MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Daviana at Warren nang makita nila ang ama. Napansin agad ni Danilo ang tensyon na nasa pagitan ng anak at ni Warren sa pamamagitan pa lang ng kakaibang mga tinginan nila. Lumipad ang kanyang mga mata at may nakitang papel sa ibabaw ng center table. “Anong meron? Bakit bigla yata kayong natahimik?”Ilang beses na umiling si Daviana. Ibig niyang ipahiwatig kay Warren na hindi niya na kailangang sabihin sa ama ang ipinunta ng kaibigan sa bahay nila. Malamang pipilitin siya nito kapag sinabi niyang ayaw niyang sumama. Ano pa nga ba ang kanyang aasahan sa kanya?“Inimbitahan ko po si Viana, Tito Danilo na magpunta sa Hacienda namin. Sabi ko po ay doon niya gugulin ang bakasyon pero tinanggihan po niya. Busy raw po kasi siya eh.”Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Napahilot na siya ng kanyang sentido. Sumama pa ang pakiramdam niya nang lingunin siya ng ama at bigyan ng mga tinging kailangan niyang sumama at pumayag sa paanyaya ni Warren. Ma
KINABUKASAN AY MAAGANG pinuntahan ni Warren sa bahay nila si Daviana upang sunduin. Aayaw-ayaw pa nga sana doon ang dalaga ngunit maaga siyang binulabog ng ama. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang sundin ito kahit na labag iyonn sa kalooban niya. Pinilit niya ng amang maghanda. Hindi lang iyon, inihatid pa siya ni Danilo sa labas ng kanilang bahay at hinintay na makalulan ng sasakyan ni Warren nang sa ganun ay siguradong makakasama ang anak at wala itong anumang magiging palag. Nakahalukipkip lang si Daviana sa passenger seat. Hindi niya nililingon si Warren kahit na nahahagip ng kanyang mga mata ang panaka-naka ting pagsulyap na ginagawa sa kanya. Wala siyang planong kausapin ang lalaki.“Nasa trunk pa rin ng sasakyan ko ang luggage mo. Kunin mo na lang pagbalik natin.” Si Warren ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin siya nilingon ni Daviana na halatang wala pa rin sa mood makipag-plastikan sa kanya. Muli siyang sinulyapan ni Warren. Me
PINAGNILAYAN NI WARREN ang mga sinabi ni Daviana. Kung kapos ang kanilang pamilya sa pamemera para sa kanilang negosyo, malamang ay kailangan talaga nila ng tulong. Hindi naman siya maramot at kaibigan niya rin naman ang dalaga. Nakahanda naman siyang magpagamit sa kaibigan hanggang sa tuluyan silang makabangon at maging okay na muli. Kung sasabihin naman niya iyon kay Melissa, malamang maiintindihan ito ng girlfriend. Hindi ito magagalit. Matutuwa pa nga itong nakatulong sila.“Gusto mo bang magpakasal sa akin, Daviana?”Naikuyom ni Daviana ang kanyang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Anong tingin sa kanya ni Warren, desperada? Hindi niya habol ang pera ng kanilang pamilya. Wala siyang pakialam dito.“Hindi. May gusto akong ibang lalaki, paano kita magugustuhang pakasalan noon, Warren?” kaila niya.Naitikom na ni Warren ang kanyang bibig. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Daviana. Ang sagot na iyon ng dalaga ay dapat na magpapaginhawa sa kanyang kalamnan, ngunit hindi. T
IGINIYA AT DINALA ni Warren si Daviana sa isang malaking kwarto sa tabi mismo ng master bedroom. Pagkapasok nila sa kwarto ay hininaan ng lalaki ang kanyang boses.“Viana, Huwag mo sana akong sisihin kung hindi ako humingi ng pahintulot na isama siya dito.” anang lalaki na ang tinutukoy ay ang kasintahan niya, “Sana mabigyan mo pa ng chance si Melissa na maging maayos kayo. Sinabi ko naman sa’yo na mabuti siyang tao hindi ba? Saka girlfriend ko siya at best friend naman kita. Magkikita kayo ng maraming beses sa hinaharap kahit na hindi niyo gustuhing dalawa. Ako ang higit na magdurusa kung hindi kayo magkakasundo. Kaya sana, ikaw na ang siyang magkusa.”Inilapag ni Daviana ang kanyang dalang bag ng mga gamit sa mesa at muling tumingin kay Warren. Sobrang sama na ng loob niya sa lalaki. Heto na naman sila sa sitwasyong ganito.“Ikaw ang gustong makipag-date sa kanya, hindi ako kaya bakit dinadamay mo ako? Anong pakialam ko? Dapat lang talaga na magdusa ka kung may ganyan.” Medyo nalun
DATI-RATI AY SOBRANG magkasundo sina Anelie at Warren, subalit mula nang may kalokohang gawin ito kay Daviana na sinumbong ng kaibigan niya kay Anelie. Doon nagsimulang mawalan ng amor ang babae kay Warren. Syempre, kakampihan niya ang kaibigan na alam niyang dehado sa kanila dahil palaging ginagamit lang naman ito ni Warren.“Ano namang pakialam mo kung narito ako? At saka ano iyong sinabi mo sa kaibigan ko?” angil niyang halatang hindi na nagugustuhan ang sinasabi ng lalaking kaharap niya, “Hindi mo pala siya gusto eh bakit ginagamit mo? Ang kapal din talaga ng mukha mo eh. Huwag mo ng itanggi. Narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo patungkol sa kaibigan ko, Warren!” Dahan-dahang kumuyom ang kamao ni Warren. Nang-uuyam na ngumisi pa siya kay Anelie.“Ano naman kung narinig mo ang lahat? Dapat na ba akong kabahan?” “Oo, dahil sasabihin ko ang lahat ng narinig ko kay Daviana. Sasabihin ko kung paano niyo siya pinag-uusapan ni Melissa at pinagtatawanan sa pagiging tahimik at walang k
NAKAGAT NA NI Daviana ang kanyang labi sa pagiging prangka ni Anelie sa kabilang linya. Baka kasama rin nila dito si Rohi, iyon ang unang pumasok sa isipan ng dalag dahil batid niyang kung nasaan si Keefer ay naroon din ang lalaki. Kagaya na lang doon sa naging recruitment sa University nila. Magkasama silang pumunta doon. Hindi na nangiming magtanong si Daviana sa kaibigan. Hindi naman siguro iyon mamasamain ng kaibigan niya.“Kung ganun, kasama niyo rin si Mr. Gonzales?”Alam na agad ni Anelie kung sino ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.“Hindi eh, busy sa ibang trabaho ngayon si Mr. Gonzales at hindi siya sumama sa amin.” Napaawang na ang bibig ni Daviana. Napuno ng panghihinayang ang kanyang buong katawan.“Ganun ba? Sayang naman.” mahina niyang sagot na hindi naman binigyan ng kulay ni Anelie.Hindi na maipaliwanag ni Daviana kung bakit nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman niya. “Maiba ako, Daviana. Gusto mo bang sumama sa amin ni Keefer? Maglalakad-lakad lang kami. Panigurad
SA PALAGAY NI Daviana ay hindi pa iyon ang tamang oras at pagkakataon para umalma, bumaliktad at maging mas matigas siya dahil paniguradong malilintikan siya sa kanyang ama oras na makaratong dito ang ginawa niya. Napagtanto din ni Warren na ang kanyang mga naging salita ay malamyang excuse lamang niya. Ibinaling niya na ang kanyang ulo kay Daviana, nag-isip sandali habang matamang nakatingin sa mukha ng dalaga.“Hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin na nagkataong narinig ng kaibigan mo, Viana. Tunay namang masunurin ka di ba? Tinanong lang naman ako ni Melissa kung gusto ko ba ang masunuring mga babae na gaya mo. Alam mo naman ang sagot doon hindi ba? Kabaligtaran ng ugali mo ang gusto ko at sa katauhan ni Melissa ko iyon natagpuan. Huwag mo sanang masamain kung ganun na lang ang naging reaksyon ko sa tanong ng girlfriend ko. Minasama lang ni Anelie iyon. Binigyan ng ibang kahulugan. Huwag mo na sanang palakihin pa ang hidwaan nang dahil lang doon, Viana. Mali lang ng pagkak
MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ni Melissa. May kakaiba ng ngising nakasukbit sa labi ng babae. Paano may naglalarong kalokohan sa isipan nito na hindi siya papayag na hindi niya masabi kay Warren.“Hindi naman, Beyb, pero parang gusto kong ikaw ang mangabayo sa akin—”“Huwag ka ngang puro kalokohan, Melissa!” pagputol agad sa kanyang sasabihin ni Warren, naiiling na ang lalaki sa kalokohan ng kanyang nobya. Pinandiliman niya pa ito ng kanyang mga mata. “Shut up!”“Nagbibiro lang naman ako eh.” nguso na ni Melissa na pinalambing pa ang timbre ng boses niya.Malakas ng tumawa si Melissa nang makita niya ang agarang pamumula ng mukha ng nobyo kahit na hindi na maganda ang tingin nito sa kanya. Huling-huli talaga niya kung nasaan ang kiliti ni Warren.“Hindi ako marunong mangabayo. I mean, iyong literal na kabayo ha, Beyb.” ani Melissa na napapabunghalit na naman ng tawa sa expression ng mukhang ibinigay sa kanya ni Warren doon.“Huwag kang mag-alala Melissa, pwede kitang turuan at ni Vi