Lizabeth's POV
Tulala lamang kaming tatlo nila Irene at Weslynn kay Kevin. Nakaupo na kami ngayon sa isang table. Paano ba naman kami hindi matutulala sa kanya? Naka bistida siya! Naka make-up at naka sandals!
In short, babae na si Kevin!
"Bakit ba kayo gan'yan makatingin?" mahina niyang tanong at pinaglalaruan ang dulo ng kanyang buhok.
"Ehem."
Naputol ang pagkatulala namin nang tumikhim si Weslynn. Napatikom ang nakaawang kong bibig at saka umayos ng upo. Maya-maya lamang ay dumating ang order naming pasta at inilapag na sa aming lamesa.
"So... what's up? Long time no see, guys," wika ni Irene habang nakangiti.
Tinugon namin siya ng ngiti at si Weslynn ay uminom ng tubig. Parang awkward pa din ang atmosphere sa pagitan naming apat. 'Yong feeling na ngayon lang kami nagkakila-kilala pero ang totoo ay hindi naman.
(Continuation of chapter 42)Lizabeth's POV"May problema ba?"Saka ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si Lloyd. Dahan-dahan akong tumango at pilit na ngumiti. Hindi naman siguro niya napansin kaya inanyayahan na niya ako papunta sa dining.Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng mansyon, hindi kagaya sa labas ay maraming nabago dito sa loob ng bahay nila. May mga nadagdag na furnitures, paintings, at may mga pinalitan naman kagaya ng sofa at saka chandelier."Have a seat, pababa na din si Kuya mamaya. May tatawagan lang daw siya."Ipinaghila niya ako ng upuan at saka naman siya naupo sa tabi ko. Napansin ko din na medyo lumaki ang katawan ni Luis at may manipis na balbas na din siya. Nag-mature pa siya lalo."Kamusta ka na? Tagal mong nawala."Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng tatlong tao
(Continuation of chapter 42)Lizabeth's POVPagbalik ko sa condo ay naabutan kong naghihintay si Faye sa labas ng pinto ng unit ko. Nakaupo siya sa sahig habang pasipol-sipol ngunit nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo."Beth! Nandyan ka na po pala, linisan ko na po unit niyo?" saad niya.Ngumiti naman ako nang makalapit ako sa kanya."Kanina ka pa ba dito?" tanong ko."Ah... hindi naman po, patapos na din po kasi duty ko kaya naisipan ko pong hintayin ka na lang."Binuksan ko na ang pintuan ng unit at saka ako pumasok."Sige, pasok ka."Tulak-tulak niya ang rolling table. Nang makapasok siya ay sinarado na niya ang pinto."Kumain ka na po ba? Mukhang napagod po kayo sa lakad niyo." Nagsimula na siyang maglinis."Tapos na. Ikaw ba? Gabi na mukhang hindi ka pa kuma
Lizabeth's POVHindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Nagulat na lang ako nang halikan niya 'ko. Kaagad ko siyang pinalabas ng unit ko at sinigurado kong naka-lock ang pinto.Lasing siya, naaamoy ko ang matapang na alak mula sa hininga niya. Ayaw kong magpatalo sa nararamdaman ko kasi kapag nagkataon, lalabas na kabet niya 'ko."Beth? Hey, nakikinig ka ba?"Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Irene. Kasama ko silang tatlo ngayon, nandito kami sa bilihan ng wedding gown. Pero kahit kasama ko sila ay parang wala ako sa sarili."H-ha?" kandautal kong tugon.Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napailing. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at saka pilit na ngumiti."Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa tulala at lumilipad ang isip d'yan," wika ni Kevin at tinabihan ako sa sofa.Si Weslynn
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNanatili kami sa gano'ng sitwasyon ng ilang segundo. Ang mga mata niya ay magaganda pa din kagaya noon pero kakikitaan ng lungkot. Ano bang meron sa lalaking ito at ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko sa simpleng mga titig niya lang sa 'kin?"Sir, ito na po ang meryenda niy—"Kaagad akong lumayo sa kanya nang biglang dumating ang matandang kasambahay na nakatingin sa aming dalawa. May dala siyang tray na may lamang dalawang baso ng juice at saka cookies sa isang pinggan."Ehem. Just put it in here," saad ni Kenzo habang tinuturo ang maliit na center table.Inilapag doon ng matanda ang tray habang hindi nawawala ang tingin sa akin. Pinili ko na lang na hindi salubungin ang mga tingin niya at bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa.Nang makaalis siya ay inilapag ko ang folder sa lamesa at itinulak para mapalapit ito s
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNgumiti siya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang ngipin. Halos mawala na din ang singkit niyang mga mata dahil sa pagngiti niya."Yah, sabi ko na ikaw 'yon. Medyo nagbago lang ang hitsura mo pero kilala pa din kita. Gumanda ka lalo ngayon," pambobola niya sa akin.Napailing na lang ako habang kausap siya."'Sus, nambola ka pa. Marami ka na sigurong babaeng napaiyak.""Grabe ka naman, hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?"Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang babaeng waiter at inilapag ang kape ko sa lamesa."So, what's your name?" tanong niya habang magkadaop ang palad sa ibabaw ng lamesa.Humigop ako sa kape ko."Just call me Beth. I'm also known as Madam Liz," tugon ko naman."Hmm... parang narinig
Lizabeth's POVFrom: Darren[Punta ka naman sa gym ko, libre na para sayo ;)]Maaga akong nagising, ay mali. Nagising pala talaga 'ko. Hindi ko na mabilang kung ilang message at missed call na ang narinig ko simula pa kaninang madaling araw at lahat ng 'yon galing kay Darren.Sa Paris ay nagyo-yoga ako madalas pero hindi ko pa nasubukang mag-gym. Sayang din naman kung hindi ko papaunlakan ang alok niya, libre na sis, aarte pa ba?Nakasuot na ako ngayon ng sports bra na pinatungan ng itim na hoodie jacket na may zipper. Tapos itim na leggings at rubber shoes naman sa paa. Itinali ko din ang buhok ko at saka ko na sinukbit ang backpack kong may lamang tubig, tuwalya, at pamalit na damit.Lumabas na ako ng unit at sinarado ko na ito. Ngunit parang nasira na agad ang araw ko nang may isang taong ayaw na ayaw kong makita ngayong umaga."Good morning, punta ka sa gy
(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POV"What's your problem, men?" bulyaw sa kanya ni Darren habang pinapahid ang dugo niya sa may labi. Tumayo siya at saka hinarap si Kenzo na nakakuyom na ang kamao.Ngumisi si Kenzo at saka tumiim ang bagang."Shut your f*cking mouth. You pervert!""Alam mo napaka yabang mo, sino ka ba, ha?""You don't know me?" Tinaasan siya ng kilay ni Kenzo. Kinuwelyuhan niya si Darren kaya nag-panic ako."Kenzo, enough," bulong ko sa kanya habang hawak ang balikat niya pero parang wala siyang narinig."I'm Kenzo Navarro, an actor, an idol, and a king. My family own the biggest company of jewelry and shoes in America and I can buy this whole mall including this f*cking gym of yours," mahina ngunit maawtoridad na sabi niya.Nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple ni Darren at para bang map
(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POVBlinock ko na ang number ni Darren sa contacts ko. Syempre pagkatapos ng nangyari kanina ayaw ko na siyang makausap ulit.Nagtitimpla na ako ng juice ngayon, sisimulan ko na 'yong new design na susuutin ni Kenzo. Hapon na din at kakatapos ko lang kumain ng tanghalian. Dumiretso na ako sa may sofa ko at ipinatong ang baso ng juice sa center table kung saan naroroon ang mga oslo paper at color pencil na gagamitin ko.Sinimulan ko nang gumawa. Sinigurado kong masa-satisfied ng design ko ang standards ni Allyson kahit hindi naman siya ang magsusuot.Inabot din ako ng halos tatlong oras sa paggawa hanggang sa makatapos ako ng naisip kong design. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisip kong bumaba para kumain sa resto ni Leo na hindi naman masyadong malayo mula dito."I hate you! Gusto mo bang makarating 'to sa daddy mo?!"