UMAGA pa lang abala na ang mga katulong sa paghahanda para sa gaganaping gender reveal para sa magiging anak ni Naomi. Hindi siya excited dahil alam niyang nanloloku siya ng mabubuting tao at kinakabahan siya dahil nandon si Owen at Ivy."Wow! You look so gorgeous with your baby bump, ate Naomi," puri ni Champagne sa kaniya habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya.She's wearing a white dress na lalong nagpalabas ng umbok niyang tiyan. Nilagyan din siya ng konting make up ni Champagne pero ang laking epekto niyon sa hitsura niya. Kahit siya'y namangha at nagandahan sa sarili.Ngumiti siya. "Bolera ka talaga, Champagne. Inayusan mo ako, eh kaya syempre pupurihin mo kasi ikaw ang gumawa," pagbibiro niya."No kidding, ate Naomi you look so beautiful kahit malaki na ang tiyan mo.""Sus!" Tumingin ulit siya sa salamin at sinipat ang sarili. Hinipo niya ang kaniyang tiyan at ngumiti. "Excited na kaming lahat na makita ka, baby!" aniya. Kapagkuwa'y hinarap niya si Champagne. "Siya nga pal
MAGSISIMULA na ang program ng gender reveal pero wala pa rin si Grayson. Kinakabahan si Naomi na baka hindi ito umabot. Paano matutuloy ang gender reveal kung wala ito? Darating pa ba si Grayson?Bumuntong-hininga siya at nagpasiyang lumabas na ng silid. Paano nila malulusutan ang kagustuhan ni Levie na ipa-DNA ang batang dinadala niya? Kapag nagkataon, masisira ang lahat at hindi na niya alam kung saan sila pupulutin ni Nonoy.Nang makababa siya ng hagdan, nagulat siya ng bigla na lang may humawak sa braso niya."Owen? Ano ba? Bitawan mo ako!" galit niyang sabi. Kapag nakikita niya ito, nadagdagan lang ang galit na mayroon siya para rito dahil naalala niya lahat ng ginawa nito sa kaniya."Let's talk!" Hinila siya nito sa hallway patungo sa veranda ng mansyon."Wala tayong dapat pag-usapan, Owen!" Binawi niya ang kamay rito. Lakakad na sana ulit siya palayo pero muli siya nitong hinawakan at sinandal sa pader."Gusto mong malaman ng lahat na naging asawa kita, huh?" banta nito."Owen,
TUMINGIN si Grayson sa wrists watch na suot niya habang nakaupo siya sa swivel chair sa opisina niya. Pinagsalikop niya ang mga daliri at inilapat iyon sa kaniyang labi habang ginagalaw-galaw niya ang binti. Magsisimula na ang gender reveal ng baby ni Naomi pero hindi niya magawang umalis. May gusto siyang malaman at hindi siya mapapakali kapag hindi niya iyon nalaman."Sir Grayson!"Mabilis siyang tumayo nang pumasok si Vincent na tila ba may dalang good news sa kaniya. Umaasa siyang may bago itong natuklasan."Tell me what you've found out, Vincent," hindi makapaghintay niyang sabi.Saglit na yumuko si Vincent. "I'm sorry, sir Grayson pero hindi ba't ngayon ang gender reveal ni Naomi? Hindi ba dapat nandoon—""Just tell me what you've found out, Vincent," inis nitong sabi.Napalunok si Vincent. "Base sa nga information na nahanap ko, umuwi na siya mula Paris one year ago at kasalukuyang nasa Manila pero hindi ko ma-locate kung saan sa Manila siya namamalagi. Wala na rin sila sa dati
"WHY are you acting like you're still affected by what happened to Naomi, Owen?" inis na sabi ni Ivy kay Owen dahil sa naging reaction niya ng makita ang nangyari kay Naomi. Hindi niya alam pero natatakot siya para rito at sa bata.Kasalukuyan silang nasa hospital at hinila siya ni Ivy sa may kabilang hallway dahil tila hindi nito nagustuhan ang labis na pag-aalala niya kay Naomi."F*ck, Ivy! Paano kung anak ko nga ang dinadala niya? W-what if may mangyari sa baby? Sa tingin mo hahayaan ko na lang na mapahamak ang bata?" natatakot niyang sabi.Natawa si Ivy. "Sa bata ka ba talaga nag-aalala o kay Naomi? Damn, Owen! Wala kana dapat pakialam sa babaeng iyon. Talaga bang naniniwala kang ikaw ang ama ng dinadala ni Naomi? Alam mong sinabi lang natin iyon kay ate Levie para magulo ang isip ng kapatid mo at para pagdududahan nito ang pagpapakasal ni Grayson kay Naomi.""Pero alam mong hindi malayong mangyari na baka ako ang ama ng dinadala ni Naomi. Kilala ko siya at hindi niya magagawang m
DAHAN-DAHANG minulat ni Naomi ang mga mata niya at napangiwi ng makaramdam siya ng kirot sa kaniyang balakang. Pakiramdam niya'y binugbog ang katawan niya dahil sa sakit niyon. Pinuproseso pa ng utak niya ang lahat. "A-ate Naomi, you're awake!" "Hija!" Unang bumungad sa kaniya si lola Marina at Champagne. Masayang nakangiti ang mga ito pero bigla ding nalungkot. Kinabahan siya nang maalala ang nangyari. "Naomi." Nakita niya si Grayson na lumapit sa kaniya, blangko ang mukha nito. "A-ang b-baby ko! Kumusta ang baby ko?" nataranta niyang sabi at agad sinapo ang tiyan niya. Napapikit siya ng mariin at nakahinga ng maluwang nang makapa niya ang malaking umbok niyang tiyan. Tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa halo-halong emosyon. "I'm glad you're fine now," ani Champagne at niyakap siya nito. "I'm sorry, ate Naomi." Humikbi siya at tinapik si Champagne sa likod. "No, hindi mo kasalanan." Luminga siya sa paligid ng bumitaw si Champagne. "Si Nonoy? K-kumusta si Nonoy!"
"LEAVE her alone, Owen," inis na sabi ni Grayson nang makalapit ito kay Naomi at masamang tiningnan si Owen. "What are you doing here?"Umiwas ng tingin si Owen. "I-I just check her condition, Grayson," nauutal na ani Owen.Ngumisi si Owen. "For what? Bakit kailangan mong i-check ang condition ni Naomi? She don't even know you," iritadong sagot ni Grayson."I'm just worried about her, Grayson.""You don't have to, Owen," sabat niya. "I can handle myself, isa pa nandiyan si Grayson para alagaan ko," aniya pa."Well, that's good. Nandito lang naman ako para kumustahin ang asawa mo dahil concern lang ako pero it seems like you're taking it badly or you're jealous?" balik ni Owen."Me? Come on, you're not the type of guy I would jealous of, Owen." Ngumisi pa si Grayson at bahagyang kumiling.Nanliit ang mata ni Owen na tila naiinis na rin kay Grayson. "Fine." Saka naglakad na ito palabas ng silid.Kita niya ang inis sa mga mata ni Grayson. Ngumisi pa ito ng makaalis si Owen.—"KUMUSTA na
HINDI BA talaga titigil si Levie hanggat hindi napapatunayan ni Naomi na si Grayson ang totoong ama ng batang dinadala niya? Ngunit paano nila mapapatunayan iyon kung alam nilang parehong ang totoo na hindi ito ang ama? May laban ba sila kung ipapa-DNA ni Levie ang bata?"If you insist on doing the DNA, testing, let's do it, tita Levie para sa ikakatahimik mo."Bumuntong-hininga siya. "Sigurado ka na ba, Grayson na ipapa-DNA mo ang bata? We both know the truth at hindi magsisinungalin ang DNA test," sabi niya na kinakabahan.Napamaywang si Grayson. "We don't have a choice, Naomi dahil iyon lang ang paraan para mapatunayan kay tita Levie na anak ko ang bata.""P-pero hindi mo anak ang dinadala ko, Grayson," malungkot niyang sabi. How she wished na sana ito na lang ang naging ama ng batang nasa tiyan niya."Aangkinin ko, Naomi.""Paano?""Trust mo, Naomi sa tingin mo wala akong naisip na paraan? Sa tingin mo ba I'm stupid to ride with tita Levie's game kung wala akong naisip na plano at
"SAAN ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Naomi habang sakay sila ng sasakyan ni Grayson. Kasama niya si Champagne at Nonoy na nasa backseat ng kotse.Nagulat na lang siya nang sabihan siya nitong lalabas sila. "Bibili po ba ulit tayo ng toys?" tila excited na tanong ni Nonoy."Akala ko ba you're a big boy na hindi ka na maglalaro ng mga toys?" ani Champagne."Big boy na si Nonoy pero gusto ko pa mag-play ng toys," sagot nito."Will buy your toys later, ok?" sabi ni Grayson.Hindi niya alam pero nitong mga nakaraang araw ibang-iba si Grayson sa kaniya. Masyado niya itong nararamdaman at mas pinaparamdam nito sa kaniya na nandito lang ito sa tabi niya. Masaya siya pero hindi niya maiwasang hindi matakot para sa sarili niya dahil alam niyang mahihirapan siyang panatilihin ang pader na pilit niyang tinatayo sa pagitan nilang dalawa."Why you look at me like that, Naomi?" Napakurap siya at umiwas ng tingin kay Grayson. Hindi na lang stranger si Grayson sa mga mata niya dahil habang
ISANG GABI, nagising na lang si Naomi na patuloy sa pagluha ang mga mata niya dahil sa isang panaginip na pakiramdam niya'y dumudurog sa puso niya.Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang matinding sakit at pangungulila mula roon. Wala siyang maalala pero ang panaginip niya, tila ba dinadala siya sa madilim na bahagi ng buhay niya. Rinig na rinig niya ang pag-iyak ng isang bata habang nakahandusay siya sa kalsada at duguan. Kita niya ang kawawang bata na umiiyak."A-anak ko!" Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol sa labis na sakit at pangungulila niya. Nilalamon siya ng mapait na bangungot ng buhay niya. Naririnig pa rin niya ang pag-iyak ng isang sanggol na tila ba humihingi ng saklolo at dumudurog iyon sa nangungulila niyang pagkatao.Wala ba siyang nagawa para protektahan ang sarili niyang anak? Anong ginawa niya para iligtas ito? Wala siyang maalala at pakiramdam niya wala siyang nagawa para iligtas ito. "A-anak ko! I'm sorry!" patuloy niya sa paghagulh
PABABA si Naomi nang hagdan nang makita niya si Levie na palabas ng bahay. Nagtaka siya dahil sa kakaibang kilos nito na tila ba hindi ito pwedeng makita ng iba. Palinga-linga pa ito sa paligid bago tuluyang lumabas ng main door. Sa hindi niya malamang dahilan, sinundan niya ito. Lumabas siya ng main door at nakita niya si Levie na pumasok sa isang itim na kotse. Nagtaka siya. Sino ang driver ng kotse gayong alam niyang kanina pang umalis si Christopher ng mansyon? May sarili rin namang sasakyan si Levie.Kumibit-balikat na lang siya dahil marahil baka isa sa mga kakilala nito ang driver niyon at mayroon lang itong pupuntahan. Pumasok na ulit siya sa mansyon.Dumeretso muna siya sa kusina para uminom ng tubig bago dumeretso sa sala. Napahinto siya nang makita niya sa wall ang mga litrato ng pamilya Alcantara pero wala siyang makitang kahit anong larawan nila ni Grayson o kahit ng kasal nilang dalawa. Ano nga bang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya kay Grayson? Gusto niyang mal
"BITAWAN mo ako, Grayson," ani Naomi at pilit binawi ang kamay mula rito pero hindi siya nito binitawan hanggang makarating sila sa silid nito. Ni-lock ni Grayson ang silid, saka siya binitawan. Napahawak ito sa baywang at kita niya ang inis at galit nito dahil sa nakitang eksena nila ni Owen sa kusina."Damn, Naomi!" Naisuklay nito ang mga daliri sa sariling buhok. "Naiinis ako, nagagalit ako dahil hinahayaan mong yakapin ka ng lalaking iyon," galit nitong sabi na hindi mapakali. "Ako ang asawa mo! Ako lang dapat ang may karapatang yumayakap sa iyo." Natigilan siya dahil sa naging reaction nito. Kita niya kung paano ito naiinis na tila ba nagseselos ito ng husto kay Owen. Well, naiintindihan naman niya dahil asawa siya nito at hindi nga naman tama na makita siya nitong may kayakap na ibang lalaki. Kahit sa mata ng kahit kanino, hindi iyon dapat.Umiwas siya ng tingin. Hindi dapat siyang makonsensiya dahil una pa lang alam niyang mali ang pagpapakasal niya rito. Galit dapat siya rit
NAPALINGON si Naomi sa pinto ng silid ni Nonoy nang bumukas iyon. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa maaliwalas na paligid. Bumungad sa kaniya si lola Marina na nakangiti pero may bahid iyon ng lungkot. Hindi pa niya ulit nakakausap si Grayson pero nagpasiya na siyang lumipat ng silid dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Mas makakabuti iyon para sa kaniya."Lola Marina," sabi niya at ngumiti. Lumapit ito sa kaniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" malumanay nitong tanong na dama ang pag-aalala sa kaniya."H-hindi ko na po alam, lola Marina kung anong nararamdaman ko," pagtatapat niya. Nang makilala niya nito, magaan na ang loob niya rito kahit wala siyang maalalang kahit ano tungkol dito. Nararamdaman niyang mabuti ito sa kaniya at pwede siyang magkwento ng kahit ano rito.Hinawakan nito ang palad niya at bahagya iyong pinisil. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kung nagagalit ka, kung nasasaktan ka dahil karapatan mo iyon. Alam ko ring sa mga or
"TITA LEVIE!" Nagulat si Levie at Christopher nang bigla na lang pumasok si Grayson sa silid ng mag-asawa na bakas ang labis na galit sa mukha nito. "Grayson, bakit?" inosente at tila mabait na sabi ni Levie. Tumayo ito at tiningnan ang asawa. "Grayson, what's with that look? Anong kailangan mo?" seryosong tanong naman ni Christopher. Hindi niya pinansin ang ama at nilapitan si Levie na nanlilisik ang mga mata. "Are you happy now? Masaya ka na ba sa naging resulta ng mga maling kwento mo?" "G-Grayson, hindi ko alam ang sinasabi mo," kinakabahang sabi nito dahil sa matatalim niyang tingin. Magaling itong umarte at iyon ang forte nito. "Damn! Stop acting like you're innocent, tita Levie dahil alam nating pareho kung anong sinasabi ko. Hindi ba't ikaw ang nagsabi kay Naomi ng mga maling kwentong nalaman niya? Sinamantala mo ang pagkawala ng alaala niya para sirain ako sa kaniya at maging mabuti kayo sa harap niya." Ngumisi siya. "Pilit mong isiniksik sa isip ni Naomi na ako ang ma
"NAOMI!"Nagtatakang napalingon siya nang makita niya ang hindi pamilyar na mukha. Kasalukuyan siyang nasa garden. Lumapit ito sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit at kapagkuwa'y narinig na lang niyang umiiyak na ito."W-wait, kilala ba kita? Bakit ka umiiyak?" nagtataka niyang tanong. Hindi naman niya magawang yakapin ito pabalik dahil hindi niya matandaan kung sino ito."Hindi mo ba ako na-miss?" parang batang sabi nito nang bumitaw sa kaniya. Ngumuso pa ito. "I'm sorry, h-hindi ko agad nalaman ang nangyari sa iyo. I'm sorry!" muli na naman siya nitong niyakap habang umiiyak ito. "Alam kong mahirap para sa iyo ang nangyari, Naomi at kahit ako ay nahihirapang tanggapin ang lahat." Dama niya ang labis nitong pag-aalala sa kaniya."Teka nga, s-sino ka ba? Hindi kita kilala," sabi niya at tinaasan ito ng kilay.Natampal siya nito sa noo at napangiwi siya, saka nasapo iyon. "Gaga! Ako ito si Luna, ang best friend mo. Talaga bang sa dami ng makakalimutan mo, ako pa talaga? Nakakap
"NASAAN ho ang anak ko?"Gulat na nagkatinginan si lola Marina, Christopher at Champagne sa naging tanong ni Naomi habang tahimik lang si Levie na nasa tabi ng asawa nito. Kasalukuyan silang nasa sala."A-anong ibig mo—" si Christopher."Alam ko na po ang totoo tungkol sa aksidente at sa batang dinadala ko noong araw na iyon," mapait niyang pag-amin. Bahagya siyang kumiling."Hija, hindi makakabuti sa iyo kung—""G-gusto kong malaman kung nasaan ang anak ko. Kung anong nangyari sa kaniya," putol niya sa sasabihin ni lola Marina. "Please, sabihin ninyo sa akin kung nasaan siya," pagmamakaawa niya.Kahit wala siyang maaala at tanging alam lang niya na buntis siya nang maaksidente siya, ramdam niya ang kirot sa puso niya at pangungulila. Hindi buo ang emosyon pero dama niya ang pighati.Lumapit si lola Marina sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Dama niya at kita sa mukha nito ang sakit at pagluluksa. Tila ba anumang sandali ay babagsak na ang luha sa mga mata nito."I-I'm sorry, hija
"TELL ME! Ikaw ba ang dahilan kaya ako naaksidente? Kung bakit nawala ang anak ko?"Natulala si Grayson sa narinig mula kay Naomi. Kita ang pagkadismaya at galit sa mga mata niya sa nalaman niya. Gusto niyang marinig mula rito ang totoo."H-hindi ko maintindihan, Naomi. Paano mo nalaman ang tungkol sa bata?" nagtataka nitong sabi na tila pinuproseso ang narinig mula sa kaniya.Ngumisi siya habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa labis na sakit dahil sa nalaman niya tungkol sa nangyari sa kaniya pero tila ba ang sakit na iyon ay may mas malalim pang dahilan. Ang hirap isipin at tanggapin na si Grayson ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Namumuo ang matinding galit sa puso niya."S-so, totoo nga? T-totoo ang tungkol sa bata at buntis ako nang maaksidente at ikaw....i-ikaw ang dahilan kaya nawala ang bata, ang anak ko." Nanginginig ang mga labi niya at nangangatal siya sa labis na galit habang hawak niya si Nonoy."Hindi
"HANGGANG kailan mo itatago kay Naomi ang totoong nangyari sa kaniya at sa kaniyang anak?" tanong ni Vincent habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Papunta silang police station para makita ang nakuhang cctv ng mga police sa mga gusaling malapit sa lugar kung saan naaksidente si Naomi. Malakas ang kutob niyang may mali sa aksidente at may tao sa likod niyon at iyon ang kailangan niyang malaman. "Hindi ko alam, Vincent. Masyado pang sariwa para kay Naomi ang nangyaring aksidente at ayaw kong dagdagan pa ang dapat niyang isipin. Mahihirapan siyang tanggapin iyon." "Hindi ka ba nanghihinayang sa bata? I mean, alam nating hindi mo anak ang bata pero naging malapit na rin sa iyo ang anak ni Naomi dahil ikaw ang naging kasama nito habang pinagbubuntis niya ito." Tiningnan niya si Vincent at muling bumaling sa kalsada. "Wala akong magagawa, Vincent dahil kailangan kong pumili at mas kailangan ni Nonoy si Naomi. Hindi dahil hindi ko anak ang bata kaya mas pinili kong iligtas si Naomi p