SALUBONG ang mga kilay ni Tanya ng umuwi isang hapon sa condo unit ni Sixto. Sobra siyang napipikon sa mga kaklase niyang mga pabuhat. Group presentation pero siya lang mapupuyat at gagawa mag-isa. She even texted each member of her group to remind the informations she assigned to each member. Pero ang mga pasaway na iyon ay hindi ‘man lang nagreply. Desidido na siyang alisin silang lahat at kanyahin na lang ang presentation na iyon.
Ngayon lang siya magiging selfish sa lahat ng bagay na mayroon siya. Natigil siya sa pag-aalis ng sapatos at stockings nang madinig ang pamilyar na mga boses na nagmumula sa living room. Dali dali siyang pumasok at iniwan sa door step ang mga gamit niya.
“Kit!” Masaya niyang tawag sa pamangkin. Maluwang na napangiti ang bata at patakbong lumapit sa kanya saka yumakap. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito na mamula mula pa. “I miss you! Sino kasama mo dito?” tanong niya.
“Present!” It was Mike holding a beer mug. Kasunod nito si Alfred na may hawak din beer mug. “Mukhang naalagaan naman pala nung yaya si Tanya,” pabirong sabi ni Mike.
“Tita, kailan ka babalik sa bahay? Dito ka na titira kay ninong Sixto forever?” Sunod sunod sunod na tanong ni Kit sa kanya na kinatawa ni Mike. Tiningnan niya lang ito nang masama.
“No, babalik din ako kapag ayos na lahat, Kit. Hindi ko pa alam kung kailan.”
Muli niyang pinisil ang pisngi nito. Sabay sabay sila lumingon nang bumukas ang pintuan at naglitanya ang pumasok na dinaig pa ang pinsan niya kung mangaral sa pagiging makalat. Sa dalawang araw niyang pananatili sa iisang bahay kasama si Sixto, mas nakilala niya ito at ‘di hamak na mas malinis pala ito kaysa sa kanya.
Sixto loves to pick up trashes she drop on the floor, wash the dishes and do his own laundry. Parang ayaw nito pahawakan sa kanya ang mga labahan o mas tamang sabihin na wala itong tiwala sa skills niya. Kaya naman madalas sila magtalo na dalawa. Sa lahat ng bagay, sa grocery lang ito palpak dahil hindi ito marunong tumingin tingin at lagay lang lagay sa cart. Natigil naman ito sa paglilitanya nang makita sila sa living room.
“What the –“ Bulalas ni Sixto ngunit nahinto nang makita si Kit na nakayakap sa kanya. “Paano kayo nakapasok dalawa?”
“Mike knows your passcode combination.” Si Alfred na ang sumagot saka nagtungo ito sa couch at naupo doon. Kinuha niya kay Sixto ang mga gamit niya saka inaya na si Kit na pumasok sa kwarto. Kahit nasa loob na sila, dinig na dinig niya paano kinantyawan ni Mike si Sixto ng paulit ulit.
Naiiling siyang nagpalit ng damit at tinali pataas ang buhok niya. Napangiti siya nang makita nahiga si Kit sa kama at doon nanonood sa hawak nitong tablet. Gano’n din ito kahit sa sarili niyang kwarto. Pagka-ayos niya siya sarili, iniwan niya ang bata doon saka muling lumabas na.
“Ligaw lang pinaalam mo kay Alfred pero ngayon magkasama na kayo sa iisang bahay,” tukso ni Mike na tila sinakto pa sa paglabas niya. Inirapan niya ito saka tinungo ang mga box na dala ni Alfred. Naroon sa loob noon ang mga libro niyang biniling dalhin kapag dadalaw ito sa kanya kaso hindi naman niya sukat akalain na ngayon pala iyon. “Saan ka natutulog, Sixto?” tanong pa ni Mike.
Napatingin sa kanya si Alfred sandali tapos dumako ang tingin nito kay Sixto at mas matagal doon nanatili ang mapanuring mga mata nito.
“Sa lapag minsan sa couch,” tugon ni Sixto saka inunat ang braso nito. Palagi nito nirereklamo na masakit ang katawan nito kada gigising. Masyado kasi itong mataas na tao para sa couch kaya lumalagpas ang paa nito. Kapag nasa carpeted floor naman, pabiling biling lang ito. Hindi sanay na matigas ang higaan kaya naawa siya dito kaso kapag aasarin siya nito, napapawi ang awa. “Hindi mo ako katulad Mike,” anito saka tumayo na at tumungo sa kusina.
“Sa ating tatlo ikaw ang pinaka-mapanganib dahil hindi pwede sayo na walang nangyayari,” ani Mike na dahilan ng pamumula ng mukha niya. Nanlaki mga mata ni Mike nang makita ang pamumula ng mga mata niya. “Teka, I think we missed something big, Alfred,”
“What?” Seryosong tanong ni Alfred.
“Kayo na bang dalawa?” Hindi siya nakasagot agad kaya lalong nagsuspetsya si Mike habang si Alfred gano’n pa din ang expression, madilim mga mata at seryoso. Sinara niya ang box na tinitingnan saka binuhat iyon papasok sa kwarto. Hindi niya masabi kung sila na nga ba ni Sixto.
Nung gabing hiniling nito na sana sa bawat paghakbang nito ay di na siya lalayo. Hindi niya alam kung ano na naman nagtulak sa kanya para halikan ito uli. The kiss they’ve shared was far different from the past three kisses they had. Mas malalim iyon at natagpuan lang niya na pareho nilang tinutugon ang halik ng bawat isa.
Naiiling niyang winaksi iyon sa isipan. Hindi niya dapat iniisip ang mga iyon ngayon. Matama niyang inayos ang mga libro niya habang sinasagot mga tanong ni Kit tungkol sa palabas na pinapanood nito. Isa iyon sa mga na-miss niya at nahiling niya umayos na sana ang lahat.
SI SIXTO na lang naabutan ni Tanya sa labas na gising. Nakaupo ito at tila nagmumuni habang nainom ng tsaa. Saglit niya ito pinagmasdan bago tinabihan. Inalok siya nito ng tsaa ngunit tinanggihan niya. Kapwa sila tahimik ng mga ilang sandali hanggang sa siya na mismo ang bumasag noon.
“Ano na tayo, Sixto?” tanong niya. Maang itong napatingin sa kanya.
Pakiramdam niya nasira niya ang pagmumuni nito pero gusto na niyang malaman kasi kung ano ba talaga silang dalawa. Sabi kasi sa mga napapanood at nababasa niya h’wag mag-settle sa walang label na relasyon. Ngunit anong nangyari sa sinabi niya noon na hindi niya kayang magmahal at wala sa bokabolaryo niya ang pagibig at seryosong relasyon. Gusto niya sabunutan ang sarili niya dahil doon pero gano’n yata talaga, hindi mapipigil ninuman ang puso na magmahal. Nagkataon pa na si Sixto ang lalaking magiging dahilan ng pagsugal niya.
“Are we dating or this is just a no label relationship?”
Nilapag nito sa lamesa ang baso at tumikhim bago nagsalita. “Ikaw ang makakasagot niyan, Tanya,” Tumingin ito diretso sa mga mata niya. “Ibabalik ko sa ‘yo ang tanong, are we dating or not? Am I officially your boyfriend?"
Natigilan siya bigla at hindi nakasagot agad. Tila ba nalunok niya ang dila niya at nalulunod sa mga titig nito. Sinundan niya lang nang tingin ang bawat pagkurap ng mga mata nito. Mali yatang tinanong niya iyon na hindi siya prepared. Nanlalamig na ang palad at talampakan niya.
“Hey, Tanya, breath… “
She released a deep sigh that made Sixto laugh. Hinampas niya ito sa dibdib nito dahil sa sobrang inis dito. “Bwiset ka talaga,”
“Don’t forget to breath please. Nakakatakot ka baka mamaya tumumba ka na lang diyan,” hinampas niya itong muli. “So, going back to my question, Tanya,”
“Ano…”
Nginitian lang siya nito saka ginulo ang buhok niya. “Pag-isipan mong maigi. Hindi naman kita minamadali,” anito saka sinapo ang magkabilang pisngi niya at hinaploas iyon. “Sleep now, Tanya. Good night.”
Kinabukasan, nag-aya si Kit na mag-amusement park at wala silang laban na apat nang magsimula na itong magtantrums. Actually, it was Sixto who gave in first. Sinagot nito ang ticket nilang lahat dahil sa awa sa pamangkin niya. Si Mike na bahala sa lunch nila at si Alfred – kahit napipilitan – ang bahala sa dinner. Habang siya at si Kit ng prinsesa at prinsipe nung tatlo.
Wala siyang trabaho at hindi niya pwedeng ipang-ambag ang allowance binibigay ni Alfred sa kanya. Ginamit nila ang van ni Mike at kasama na naman nito yung babaeng lumalandi kay Sixto sa resort noon. Syempre, panay na naman ang pa-cute nito kay Sixto.
“Mag-horror house tayo,” suhestyon ng hitad na ka-date ni Mike.
Parang tanga, alam naman niyang may kasama kaming bata… aniya sa isipan.
Kit pulled her towards the bump car arena. Sinundan sila ni Alfred doon at ito na ang umasikaso sa anak nito. Ngayon lang magba-bonding ang mag-ama kaya hinayaan na niya. In the end, she went with Mike and Sixto inside the horror house. Nasa likod na lang siya ng tatlo habang naglalakad papasok. May mga naka-costume na nagtangkang manggulat sa kanya pero walang nagwagi. Hindi mga taong naka-costume na multo ang nagpakabog sa dibdib niya kung ‘di ang paghawak ni Sixto sa kamay niya.
“Stay closer to me, Tanya,” bulong nito sa kanya.
“Bakit natatakot ka sa mga naka-costume na ‘yan?” tanong niya dito.
“Nope. Mas takot akong mawala ka.” She heard an ack sounds coming from Mike.
Pang-asar talaga ang mokong na iyon kahit kailan. Kahit nakalabas na sila sa horror house hawak hawak pa din nito ang kamay niya dahilan ng pagtaas ng isang kilay ni Alfred. Tawa naman ng tawa si Mike sa likuran nila. Only Kit separates their hands. Hinila siya ni Kit papunta sa carousel. Excited itong pumila doon at nadadamay siya sa lakas ng energy ng pamangkin. Pagkatapos nila doon, nag-aya na si Mike maglunch. Napansin niyang wala na yung hitad na kasama nito na malamang ay dinespose na ni Mike.
Para kasing sira, sasama kay Mike pero kay Sixto magpapa-cute. Naiirita niyang sabi sa isipan.
“Daddy look, ninong’s wallpaper is Tita Tanya’s photo,” sambit ni Kit saka binigay sa ama nito ang cellphone ni Sixto. Binalik naman iyon ni Alfred kay Sixto agad at tawang tawa lang sa kanilang tatlo si Mike. Binato na nga niya ito ng tissue sa sobrang inis dito.
Nagpatuloy sila sa pagkain at nang matapos ay naglibot libot ulit hanggang sa abutin na sila ng gabi. They all both decided to eat in a buffet restaurant. Si Alfred na ang kumuha ng pagkain para kay Kit habang si Sixto naman sa kanya para hindi na sila tatayo pang dalawa ng pamangkin niya. Literal na buhay prinsesa talaga siya sa kapag kasama ang mga ito.
Pagkatapos nila doon, binaba lang sila ni Mike sa main entrance ng condo building. Madaming bilin si Alfred sa kanya kaya inabot ng ilang minuto bago naka-alis ang mga ito.
Pagkapasok nila sa unit, pabagsak siyang naupo sa couch at tumingala sa kisame. Kasunod niya pumasok si Sixto ngunit dumiretso ito sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. Hindi na niya nakikitang umiinom ito o naninigarilyo gaya dati nung bagong magkakilala palang sila. Hanggang hawak lang ito cigarettes stick pero hindi sinisindihan. Talagang nilalabanan nito ang paghahanap sa mga dating nakasanayan. Marahan siyang tumayo at sinundan ito doon.
“You want tea?” tanong nito sa kanya.
“Yes,” mabilis niyang tugon saka naupo sa bakanteng upuan sa harap ng breakfast table. “”Nag-enjoy ka ba ngayon?” tanong niya dito.
“Hmm, yeah pero hindi ako uulit sa vikings,” she bursts into laughter. Naalala niya kung gaano kaputla ang mukha nito pagkababa sa ride na iyon. Tinawanan pa ito ni Mike at sa unang pagkakataon, nakita niyang maluwang na ngumiti si Alfred. Naisip niya minsan iyon yata ang role nito sa barkada, either annoying friend or clown. “Tuwang tuwa ka din kahit sukang suka na ako,”
“Eh, para ka kasing bata. Anyways, nag-enjoy din ako pero nung umalis na yung kasama ni Mike.”
“You’re jealous of her?”
“Hindi kaya!” Tanggi niya ngunit hindi iyon tinanggap ni Sixto. Kaya sa huli umamin siya dito na kinangiti naman nito. Inabot nito sa kanya ang tasa ng mainit na tsaa saka naupo sa tabi nito. It was a tiring yet happiest day ever in her life. Para siyang naging literal na bata at sandali niyang nalimutan ang mga problema niya sa buhay at sa school. “Uhm, Sixto…”
“Hmm?”
“Let’s do it…” aniya dito na kinakunot ng noo nito. “the girlfriend-boyfriend thing,”
“SIGURADO ka ba talaga sa desisyon mo? Baka gusto mo lang asarin ang parents mo kaya sinagot mo ako. You know that they hate me especially your dad.”Napatingin siya kay Sixto na abalang nagluluto ng dinner nilang dalawa. Kakauwi lang nito galing sa trabaho ngunit nagpresinta itong magluto para sa araw na iyon. Hindi na niya maalala kung ilang beses nito tinanong sa kanya kung sigurado na ba talaga siya sa pagpayag niya na maging sila na, officially. Naiintindihan niya ito at kahit siya, hindi pa din makapaniwala na sila na. Parang kailan lang iniiwasan niya ito pero ngayon ito na ang dahilan kung bakit palagi siya excited umuwi. Kahit si Dessa sinasasabi sa kanya na kinain niya lang din ang mga sinabi niya noon.Sinara niya ang binabasa na notepad reviewer saka bumaba sa high stool chair at lumapit dito. She hug Sixto on his side and tiptoed to kiss his cheek. She laughed when he groan. Pinatay nito ang stove
SA ISANG chinese restaurant siya inaya ni Sixto na kumain para sa fourth monthsary nila. Every monthsary nila palagi silang nag-e-explore kung saan saang restaurant na kung minsan malapit lang school niya o 'di kaya sa condominium para mabilis sila maka-uwing dalawa. Biglang nag-crave sa chinese dishes ang boyfriend niya kaya doon sila nauwing dalawa. Naka-reserved na ang pwesto nila at asikasong asikaso pa sila ng mga staff.Perks of dating Sixto Achilles Altamirano, he'll treat you more than you deserved. Kaya hindi niya maintindihan ang daddy niya bakit ayaw na ayaw nito kay Sixto. Hanggang ngayon pinipilit pa din nito sa kanya na tapusin na iyon at yung lalaking gusto nito ang i-date niya. Syempre hindi siya sumunod at hindi naman siya magalaw nito dahil sa tita Letty niya na pakiramdam niyang inampon na siya ng tuluyan."How's school, bunny?" tanong sa kan
TINALI ni Tanya pataas ang buhok niya habang nag-i-start pa ang laptop niya. Madami siyang gagawin na presentation deck na parte ng huling requirements na kailangan bago siya makapagbakasyon. Excited na siyang matapos iyon at maka-alis na ng bansa kasama ni Sixto. Her boyfriend book a two weeks vacation in Paris, France, day after they celebrated their fourth monthsary as couple. Hindi na niya napigil ito dahil nang malaman niya iyon ay naka-book na ang plane tickets. Mas mahal ang cancellation kaya wala na siyang nagawa pa.Malalim siyang nabuga ng hangin saka sinapo ang kanyang noo matapos itali ang buhok. Napatingin siya sa repleksyon ng tattoo niya na kitang kita sa screen ng laptop. That tattoo was her constant reminder to keep going and continue dreaming. Noong isang linggo lang nila tuluyang pinalagay iyon.
Warning: R-18~•~•~MALAMIG na hangin ang unang sumalubong kay Tanya pagkalabas nila sa Paris-Charles de Gaulle airport. Hindi niya maiwasang mamangha sa kanyang nakikita at nadidinig kahit hindi naman niya gaano maintindihan. Sixto was holding her hand while the other hand pulling their luggage. Hila hila naman nito yung isa pang maleta na may bag sa ibabaw. Iyon ang mga dala nila sa isang dalawang linggo nilang bakasyon sa Paris, France. Ang lugar na binansagan ng lahat na city of love.Nang pumara ng airport taxi si Sixto doon palang naghiwalay ang kanilang mga kamay. She watched him help the driver to put their luggage on the compartment. Ito din ang nakipag-usap doon bilang maalam ito sa wikang French. Habang nasa eroplano sila kanina, tinanong na niya ito kung bakit marunong ito mag salita ng French. Sinabi lang nito na nagkaroon ng F
Warning: PG-13~•~•~MAGKAHAWAK ang mga kamay nila ni Sixto habang naglalakad papuntang Louvre Museum. The their first stop that she listed down to their whole day itinerary of strolling the city. Maaga silang gumising at nauna pa sila sa alarm clock na sinet niya kagabi. Sabay sila ulit naligong dalawa at iyon na yata ang pinaka-matagal na shower na na-experience niya. He pleasured her again and she returned the favor with his guidance. Tutal kina-career naman nito ang maging teacher niya kaya hinayaan na lang at ang mahalaga nag-enjoy sila pareho.Pagdating nila doon, para siyang malulula sa dami ng tao. Kung hindi siya ilalagay ni Sixto sa harap nito'y mababangga siya. Napatingin siya agad kay Sixto na punong puno ng disappointment ang mukha. He pinched her cheeks and smile. Inakbayan siya nito at giniya papunta sa gilid.
Warning: R-18GAYA ng plano nila nung second day nila sa Paris, bumalik nga sila sa Louvre Museum nung hindi gaano matao kaya naman na-enjoy niya ang pagtingin tingin sa mga paintings. Boring iyon kay Sixto kaya matapos doon inaya niya ito sa amusement park malapit sa Eiffel tower at doon sila nagtambay hanggang sa mag-sunset. They almost crossed out everything in her bucket list that day. They kissed underneath the moonlight. Got soaked in the rain while dancing on the streets of Paris. Walked hand in hand while strolling around the city. Take photos that will serve as their souvenirs. Dahil doon naisipan niyang gumawa ng travel book na siya ngayong pinagkaka-abalahan niyang ayusin.Hindi sila lumabas ngayon para makapahinga naman dahil mula day three hanggang kahapon, day eight nila ay wala silang ginawa kung 'di gumala. Kung hindi nila gagawin ang pahingang iyon, baka maupod na sapatos nila kakalakad. Habang abala siya
“PARAsaan ba 'tong unexpected meeting na ito, Mr. Ongpauco?” tanong ni Sixto kay Jeron na nakaupo sa kabilang side katapat niya. Wala itong appointment sa kanya basta na lang itong sumulpot sa opisina niya kanina na parang kabute. Inaya siya nito sa malapit na restaurant sa MSC na hindi naman niya tinggihan. Naantala nito ang pakikipag-text niya kay Tanya na nagpapasundo sa kanya after lunch. Masama daw ang pakiramdam ng kasintahan niya kaya sinabi niya agad na magpunta muna ito sa school clinic.
UMUWI, 'yon ang gusto na gawin ni Tanya ngayon dahil sobrang sama ng pakiramdam niya. Tatlong linggo ns siyang gano'n at hindi naman niya masabi kay Sixto dahil abala ito nang mga nagdaang araw. Hindi niya nagawang mag-focus sa klase at nag-excuse siya na magpunta sa clinic after lunch break. Sixto wasn't answering his phone since he left this morning. Nauna itong umalis sa kanya at si Mike pa ang naghatid sa kanya sa school. The past few days, parang hindi mapakali si Sixto at kapag tinatanong niya lagi lang nitong sinasabi na okay lang 'to.
HANGGANGpagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.
SABADOat nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon.
"DADDY!"Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya. Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit s
"CHA, magbreak ka na dahil aalis tayo ng 12:30pm. Uuwi lang ako saglit para silipin si Aicel," ani Sixto sa assistant pagkalabas niya ng opisina. May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito na dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.
“MAMAlook I want this for my birthday po,” ani Aicel sa kanya saka pinakita yung picture ng Disneyland. “I want to see Belle, Rapunzel and Aurora, mommy. Tapos si Pooh at si Tarzan din po.” Dagdag na sabi nito sa kanya saka nagpa-cute pa sa harapan niya na kinatawa naman niya. “What is that baby?” tanong ni Sixto kay Aicel.
NAGISINGsi Aicel na may sumpong at ayaw magpababa. Karga karga niya lang ito kahit nasa kusina lang naman siya unit ni Sixto. Hindi tuloy siya maka-order ng pagkain nilang mag-ina at ayaw naman niya gisingin si Sixto dahil parang katutulog lang nito. Malalim siyang napahugot ng hininga saka tiningnan ang anak. Lukot ang mukha nito sa hindi niya malamang dahilan."Ano ba gusto mo baby? Aga aga naman may sumpong ka na naman." Hi
KINAGULATni Tanya ang masayang pagbati sa kanya ng gwardya sa lobby ng condo ni Sixto. Ito pa rin yung gwardyang madaldal noon na lagi niya ka-chika-han kapag gusto niya mag-aral sa lobby. Nandoon pa din yung receptionist na binati din siya na may matamis na ngiti sa labi. Nagbago 'man ang interior ng buong building, parehas pa rin ang ambiance doon. Masaya, maingay at homey sa pakiramdam.Naaliw ang mga ito sa kadaldalan ng a
Present time...SOBRANGdaming iniisip ni Tanya ilang araw na lumipas hanggang ngayon wala pa din siya mahanap na solusyon kahit saang parte ng utak niya. Iniisip niyang lumipat na lang sila ni Aicel ng residence na malayo kay Sixto para kampante siyang hindi nito kukunin sa kanya ang anak. Sixto can take Aicel from her because he's already capable to raised a child since then. May savin
"TITA, sabi po ni lola kain ka na sa 'baba." Nalipat sa nagsalita ang kanyang atensyon. Kit opened her room's door and entered. Hindi na nito sinara ang pintuan at mabilis na tumungo sa kama saka naupo. "You and the baby will get hungry po." ani Kit saka hinaplos ang tiyan niya.Pagkakumpirma nilang buntis nga siya inuwi na siya ni Alfred agad at ito na din