Share

KABANATA 2

HINDI niya maiwasang mapasinghap sa nabungaran niya sa exit door. Nagpalitpat-lipat ang tingin niya kay Lizzy at sa atletang kasama nito na mabilis ang ginawang paghihiwalay nang makita siya.

Naningkit ang mga mata niya at bumangon ang galit sa dibdib niya sa nasaksihan. "What are you doing?" Mahina ngunit mariin niyang tanong kay Lizzy na inosenteng tinignan siya.

"It's nothing." Mabilis nitong sagot.

"You are making out with him and you called that nothing?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "You are commited to someone, and that someone is my friend!" Hindi nya na tinago ang galit sa boses niya.

After the talked she had with Lander's mother and the revelation she learned sinong mag-aakalang mismong siya din ang makakasaksi sa kataksilan nito kay Lander.

"I will make sure that Lander will know this!" Galit niyang saad kay Lizzy.

Ngumisi ang kaharap bago nito balingan ng tingin ang binatang kahalikan kanina na mabilis namang nang maintindihan ang nais iparating ni Lizzy.

Nang sila na lang dalawa ang magkaharap ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa tsaka ito unti-unting lumapit sa kanya. Hindi naman nagkakalayo ang height nila ni Lizzy kaya malaya niya ding pinapasadahan ito ng tingin.

"Samantha right?"

She tried to calm herself when there's a hint of mockery on her voice. Halata namang iniinis siya nito because as far as she remembers they knew each other since Lander became his boyfriend.

"Isusumbong mo ako kay Lander?" Lumabi ito at pinalamlam ang mga mata na para bang isang bata bago biglang bumulanghit ng tawa na parang isang baliw.

Her expression changes while looking at Lizzy who continue laughing at nothing. "Samantha honey, I know that you like my boyfriend and mind you he is head over heels in love with me and your revelation will be nothing... Ako lang ang paniniwala niya at wala nang iba."

"Anong sinasabi mo?" Matapang niyang tanong sa kaharap.

"Akala mo hindi ko napapansin kung pano mo tignan si Lander? You envy me because Lander is my boyfriend and now you are trying to broke our relationship, what a heartless bitch " Anito bago siya tignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ba't ikaw ang sumisira sa relasyon niyo ngayon? You are making out with that man while being in relationship Lizzy." Hindi niya maiwasang matawa dahil doon. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili niyang gusto ng sumabog ng mga oras na iyun.

Tinignan niya si Lizzy na biglang nagbago ang expression, Samantha became confused when the woman infront of her acts scared. At mas lalo pa siyang naguluhan ng magsalita ito. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Mahal ko si Lander so stop asking me to broke up with him."

"What are you saying?" Nagugulumihang tanong niya pero agad din niyang narealize ang lahat nang mula sa likuran ay biglang sumulpot ang galit na si Lander.

What a two face bitch.

"What are you saying to her again?"

Kinunutan niya ito ng noo. "Again?" Balik tanong niya sa binata. Hindi niya kase maintindihan ang gusto nitong iparating sa kanya.

"Wala kang narinig sakin ng sugurin mo si Lizzy at sabihang makipaghiwalay sakin nung birthday party ni Mommy, pero para ulitin mo yan ngayon anong karapatan mo?" Naguguluhang tinignan niya ang mukha ni Lander na ngayon ay namumula dahil marahil sa tinitimping galit.

Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito, she loves him but she will never do such thing to them. And she doesn't even remember that she and Lizzy had a private conversation that night.

"I made it clear to you two years ago that I can't give back the love you were saying." Patuloy nito. "I want you to stay away from her, fuck off."

Natameme siya sa huling lumabas sa bibig ni Lander kaya hindi na siya muling nakaimik pa, nakarulala lang siya hanggang sa makaalis ang dalawa.

Pigil ang luhang napatawa siya ng marealize ang nangyare.

What a liar. She murmured as she grasped for air because of the pain she is feeling at the moment.

Hindi niya akalaing kayang sabihin ni Lander sa kanya yon. Kilala na nila ang isa't-isa simula bata pa sila, talaga bang maiisip ni Lander na masasabi niya ang bagay na yon kay Lizzy?

Masama ang loob na dumiretso siyang restroom ngunit ganun na lamang ang pagkagulat niya ng nandoon din pala si Lizzy sa loob.

"You're here." Nakangiting kumaway sa kanya si Lizzy,

Tinignan nya si Lizzy mula ulo hanggang paa bago niya muling balikan ang mukha nito. Sinong mag-aakalang sa inosente nitong mukha ay nagtatago ang mapanlinlang nitong pagkatao?

Blankong tinignan niya ang mukha ni Lizzy tsaka pumasok sa isa sa mga cubicle sa loob ng restroom. Wala siyang panahon para makipag-usap.

"Aww, ignoring me?" Nang-uuyam na tanong nito sa kanya.

"I don't have time for nonsense talk Lizzy." Wala pa ding emosyong tugon niya dito.

Hindi nya alam kung bakit siya nito sinisiraan kay Lander, o kung bakit siya nito pino-provoke ngayon.

"Nasan yung tapang mo kanina?"

"Nandito pa din naman Lizzy, hindi naman siya nawala." Sarcastic niyang sagot bago niya ito lampasan at pumasok nang tuluyan sa cubicle ngunit sa paglabas niya ay nasa loob pa din si Lizzy at halatang hinihintay siya.

"Mahal mo si Lander hindi ba?"

"Ano ba talagang problema mo?" Hindi niya maiwasang magtaas ng boses dahil sa pangungulit nito.

"Kaso ako ang mahal nya."

"Wala akong pake." Ang tanging sagot niya.

"Akala mo ba nakakalimutan ko na kung paano ako napahiya nung birthday ni Tita? Kung paano niyang pinaramdam sakin na mas gusto ka niya? That insults me, Samantha."

"Kaya ba nagawa mong magsinungaling kay Lander?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaharap.

"Because you made me angry."

"You lied because of that?" Hindi niya mapigilang matawa dahil doon. Kaya pala lantaran na siya kung iwasan ni Lander sa mga nakalipas na buwan.

"And I can do worst more than that, Samantha. Ako ang girlfriend ni Lander kaya ayokong may kahati sa atensyon at kahit sa atensyon ng parents niya. I want them to love me, and by doing that I want you to stay away from them."

Naiintindihan niya ang frustrations nito dahil miske naman siya ay nailang ng hindi man lang itago ng Tita Lana niya ang pagka disgusto kay Lizzy pero hindi naman tamang sa kanya nito ibaling iyun and made up stories so Lander would hate her.

"Hindi ako lumalapit sa kanila, we were invited because my Mom and her Mom are bestfriend." Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang ipaliwanang ang bagay na yon.

"Lander already proposed to me! We even asked for their blessing but her Mom declined it because she said that you and Lander are bound to be Married!" Gulat ang bukas ng mga mata niya dahil sa sinabi nito.

"I know that he proposed to you, but the marriage thing that you are talking about, I didn't know...." Aniya.

Bound to be married? Kaya ba siya kinausap ni Tita Lana, kase siya ang ginawang rason nito para tutulan ang gustong mangyare ni Lander? Noong bata pa lang sila naging biro na ng pamilya nila ang ganung kasunduan pero hindi niya naisip na magiging totoo iyun.

"Sinungaling! I can sense that you want to take him away from me."

"Lizzy pwede ba? Wag kang umakto na para bang ikaw talaga yung naagrabyado dito, baka nakakalimutan mong ikaw ang nagloloko ngayon?" Naiinis niyang saad sa kaharap, balak sana niya itong lampasan ng mabilis nitong iharang ang sarili upang hindi siya makalabas.

"I will make sure that Lander will hate you after this." Ngumise ito bago sampalin ang sarili, hindi lang isang sampal ang ginawa nito sa sarili na ikinabigla niya. She tried to stop her but then she became stiff when Lizzy started to scratch her own arms, mabilis din nitong ginulo ang buhok tsaka biglang humiyaw ng malakas at biglang sumalampak ng upo sa tiled floor.

Tulala siyang nakatingin kay Lizzy na patuloy pa ding sumisigaw, agad siyang nakarinig ng mga nagmamadaling yabag at ganun na nga lang ang takot niya ng makita si Lander, napatingin ito sa kanya bago bumaba ang tingin nito kay Lizzy na mabilis nitong dinaluhan. Sinilip ni Lander ang mukha ni Lizzy, pati ang braso nito na puro kalmot dahil sa sariling kagagawan ay inispect nito. Tinuro siya ni Lizzy kaya mabilis bumaling ang tingin sa kanya ni Lander, galit na galit ang bukas nang mga mata nito bago ito tumayo sa pagkakaluhod at lapitan siya.

"What is your fucking problem!" Sigaw nito sa kanya, parang doon lang siya natauhan.

"It's not me." Aniya na sinabayan niya ng pag-iling.

"Lizzy is hurt! Sinong gagawa niyan samantalang kayong dalawa lang ang nandito!" Galit nitong bulyaw sa kanya habang patuloy nitong inaalo si Lizzy na mabilis yumakap sa nobyo.

"Wala. Akong. Ginawa!" Kahit nanginginig ay nagawa nya pang ipagdiinan ang salitang iyun.

"B-babe, she slapped me and pulled my hair k-kase nagalit siya sa n-nangyare kanina, nagalit siya kase bakit ko daw sinabi sayo ang sinabi nya sakin nung birthday ni Tita Lana." Mabilis itong humagulgol nang iyak kaya hindi nya mapigilang matawa, at dahil sa naging reaksyon nya ay mas lalong nagalit ang binata mabilis itong kumalas sa bisig ni Lizzy para lapitan siya.

"You can't get away with this!" Galit nitong hinila ang braso niya.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Sigaw niya dito, she can't believe that this is the same Lander she knew since they were kids.

"Lander!" Mula sa likuran nya ay dinig niya ang pamilyar na boses ni Killa.

"Anong nangyayare?" Boses naman ni Sierra yon kaya kahit papano ang takot, galit at awang nararamdaman niya sa sarili niya ay naibsan.

"Get your hands off her!" Mabilis siyang hinila ni Margarita mula sa pagkakahawak ni Lander, she sighed in relief when Lander finally loosened the grip on her arms.

Ramdam niya ang sakit nang braso nya dahil sa mahigpit at galit na paghawak ni Lander doon.

"Yang kaibigan niyo sinaktan ang girlfriend ko!" Sigaw ni Lander.

"Hindi ko siya sinaktan!" Tanggol niya sa sarili niya. Ngayong dumating ang tatlo niyang babaeng kaibigan bigla siyang nagkaroon ng kakampi and somehow it boost her to fight back.

"Samantha would never do such thing Lander." Mabilis na sagot ni Sierra.

"B-but she did!" Biglang sabat ni Lizzy na patuloy padin sa paghikbi. "L-look at my bruises and swollen face." Saad nito habang tumatayo na mabilis inalalayan ni Lander.

"Sigurado kang hindi mo yan gawa?" Tumaas ang kilay na tanong ni Margarita.

"Stop being ridiculous, Margarita!" Mabilis na sabat ni Lander. "Bakit gagawen yon ni Lizzy sa sarili niya?"

"Abay malay ko." Mataray na sagot nang huli.

"She was the one who hurt me physically and you are defending her?" Lizzy's voice broke again. Lumamlam ang mata ni Lander at muling niyakap ang kasintahan, that scene break her heart again.

Maglilimang buwan pa lang simula nang makilala nito si Lizzy, habang siya ay kilala na nito simula pagkabata pa nila. Gaano ba nakaapekto ang ginawa niyang confession kay Lander na pati ang pagsasabi niya ng totoo ay tila naging bingi na ito?

"We've known Samantha since high school, Lander knew her since grade school, ikaw kailan ka nga ulit namin nakilala?" Sarkastikong tanong ni Margarita kay Lizzy.

Hindi sumagot si Lizzy at basta na lang ito tumakbo palabas na mabilis sinundan ni Lander ngunit bago yon ay galit muna itong bumaling sa kanya at nagsalita.

"You will pay for this Samantha."

"Or might as well go to the hospital and schedule her check up to a psychiatrist." Inis namang sabat ni Killa.

"What!?"

"In other words, baliw yang girlfriend mo." Sagot naman ni Sierra. Nang tuluyang lumabas si Lander ay tsaka niya lang pinakawalan ang pinipigilan niyang pag-iyak.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Killa.

"I'm fine." She smiled forcely while her tears kept on falling from her eyes, ngayon niya lang din napansin na nanginginig na pala siya.

"Ano ba talagang nangyare?" Sierra asked while rubbing her back.

"I don't know. Nagulat na lang ako na sinaktan niya ang sarili nya eh." Sagot niya sa tanong ng mga ito.

"Seriously!?"

"Yeah, hindi ko alam kung bakit niya yon ginawa pero isa lang ang sigurado ako. I need to save Lander from her."

"Ano bang sinasabi mo Samantha?" Curious na tanong ni Killa sa kanya.

"Lizzy is deceiving him from the start."

"Anong deceiving? May hindi ba kami alam?" Si Sierra ang nagtanong na katulad ni Killa ay wala ding nakuhang sagot sa kanya.

Nung makita niya ang mga litrato ni Lizzy kasama ang iba't-ibang lalaki ay nakaramdam siya ng awa kay Lander, nang sabihin ng Tita Lana niya na gusto nitong pakasalan niya si Lander ay mabilis niyang tinutulan iyun but what happens today made her realized that she needs to save Lander from that woman. Lander is in danger and the best thing she needs to do is to agree to Tita Lana's request, even if that means facing Lander's rage.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status