THE wedding march starts, a sign that she needs to start walking. Hindi nya magawang mag-angat ng kanyang ulo. Nanginginig siya ng mga oras na iyun, she practiced this scenario on her mind countless times. Kabisado na niya ito, kung paano siya maglalakad. Kung paano siya aakto, pero bakit ngayon ay para bang litong-lito siya?
After their graduation natuloy ang arranged marriage nila ni Lander, it was planned made by her and his Mom. A plan that she thinks would save him from the pain and deception. Her knees are trembling, kung hindi lang siya kapit ng kanyang Mommy at Daddy ay siguradong napasalampak na siya ng upo dito sa carpeted floor nang simbahang pagdarausan ng kasal nila ni Lander. "Are you sure you want to do this?" Ani ng ina niya na bakas na bakas ang pangamba sa mga mata, hindi siya umimik at basta na lamang ito nginitian na ikinabuntong-hininga ng ina. No one knows the real deal between her and Lander's Mom, ang alam lang ng mga ito it was planned long time ago ever since they were a kid... Ayun ang pinalabas nila pero hindi alam ng karamihan na tutol ang magulang niya sa kasalang ito. Nag-angat siya ng tingin at dumiretso agad ang mga mata niya sa isang tao na never niyang na-imagine na hihintayin siya sa harapan ng altar. Lander Ken Gilmore. Her best friend, the man she's been loving for more than two decades now.. The man she is trying to save from the deception. He's really handsome. Bumagay dito ang suot na white tuxedo, messy ang buhok nito, perpekto na sana ito kung hindi nga lang nakapaskil sa gwapong mukha ang pagkairita. Nakaramdam sita ng hiya dahil sa itsura ng kanyang mapapangasawa. Halatang-halata na ang kasalang ito ay isa lamang pilitan at hindi talaga nito iyun ginusto. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hinanda na ang sarili kung sakali mang bigla itong tumakbo palayo. Napalunok siya ng sunud-sunod at agad napaiwas ng tingin ng makita niya ang pagdako ng tingin ni Lander sa kanya. Huminga siya ng malalim tsaka ulit kinastigo ang sarili. 'It's for his own good... She murmured. "Sigurado ka na ba dito, 'nak?" Tanong ng kanyang ama na sa umpisa pa lang ay katakot-takot na pagpipigil na ang ginawa sa kanya. Ngumiti siya, assuring him not to worry. Ang mga magulang niya ang pinakamabuting taong nakilala niya, lahat ng desisyon niya ay suportado talaga ng mga ito, and she's really lucky to have them as her parents kahit pa nga may pag-aalangan ang parents nya sa desisyon niyang ito ay sinuportahan parin siya ng dalawa. Sa sobrang niyerbos na nararamdaman ay hindi na niya namalayan ang pagdating nila sa pinakaharap ng altar, sa harap mismo ng taong mahal niya na may mahal namang iba. Napatingin siya sa likod ni Lander kung saan nakatayo ang kaibigang si Daze na best man nito, may alangang ngiti ding nakapaskil sa labi nito kaya naman ay tinanguan na lamang niya ito dahil alam naman niya kung anong tumatakbo sa isipan nito. Kabaliwan ngang maituturing ang desisyon niya. Sino ba naman kaseng tao ang papayag na magpakasal ng biglaan? Sino bang nasa matinong pag-iisip ang magpapakasal sa isang taong may mahal ng iba? "Take good care of her." Mababakasan ang pagbabanta sa tono ng ama niya ng sabihin nito iyun kay Lander. "I will." He said coldly making his father grip her hands tightly, not wanting to let her go. Tumingin siya sa ama niya dahil hindi talaga siya nito binitawan kahit pa nga kanina pa nakalahad and kamay ni Lander para abutin ang kamay niya. "Pa.." pakiusap niya kaya marahas itong napabuga ng hangin tsaka nito inabot kay Lander ang nanginginig niyang kamay. Umalis na ang mga magulang niya sa tabi niya at umupo na sa nakahandang pwesto ng mga ito. "You're trembling, honey. Why's that? Are you afraid that I might make a scene later?" Mahina ang pagkakatanong ni Lander, sapat lang para sila lang ang magkarinigang dalawa. Hindi niya ito sinagot at basta tinignan lang ang pari na balak ng umpisahan ang banal na seremonya. She flashed her fake smiles as the wedding cerenomy started. "We are here to gather on this beautiful day to witness the union of Lander Ken Gilmore and Mara Samantha Montesor." Panimula ng pari para sa sermonyang gagawin. "If anyone here is against their union, you may now speak or forever hold your peace." Luminga-linga ang pari para tignan kung may tututol ba sa kasalan nila. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang hinihintay ang eksenang maaring gawin ni Lander hanggang sa marinig na nga niya ang pagtikhim nito kaya napabaling ang pari sa binata na mas lalong ikinakabog ng dibdib niya. "Oh sorry, sore throat." Hinimas pa nito ang leeg tsaka siya binalingan ng tingin at ngumise ng mapang-asar. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Akala niya'y sasabihin na ng binata na 'tutol ako' She bit her lips and looked at Lander's mother who was telling her to go on. Tumango naman siya tsaka tumitig sa pari nang mag-umpisa itong magsalita ulit. 'Forgive me'. Bulong niya sa hangin, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili niya na ang ginagawa niya ay para lamang kay Lander. 'I'm just trying to save him.' NATAPOS ang seremonya na parang wala lang... Para lang silang mga tuod na sunod lang sa agos. Lalo na si Lander na para bang isang robot. Nagkakasayahan na ang mga bisita nila dito sa reception pero siya ay walang maramdaman. She should be happy right? But the fact still remains that this wedding is loveless... It's forced! Sa I do part nga ay ilang ulit pang tinanong ng pari si Lander bago ito sumagot sa bagot na bagot na boses, miske ang pagsuot nito ng singsing sa kanya ay para ba itong nandidiri sa kaalamang mapapangasawa siya nito. It pained her... sobra. Naaawa siya sa sarili niya kanina. Sa totoo lang ay gusto na niyang tumakbo at magtago na lamang. Alam naman niyang napansin din iyun ng mga bisita sa simbahan, she's sure as hell that they are now talking behind her back. "You want this? You agree with this, take the consequences of your idiotic deeds." Huminga siya ng malalim ng ibulong sa kanya iyun ni Lander kasabay ng bahagya nitong pagkagat sa punong tenga niya. Parang ang sweet nito kung titignan, but his words are cutting her already wounded heart. "I will drag you to hell, baby." Patuloy nito habang nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi. 'I'm already in hell, Lander.' She said inwardly. Wala siyang naging kibo habang patuloy lang ito sa pagsasalita ng masasakit tungkol sa kanya. Mula sa ilalim ng mesa ay mahigpit siyang nakahawak sa kanyang wedding dress. She's stopping herself not to cry, it really hurts to hear those words from him, pero ano nga bang magagawa niya? Kailangan niyang tanggapin na lang yun, pumasok siya sa lugar na walang labasan so she needs to embrace the decision she made. Kailangan na niyang sanayin ang sarili niya sa ganung bagay... Ngayon pa lang ay sasanayin na rin niya ang sarili sa matinding sakit. She walked in without hesitation so there's no walking away or turning back to this. Choosing this path may be painful but she still believes that this is just a temporary situation for her. Malalampasan din niya ito, maiintindihan din ni Lander ang sitwasyon at pasasan pa ay mamahalin din siya nito ng sobra gaya na lamang ng pagmamahal niya para sa binata. "Let's give a round of applause to the newly wed." Nagtatakang tinignan niya ang Mama ni Lander ng sabihin nito iyun. "F-ck this!" Rinig niyang bulong ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niya para ipatayo. "Come on." May rahas ang paghila nito sa braso niya tsaka siya nito iginiya sa pinakagitna ng reception hall. "A-anong gagawen natin?" She was confused.. Masyado yatang napalalim ang iniisip niya kaya't hindi niya naintindihan kung ano ba ang dapat nilang gawen. He rolled his eyes before he spoke. "We're gonna dance." Napatango siya, oh? So this is their first dance as a husband and wife. Ikinawit niya ang mga kamay sa balikat nito kasabay ng malamyos na musika ay ang pag-sway ng mga katawan nila. Mas pinokus niya ang mga mata sa mga bisitang nakatingin sa kanila na pumapalakpak. "Aren't we the sweetest?" Bulong ni Lander sa kanya kaya siya napilitang tignan ito sa mata. "Ha?" Anya, ngumiti ito ng matamis na ikinagulat niya. "We are the sweetest and most fake couple of the year." Sabi nito kasabay ng nang-uuyam na ngiting hindi naman niya pinansin. "I dreamed of being married to the woman I love... Lizzy is the girl of my dreams. She is the only person I imagined to spend the rest of my life with... but you and Mom ruined it." Matigas na ani ni Lander sa kanya. Titig na titig siya sa nag-aapoy nitong mga mata, nagtatagis ang mga bagang nito habang nakatitig pabalik sa kanya, naramdaman niya rin ang pagkapit nito ng mahigpit sa beywang niya, masakit pero hindi siya nagreklamo. "I hate you!" He said that while smiling. Nanlabo ang mga mata niya sa turan nito, at bago pa man tuluyang tumulo ang mga luha niya ay kinurap-kurap na niya ang mga iyun preventing her tears from falling. "I know." Sagot niya tsaka niya ito tipid na nginitian. "I already know that." Tumango-tango pa siya tsaka ulit pilit na ngumiti kahit ang puso niya ay unti-unti ng nadudurog ng mga salitang binitiwan nito."ARE you okay?" Nginitian niya si Killa nang itanong nito iyun sa kanya. Nilapiran sya ng mga kaibigang babae after Lander went to his colleagues frankly leaving her behind. "Of course." Pagsisinungaling niya sa kaibigan. Mabilis hinaplos ni Sierra ang pisngi niya na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Call us when you need anything okay?" Saad nito na mabilis niyang tinanguan at nginitian. She needs to pretend that everything's fine so her friends and family would not worry about her. "Kung hindi ka ba naman kase baliw girl!" Sabat ni Margarita na halatang may tama na ng alak habang dinuduro siya, mabuti na lang at malakas ang music kaya hindi halos naririnig ng ibang katabi nila ang sinasabi nito. "Kung ako sayo hindi ka na sana nagpaka super hero, Lander is stupidly in love with Lizzy, he became blind and this marriage just triggered his anger towards you." Naiiling nitong patuloy. "Oh shut up Margarita, your lecture doesn't help here." Inis na pakli ni Killa. "It's
NANLAKI ang mga mata niya ng makita niya si Lander na pasuray-suray na pumasok sa loob ng unit nila, halos hindi na maitayo ni Lander ang sarili dahil sobrang kalasingan kaya kahit naalimpungatan ay dali-dali ang naging pagtayo niya upang alalayan ang asawa.Kanina niya pa talaga ito hinihintay pero dahil sa tagal nitong dumating ay hindi niya na napigilan ang sarili niyang umidlip sa sofa at nagising na nga lang siya ng marinig ang malakas na pagkakabukas ng kanilang pintuan.Isang linggo na simula nang ikasal sila pero nanatili ang cold treatment sa kanya ni Lander, hindi siya nito kinakausap at kung kakausapin naman siya nito ay pasigaw at laging galit."Lander." Nag-aalalang tawag niya sa asawa ng makita niyang natumba ito. Mabilis niyang kinuha ang braso nito tsaka niya iyun dinala sa balikat niya upang masuportahan niya ang bigat nito , hinawakan niya sa bewang si Lander upang mailakad niya ito papasok sa kwarto nito pero ganun na lang ang galit at piksi nito dahil sa gianwa niy
"HEY our Sammy! How's married life?" Agad siyang tumayo mula sa pagkaka upo para salabungin ng halik ang mga kaibigan niya na mabilis niyang tinawagan after what she saw, pero wala siyang balak saabihin sa mga ito ang nakita niya kelangan niya lang talaga ng makakausap dahil malungkot siya. "It's fine." Tugon niya kay Margarita na agad siyang binigyan ng nanunudyong ngiti. "How's your first night? Masakit ba?" Hindi niya mapigilang hampasin ang braso nito ng itanong nito iyun sa nanunuksong tinig. Margarita and her unfiltered mouth. "Marga! You can't ask a personal question!" Si Sierra na mas apektado pa keysa sa kanya. "What's wrong with my question?" Maang na tanong nito bago umupo sa tabi nya. Nasa Flower's Café sila kung saan naging paborito nilang tambayan ng tumuntong sila ng fourth year college. "Ano bang mafefeel mo kung kami ang magtatanong ng bagay na yan?" Tanong ni Sierra. "Sasagot ng totoo duh!!" Maarte nitong itinaas ang kaliwang kamay kaya sabay napairap ang d
TINIGNAN niya ang kanyang relong pambisog bago mag-angat ng tingin kay Lander na kakarating lang. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa tuluyang nakakapasok si Lander ng itanong niya iyun. "Three o'clock na Lander, hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala?" Patuloy niya pa tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo sa couch para lapitan ang asawa, pero katulad ng mga nagdaang linggo walang emosyong tinignan siya ni Lander.Wala pang thirty minutes ng makarating sila sa restaurant kung saan sila nag family dinner nang umalis ang asawa niya at ngayong madaling araw lang nakauwe na nakapag-alala talaga sa kanya ng sobra, iniisip na nga niya kanina na baka naaksidente ito o ano kaya hindi niya maiwasang sunud-sunod na tanungin ito."Sinong nagsabi sayong mag-alala ka?" Kunut-noong tanong naman nito pabalik sa kanya kaya't hindi makapaniwalang tinignan niya ito."What?" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses, sobra na ito. "Asawa mo ako kaya't natural na mag-alala ako sayo." Galit na saad niya
BIGLANG kumabog ng mabilis ang dibdib niya ng makita si Lander na tumatakbo patungo sa kinauupuan nilang magkakaibigan. It's their break, two hours pa bago sila pumasok sa kanilang last subject kaya nag desisyon muna silang tumambay sa paborito nilang lugar at hindi naman niya akalaing makikita niya si Lander ngayon, they have the same circle of friends pero sa kanilang walong magkakaibigan silang dalawa lang ni Lander ang bihirang magkibuan. They were once bestfriend, but her love for him ruined their good relationship, bakit ba kase ang tanga niya para aminin sa binata na mahal niya ito that night.?Her supposed to be memorable 18th birthday became her nightmare."Lander, here!" Masayang tinapik ni Sierra ang upuan sa tabi niya kung saan bakante, mabilis namang umupo doon ang binata. She saw beads of sweat rolling on his temple down to his cheeks when she purposely glances in his direction. Bigla siyang nanigas sa kinauupuan ng magdikit ang balat nila ng binatang patuloy niyang min
LAHAT sa kanila ay nawalan ng imik ng marinig ang sinabi ni Lander, her heart is painfully thumping like it wants to be free from her chest. Pare-parehas lang silang nakahuma ng magsalita si Lizzy with her sweet voice. "Good evening po sa inyong lahat. I am Lizzy Maverick." Isa-isa sila nitong nginitian at bilang respeto ay tinugon nila ang pagbati nito. "Happy Birthday po Tita." Anito ng balingan ang Mommy ni Lander na halos hindi na maipinta ang mukha nang makita ang nobya ng nag-iisang anak. "Pasensya na po sa regalo ko." Patuloy pa nito tsaka inabot ang isang maliit na box. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata niya habang pasimpleng tinitignan ang dalawa, Lander's arms are possesively wrapped into Lizzy's hips. Kumurap-kurap siya upang kahit papano ay maibsan ang humahapdi niyang mata na may nagbabadyang luha. Kinastigo niya ang sarili upang labanan ang natatalo niyang damdamin, she needs to pretend that everything doesn't bother her at all. Patuloy niyang iniwas ang mga mat
HINDI niya maiwasang mapasinghap sa nabungaran niya sa exit door. Nagpalitpat-lipat ang tingin niya kay Lizzy at sa atletang kasama nito na mabilis ang ginawang paghihiwalay nang makita siya. Naningkit ang mga mata niya at bumangon ang galit sa dibdib niya sa nasaksihan. "What are you doing?" Mahina ngunit mariin niyang tanong kay Lizzy na inosenteng tinignan siya. "It's nothing." Mabilis nitong sagot. "You are making out with him and you called that nothing?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "You are commited to someone, and that someone is my friend!" Hindi nya na tinago ang galit sa boses niya. After the talked she had with Lander's mother and the revelation she learned sinong mag-aakalang mismong siya din ang makakasaksi sa kataksilan nito kay Lander. "I will make sure that Lander will know this!" Galit niyang saad kay Lizzy. Ngumisi ang kaharap bago nito balingan ng tingin ang binatang kahalikan kanina na mabilis namang nang maintindihan ang nais iparating ni Lizzy.