SA KABILA NG hiling ni Daviana ay hindi siya natiis ng binatang pabayaan na lang. Sinundan pa rin siya ni Rohi sa ibaba ng hotel upang masiguradong mayroon siyang masasakyang taxi dahil kung wala ay ready naman siyang ihatid ang dalaga sa bahay nila na siya namang dapat niyang gawin. Hindi man sila ni Daviana magkasamang lumulan ng lift pababa, ginamit naman ng binata ang hagdan kung kaya naman pagbaba niya ng lobby ay tumatagaktak na ang pawis sa kanyang buong katawan at mukha. Habang nagmamadali naman na papalabas ng lobby ay nakita siya ni Daviana sa gilid ng kanyang mga mata. Masama na ang hilatsa ng mukha ng dalagang nilingon si Rohi na mabilis namang natigilan pagsunod. Ngunit nang muling humakbang ay muli niya rin itong sinundan. Bigla siya ni Daviana na nilingon ulit.“Sabi ko huwag mo na akong ihatid hindi ba? Huwag mo rin akong sundan! Napakakulit mo naman!” bulalas nitong hindi alintana ang mga taong makakarinig sa kanilang dalawa, na mangilan-ngilan lang.Tuluyang napa-pre
BINOMBA NI WARREN si Daviana ng mga message at tawag gamit ang social media account. Hindi pa siya nakuntento doon at walang patid din niyang tinawagan ang kanyang numero. Ganunpaman ang gawin niya, patuloy siyang dineadma ng dalaga. Isang araw pa ang lumipas at hindi na nakatiis si Warren sa ginagawa ng dalaga na kahit i-seen ay hindi nito ginagawa. Naisip niya na baka nga ni-restrict na siya nito. Nagtungo na siya ng bahay nina Daviana, nagkatong naroon ang ama ng dalaga at siya mismo ang nagbukas ng pintuan. Lumapad ang ngisi nito nang makitang siya iyon. “Oh? Warren, napadalaw ka?” “Tito Danilo, hinahanap ko po si Viana. Nariyan po ba siya sa loob?”“Si Daviana? Oo yata. Nasa silid niya. Hindi mo ba siya makontak?”“Hindi niya po sinasagota ang tawag ko.”“Sandali at sasabihan ko siyang bumaba para harapin ka. Maupo ka muna sa sofa. Dito mo na siya hintayin.”anang ama ni Daviana na mabilis ng umakyat ng hagdanan nila.Sinundan lang siya ng tingin ni Warren. Pagdating ng lalaki
NAPAKAGAT NA SA kanyang labi si Daviana. Nahigit na rin niya ang kanyang hininga. Totoo ba talagang nagbago na siya? Paano? Saang anggulo? Bakit hindi naman niya ramdam? Maaari nga sigurong may pagbabago sa kanya pero nang dahil din naman iyon sa kagagawan ng kaibigang kaharap niya. Siya ang nagturo at nagtulak sa kanyang magbago ang attitude. Hindi lang iyon, pati ang magulang nito. Ano naman kung mas madismaya pang lalo si Warren ng mga sandaling iyon? Deserve niya naman iyon! “Pumunta ako dito ngayon dahil umaasa akong makakausap ka ng matino. Ayokong makarinig ka ng masasakit na mga salita mula sa ibang tao dahil lang sa kaibigan mo ang anak sa labas na iyon. Hindi ba't namuhi ka kay Rohi gaya ng ginawa ko sa kanya noon? Anong nangyari, Viana? Bakit, dahil lang sa galit mo sa akin, ay lumapit ka sa kanya at nakipagkaibigan ka pa? Talaga lang ha? Friend kayo? Sure ka, Viana?”Sinimangutan siya ni Daviana. Siya pa talaga ang may lakas ng loob na sumbatan nito ng kung anu-ano? Ano
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Daviana at Warren nang makita nila ang ama. Napansin agad ni Danilo ang tensyon na nasa pagitan ng anak at ni Warren sa pamamagitan pa lang ng kakaibang mga tinginan nila. Lumipad ang kanyang mga mata at may nakitang papel sa ibabaw ng center table. “Anong meron? Bakit bigla yata kayong natahimik?”Ilang beses na umiling si Daviana. Ibig niyang ipahiwatig kay Warren na hindi niya na kailangang sabihin sa ama ang ipinunta ng kaibigan sa bahay nila. Malamang pipilitin siya nito kapag sinabi niyang ayaw niyang sumama. Ano pa nga ba ang kanyang aasahan sa kanya?“Inimbitahan ko po si Viana, Tito Danilo na magpunta sa Hacienda namin. Sabi ko po ay doon niya gugulin ang bakasyon pero tinanggihan po niya. Busy raw po kasi siya eh.”Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Napahilot na siya ng kanyang sentido. Sumama pa ang pakiramdam niya nang lingunin siya ng ama at bigyan ng mga tinging kailangan niyang sumama at pumayag sa paanyaya ni Warren. Ma
KINABUKASAN AY MAAGANG pinuntahan ni Warren sa bahay nila si Daviana upang sunduin. Aayaw-ayaw pa nga sana doon ang dalaga ngunit maaga siyang binulabog ng ama. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang sundin ito kahit na labag iyonn sa kalooban niya. Pinilit niya ng amang maghanda. Hindi lang iyon, inihatid pa siya ni Danilo sa labas ng kanilang bahay at hinintay na makalulan ng sasakyan ni Warren nang sa ganun ay siguradong makakasama ang anak at wala itong anumang magiging palag. Nakahalukipkip lang si Daviana sa passenger seat. Hindi niya nililingon si Warren kahit na nahahagip ng kanyang mga mata ang panaka-naka ting pagsulyap na ginagawa sa kanya. Wala siyang planong kausapin ang lalaki.“Nasa trunk pa rin ng sasakyan ko ang luggage mo. Kunin mo na lang pagbalik natin.” Si Warren ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin siya nilingon ni Daviana na halatang wala pa rin sa mood makipag-plastikan sa kanya. Muli siyang sinulyapan ni Warren. Me
PINAGNILAYAN NI WARREN ang mga sinabi ni Daviana. Kung kapos ang kanilang pamilya sa pamemera para sa kanilang negosyo, malamang ay kailangan talaga nila ng tulong. Hindi naman siya maramot at kaibigan niya rin naman ang dalaga. Nakahanda naman siyang magpagamit sa kaibigan hanggang sa tuluyan silang makabangon at maging okay na muli. Kung sasabihin naman niya iyon kay Melissa, malamang maiintindihan ito ng girlfriend. Hindi ito magagalit. Matutuwa pa nga itong nakatulong sila.“Gusto mo bang magpakasal sa akin, Daviana?”Naikuyom ni Daviana ang kanyang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Anong tingin sa kanya ni Warren, desperada? Hindi niya habol ang pera ng kanilang pamilya. Wala siyang pakialam dito.“Hindi. May gusto akong ibang lalaki, paano kita magugustuhang pakasalan noon, Warren?” kaila niya.Naitikom na ni Warren ang kanyang bibig. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Daviana. Ang sagot na iyon ng dalaga ay dapat na magpapaginhawa sa kanyang kalamnan, ngunit hindi. T
IGINIYA AT DINALA ni Warren si Daviana sa isang malaking kwarto sa tabi mismo ng master bedroom. Pagkapasok nila sa kwarto ay hininaan ng lalaki ang kanyang boses.“Viana, Huwag mo sana akong sisihin kung hindi ako humingi ng pahintulot na isama siya dito.” anang lalaki na ang tinutukoy ay ang kasintahan niya, “Sana mabigyan mo pa ng chance si Melissa na maging maayos kayo. Sinabi ko naman sa’yo na mabuti siyang tao hindi ba? Saka girlfriend ko siya at best friend naman kita. Magkikita kayo ng maraming beses sa hinaharap kahit na hindi niyo gustuhing dalawa. Ako ang higit na magdurusa kung hindi kayo magkakasundo. Kaya sana, ikaw na ang siyang magkusa.”Inilapag ni Daviana ang kanyang dalang bag ng mga gamit sa mesa at muling tumingin kay Warren. Sobrang sama na ng loob niya sa lalaki. Heto na naman sila sa sitwasyong ganito.“Ikaw ang gustong makipag-date sa kanya, hindi ako kaya bakit dinadamay mo ako? Anong pakialam ko? Dapat lang talaga na magdusa ka kung may ganyan.” Medyo nalun
DATI-RATI AY SOBRANG magkasundo sina Anelie at Warren, subalit mula nang may kalokohang gawin ito kay Daviana na sinumbong ng kaibigan niya kay Anelie. Doon nagsimulang mawalan ng amor ang babae kay Warren. Syempre, kakampihan niya ang kaibigan na alam niyang dehado sa kanila dahil palaging ginagamit lang naman ito ni Warren.“Ano namang pakialam mo kung narito ako? At saka ano iyong sinabi mo sa kaibigan ko?” angil niyang halatang hindi na nagugustuhan ang sinasabi ng lalaking kaharap niya, “Hindi mo pala siya gusto eh bakit ginagamit mo? Ang kapal din talaga ng mukha mo eh. Huwag mo ng itanggi. Narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo patungkol sa kaibigan ko, Warren!” Dahan-dahang kumuyom ang kamao ni Warren. Nang-uuyam na ngumisi pa siya kay Anelie.“Ano naman kung narinig mo ang lahat? Dapat na ba akong kabahan?” “Oo, dahil sasabihin ko ang lahat ng narinig ko kay Daviana. Sasabihin ko kung paano niyo siya pinag-uusapan ni Melissa at pinagtatawanan sa pagiging tahimik at walang k