SA HALIP NA tumigil ay lalo pang malakas na umiyak si Daviana nang yakapin siya ni Rohi at palisin nito ang kanyang mga luha. Hindi sa umaarte siya o nagsisisi pero masakit pala talaga ito. “What do you want me to do now, hmm? Sorry na. Kasalanan ko. Hindi ko na dapat ginawa. I’m sorry.”Mariing kinagat ni Daviana ang kanyang labi. Sobrang bait talaga ng binata na kahit hindi naman niya kasalanan ay inaangkin niyang sa kanya. Basically, silang dalawa ang may kagustuhan noon. Hindi lang ito. Hindi lang siya. Silang dalawa naman. “Viana, sabihin mo kailangan ba kitang dalhin sa hospital? May masakit ba sa’yo? Baka kapag dinala kita doon maibsan ang sakit na nararamdaman mo.”Hindi sinasadyang natawa na si Daviana. Bakit kailangan niyang dalhin sa hospital? Ano na lang ang sasabihin sa kanila ng doctor na titingin? Kung gagawin nila iyon para na rin nilang ini-announce sa kanila na ginawa nila iyong bawal. “Sira ka ba? Bakit mo ako dadalhin doon?”“Eh, kasi umiiyak ka at may masakit
KINABUKASAN AY NAGISING si Daviana na nakaunan at nakakulong pa rin sa mga bisig ng nobyo. Nakatulog siya habang may pinag-uusapan. Antok na antok pa siya nang idilat niya ang kanyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Rohi ang sumalubong sa kanya. Bago niya pa matakpan ang bibig ay nagawa na nitong halikan ang kanyang labi.“Good morning,” mababa at malambing nitong bati. “G-Good morning…bakit hindi mo ako ginising kagabi? Nakatulog ka na ba? O binantayan mo ako?”Iinot-inot siyang bumangon pero hinila siya ni Rohi at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Ayaw pang paalisin ng higaan. Dama niya na parang binugbog ang kanyang katawan, pero hindi na ito kasingbigat nang nagdaang gabi matapos gamitin.“Mamaya ka na bumangon, masyado pang maaga.”Nakangusong pinagbigyan ni Rohi ang nobyo. Yumakap na lang din siya sa katawan nito at isiniksik pa ang katawan palapit sa binata. Nang muli nitong halikan ang kanyang kabi ay mahina siyang humagikhik. Naninibago pa rin siya sa ka-sweetan nito
ILANG SEGUNDONG NATAMEME si Rohi sa naging tanong ng nobya. Maingat niyang hinawakan ito sa kanyang magkabilang balikat at kapagdaka ay mahigpit ng binigyan ng yakap. Ang binata rin naman. Ayaw niya sanang umalis sa araw na iyon. Gusto niya pang manatili sa suite at maghapon na ikulong lang sa mga bisig ang nobya. Makipag-bond lang sa dalaga, kaso may trabaho naman siyang biglaan na pupuntahan.“Pipilitin kong matapos nang maaga ang trabaho nang makabalik ako agad dito. Hmm?” Huminga lang si Daviana nang malalim at kapagdaka ay marahan ng tumango ng ulo upang sumang-ayon. Wala naman siyang ibang magagawa kahit na gusto niyang pigilan ito. Trabaho iyon, alangang pigilan niya ang nobyo? Magkayakap na tinungo nila ang pintuan ng suite matapos na ilang beses na pahapyaw halikan ni Rohi ang labi ng nobya. Pinanood siya ni Daviana na magsuot ng sapatos habang tahimik na nakatayo lang sa gilid na harapan niya. Para siyang asawa na hinihintay na matapos sa ginagawa ang kabiyak upang ihatid n
NAGTAAS NA NG isang kilay niya si Warren na sa mga sandaling iyon ay nakatayo sa labas ng pintuan ng ward kung saan naroon ang ina ni Daviana. Tinatanaw ang Ginang na nakaratay sa hospital bed. Humakbang siya papalayo doon habang nasa tainga pa rin ang kanyang hawak na cellphone. Ayaw niyang maulinigan ng ina ng dalaga na kausap niya ang dalaga at nagsumbong siya. Sinabi niya ang lagay nito na ang bilin ng Ginang ay huwag niyang gagawin.“Viana, you are great. You didn't reply to my message yesterday, so why did you see this one just now? Ikaw pa talaga ang tumawag sa akin—”Umigting na ang panga ni Daviana na tila nahuhulaan ng kalokohan ang ginagawa nito. Trap. “Warren? Huwag mong sabihin na nagsisinungaling ka lang sa akin at ginagamit mo ang Mommy ko bilang pain para lang makontak mo ako? Nagsisinungaling ka lang ba?!”“Anong nagsisinungaling na sinasabi mo?” ganting angil ni Warren na hindi na naman natutuwa sa pagbibintang ng kanyang kaibigan, “Nasa hospital nga ako ngayon at
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si
BAGO PA SI Warren makasagot ay tumunog ang kanyang cellphone para sa tawag ng kasintahan upang sabihin lang na dumating na doon si Melissa. Pansamantalang natigil ang kanyang planong makipagkarera ng dalawang laps sa presensya nito. Minabuti na lang nila ni Melissa na maupo sa labas ng track upang doon sila mag-usap matapos magyakap.“Dahil wala ka naman ng mga bodyguard na nagbabantay, bakit hindi na lang tayo tumakas dito?”Nakaka-tempt para kay Warren kung iisipin pero umiling siya. Ayaw niyang gawin ang bagay na iyon.“Hindi pa nakakalabas ng ospital ang Lolo ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama.”Pakiramdam ni Melissa ay guamagawa lang ito ng dahilan kahit pa kaya naman nilang lusutan na iyon. Ayaw niyang maging inferior sa iba, not to mention that the person is Daviana. Kailangan niyang ipahinto ang seremonya ng engagement. Kung tutuusin, si Warren pa rin naman ang tagapagmana ng pamilya Gonzales sa kanilang kumpanya. Tumakas man siya ngayon, sa mga kamay niya pa rin
NAPATALON NA SA tuwa si Warren dahil pinagbigyan na siya ni Daviana. Pakiramdam niya ay babalik na sila sa dati. “Siya nga pala, si Melissa, anong sabi niya sa plano mo? Napaliwanag mo na rin ng maayos sa kanya hindi ba?” Tumango na doon si Warren.“Oo. Maliwanag ang explanation ko sa kanya ng mangyayari. Tinanggap naman niya iyon. Hindi na siya umangal.”“Mabuti naman kung ganun.” tanging reaction ni Daviana na hindi na nagkomento pa doon ng iba. Hindi niya man tiyak ang future na gusto sa kanya ng amang si Danilo, kailangan niya pa ‘ring magpatangay sa agos ng kanilang plano. Kailangan niyang ituloy iyon. Hindi pwede ang hindi dahil wala na rin namang mawawala na sa kanya.“Siya nga pala, sabi ni Mommy ay i-check ko raw ang magiging process ng engagement kasama ka.” abot na nito ng papel.Tinanggap iyon ni Daviana at sinimulan na niyang basahin kung ano ang gustong mangyari ng mga magulang nila. Desidido ang pamilya Gonzales na magdaos ng isang malaking event. Ang plano ng proses