manakit sa'yo. Lahat ng ginagawa mo ay para lang din sa kaniyang ikakabuti. Kaya nga sinasabi ko sa'yong ipaliwanah mo na sa kaniya."Masyado pang maaga... At uuwi ang Dad ni Bianca," wika niya, kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata nang lingunin ko siya. "Hindi pa rin ako makahanap ng impormasyon tungkol sa kaniya... Bihira lang kasi siya umuwi ng Pilipinas. Pero ngayong bibisita siya, kailan
Dasha's Point Of View.Napaawang ang aking labi habang nakatingin sa kaniya, hindi ko rin magawang magsalita o gumalaw. Totoo ba ang sinasabi niya?"Nahanap ko na siya... Nahanap ko na siya," paulit-ulit niyang sabi, tuloy-tuloy din ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. "T-Totoo ba? Totoo ba, Jazz?" tanong ko at ginalaw ang kaniyang balikat, tumingin naman siya sa akin at pinunasan ang kaniyang mga luha.Ngumiti siya sa akin. "Oo, Dasha. Siya iyon, hindi ako pwedeng magkamali."Pinagbantay ko muna si Jamela sa counter at kinausap ko si Jazz sa loob ng kaniyang sasakyan na nakapark lang sa labas ng shop. Namumula pa rin ang kaniyang mga mata noong makaupo siya sa driver seat habang ako naman ay sa passenger seat naupo."Hindi ako makapaniwalang nakita ko na siya," narinig kong giit niya."Pero bakit hindi ka niya kilala?" natatakang tanong ko."Nakasuot ako ng maskara noong gabing iyon, kaya hindi niya ako kilala... Nakasuot ako dahil ayokong makilala ako, malalagot lang ako kay M
Dasha's Point Of View.Ang pag riring ng aking cellphone ang nagpagising sa akin ngayong umaga, malakas akong napabuntong hininga bago kuhain ang aking cellphone at sagutin ang tawag."Hello?" inaantok kong tanong."Ay sorry, Dasha. Mukhang naistorbo ko ang tulog mo," saad ng kung sino sa kabilang linya."Joel?" "Ako nga, Dasha. . .""Ba't ka napatawag?""Nakalimutan mo na ba? Iyong tungkol sa pag... pag-amin kay Angela."Mabilis akong napasinghap kasabay ng pagbangon ko sa higaan. "Aamin ka na?!" malakas kong tanong, pakiramdam ko ay nagising ang diwa ko sa kaniyang sinabi. "Akala ko naman nakalimutan mo na ang tungkol diyan.""Hindi naman... Inaantok lang ako pero nawala na noong sinabi mong aamin ka na," giit ko. "Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng maraming taon, sasabihin mo na sa kaniya ang nararamdaman mo."Narinig ko ang kaniyang malakas na pagbuntong hininga na para bang kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa kaniyang gagawin. "P-Pero ayaw talaga mawala ng kaba ko kahi
Elias's Point Of View."Sa California niya ako nakatira. . . Sa New York lang ako nanganak dahil doon kami nagpasko ni Dad," paliwanag niya at tumango na lamang ako bago ibigay sa kaniya ang papel, papalabas na sana ako ng kwarto ng magsalita siya."Hindi ka ba rito matutulog?"Umilang ako, hindi na lumingon pa. "May asikasuhin pa ako sa opisina ko, matulog ka na. Goodnight," saad ko pagkatapos ay dumiretso na sa aking opisina.EndOfFlashback Madalas talaga ay iniiwasan ko siyang makasama katabi matulog, dinadahilan ko na lamang na may ginagawa ako sa opisina at doon ako makakatulog. Nagagamit ko pa rin naman iyong kuwarto ko noon, noong nandito pa si Dasha dahil kahit kami ay hindi rin naman magkatabing matulog. Si Bianca naman ay iisa ang opisina at ang kwarto na kung saan ay kapag hindi ako nakapagdahilan ay tinatabihan ko siyang matulog.Pansin ko ang daming nagbago sa kaniya noong bumalik siya rito, parang hindi na siya iyong babaeng minahal ko noon. Hindi ko alam kung dahil ba
Dasha's Point Of View.Ngumiti ako. . . Nandito sila bilang customer, Dasha."B-Bianca, Ethan. Welcome to my shop," saad ko nang tuluyan na silang makapasok, tumango naman sa akin si Bianca at ngumiti pabalik ngunit alam kong hindi naman iyon totoo. Nakasuot siya ng isang simpleng red dresss, may heels at may bag pa siyang dala."The rumor that your shop is good looking is so true," sagot niya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Pero hindi ako sure kung ang bali-balitang masarap ang mga binibenta mo rito ay totoo.""Iba-iba naman ang taste buds ng mga tao, normal lang na may mga taong hindi magustuhan ang mga gawa ni Dasha," hirit ni Jazz, napalingon naman ako sa kaniya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa babae.Narinig ko naman ang pagtawa ni Bianca. "You're Jazz Morales, right?""Ako nga.""Well, Morales. You're right. . . Yeah, kaya nga ako nandito para malaman kung totoo ba," wika niya. "Dasha, I want to order 20 boxes of your cupcakes.""10 boxes?" hindi makapaniwalang
Dasha's Point Of View.Naramdaman ko ang paglapit ni Jazz, nag squat siya sa aking harapan at ngumiti. "Huwag ka nang umiyak, kainin na lang natin iyong mga natirang cupcakes na malinis pa at nasa lalagyan."Tumango ako at pinunasan ang sariling luha."Ayan ang sinasabi ko, Teresa. Lahat ng tao ay may baho, tignan mo iyong iniidolo mong si Bianca. Mala anghel, diba? Pero anong nangyari? Demonyo," narinig kong asar na wika ni Marilyn. "Sayang, hindi natin na videohan ang nangyari kanina. Talagang ipopost ko ang babaeng iyon.""Mas lalo lang lalala ang mangyayari kapag ginawa mo 'yan," sambit ko at tumayo na, pinagpag ko ang ibabang suot bago malakas na bumuntong hininga. "Ang importante naman talaga ay nagbayad siya, pero siyempre... Buong umaga nating pinaghirapan ang cupcakes na 'to kaya nakakapanghinayang pa rin."Kinuwento ko kay Angela ang nangyari habang nasa loob ng sasakyan, nalinis na namin ang mga nagkalat na cupcakes at kinakain naman noong iba sa loob ang mga malinis na cu
Jazz's Point Of View."W-Wala na siya?" Naramdaman ko ang pananakit ng aking dibdib ng marinig ang puno ng lungkot niyang boses. Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata.Habang nasa laba si Dasha ay nakita kong muli siyang bumili sa shop, doon na ako kumuha ng lakas ng loob na yayain siyang makipag-usap. Nagtataka pa nga siya noong una, ngunit noong binulong ko na ako ang naka one night stand niya noon ay mabilis na nanlaki ang mga mata niya sa gulat."W-Wala na siya? Wala na... ang anak ko.."Umiwas ako tingin, nandito lang kami sa loob ng aking sasakyan ngunit lumayo kami sa may shop ni Dasha. Gusto ko sana siyang makausap sa labas ngunit hindi pwede, kapag may nakakitang magkausap kami ay baka umabot na naman iyon sa social media."I'm sorry, h-hindi ako naging mabuti ama," tugon ko at hindi na mapigilang mapaluha, ito ang matagal ko ng pinakahihintay, ang makilala sita at ang masabi ang totoo sa kaniya, pero hindi pa rin talaga mawala iyong sakit. "Sorry... Celaida. Sana ma
Elias's Point Of View."Umalis ka rito! Ayokong makita ang mukha mo! Naiinis ako sa'yo!" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dasha, damn it. Ganito ba talaga kapag buntis? Palagi na lang siyang irita sa akin! At ayoko noon! Due date niya na next month. Malaki na ang kaniyang tiyan at sobrang excited na akong makita ang aming second baby girl. Simula noong nalaman kong buntis siya, nagbawas-bawas na ako ng mga gawain sa trabaho... Work from home lang din ako dahil gusto ko talagang nandito lang ako sa bahay at nababantayan siya. Wala ako noong unang beses siyang nagbubuntis kaya naman ayoko talagang mawala'y sa tabi niya."D-Dasha... Baby, please. Wala naman akong ginawa, diba? Huwag ka ng magalit sa akin," pagpapakalma niya sa akin ngunit inirapan niya lang ako at pumasok sa aming kwarto. Kaagad akong sumunod."Bakit nandito ka pa?! Hindi ba't pinaalis na kita?!" sigaw niya ulit ng makita akong sumunod, umupo siya sa kama at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.Alam ko na
Dasha's Point Of View.Kung sino man ang lintik na tumatawag sa akin ng ganitong kaaga, sisiguraduhin kong malilintikan talaga.Nakapikit pa ang aking mga mata ngunit kinuha ko na ang aking cellphone na nasa gilid lang naman, nang makuha ko iyon ay kaagad kong sinagot ang tawag."Please... Ang aga-aga naman bakit kailangang tumawag ng ganitong oras?" naiinis kong sabi.Kaagad kong narinig ang malakas na pagtawa ni Jazz sa kabilang linya. "Anong maaga sa 7AM? Napaka-OA, Dasha ha? Ba't ba laging mainitin ang ulo mo? Huwag mo sabihing buntis ka na?"Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumiretso sa balcony, wala naman si Elias ngayon dahil maaga siyang umalis, may emergency daw kasi sa law firm niya."Oo, buntis nga ako," inis ko pa ring sagot at narinig ko naman ang malakas niyang pagsigaw."Totoo ba?!" gulat na gulat siya. "Magkakaroon na ako ng panibagong pamangkin?!""Oo nga, ang kulit? Paulit-ulit?" sabi ko at malakas na bumuntong. "Pero huwag ka munang maingay, ikaw pa lang ang
R18+Dasha's Point Of View."T-Teka lang naman, Elias," nanghihina wika ko habang nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Parang siyang tigreng gutom na gutom na gusto ng kumain. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya, tumayo siya ngunit nanatili siya sa aking ibabaw."What?" tanong niya, ang mga mata ay nakatingin sa akin.Napalunok ako. "E-Eh ano eh..."Shit naman, Dasha! Honeymoon niyo 'to oh?!Narinig ko naman ang panlalaki niyang pagtawa. "Why? Are you shy?" tanong niya na mas lalong nagpamula sa aking mga pisngi. Ni-hindi ko siya magawang sagutin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Narinig ko muli ang pagtawa niya. "We already make love once... Nakita mo na ang lahat sa akin, bakit nahihiya ka pa?"Doon ako nagkaroon ng boses para magsalita. "Iba naman 'yon, lasing ako noon," sabi ko. "Wala ako sa katinuan noon dahil sa alak, ni-hindi ko na nga maalala kung gaano kalaki 'yang sa'yo."Nakita ko ang pagseryoso niya bigla. "Sino ba ang mas malaki sa amin?"Nanlaki ang mga
Dasha's Point Of View.Sa dalawang buwan na lumipas, naging busy kami ni Elias dahil sa papalapit na kasal namin. At ngayon nakatayo na ako sa labas ng simbahan, suot ang off shoulder wedding gown, handa ng pakasalan si Elias. Masasabi kong worth it lahat ng pagod na pinagdaanan namin dalawa, mula sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-aayos ng mga kailangan para sa kasal namin. Masasabi kong worth it ang lahat.Nakita ko ang dahan-dahan pagbukas ng malaking pintuan sa aking harapan, sunod kong narinig ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika, ang Valentine by Jim Brickman at Martina McBride. Kasabay ng bawat indayog ng kanta ay ang dahan-dahan kong paglalakad papasok sa panibagong pahina ng aking buhay.Tatlong beses na akong kinasal sa buong buhay ko, at ito na ang pang-apat. Totoo nga ang sinasabi nilang iba talaga ang pakiramdam kapag parehas niyong mahal ang isa't isa.Nakangiti akong tumingin sa mga bisita ng aming kasal, ang mga taong mahal ko. Sa kaliwang banda ng mga upuan, n
Dasha's Point Of View."Why are you still awake?"Napalingon ako kay Elias ng marinig ko ang sinabi niya, nandito na ako sa balcony ng aming kwarto, mahimbing na ang tulog ng anak namin pag-akyat namin rito. Malalim na rin ang gabi at alam ko namang pagod ako dahil galing ako sa byahe noong pauwi ako galing Bacolod... Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako dinadalaw ng antok."Hindi ako makatulog eh," ani ko. "Ewan ko, masyado siguro akong masaya."Hindi naman marami ang ininom namin kaya naman nasa katinuan pa rin naman ako. Ayokong mag-inom ng marami dahil babalik na rin kami sa Maynila kinabukasan.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin, kakatapos niya lang maligo at amoy na amoy ko ang natural niyang panlalaking amoy."Masaya rin ako," narinig kong sagot niya habang pinagmamasdan namin ang kalangitan."Coincidence lang bang maraming bitwin ngayong gabing nagpropose ka o talagang planado 'to?" curious kong tanong habang pinagmamasdan ang napakagandang langit.Narinig ko ang p
Dasha's Point Of View.Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay dumiretso na sa kanilang mga kwarto sina Mama, Papa, Lola, Tita Cyla, at Tita Elysa. Kasama rin nila sina Dawn at Ethan na pinatulog na namin, habang kami ay naiwan sa sala at nagkwekwentuhan pa rin habang umiinom ng alak.Magkatabi kaming dalawa ni Elias sa couch, sa gilid namin ay nandoon sina Angela at Joel. Sa harapang couch naman ay nandoon si Jazz mag-isa, pagod daw kasi sa byahe si Celaida kaya naman hindi na ito makakasama sa amin, nakapagpalit na ako ng pantulog na damit para komportable akong kumilos."Huwag niyong painumin ng marami 'yan si Jazz," wika ko. "Baka kapag narinig ni Celaida ang mga corny jokes niya ay biglang maturn off bigla."Nagtawanan sila habang si Jazz naman ay inirapan ako. "Baka i-kwento ko kung paano ka umiyak noong nag-inuman tayo noon."Tinawanan ko na lamang siya."Nga pala, Dasha. Kamusta ang Bacolod?" tanong sa akin ni Angela.Sumandal ako sa couch at sumagot. "Maayos naman ang naging
Dasha's Point Of View.Totoo nga ang hinala ko, na ang gabing muli akong alukin ng kasal ni Elias ang gabing hinding-hindi ko kakalimutan. Inaasahan ko naman na mangyayari 'to, pero ngayon, na yakap namin ang isa't isa habang nanonood ng fireworks at napakaraming bitwin sa kalangitan, masasabi kong para itong isang panaginip na impossibleng mangyari.Pero possible pala... At masaya ako. Na pagkatapos ng lahat ng naranasan ko, pagkatapos ng mga maling akala ko, pagkatapos ng mga pananakit sa akin ng mga taong minsan ko ring minahal... Masaya akong uuwi pabalik sa taong alam kong ako lang ang mahal. Masaya akong bumalik sa buhay ni Elias."Thank you, Dasha," narinig kong wika niya, napalingon ako sa kaniya ngunit nanonood lamang siya sa fireworks ngunit bakas na bakas sa mukha niya ang labis na saya, bahagya pang may luhang tumutulo sa mata niya.Yumapos ako sa kaniyang bewang at nagsalita. "Bakit ka naman nag tha-thank you riyan?""Because you bring back the colors in my life..."Nanat
Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa
Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal