Share

KABANATA 4

"ARE you okay?" Nginitian niya si Killa nang itanong nito iyun sa kanya. Nilapiran sya ng mga kaibigang babae after Lander went to his colleagues frankly leaving her behind.

"Of course." Pagsisinungaling niya sa kaibigan. Mabilis hinaplos ni Sierra ang pisngi niya na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Call us when you need anything okay?" Saad nito na mabilis niyang tinanguan at nginitian. She needs to pretend that everything's fine so her friends and family would not worry about her.

"Kung hindi ka ba naman kase baliw girl!" Sabat ni Margarita na halatang may tama na ng alak habang dinuduro siya, mabuti na lang at malakas ang music kaya hindi halos naririnig ng ibang katabi nila ang sinasabi nito. "Kung ako sayo hindi ka na sana nagpaka super hero, Lander is stupidly in love with Lizzy, he became blind and this marriage just triggered his anger towards you." Naiiling nitong patuloy.

"Oh shut up Margarita, your lecture doesn't help here." Inis na pakli ni Killa.

"It's okay Killa, I deserve harsh words." Sinamahan niya iyun ng pagtawa na mabilis ikinapalakpak ni Margarita.

"See that? Samantha isn't stupid not to know that she is stupid." Muling palatak ni Margarita kaya tuluyan na itong hinarap ng dalawa.

"Margarita! This isn't the right time to talk like that." Sikmat ni Sierra.

"Whatever." Sagot ng huli na ikinatawa niya lang muli. Hindi niya naman masisisi si Margarita kung ganto ito magsalita sa kanya ngayon, pagkatapos niyang sabihin sa tatlo ang nakatakda niyang pagpapakasal kay Lander si Margarita ang hayagang tumutol doon habang ang dalawa naman ay hindi umimik at basta sinuportahan lang siya sa desisyon niya.

"Excuse me girls, I will just borrow my wife for a while." Sabay-sabay silang napalingong apat kay Lander na biglang sumulpot mula sa gilid niya, ni hindi man lang hinintay ng asawa ang approval ng tatlo nilang kaibigan at basta na lang siya nitong hinila sa braso palabas sa loob ng reception hall. Sa sobrang bilis ng paglalakad nito ay ilang beses pa siyang natapilok at muntikang madapa. She tried to snatch back her arms but Lander's grip is too strong for her so she just let him pull her.

Nagtungo sila sa parking area at basta na lang nitong binuksan ang passenger seat ng Audi nito at walang ingat na itinulak siya nito papasok, napangiwe siya ng tumama ang ulo niya sa bubong ng kotse. Ilang segundo lang ang binilang ng sumakay sa driver's seat si Lander at agad pinagana ang makina ng sasakyan, mabilis nitong pinaandar ang sasakayan kahit hindi pa niya naisusuot ang seatbelt niya kaya mabilis siyang kumapit sa gilid ng kanyang upuan sa takot. "P-please slow down." She tried begging.

"Scared?" Nang-uuyam na tanong ni Lander bago ito biglang prumeno dahilan para ang ulo niya'y biglang tumama sa compartment, kung hindi niya lang nadantay ang kaliwang kamay ay siguradong mas malala ang magiging tama nun.

Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang isinuot ang seatbelt niya dahil natatakot siyang baka patakbuhin ulit ng ganun katulin ni Lander ang sasakyan at baka nga sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang tumilapon. She glances at Lander who's now looking at her, there's a hint of regret flash through his eyes that fades instantly when she caught it.

He tsked before starting to drive again, still fast but slower than earlier. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Lander, ang alam niya nga ay nakatakda silang lumipad pa Thailand para sa honeymoon nila. Nakahanda na din ang private plane na gagamitin nila para sa kanilang honeymoon kaya nagtataka siya na hindi ito ang daan patungo sa RG airlines.

Ilang minuto din yata ang naging byahe nila bago ihinto ni Lander ang kotse nito sa isang condominium. Kagaya kanina ay mabilis nanamang hinila ni Lander ang braso niya tsaka walang imik silang sumakay sa elevator. Pinindot nito ang 10th floor at ilang minuto lang ay nasa naturang floor na sila.

"Your room is in the right side." Malamig ang tono ng boses ni Lander ng ituro nito sa kanya ang kwarto niya daw ng tuluyan silang makapasok sa unit nito.

Nagpalinga-linga siya tsaka niya to nagtatakang tinignan.

"Baka hinahanap nila tayo don." Hindi niya maiwasang mag-alala. Wala siyang hawak na kahit ano ngayon, ang cellphone niya ay naiwan sa pangangalaga ng kasambahay nila na umattend din naman ng kasal niya kanina. "Tsaka ngayon tayo naka schedule na magpunta ng Thailand." Daldal niya pa na sana hindi na lang niya ginawa, Lander's eyes are now sending her dagger look.

"Are you happy that you get what you want, Samantha?" Napalunok siya ng diretso siyang tignan ni Lander, bakas sa mata nito ang labis na galit sa kanya. "Was it ecstatic that you finally marry me? Your bestfriend? The man whom you love ever since?" Sarcasm filled his voice as he said that, hindi siya makaimik sa sinabi nito.

Pinakiramdaman niya ang sarili niya, masaya ba siya sa ginawa niya? Worth it ba ang pagkakabayani niya? Tama bang iniligtas niya ang taong hindi gustong magpaligtas?

Was it worth it? Hindi hinintay ni Lander ang sasabihin niya at basta na lang itong pumasok sa loob ng kwarto nito. Napabuntong-hininga siya at sandaling natulala sa pinasukan nito bago siya magdesisyong pumasok sa kwarto niya para sana magpahinga.

"I'm Leaving." Napabaling siya ng tingin kay Lander ng magsalita ito, ni hindi man lang niya narinig na bumukas ang pinto ng kwarto nito.

He flatly said that kaya siya tuluyang napahinto sa akmang pagpasok sana sa kwarto. Hinarap niya ito at pansin niya agad na nakapagpalit na ito ng damit, a simple white v-neck shirt that can define his broad chest, a crago shorts and a white slip ons.

"Ha? Bakit at saan naman ang punta mo?" Taka niyang tanong dito, if she sounds so worried or controlling she doesn't care at all. Ayaw niya lang yung pakiramdam niya ngayon na mag-iisa siya dito.

"It's none of your business." Inis na sagot nito sa kanya sabay dire-diretso itong naglakad palabas ng hindi man lang siya sinusulyapan.

"But I'm your wife. Dapat alam ko rin kung san ang punta mo." Mahinang bulong niya habang sinusundan ng tingin si Lander na tila hindi na narinig ang naging tugon niya.

Napapitlag siya sa lakas ng pagkakasara nito ng pintuan kaya siya napahawak sa dibdib niyang naninikip sa halo-halong emosyong naranasan ngayong araw.

Lander will always be her unrequited love, hindi siya nito mamahalin at unti-unti na rin naman niya iyung tinatanggap sa sarili niya, noon pa naman kase talaga ay itinatak na niya sa isipan niya na hindi naman lahat ng bagay ay nasusuklian.

Napa-buntong hiningang dumiretso na lang siya sa kwartong pagtutuluyan niya. Malinis naman yung kwarto at may sariling banyo na siya sa loob. Maayos ang kama at nasa tabi nun ay ang kanyang maleta, mukhang hinanda na ni Lander ang lahat.

Hinubad niya ang suot niyang heels dahil nanakit na ang mga paa niya dahil kanina niya pa iyun suot at bukod pa doon ay marahas ang pagkakahila ni Lander sa kanya. Kinuha niya ang kanyang maleta at ipinatong sa kama para makakuha siya ng maisusuot. She picked up her blue pajama's and undies, hindi na rin siya nag-abalang magsuot ng bra dahil gabi na.

She decided na bukas na lang niya aayusin ang mga damit para ilagay iyun sa kabinet, pagod na pagod na siya at ang gusto niya na lang gawen ngayon ay ang mahiga at matulog na lang.

Pumasok siya sa banyo at buti na lang at may mga nakalagay na doon na toothbrush, shampoo, toothpaste and body wash. She removed her gown, it's a simple white long dress with a touch of black to the upper and lower part of the lace. The style of the gown enhanced her curves, it was Killa who designed her gown.

Sinunod niyang hubarin ang kanyang undergarments tsaka niya ipinuwesto ang kanyang sarili sa shower. She closed her eyes when she felt the water slowly drifting on her body.

She only have one question in her mind.

What will gonna happen next?

NAGISING siya ng maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, nilibot niya ng tingin ang paligid at napangiti na lang. Naalala niyang siya na nga pala ngayon si Mrs. Mara Samantha Montesor Gilmore...... masaya sanang isipin kung mahal din siya ni Lander.

Dahan-dahan siyang bumangon at nag-unat ng katawan. Tinignan niya ang wallclock. It's seven twenty one in the morning.

Tamang-tama, paglulutuan niya si Lander ng paborito nito, dali-dali siyang dumiretsong banyo. Naghilamos lang siya at nag toothbrush sabay itinali niya lang ang medyo wavy niyang buhok.

Lumabas siyang kwarto at dumiretso ng kusina. Binuksan niya ang ref at buti na lang at may mga stocks ng karne na nakalagay doon, pati na rin ang mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto ay kumpleto na rin.

Masayang kukunin niya na sana ang mga gagamitin niya ng may maalala siya.

"Umuwe na kaya si Lander?"

Napapikit siya ng mariin ng hindi nga pala siya sigurado kung umuwe na ba ito kagabi or what?

Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto kung saan ang kwarto ng binata.

Huminga muna siya ng malalim bago siya mag decide na pihitin ang door knob, hindi iyun naka lock kaya't dahan-dahan niya ulit na binuksan ang pinto, she saw him peacefully sleeping on his bed.

Nakadapa itong matulog at wala din itong pang-itaas kaya't malaya niyang napagmamasdan ang malapad nitong likod.

Napangiti na lang siya sa sarili, atleast umuwe ito.

Day one of being his wife makes her feel so happy. Too much happiness that it scares her.

Dahan-dahan niyang isinarado muli ang pinto ng kwarto nito atsaka siya bumalik sa kusina. Naghanap pa nga siya ng maisusuot sa paa dahil nanlalamig siya sa tiles, may nakita siyang tsinelas kaya't ayun ang ginamit niya.

Kinuha niya rin ang apron na nakasabit sa dingding at sinimulan niya ng hugasan ang mga gagamitin niya.

Patapos na siya sa pagluluto ng bigla siyang mapapiksi at muntikang mapasigaw ng biglang sumulpot at magsalita si Lander sa likuran niya.

"What are you doing?" Tanong nito sa kanya. Sinulyapan niya ito sabay nginitian.

"Nagluto ako ng breakfast natin. Kain ka na sakto at tapos na akong magluto." Pag-aaya niya dito, kunut-noo siya nitong tinignan kaya bigla siyang binundol ng kaba. "Sorry, pinakielaman ko yung kusina mo." Hingi niya agad ng paumanhin, baka kase kaya masama ang tingin nito sa kanya ay dahil sa pagiging pakielamera niya.

"You can cook?" Parang hindi pa makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Yeah..." nahihiyang nginitian niya ito sabay tinanggal niya na ang suot na Apron at ihahain na sana ang naluto.

"Forget it. Itapon mo na lang yang hinanda mo, wala akong gana." Hindi makapaniwalang tinignan niya ito.

"A-ano yun?" Utal niyang tanong, baka kase namali lang siya ng dinig.

"Sabi ko itapon mo na lang yang hinanda mo kase wala akong gana." Walang emosyong pag-uulit nito sa sinabi.

Tama nga ang dinig niya, wala daw itong ganang kumain.

"Ayaw mo ba ng pagkain? Palitan ko na lang?" Baka kase ayaw nito nung inihain niya, baka hindi nito gustong kumain ng paborito nito ngayon.

"Ayokong kumain." Napayuko na lang siya ng matalim siya nitong tinignan.

"Sayang kase ang dami kong hinanda e." Katwiran niya baka sakaling magbago ang isip nang asawa but to her dissapointment he didn't

"Then who the hell told you to prepared that?" Turo nito sa mga niluto niya sabay padabog na nilisan nito ang kusina at pumasok ulit ito sa kwartong inuukopahan.

Tinignan niya lahat ng hinanda, nanghihinayang siya sa mga niluto niya. Naiiyak din siya dahil nasayang yung effort niya.

Huminga siya ng malalim tsaka niya isa-isang niligpit ang mga nakahain. She's strong! Hindi siya iiyak.

Bakit naman siya iiyak? Para lang dito iiyak siya? Pero kahit anong kumbinse nya sa sarili ay sunud-sunod pa ding tumulo ang mga luha sa mata niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status