DINI-DISTRACT si Naomi ng mga taong mula sa nakaraan niya na pilit niyang kinalilimutan."Hindi si Owen ang ama ng dinadala ko, Ivy at ako ang nakakaalam niyon. Kung dahil lang sinabi kong buntis ako noon kay Owen kaya inisip mong siya ang ama, nagkakamali ka. I'm trying to get him back dahil akala ko'y hindi ako pananagutan ni Grayson."Bumuntong-hininga si Naomi nang maalala iyon. Umaasa siyang maniniwala rin si Ivy sa kasinungalin niya."Kanina ka pang tahimik? What's bothering you?" Bahagya siyang napapitlag nang marinig niya ang boses ni Grayson habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Tumabi ito sa kaniya.Binalingan niya ito at ngumiti kahit hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Nagi-guilty lang ako, Grayson sa ginagawa natin. Pinaniniwala natin sila sa isang kasinungalingan. Paano kapag nalaman nila ang totoo? Paano si lola Marina? Masasaktan siya dahil alam nating matagal na niyang pangarap ang magka-apo sa tuhod," sabi niya."Gusto mo na bang itigil ang pagpapanggap mo? I told y
NANG MAKITA ni Naomi na walang tao sa paligid, mabilis siyang pumasok sa silid ni Owen. Mabuti na lang at hindi iyon naka-lock."What the—Naomi, what are you doing here?" gulat na ani Owen. Mukhang kakalabas lang nito ng bathroom dahil naka-topless lang ito habang tumutulo pa ang tubig sa katawan at buhok nito at tanging nakabalot na tuwalya lang ang takip sa pang-ibaba ni Owen pero binalewala niya iyon dahil galit na galit siya sa binata. Wala siyang pakialam sa magandang hubog ng katawan nito, malapad na dibdib at six pack abs nito. Gusto niya itong saktan.Salubong ang mga kilay at matalim na mga tingin ang pinukol niya rito."Anong ibig sabihin nito, Owen?" Saka pinakita niya rito ang email mula sa banko na nagsasabing nag-loan siya ng 30 million pesos at may balanse pa siyang 29 million na kailangan na niyang mabayaran kasama ang interest niyon. "Ganiyan na ba kakapal ang mukha mo para gamitin ang pangalan ko at ang lupa ng pamilya ko para sa sarili mong interest?" Tumawa siya ka
WALA NANG nagawa si Naomi kung 'di umiyak nang umiyak sa matinding galit na nararamdaman niya para kay Owen at sarili dahil hinayaan niyang gag*hin siya nito. Gusto niyang saktan si Owen hanggang ma-realize nito ang lahat ng ginawa nito sa kaniya at maisip nito kung paano siya naging mabuti rito sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. Hindi niya inakalang ganoon pala kademonyo ang lalaking minahal at pinakasalan niya noon. "Hayop ka, Owen!" paimpit niyang sigaw. Gusto niyang ilabas lahat, sumigaw, magwala pero hindi niya magawa dahil nasa mansyon siya ng Alcantara. "Hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa sa amin ni Nonoy at ng anak mo!" Nakuyom niya ang kaniyang kamao habang patuloy sa pagbagsak ang luha sa kaniyang mga mata. "Ipinapangako kong hindi mo malalaman na ikaw ang ama ng anak ko! Hinding-hindi ka niya kikilalanin bilang ama!" madiin niyang sabi. Binabad niya ang sarili sa bathtub habang hinihimas niya ang umbok na tiyan. Naaawa siya sa kaniyang anak dahil naging ama nit
UMAGA pa lang abala na ang mga katulong sa paghahanda para sa gaganaping gender reveal para sa magiging anak ni Naomi. Hindi siya excited dahil alam niyang nanloloku siya ng mabubuting tao at kinakabahan siya dahil nandon si Owen at Ivy."Wow! You look so gorgeous with your baby bump, ate Naomi," puri ni Champagne sa kaniya habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya.She's wearing a white dress na lalong nagpalabas ng umbok niyang tiyan. Nilagyan din siya ng konting make up ni Champagne pero ang laking epekto niyon sa hitsura niya. Kahit siya'y namangha at nagandahan sa sarili.Ngumiti siya. "Bolera ka talaga, Champagne. Inayusan mo ako, eh kaya syempre pupurihin mo kasi ikaw ang gumawa," pagbibiro niya."No kidding, ate Naomi you look so beautiful kahit malaki na ang tiyan mo.""Sus!" Tumingin ulit siya sa salamin at sinipat ang sarili. Hinipo niya ang kaniyang tiyan at ngumiti. "Excited na kaming lahat na makita ka, baby!" aniya. Kapagkuwa'y hinarap niya si Champagne. "Siya nga pal
MAGSISIMULA na ang program ng gender reveal pero wala pa rin si Grayson. Kinakabahan si Naomi na baka hindi ito umabot. Paano matutuloy ang gender reveal kung wala ito? Darating pa ba si Grayson?Bumuntong-hininga siya at nagpasiyang lumabas na ng silid. Paano nila malulusutan ang kagustuhan ni Levie na ipa-DNA ang batang dinadala niya? Kapag nagkataon, masisira ang lahat at hindi na niya alam kung saan sila pupulutin ni Nonoy.Nang makababa siya ng hagdan, nagulat siya ng bigla na lang may humawak sa braso niya."Owen? Ano ba? Bitawan mo ako!" galit niyang sabi. Kapag nakikita niya ito, nadagdagan lang ang galit na mayroon siya para rito dahil naalala niya lahat ng ginawa nito sa kaniya."Let's talk!" Hinila siya nito sa hallway patungo sa veranda ng mansyon."Wala tayong dapat pag-usapan, Owen!" Binawi niya ang kamay rito. Lakakad na sana ulit siya palayo pero muli siya nitong hinawakan at sinandal sa pader."Gusto mong malaman ng lahat na naging asawa kita, huh?" banta nito."Owen,
TUMINGIN si Grayson sa wrists watch na suot niya habang nakaupo siya sa swivel chair sa opisina niya. Pinagsalikop niya ang mga daliri at inilapat iyon sa kaniyang labi habang ginagalaw-galaw niya ang binti. Magsisimula na ang gender reveal ng baby ni Naomi pero hindi niya magawang umalis. May gusto siyang malaman at hindi siya mapapakali kapag hindi niya iyon nalaman."Sir Grayson!"Mabilis siyang tumayo nang pumasok si Vincent na tila ba may dalang good news sa kaniya. Umaasa siyang may bago itong natuklasan."Tell me what you've found out, Vincent," hindi makapaghintay niyang sabi.Saglit na yumuko si Vincent. "I'm sorry, sir Grayson pero hindi ba't ngayon ang gender reveal ni Naomi? Hindi ba dapat nandoon—""Just tell me what you've found out, Vincent," inis nitong sabi.Napalunok si Vincent. "Base sa nga information na nahanap ko, umuwi na siya mula Paris one year ago at kasalukuyang nasa Manila pero hindi ko ma-locate kung saan sa Manila siya namamalagi. Wala na rin sila sa dati
"WHY are you acting like you're still affected by what happened to Naomi, Owen?" inis na sabi ni Ivy kay Owen dahil sa naging reaction niya ng makita ang nangyari kay Naomi. Hindi niya alam pero natatakot siya para rito at sa bata.Kasalukuyan silang nasa hospital at hinila siya ni Ivy sa may kabilang hallway dahil tila hindi nito nagustuhan ang labis na pag-aalala niya kay Naomi."F*ck, Ivy! Paano kung anak ko nga ang dinadala niya? W-what if may mangyari sa baby? Sa tingin mo hahayaan ko na lang na mapahamak ang bata?" natatakot niyang sabi.Natawa si Ivy. "Sa bata ka ba talaga nag-aalala o kay Naomi? Damn, Owen! Wala kana dapat pakialam sa babaeng iyon. Talaga bang naniniwala kang ikaw ang ama ng dinadala ni Naomi? Alam mong sinabi lang natin iyon kay ate Levie para magulo ang isip ng kapatid mo at para pagdududahan nito ang pagpapakasal ni Grayson kay Naomi.""Pero alam mong hindi malayong mangyari na baka ako ang ama ng dinadala ni Naomi. Kilala ko siya at hindi niya magagawang m
DAHAN-DAHANG minulat ni Naomi ang mga mata niya at napangiwi ng makaramdam siya ng kirot sa kaniyang balakang. Pakiramdam niya'y binugbog ang katawan niya dahil sa sakit niyon. Pinuproseso pa ng utak niya ang lahat. "A-ate Naomi, you're awake!" "Hija!" Unang bumungad sa kaniya si lola Marina at Champagne. Masayang nakangiti ang mga ito pero bigla ding nalungkot. Kinabahan siya nang maalala ang nangyari. "Naomi." Nakita niya si Grayson na lumapit sa kaniya, blangko ang mukha nito. "A-ang b-baby ko! Kumusta ang baby ko?" nataranta niyang sabi at agad sinapo ang tiyan niya. Napapikit siya ng mariin at nakahinga ng maluwang nang makapa niya ang malaking umbok niyang tiyan. Tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa halo-halong emosyon. "I'm glad you're fine now," ani Champagne at niyakap siya nito. "I'm sorry, ate Naomi." Humikbi siya at tinapik si Champagne sa likod. "No, hindi mo kasalanan." Luminga siya sa paligid ng bumitaw si Champagne. "Si Nonoy? K-kumusta si Nonoy!"
"OWEN!"Kapwa napatingin si Owen at Naomi nang biglang pumasok sa silid si Grayson. Matalim ang tingin nito kay Owen."What do you think you're doing, huh?" sabi ni Grayson at agad hinawakan sa braso si Owen at hinila palabas ng silid. Naiwan siyang walang imik.Ilang sandali lang at bumukas ulit ang pinto at si Grayson na lang ang pumasok sa loob."Nasaan si Owen?" nagtatakang tanong niya at hinanap ito."Naomi, hindi mo na kailangang hanapin ang lalaking iyon. You don't need him beside you dahil nandito ako," sabi nito at tumabi sa kaniya. "Kumusta ka na? Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong nito.Masama ang naging tingin niya rito. "At sino ka para paalisin si Owen? He's my boyfriend at siya dapat ang kasama ko at hindi ikaw na hindi ko naman kilala at maalala," inis na sabi niya.Natigilan si Grayson sa naging asal niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig."Iyon ba ang sinabi ni Owen sa iyo?" Ngumisi ito. "And do you believe him? Naomi, alam kong wala kang maalala pero huwag ka
"NAOMI, he's not your boyfriend. Ako, I'm your husband at kaya kong patunayan iyon," agad na sabi ni Grayson habang hindi naman makapaniwala si Owen sa sinabi ni Naomi. Naguguluhan ito sa mga nakikita."Naomi, Grayson is right, siya ang asawa mo at hindi mo nobyo so Owen," segunda naman ng daddy niya."P-pero hindi ko maalalang asawa ko siya....siya, s-si Owen, siya ang naalala kong nobyo ko," tinuro pa ni Naomi si Owen na hindi makaimik dahil sa pagkabigla."P-pero ate Naomi, h-hindi mo na boyfriend si Tito Owen. He was your ex-boyfriend," paliwanang ni Champagne.Tila mas lalong naguluhan si Naomi sa mga narinig. Nasapo nito ang sentido at napapikit ng mariin. Hindi siya papayag na si Owen ang makikilala nito at hindi siya. Wala ng karapatan si Owen kay Naomi at hindi niya hahayaang magkaroon pa ito ng pagkakataon para mapalapit sa asawa niya."Naomi,. I'll explain to you everything you need to know, but for now, huwag mo munang isipin ang lahat. Huwag mong madaliing alalahanin ang
DAHAN-DAHANG iminulat ni Naomi ang mga mata niya pero agad siyang napapikit dahil sa kirot na naramdaman niya sa kaniyang ulo. Nasapo niya iyon."Naomi!""Ate Naomi!"Pakiramdam niya'y sasabog na ang ulo niya dahil sa sakit niyon kaya hindi agad siya nakamulat. Naramdaman din niya ang pagkirot sa parteng tiyan niya kaya hinawakan niya iyon. Pagmulat niya nagtaka siya sa nakitang mga tao na nasa harap niya. May lungkot at puno ng pag-aalala ang nakikita niya mula sa mga ito."S-sino kayo? N-nasaan si Nonoy? N-nasaan ako?" Nagsimula siyang kabahan dahil hindi pamilyar ang nakikita niya.Natigilan ang mga taong nakatingin sa kaniya at nagtinginan ang mga ito. Binalingan siya ng lalaking nasa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "N-Naomi? H-hindi mo ba kami nakikilalang lahat? We are your family. I'm your husband. Ako ito si Grayson," hindi makapaniwalang ani ng lalaki.Mas lalo siyang naguluhan at parang hindi niya kayang iproseso ang mga nangyayari."N-nasaan si Nonoy? Ang kapatid ko
"VINCENT, have you seen here?" seryosong tanong ni Grayson habang nasa school sila ni Champagne at may hinahanap. Umiling si Vincent. "I don't think she's here, Grayson. Baka namamalik-mata ka lang o baka kamukha lang niya ang nakita mo," sabi nito. "No, Vincent. I know her kahit pa nakatalikod siya makikilala at makikilala ko siya. Tinanong ko na rin ang registrar about sa information niya at nakita ko sa mga list ang pangalan niya at ng batang binabantayan niya." Luminga pa siya sa paligid. Palabas na ang ilang estudyante kaya dumadami na ang tao sa labas ng school. Kumunot ang noo ni Vincent. "Bata?" "Yes, Vincent. I-I don't know if the kid is her daughter pero gamit nito ang apelyido ni Ashley." "So, baka may anak na si Ashley?" Natigilan siya at saglit na kumiling. Gusto sana niyang isipin na baka anak nila ni Ashley ang bata pero pwede ring hindi dahil matagal na silang hindi nagkita. "I-I hope she's my daughter, Vincent. It's been five years at four years old na ang bata
KAHIT anong gawin ni Naomi, hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Owen tungkol kay Grayson. Anong klaseng tao ba ito at ano pang mga bagay ang dapat niyang malaman tungkol dito? Dapat ba niya iyong ikatakot? Iba nga ba ang pagkakakilala niya rito sa totoo nitong pagkatao? Pero alam niya sa kaniyang sarili na mabuting tao si Grayson pero may bahagi rin sa kaniya na baka nga may tinatago ito."Hey! Nalunod ka na sa lalim ng iniisip mo."Napapitlag siya at hindi natuwa nang makita si Martin na bigla na lang tumabi sa kaniya. Kanina pa pala siyang nakatulala lang at iniisip ang lahat ng sinabi ni Owen.Nasa school siya dahil siya ang sumama kay Nonoy.Hindi siya umimik at hindi ito pinansin. Nagkunyari siyang parang walang nakita dahil alam niyang sisirain lang nito ang araw niya."Aww! You snobbed me again. Ang sakit naman noon sa puso dahil as far as I remember, wala pang babaeng nang-snob sa akin," sabi nito na kunyaring nasaktan.Bumuntong-hininga siya at hindi pa rin ito
HINDI maalis sa isip ni Naomi ang sinabi ni Martin. Totoo bang alam din nito ang tungkol sa kanila ni Grayson o hinuhuli lang siya nito? Alam niyang hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan dahil hindi niya alam kung kakampi ito ni Grayson o kaaway din.Nasapo niya ang kaniyang tiyan nang maramdaman niyang sumipa ang bata mula sa loob niyon. Napangiti siya at namangha."Excited ka na rin bang lumabas? Dahil ako, super excited na akong makita ka," sabi niya habang hinihimas ang tiyan."Excited na rin akong makita ang bata, Naomi."Kumunot ang noo niya at nakita niya si Owen na nasa likod niya. Nasa terrace kasi siya ng bahay. Nitong mga nakaraang araw hindi niya nagugustuhan ang kinikilos ni Owen. Pakiramdam niya'y binabalik nito ang Owen na minahal niya noon. Nagbabago ito sa harap niya at nagiging kalmado. Hindi siya sanay pero may bahagi sa kaniya na natutuwa sa nakikitang pagbabago nito. Pero alam niyang hindi niya pwedeng pagkatiwalaan iyon.Umiwas siya ng tingin at hindi ito sumagot.
"WHAT'S HAPPENING here?" Hahakbang na sana si Christopher papasok ng bahay nang dumating si Grayson. Nagtatakang tumingin agad ito kay Levie habang akay nito si Ivy na para bang nasaktan talaga niya. "I will not tolerate Naomi's bad attitude, Grayson," ani Christopher na para bang inakusan na agad siya nito na guilty. Kumunot ang noo ni Grayson at tiningnan siya habang nasa likod niya si Nonoy na huminto na sa pag-iyak. "Are you accusing my wife, dad? Did you ask her what really happened?" tila dismayadong sabi ni Grayson. Ngumisi pa ito. "Well, I'm not surprised dahil kapag si tita Levie at ibang tao naman ang nagsabi sa iyo, they're telling the truth pero kapag ako, I'm lying, 'di ba dad? And now you're accusing my wife...no, you already judged her without fact checking." Manghang nakatingin lang siya kay Grayson dahil sa sinabi nito at para bang hinipo nito ang puso niya dahil pinagtatanggol siya nito sa harap ng pamilya nito. Pakiramdam niya'y mahalaga siya at may kakampi
NANG makatulog na si Nonoy, nagpasiya nang lumabas si Naomi ng silid nito. Tila napagod agad si Nonoy sa unang araw nito sa school pero kita niya kung paano ito nag-enjoy sa mga activity na pinagawa ng teacher nito.Paglabas niya ng silid, saktong kadarating lang ni Grayson. Natigilan ito ng makita siya pero agad ding umiwas at dumeretso na sa silid nila. Sumunod naman siya. Kanina pa niyang iniisip ang tungkol sa babaeng nakita nito at ang pangalang binanggit nito.Naghubad si Graysyon ng coat at umupo sa sofa, sapo ang sentido nito."I-I'm sorry, Naomi kung hindi ko na kayo nasundo sa school," sabi nito na nakapikit. Inalis nito ang ilang butones ng polong suot.Pumikit siya ng mariin at napahawak sa laylayan ng suot niyang damit. "I'm sorry to ask, Grayson pero sino ba ang babaeng nakita mo sa school nang nagdaang araw? S-sino si Ashley?" lakas-loob niyang tanong.Natigilan si Grayson at seryosong tumingin sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito. Kinabahan siya dahil baka magal
KATAHIMIKAN ang namayani sa kanila ni Grayson habang nasa silid silang dalawa. Hindi magawa ni Naomi na tumingin dito at maging si Grayson.Napalunok siya ng ilang beses habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. Kinakabahan siya sa pagiging tahimik ni Grayson sa kabila ng sinabi ni Levie. Wala man lang ba itong sasabihin o tatanungin sa kaniya?"G-Grayson, I-I'm sorry," basag niya sa katahimikan. Hindi niya alam kung paano sisimulan.Tiningnan siya nito na seryoso lang ang mukha habang nakapamulsa at nakatayo sa may bintana. Nakaupo naman siya sa may sofa. Hindi pa rin ito umimik.Humugot siya ng lakas ng loob. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Owen." Bahagya siyang yumuko. "H-hindi ko gustong itago iyon sa iyo pero alam kong magiging komplikado kapag nalaman ng lahat ang nakaraan namin," dahilan niya."Why are you explaining it to me now, Naomi?" kalmadong sabi nito."I-I lied.""No, you never lied, you just didn't tell us about your past with Owen and now everyone kno