"THIS PAST few days parang napapansin kong mas napapalapit ka kay, Naomi. You did all the effort to take care of her simula nang maaksidente siya. Is it still part of your plan or are you enjoying being her husband?" usisa ni Vincent kay Grayson habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Patungo sila sa isang business meeting.Kumunot ang noo niya. "It's because she's my responsibility, Vincent. I hired her to be my wife kaya responsibilidad ko sila ni Nonoy hanggat hindi natatapos ang trabaho nila sa akin," depensa niya."Aren't you afraid?""Afraid? For what?""Na baka ang responsibilidad na sinasabi mo mauwi sa mas malalim na dahilan. Hindi malabong mahulog ka kay Naomi lalo't you are always there for her."Napangiti siya. "No, I don't think so, Vincent dahil alam mong isang babae lang ang mahal ko hanggang ngayon. I'm still waiting for her." Kapagkuwa'y lumungkot ang mukha nito.Saglit na tumingin si Vincent sa kaniya. "Sa tingin mo babalik pa siya? It's been a long time, Grayson at kung
HINDI mapakali si Naomi habang nakatayo siya sa bintana at hinihintay ang kotse ni Grayson na dumating. Anong oras na kasi at hindi pa rin ito nauwi. Sinubukan niya itong tawagan at i-text pero wala siyang na-receive na reply mula rito. Nag-aalala siya para kay Grayson. Kanina pa niya itong hinihintay dahil may gusto siyang itanong dito."Hay! Nasaan ka na ba, Grayson?" mahinang bulong niya at niyakap ang sarili.Mayamaya nakita niyang may kotseng dumating at dumeretso sa garage ng mansyon. Sa hindi niya malamang dahilan napangiti siya at mabilis na naglakad palabas ng silid para salubungin na ang asawa.Nang makababa siya sa sala, bumukas ang main door at nagtaka siya nang makita si Vincent na nakaalalay kay Grayson. Nilapitan niya ang dalawa."A-anong nangyari kay Grayson?" nag-aalalang tanong niya."Hindi ko rin alam, Naomi. Tumawag lang sa akin ang bar at nadatnan ko siyang halos hindi na makalakad dahil sa labis na kalasingan. Mukhang napaaway din siya sa bar dahil sa pasa at sug
NAPALUNOK si Naomi. Nararamdaman niya ang panghihina ng mga tuhod niya dahil sa nararamdaman niyang init ng yakap ni Owen. Ipokrita siya kung itatanggi niyang hindi niya pinanabikan ang mga yakap at halik nito. Sa halos apat na taong relasyon nila, hindi niya agad makakalimutan ang pagmamahal na binigay niya kay Owen dahil inubos niya lahat dito. Pinatay niya ang water dispenser. Kinuha ni Owen ang palanggana sa kaniya at pinatong sa counter, saka hinarap siya. Ang mga mata nito na nangungusap, na pinaka-nagustuhan niya rito ay tila ba hinahalina siyang titigan lang ito. Sa pagkakataon iyon bigla siyang nawalan ng lakas para tumutol. Naamoy agad niya ang natural nitong amoy na gusto niyang inaamoy noon. Bagong ligo kasi si Owen at basa pa ang buhok nito. Nakasando at pajama lang ito. Gustong-gusto niya noon si Owen kapag bagong ligo ito at naka-topless dahil napakagwapo nitong tingnan at napakalinis sa ganoong itsura. Ngunit pagdako ng mga mata niya sa labi nito, nagtaka siya ng ma
"WHY you're smiling, ate Naomi?"Napakurap siya at agad sumeryoso nang marinig niya ang sinabi ni Champagne habang nasa garden sila at binabantayan si Nonoy na masayang naglalaro roon."Huh? A-ako nakangiti?" Umiwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya'y napahiya siya at namumula na ang pisngi. Sa hindi niya malamang dahilan napapangiti siya kapag naalala niya ang ginawa ni Grayson sa kaniya kaninang umaga. Nararamdaman pa rin niya ang malambot nitong labi.Kumunot ang noo ni Champagne na tila namamangha sa kaniya. "Hmm! What kuya Grayson do to you? Your smile looks so happy and inspired," sabi nito."Huh? W-wala, ma...may naisip lang ako kaya siguro ako napangiti," alibi niya at tiningnan si Nonoy."Eh! Ayieh! Sa totoo lang hanggang ngayon I'm wondering how you and kuya Grayson met at kung paano nagsimula ang kwento ninyo. Gusto kong malaman, ate Naomi. Totoo ba na it just started in one night stand? Iyon kasi ang narinig ko, eh na pinakasalan ka lang daw ni kuya because you're pregn
"NAKITA mo ba si Nonoy, Merry?" tanong ni Naomi sa katulong nang hindi niya madatnan sa silid nito ang kapatid.Kumunot ang noo ni Merry at umiling. "Hindi ko po napansin. Baka po nasa garden kasama ni Moning," sagot nito na naglilinis pa sa sala.Ngumiti siya. "Sige, salamat Merry." Tumango lang ang katulong at naglakad na siya patungo sa garden. Bahagyang mataas na ang sikat ng araw kaya napakunot noo siya nang tumama iyon sa kaniyang mukha.Nang makalabas siya, napahinto siya nang makitang may kalaro si Nonoy. Tiningnan niya si Moning na nakamasid lang sa dalawa. Alam niyang hindi si Grayson iyon dahil kanina pa itong nasa trabaho kaya sino ang lalaking iyon? Hindi rin naman si Owen iyon dahil hindi makikipaglaro si Nonoy kay Owen.Napakunot noo siya at humakbang palapit sa dalawa. Kita niya kung gaano kasaya si Nonoy na may kalaro ito."Ma'm, Naomi," sabi ni Moning nang makita siyang palapit.Dahan-dahang humarap ang lalaki ng marinig ang pangalan niya at mas lalo siyang nagtaka n
"ARE YOU excited, Nonoy?" tanong ni Champagne habang lulan sila ng sasakyan ni Grayson at nagmamaneho ito. Hindi nga alam ni Naomi kung bakit mayaman naman sila Grayson pero wala itong personal driver dahil palaging ito ang nagmamaneho ng sasakyan nito."O-opo, ate Champagne," masayang sabi nito bitbit ang isang laruan na robot na binili pa ni Grayson para rito. Kanina pa ngang excited si Nonoy dahil pupunta sila ngayon sa paraalan kung saan nag-aaral si Champagne para i-enroll si Nonoy sa isang special class for people with special needs."Salamat talaga, Grayson at Champagne huh, sa lahat ng ginagawa ninyo para kay Nonoy," masayang sabi niya.Simula kasi nang tumira sila sa mansyon ng mga Alcantara, ang dami na nilang nagawa para kay Nonoy at utay-utay nagbabago ang pananaw ng kapatid niya pagdating sa pagmumuhay sa labas kasama ang ibang tao. Masasabi niyang natutunan na ni Nonoy na masanay sa labas at masaya siya dahil hindi na lang ang silid at bahay ang magiging lugar para rito.
HINDI ALAM ni Naomi ang iisipin niya gayong alam na rin ni Christopher ang tungkol sa nakaraan nila ni Owen. Walang ibang pwedeng magsabi niyon sa ama ni Grayson kung 'di si Levie. Pero bakit? Akala niya'y ayaw din nitong malaman ni Christopher ang tungkol sa kanila ng kapatid nito? Dapat na rin ba niyang sabihin kay Grayson ang tungkol doon kahit alam niyang may nalalaman na ito sa nakaraan niya."I bought your favorite food, Naomi."Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Owen na may bitbit na box. Naamoy agad niya ang paborito niyang Hawaiian pizza na palaging binibili nito noon sa kaniya.Napakunot ang noo niya. Simula nang gabing iyon, ngayon lang ulit niya nakita si Owen. Magaling na rin ang sugat sa labi nito.Masyado siyang maramimg iniisip kaya hindi na lang siya umimik. Ayaw niyang magsimula ng conversation kay Owen. Nasa garden siya at padilim na rin. Umiwas siya rito ng tingin pero mayamaya'y naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya."Bakit nandito ka pa sa labas? P
KATAHIMIKAN ang namayani sa kanila ni Grayson habang nasa silid silang dalawa. Hindi magawa ni Naomi na tumingin dito at maging si Grayson.Napalunok siya ng ilang beses habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. Kinakabahan siya sa pagiging tahimik ni Grayson sa kabila ng sinabi ni Levie. Wala man lang ba itong sasabihin o tatanungin sa kaniya?"G-Grayson, I-I'm sorry," basag niya sa katahimikan. Hindi niya alam kung paano sisimulan.Tiningnan siya nito na seryoso lang ang mukha habang nakapamulsa at nakatayo sa may bintana. Nakaupo naman siya sa may sofa. Hindi pa rin ito umimik.Humugot siya ng lakas ng loob. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Owen." Bahagya siyang yumuko. "H-hindi ko gustong itago iyon sa iyo pero alam kong magiging komplikado kapag nalaman ng lahat ang nakaraan namin," dahilan niya."Why are you explaining it to me now, Naomi?" kalmadong sabi nito."I-I lied.""No, you never lied, you just didn't tell us about your past with Owen and now everyone kno
ISANG GABI, nagising na lang si Naomi na patuloy sa pagluha ang mga mata niya dahil sa isang panaginip na pakiramdam niya'y dumudurog sa puso niya.Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang matinding sakit at pangungulila mula roon. Wala siyang maalala pero ang panaginip niya, tila ba dinadala siya sa madilim na bahagi ng buhay niya. Rinig na rinig niya ang pag-iyak ng isang bata habang nakahandusay siya sa kalsada at duguan. Kita niya ang kawawang bata na umiiyak."A-anak ko!" Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol sa labis na sakit at pangungulila niya. Nilalamon siya ng mapait na bangungot ng buhay niya. Naririnig pa rin niya ang pag-iyak ng isang sanggol na tila ba humihingi ng saklolo at dumudurog iyon sa nangungulila niyang pagkatao.Wala ba siyang nagawa para protektahan ang sarili niyang anak? Anong ginawa niya para iligtas ito? Wala siyang maalala at pakiramdam niya wala siyang nagawa para iligtas ito. "A-anak ko! I'm sorry!" patuloy niya sa paghagulh
PABABA si Naomi nang hagdan nang makita niya si Levie na palabas ng bahay. Nagtaka siya dahil sa kakaibang kilos nito na tila ba hindi ito pwedeng makita ng iba. Palinga-linga pa ito sa paligid bago tuluyang lumabas ng main door. Sa hindi niya malamang dahilan, sinundan niya ito. Lumabas siya ng main door at nakita niya si Levie na pumasok sa isang itim na kotse. Nagtaka siya. Sino ang driver ng kotse gayong alam niyang kanina pang umalis si Christopher ng mansyon? May sarili rin namang sasakyan si Levie.Kumibit-balikat na lang siya dahil marahil baka isa sa mga kakilala nito ang driver niyon at mayroon lang itong pupuntahan. Pumasok na ulit siya sa mansyon.Dumeretso muna siya sa kusina para uminom ng tubig bago dumeretso sa sala. Napahinto siya nang makita niya sa wall ang mga litrato ng pamilya Alcantara pero wala siyang makitang kahit anong larawan nila ni Grayson o kahit ng kasal nilang dalawa. Ano nga bang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya kay Grayson? Gusto niyang mal
"BITAWAN mo ako, Grayson," ani Naomi at pilit binawi ang kamay mula rito pero hindi siya nito binitawan hanggang makarating sila sa silid nito. Ni-lock ni Grayson ang silid, saka siya binitawan. Napahawak ito sa baywang at kita niya ang inis at galit nito dahil sa nakitang eksena nila ni Owen sa kusina."Damn, Naomi!" Naisuklay nito ang mga daliri sa sariling buhok. "Naiinis ako, nagagalit ako dahil hinahayaan mong yakapin ka ng lalaking iyon," galit nitong sabi na hindi mapakali. "Ako ang asawa mo! Ako lang dapat ang may karapatang yumayakap sa iyo." Natigilan siya dahil sa naging reaction nito. Kita niya kung paano ito naiinis na tila ba nagseselos ito ng husto kay Owen. Well, naiintindihan naman niya dahil asawa siya nito at hindi nga naman tama na makita siya nitong may kayakap na ibang lalaki. Kahit sa mata ng kahit kanino, hindi iyon dapat.Umiwas siya ng tingin. Hindi dapat siyang makonsensiya dahil una pa lang alam niyang mali ang pagpapakasal niya rito. Galit dapat siya rit
NAPALINGON si Naomi sa pinto ng silid ni Nonoy nang bumukas iyon. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa maaliwalas na paligid. Bumungad sa kaniya si lola Marina na nakangiti pero may bahid iyon ng lungkot. Hindi pa niya ulit nakakausap si Grayson pero nagpasiya na siyang lumipat ng silid dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Mas makakabuti iyon para sa kaniya."Lola Marina," sabi niya at ngumiti. Lumapit ito sa kaniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" malumanay nitong tanong na dama ang pag-aalala sa kaniya."H-hindi ko na po alam, lola Marina kung anong nararamdaman ko," pagtatapat niya. Nang makilala niya nito, magaan na ang loob niya rito kahit wala siyang maalalang kahit ano tungkol dito. Nararamdaman niyang mabuti ito sa kaniya at pwede siyang magkwento ng kahit ano rito.Hinawakan nito ang palad niya at bahagya iyong pinisil. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kung nagagalit ka, kung nasasaktan ka dahil karapatan mo iyon. Alam ko ring sa mga or
"TITA LEVIE!" Nagulat si Levie at Christopher nang bigla na lang pumasok si Grayson sa silid ng mag-asawa na bakas ang labis na galit sa mukha nito. "Grayson, bakit?" inosente at tila mabait na sabi ni Levie. Tumayo ito at tiningnan ang asawa. "Grayson, what's with that look? Anong kailangan mo?" seryosong tanong naman ni Christopher. Hindi niya pinansin ang ama at nilapitan si Levie na nanlilisik ang mga mata. "Are you happy now? Masaya ka na ba sa naging resulta ng mga maling kwento mo?" "G-Grayson, hindi ko alam ang sinasabi mo," kinakabahang sabi nito dahil sa matatalim niyang tingin. Magaling itong umarte at iyon ang forte nito. "Damn! Stop acting like you're innocent, tita Levie dahil alam nating pareho kung anong sinasabi ko. Hindi ba't ikaw ang nagsabi kay Naomi ng mga maling kwentong nalaman niya? Sinamantala mo ang pagkawala ng alaala niya para sirain ako sa kaniya at maging mabuti kayo sa harap niya." Ngumisi siya. "Pilit mong isiniksik sa isip ni Naomi na ako ang ma
"NAOMI!"Nagtatakang napalingon siya nang makita niya ang hindi pamilyar na mukha. Kasalukuyan siyang nasa garden. Lumapit ito sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit at kapagkuwa'y narinig na lang niyang umiiyak na ito."W-wait, kilala ba kita? Bakit ka umiiyak?" nagtataka niyang tanong. Hindi naman niya magawang yakapin ito pabalik dahil hindi niya matandaan kung sino ito."Hindi mo ba ako na-miss?" parang batang sabi nito nang bumitaw sa kaniya. Ngumuso pa ito. "I'm sorry, h-hindi ko agad nalaman ang nangyari sa iyo. I'm sorry!" muli na naman siya nitong niyakap habang umiiyak ito. "Alam kong mahirap para sa iyo ang nangyari, Naomi at kahit ako ay nahihirapang tanggapin ang lahat." Dama niya ang labis nitong pag-aalala sa kaniya."Teka nga, s-sino ka ba? Hindi kita kilala," sabi niya at tinaasan ito ng kilay.Natampal siya nito sa noo at napangiwi siya, saka nasapo iyon. "Gaga! Ako ito si Luna, ang best friend mo. Talaga bang sa dami ng makakalimutan mo, ako pa talaga? Nakakap
"NASAAN ho ang anak ko?"Gulat na nagkatinginan si lola Marina, Christopher at Champagne sa naging tanong ni Naomi habang tahimik lang si Levie na nasa tabi ng asawa nito. Kasalukuyan silang nasa sala."A-anong ibig mo—" si Christopher."Alam ko na po ang totoo tungkol sa aksidente at sa batang dinadala ko noong araw na iyon," mapait niyang pag-amin. Bahagya siyang kumiling."Hija, hindi makakabuti sa iyo kung—""G-gusto kong malaman kung nasaan ang anak ko. Kung anong nangyari sa kaniya," putol niya sa sasabihin ni lola Marina. "Please, sabihin ninyo sa akin kung nasaan siya," pagmamakaawa niya.Kahit wala siyang maaala at tanging alam lang niya na buntis siya nang maaksidente siya, ramdam niya ang kirot sa puso niya at pangungulila. Hindi buo ang emosyon pero dama niya ang pighati.Lumapit si lola Marina sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Dama niya at kita sa mukha nito ang sakit at pagluluksa. Tila ba anumang sandali ay babagsak na ang luha sa mga mata nito."I-I'm sorry, hija
"TELL ME! Ikaw ba ang dahilan kaya ako naaksidente? Kung bakit nawala ang anak ko?"Natulala si Grayson sa narinig mula kay Naomi. Kita ang pagkadismaya at galit sa mga mata niya sa nalaman niya. Gusto niyang marinig mula rito ang totoo."H-hindi ko maintindihan, Naomi. Paano mo nalaman ang tungkol sa bata?" nagtataka nitong sabi na tila pinuproseso ang narinig mula sa kaniya.Ngumisi siya habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa labis na sakit dahil sa nalaman niya tungkol sa nangyari sa kaniya pero tila ba ang sakit na iyon ay may mas malalim pang dahilan. Ang hirap isipin at tanggapin na si Grayson ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Namumuo ang matinding galit sa puso niya."S-so, totoo nga? T-totoo ang tungkol sa bata at buntis ako nang maaksidente at ikaw....i-ikaw ang dahilan kaya nawala ang bata, ang anak ko." Nanginginig ang mga labi niya at nangangatal siya sa labis na galit habang hawak niya si Nonoy."Hindi
"HANGGANG kailan mo itatago kay Naomi ang totoong nangyari sa kaniya at sa kaniyang anak?" tanong ni Vincent habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Papunta silang police station para makita ang nakuhang cctv ng mga police sa mga gusaling malapit sa lugar kung saan naaksidente si Naomi. Malakas ang kutob niyang may mali sa aksidente at may tao sa likod niyon at iyon ang kailangan niyang malaman. "Hindi ko alam, Vincent. Masyado pang sariwa para kay Naomi ang nangyaring aksidente at ayaw kong dagdagan pa ang dapat niyang isipin. Mahihirapan siyang tanggapin iyon." "Hindi ka ba nanghihinayang sa bata? I mean, alam nating hindi mo anak ang bata pero naging malapit na rin sa iyo ang anak ni Naomi dahil ikaw ang naging kasama nito habang pinagbubuntis niya ito." Tiningnan niya si Vincent at muling bumaling sa kalsada. "Wala akong magagawa, Vincent dahil kailangan kong pumili at mas kailangan ni Nonoy si Naomi. Hindi dahil hindi ko anak ang bata kaya mas pinili kong iligtas si Naomi p