Home / All / Achilles' Heel / Chapter 28

Share

Chapter 28

last update Last Updated: 2020-09-15 08:53:33

 "CHA, magbreak ka na dahil aalis tayo ng 12:30pm. Uuwi lang ako saglit para silipin si Aicel," ani Sixto sa assistant pagkalabas niya ng opisina.

    May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito na dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.

    "Yung bata po ba talaga sisilipin niyo o yung nanay?" tanong nito sa kanya. Natawa siya bigla ngunit saglit at sumeryoso na ulit ang mukha niya. "Sige na sir uwi ka na muna. Umalis din po si Sir Alfred sabi ni Ms. Mina,"

    Tinanguan niya lang si Charity at iniwan na doon. Dali dali siyang tumungo sa elevator at pinindot ang carpark button. Tanya was taking care of Aicel and worked from home since they can't still find a nanny. Maselan sa nanny si Tanya at ang daming tanong na kung ano ano na kina-iinis na din niya. Hindi lang niya pinahahalata dahil baka layasan na naman siya at worst hindi na niya makita ang anak niya.

    Nang marating na niya ang carpark, mabilis siya sumakay ngunit hindi muna niya pinaandar iyon ng makita niya mula sa pwesto niya ang daddy ni Tanya. Kausap nito si Jeron at may suitcase na inabot sa investor nila. Marahas siyang napabuntong hininga at pinanood ang mga ito mag-transact na ilang minuto lang naman tumagal. Nang makaalis ang mga ito, saka pa lamang niya in-start ang kotse, pinainit muna iyon bago pinasibat paalis.

    Mayroon talagang anomalyang tinatago sa kanila ang daddy ni Tanya at kasabwat pa yung Jeron pilit umeeksena sa buhay nito. Twenty minutes ang ginugol niya sa daan pauwi ng penthouse niya kaya naman halos manakbo na siya papasok pagka-himpil ng sasakyan niya sa harap.

    "Daddy!" Matinis na sigaw ni Aicel pagkabukas nito ng pintuan. Agad niya itong kinalong at sinama papasok sa loob ng penthouse.

    "Akala ko may meeting ka?" tanong ni Tanya sa kanya.

    "Meron pero 1:30pm pa. Dito ang magla-lunch kasabay ni Aicel." He kissed his daughter's cheek at nose. "Go to your mom, Aicel magluluto lang si daddy,"

    Binaba niya ito at naupo naman sa tabi ni Tanya. Hindi na siya pinansin nito kaya naman diretso na siyang tumungo sa kusina. Tinext niya si Charity na sa meeting venue na siya didirecho dahil na-traffic na siya pauwi kanina at sigurado siyang gano'n din papunta sa venue. Niloko pa siya ng assistant niya dahil ang bilis daw magbago ng isip niya. Sinabi niya kasing saglit lang ngayon didirecho na siya sa meeting venue. 

    "Saan ba ang meeting mo?"

    Napatingin siya kay Tanya na nakatayo na pala harap ng breakfast table.

    "Cafe sa may Tomas Morato," sagot niya.

    "Traffic. Ako na dyan at hindi mo kailangan umuwi para dito. Sana pareho na lang tayo ng work from home kung sisilipin mo din pala si Aicel." Mahabang litanya nito sa kanya. Lumapit sa pwesto niya saka tinulak siya paalis doon. "Doon ka na at kausapin mo si Aicel dahil kanina ka pa hinahanap niyan,"

    Maaga siyang umalis para sa 8am meeting niya at tulog pa si Aicel noon. Baka inisip nitong umalis na naman siya ng walang paalam kaya siguro siya hinahanap. Sinunod na lang niya si Tanya at pinuntahan na si Aicel sa living room. Tinabihan niya ito sa couch at kumandong ito sa kanya. He talked to his daughter but she's too focused on the movie.

    "Hush daddy I'm watching po," wika nito sa kanya.

    "Alright talk to me when you're done watching," aniya sa anak at pinanood na din ang palabas na pinapanood nito. Inilipat niya sa tabi niya si Aicel na sumiksik naman sa gilid niya. Nang madinig nito ang doorbell, mabilis itong tumayo at tumungo doon. Sinundan niya at pinanood habang binubuksan ang pintuan. Maliit lang pagkakabukas noon at sumilip ito na kinatawa niya. "Who's that baby?"

    "A girl daddy," sagot nito kaya nilakihan na niya ang bukas ng pintuan. Mabilis na nagtago sa likod ng binti siya si Aicel pagkabukas niya noon.

    "Babysitter ka na ngayon? Kaninong anak 'yan?" Bungad na tanong sa kanya ng kapatid niyang si Una. Sa tabi nito'y may maleta at duffle bag na may airline tag pa. "She's cute and has Tanya's eyes. Wait... is she?"

    "My daughter, Aicel Antoinette Morales. I haven't changed her surname but she's my daughter hundred percent." He said to his older sister.

    "Aicel, come here." tawag dito ni Tanya na sinunod naman ng anak nila. He saw how his sister's eyes widened upon seeing Tanya. Hindi pa niya nasasabi sa mga kapatid niya ang tungkol kay Aicel at hindi din naman nila alam na uuwi ang ate niya doon. Pinapasok niya ito at hinayaang tumungo sa living room habang dinala naman niya sa gilid ang mga gamit nito.

    "Ate, h'wag mo takutin ang anak ko. Aalis pa ako ngayon mahirap siya patigilin sa pag-iyak," paalala niya sa kapatid.

    "Hoy Sixto sa ating dalawa, 'di hamak na mas mabait ako sa bata." Mahinang singhal nito sa kanya. Muling lumabas sa kusina si Aicel at lumapit sa kanya. Kinalong niya ito pinakinggan ang binulong nito sa kanya. "Nagkabalikan na kayong dalawa? Bakit hindi namin alam?" Sunod sunod na tanong ng ate Una niya kay Tanya.

    "No. Nandito lang dahil gusto ni Aicel na tumira kasama si Sixto at wala pa kami nahahanap na nanny hanggang ngayon," sagot naman ni Tanya.

    "So housemates kayo... with a kid. Ugh! I want to sleep muna. Mamaya ko na kayo i-interrogate," wika ng ate Una niya saka pumasok na sa study room niya. Yumakap naman si Aicel sa kanya ng mahigpit pagkadaan ng nito sa harap nila. Halatang natakot sa kapatid niya nag-uumapaw ang pagka-matapang ng mukha.

    "Kain na tayo. Ipagtatabi ko na lang siya ng ulam after natin," sambit ni Tanya sa kanya.

    Dinala na niya ang anak sa kusina at inupo sa upuan nitong mataas. Kinuha nila iyon nung samahan niya itong umuwi para kumuha ng damit. Yung parehong araw kung saan nadinig niyang in-arrange na pala si Tanya kay Jeron. Sinabi niya iyon kay Alfred at ang sagot lang naman ng kaibigan niya ay wala daw balak mag-asawa si Tanya. Sapat na daw na may anak ito at nagpa-plano pa'ng mag-undergo sa artificial insemination ngayon taon para may kapatid si Aicel.

    Mike did suggested him as the donor but Tanya refused it right away. Ang point lang ni Mike ay para hindi malito si Aicel at mas maganda na iisa lang ang ama. Willing naman siya at iyon din ang gusto ni Alfred na minsan hindi na maintindihan ang takbo ng isip ni Tanya. Hindi niya lang inaalis sa isipan niya ang possibility na alukin niya ito ng kasal. He wanted to marry Tanya and no one can ever changed that.

~•~•~

    "HOUSEMATES lang talaga kayo ni Sixto? Reality show ba 'to or kiddie game?"

    Tanya heaved a deep breath and exhaled it before answering ate Una's question. Tulog si Aicel ng mga oras na iyon na hindi humihiwalay sa kanya kapag nasa malapit ang nakakatandang kapatid ni Sixto. Ate Una has a strong personality that made Aicel feared her. May mga instances pa kanina na umiiwas ang anak niya dito. Nahihirapan na siya mag-explain pero tingin niya napamalita na nito sa buong pamilya ng mga 'to ang tungkol sa existence niya at ni Aicel sa penthouse ni Sixto.

    "Iyon yata ang pinaka-appropriate na itawag doon." tugon niya kay ate Una.

    "Hindi ba kayo magbabalikan? Para kumpletong pamilya ang kagigisnan ni Aicel." wika nito na may halong pamimilit na balikan na niya si Sixto para sa kapakanan ng buong pamilya. Aicel's only dream was to have that but she couldn't fulfill it. "Sixto grew up without our father and you knew that. Nakikita kong ayaw ng kapatid ko na matulad ang anak niyo sa kanya."

    So, gano'n na lang ba iyon? Kalimutan ko na lahat para ikabubuo ng pamilyang pangarap ni Aicel?

    Gusto niyang isigaw iyon pero hindi niya magawa dahil una wala naman kasalanan ang kapatid ni Sixto sa kanya. Tingin niya hindi naman kukunsintihin ng mga ito si Sixto bilang babae din sila.

    "I preferred this kind of set up." aniya dito.

    "You still mad at him? Pinagsisihan naman niya 'yon kahit hindi naman talaga siya iyon. I was with him during the date shown in that video. Buong gabi niya ako binantayan dahil nasa ospital ako noon." Natigilan siya bigla dahil sa sinabi nito. "Baka hindi pa nasasabi sa 'yo ni Sixto kaya sasabihin ko na para alam mo na wala na si mama. She died when Sixto was in Singapore." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Bumalik ito sa study room na tinutulugan din ni Sixto.

    Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Of course ate Una will depend Sixto but her words were convincing. Kahit alam na niyang edited ang video hindi maalis sa isip niya iyon na lalo pang pinagulo ng isang matibay na patunay na hindi nga ito nagtaksil sa kanya. Nakaramdam din siya ng lungkot bigla nang nalamang patay na ang nanay ng mga ito. Wala siyang bad blood sa mga ito at tanging Sixto lang. They treated her like a family before. Baka ang mga ito na ang may bad blood sa kanya ngayon. Dama naman niya sa paraan palang ng pakikipag-usap ni ate Una sa kanya.

    Hindi na siya nakapagtrabaho ng maayos dahil pulos ang mga sinabi na ni ate Una ang natakbo sa utak niya. Aicel woke around 4pm and asked her to make merienda. Tanong ng tanong ito kung ano oras uwi ni Sixto habang nagawa siya ng request nitong waffle. Lumabas din muli sa study room ang kapatid ni Sixto at doon nagtambay sa living room. Nang matapos siya, pinahawakan niya kay Aicel yung isang tupperware na may lamang tatlong pirasong waffle.

    "Gave that to tita Una." bulong niya sa anak.

    "What if she gets mad at me?" tanong nito sa kanya.

    "She won't get mad at you. Here, gave this to her na," utos niya dito saka sinamahan niya ito makalapit kay ate Una.

    Napaayos ng upo ang kapatid ni Sixto nang makalapit sila. Sinunod naman ni Aicel ang sabi niya dito at inabot nga ang tatlong waffle kay ate Una.

    "She's so cute. A girl version of Sixto," wika ni ate Una. "H'wag ka matakot ha, mabait naman si tita." Dagdag pa na sabi nito saka nakipagkamay kay Aicel. Pinaupo niya ito sa tabi ng kapatid ni Sixto habang sa pang-isahan na sofa lang naupo.

    "Are you done working na po, mommy?" tanong sa kanya ni Aicel.

    "Not yet why?" Balik tanong niya dito.

    "I wanna call daddy." Tipid siyang napangiti dahil doon. Lalo itong nagiging makatatay ngayon at minsan kinaiinggitan na niya.

    "I'll call him baby." sabat ni ate Una. "Tapos na naman siguro ang meeting 'non, right?" anito sa kanya.

    Tiningnan niya ang oras saka tumango. Mag-a-alas singko na at tingin niya kanina pa iyon tapos. Lumapit si Aicel kay ate Una para silipin kung sumagot na ba si Sixto.

    "Daddy!"

    Tili ni Aicel na kinatawa nila pareho ng kapatid nito. Kinuha nito ang cellphone ni ate Una saka kinausap na si Sixto. Madaming sinasabi si Aicel na pulos pabili lang naman at tanong kung anong oras ito uuwi. Ibinalik niya sa ginagawa ang atensyon at tinapos na iyon para makapag-bonding na sila ni Aicel. She doesn't want her to grow fast. Gusto niya manatili lang itong gano'n na hindi naman pwede.

    My daughter is a smart kid. Alam kong soon maiintindihan niya ang set up namin ni Sixto, bulong niya sa isipan. 

Related chapters

  • Achilles' Heel   Chapter 29

    "DADDY!"Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya. Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit s

    Last Updated : 2020-09-15
  • Achilles' Heel   Chapter 30

    SABADOat nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon.

    Last Updated : 2020-09-15
  • Achilles' Heel   Chapter 31

    HANGGANGpagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.

    Last Updated : 2020-09-15
  • Achilles' Heel   Simula

    HALOS paliparin na ni Tanya ang sasakyan para makarating sa ospital kung nasaan naroroon ang anak niyang si Aicel. She immediately leave Morales Steel Corporation upon knowing that her daughter got admitted in the hospital. Hindi sinabi sa kanya ng Tita Letty niya ang dahilan kung bakit ito sinugod basta ang alam niya nung umalis para pumasok may sinat lang si Aicel. Maaring siyang makasuhan ng overspeeding at wala siyang pakialam doon dahil ang importante lang sa kanya ngayon ay madaluhan ang kanyang anak.Nang makarating siya, she smoothly parked her car in the middle of a black SUV and white Toyota Corola. Dali dali siyang bumaba at dire-diretsong lumakad papasok ng E.R. Doon naabutan niya ang Tita Letty niya, si Alfred at Kit. Tila may tumarak sa puso niya nang madinig ang iyak ni Aicel kaya mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng anak. Agad niya ito binuhat saka pinatahan habang ang nurse naman ay kinakabitan ito ng swero na pilit p

    Last Updated : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 1

    "TANYA, aalis ka na? Ang aga pa kaya. Come on and have fun!"Inignora niya lang yung sinabi ng kaibigan ni Alfred na si Mike. Sinundan niya nang tingin ang pwestong tinungo nito at tama siya doon nga ito nagpunta sa pwesto ng pinsan niyang si Alfred na halatang lasing na lasing na. Naiiling siyang pinagmasdan ito at akmang ibabaling na sa iba ang tingin ngunit hindi sinasadyang napadpad ang mga mata niya sa lalaking naka-akbay kay Alfred. Ngayon niya lang ito nakita at iyon yung pinaka-maingay sa lahat.She only know Mike whose currently residing in Spain but he came home to attend her cousin's birthday. The guy met her gazed and she saw a devious grin on his face. Nag-iwas siya agad ng tingin saka lumabas na ng venue. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at nakita niyang rumehistro doon ang mga na tawag ni Kit na hindi niya nasagot. She immediately called her nephew to asked why did he call her."Hello..." A cute voice of

    Last Updated : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 2

    "UGH!" Tanya groaned when her books fell on the concrete floors.Sobrang bigat kasi noon pero kailangan niya dalhin lahat pauwi para makapag-aral siya at hindi bumagsak sa mid terms examination niya. Pauwi na siya at malapit na sa sakayan ng mga taxi, tricycle at jeep nang aksidente niyang mabitiwan ang mga iyon. May isang libro na pa na nahulog sakto sa paa niya kaya hindi niya maiwasang maiyak.Walang driver na available sa bahay nila dahil gamit lahat ni Alfred para sa out-of-town meeting nito kasama ang Tita Letty niya. Pag-uwi niya aasikasuhin pa niya si Kit bago makapag-aral. Ang dami niya gagawin at nagagahol siya sa oras. Marahan siyang yumukod at isa isang dinampot ang mga libro sa sahig.Someone whistled from behind when her skirt went up. Agad siyang dumiretso ng tayo at inayos iyon. Hirap na hirap siya kumilos dahil naka pencil cut skirt siya. Paano niya mapupulot ang mga iyon? She released ano

    Last Updated : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 3

    MATAMANG hinayon ni Sixto ang tingin niya sa pintuan ng kwarto ni Tanya. Magmula kasi ng umakyat ito kanina ay hindi na ulit bumaba dahil siguro abala sa pag-aaral. Maglilimang oras na ito doon at hindi 'man lang bumaba upang kumuha ng pagkain o inumin. Gusto niya itong katukin pero pinigil niya ang sarili niya dahil baka lalo lang itong mainis sa kanya.Iritang irita pa naman sa kanya ang dalaga sa hindi niya malamang dahilan. Tanya was the first woman who got annoyed by him. Lahat ng babae na makasalamuha niya'y nahuhumaling sa charms niya pero iba si Tanya na challenge para sa kanya. Hindi niya magawang pormahan dahil mataas bumakod si Alfred at palagi siyang sinosopla nito. Magpinsan nga dalawa at parehong pareho ang ugali ng mga ito."Ninong, do you like my Tita Tanya?" tanong ni Kit sa kanya."What do you know about liking someone, Kit?" tanong niya pabalik na kinakibit balikat lang nito. "Even if I

    Last Updated : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 4

    SAKALIN, iyon una niyang gagawin kay Sixto kapag nakita niya ito sa bahay nila mamaya. Buong klase siya nito pinag-trip-an at tinawag ng tinawag para sa recitation. Pagpasok palang nito sa classroom nila, nagpa-exam na ito na expected na naman niya bilang sinabihan siya nito kagabi. Pero ang hindi niya inasahan ay yung coverage ng exam na pang next week class pa kaya iilan lang ang nasagutan bilang hindi pa naman siya nag-a-advance reading kasi nga abala siya sa pagrereview para sa mid term.Inis niyang hinubad ang suot niyang stockings saka tinapon iyon sa loob ng locker niya. Nagpalit na din siya ng tsinelas para komportable siyang magmaneho pauwi. Pinahiram sa kanya ni Alfred ang isang sasakyan nito para gawin service niya basta mag-iingat lang daw siya mag-drive. Hindi pa din ito nakakabalik kaya silang dalawa parin ni Kit ang nasa bahay. Katulad kagabi, si Mike pa din ang sasama sa kanila hanggang kinabukasan ng madaling araw. Pagkata

    Last Updated : 2020-08-14

Latest chapter

  • Achilles' Heel   Chapter 31

    HANGGANGpagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.

  • Achilles' Heel   Chapter 30

    SABADOat nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon.

  • Achilles' Heel   Chapter 29

    "DADDY!"Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya. Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit s

  • Achilles' Heel   Chapter 28

    "CHA, magbreak ka na dahil aalis tayo ng 12:30pm. Uuwi lang ako saglit para silipin si Aicel," ani Sixto sa assistant pagkalabas niya ng opisina. May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito na dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.

  • Achilles' Heel   Chapter 27

    “MAMAlook I want this for my birthday po,” ani Aicel sa kanya saka pinakita yung picture ng Disneyland. “I want to see Belle, Rapunzel and Aurora, mommy. Tapos si Pooh at si Tarzan din po.” Dagdag na sabi nito sa kanya saka nagpa-cute pa sa harapan niya na kinatawa naman niya. “What is that baby?” tanong ni Sixto kay Aicel.

  • Achilles' Heel   Chapter 26

    NAGISINGsi Aicel na may sumpong at ayaw magpababa. Karga karga niya lang ito kahit nasa kusina lang naman siya unit ni Sixto. Hindi tuloy siya maka-order ng pagkain nilang mag-ina at ayaw naman niya gisingin si Sixto dahil parang katutulog lang nito. Malalim siyang napahugot ng hininga saka tiningnan ang anak. Lukot ang mukha nito sa hindi niya malamang dahilan."Ano ba gusto mo baby? Aga aga naman may sumpong ka na naman." Hi

  • Achilles' Heel   Chapter 25

    KINAGULATni Tanya ang masayang pagbati sa kanya ng gwardya sa lobby ng condo ni Sixto. Ito pa rin yung gwardyang madaldal noon na lagi niya ka-chika-han kapag gusto niya mag-aral sa lobby. Nandoon pa din yung receptionist na binati din siya na may matamis na ngiti sa labi. Nagbago 'man ang interior ng buong building, parehas pa rin ang ambiance doon. Masaya, maingay at homey sa pakiramdam.Naaliw ang mga ito sa kadaldalan ng a

  • Achilles' Heel   Chapter 24

    Present time...SOBRANGdaming iniisip ni Tanya ilang araw na lumipas hanggang ngayon wala pa din siya mahanap na solusyon kahit saang parte ng utak niya. Iniisip niyang lumipat na lang sila ni Aicel ng residence na malayo kay Sixto para kampante siyang hindi nito kukunin sa kanya ang anak. Sixto can take Aicel from her because he's already capable to raised a child since then. May savin

  • Achilles' Heel   Chapter 23

    "TITA, sabi po ni lola kain ka na sa 'baba." Nalipat sa nagsalita ang kanyang atensyon. Kit opened her room's door and entered. Hindi na nito sinara ang pintuan at mabilis na tumungo sa kama saka naupo. "You and the baby will get hungry po." ani Kit saka hinaplos ang tiyan niya.Pagkakumpirma nilang buntis nga siya inuwi na siya ni Alfred agad at ito na din

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status