Share

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2020-08-14 17:19:47

"TANYA, aalis ka na? Ang aga pa kaya. Come on and have fun!"

Inignora niya lang yung sinabi ng kaibigan ni Alfred na si Mike. Sinundan niya nang tingin ang pwestong tinungo nito at tama siya doon nga ito nagpunta sa pwesto ng pinsan niyang si Alfred na halatang lasing na lasing na. Naiiling siyang pinagmasdan ito at akmang ibabaling na sa iba ang tingin ngunit hindi sinasadyang napadpad ang mga mata niya sa lalaking naka-akbay kay Alfred. Ngayon niya lang ito nakita at iyon yung pinaka-maingay sa lahat.

She only know Mike whose currently residing in Spain but he came home to attend her cousin's birthday. The guy met her gazed and she saw a devious grin on his face. Nag-iwas siya agad ng tingin saka lumabas na ng venue. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at nakita niyang rumehistro doon ang mga na tawag ni Kit na hindi niya nasagot. She immediately called her nephew to asked why did he call her.

"Hello..." A cute voice of Kit answer her call. Mukhang inaantok na ito pero pinigil at inaantay nito umuwi ang pinsan niya.

"Kit, sleep now. Daddy and I will go home tomorrow," anang niya sa pamangkin.

"Okay, Tita Tanya. Please tell daddy that I love him." Ani Kit sa kanya.

"I will baby, love you," aniya naman sa kabilang linya.

Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang mga katagang I love you, too, tinapos na nito ang tawag nilang mag-tita. Agad niya sinuksok sa bulsa ang cellphone niya at matamang tumingin sa buwan na sobrang liwanag. She raised her thumb up and close her one eye. Tinapat niya ang hinalalaki sa buwan at napangiti ng matakpan noon ang buwan. Totoo ngang, the moon is always as big as your thumb na nabasa niya sa isang novel. Binaba niya ang kamay saka nagpamaywang at huminga ng malalim.

Malabo na sila makauwi ni Alfred sa kasalukuyang lagay nito at hindi din naman sila mahahatid ni Mike kaya baka doon na lang sila magpalipas ng gabi. Wala na siyang balak bumalik sa loob at pagmamasdan na lang niya buong magdamag ang buwan.

"Beautiful..." Agad niya napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon. It was the guy with devious smile and made Alfred drunk. Kaibigan kaya ito ng pinsan niya? Binalik niya agad ang tingin sa buwan at pilit inignora ang presensya ng lalaki. "Ouch, I got ignored," anito na kinalingon niyang muli. She saw him tapping his chest while the other hand touching his nose bridge. Naiiling siyang tumalikod at akma sanang aalis doon ngunit naramdaman niya ang masuyo nitong maghawak sa braso niya. "Stay here... with me,"

"Excuse me?" Nagkunwari itong tumabi para dumaan siya saka tumawa. Ugh, annoying! "Do I know you?" she sarcastically asked.

"No. That's why I'am here. Sixto Achilles Altamirano, that's my name," Inirapan niya lang ito saka tinalikuran. "Ang daya naman, binigay ko ng buo pangalan ko tapos yung iyo deadma lang?"

"Wala na akong pangalan pag binigay ko sa 'yo saka hindi ko tinanong pangalan mo, kuya,"

"Kuya? What the fuck? Do I look old?"

She tilted her head left-right motion to examine his face. Sa tantya niya kaedad lang ito nina Alfred at Mike at base sa attire nito, rolex na relo, silver necklace with crucifix mukha itong may kaya. He wearing a shot sleeves white button down shirt paired in black slack pants and white sneakers. Nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng suot nitong polo kaya nagawa niyang makita ang kwintas nito. He has dark almond shaped eyes, thick brows, high bridged nose, and reddish thin lips. Nakita niya ang pagngisi nito sa na dahilan ng pag-iwas niya agad nang tingin.

"I have to go," aniya saka tumalikod ulit.

Shit, bakit ka bigla bigla natibok ng mabilis, heart? Aniya sa sarili.

Naiiling siyang bumalik sa loob at doon na lang nagtambay. She ordered juice when she reached the bar counter. Dumami na ang tao sa loob ng kinaroroonan niya at lahat pawang may tama na ng alak. Birthday ng pinsan niyang si Alfred pero parang mas masaya pa ang mga kasama nito at alam niyang napilitan lang pumunta doon ito. Her cousin stop celebrating his birthday ever since Arissa died. Kasal na sa trabaho ang pinsan niyang iyon at palaging nakasimangot pa.

Hinayon niya ang tingin ng may tumawag sa pangalan nung lalaking kausap niya kanina. He saw him flirting with a girl in short sleeveless dress. Muling nagtama ang mga mata nila pero gaya kanina siya pa din ang unang umiwas.

He's a trouble, Tanya. H'wag ka papalinlang sa mga titig niya at looks. Paalala niya sa sarili niya.

Love and serious relationshop wasn't part of her plan. Kailangan niya mag-aral, makapagtapos at magkaron ng posisyon sa kumpanyang hinahawakan ngayon ng pinsan niyang si Alfred. To her, love is just a hindrance at hindi siya mapapakain noon kaya iniignora niya lang ang mga manliligaw niya sa school. May kailangan pa siya patunayan sa mga magulang niya. She choose business management kahit ang gusto ng mga ito ay mag-abogado siya. Pangarap niya kasi talaga makapasok sa Morales Steel Corporation dahil parte iyon ng kabataan niya.

Her uncle - Alfred's dad used to brought her there and let her watched him worked with Alfred. Mas close siya sa mga ito kaysa sa mga magulang dahil hindi siya kino-kontrol. Siya din ang anak na babaeng minsang hiniling sa Diyos ng Tita Letty niya - Alfred's mom.

"Hi!" anang isang lalaki na naupo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin at akmang aalis pero hinaklit siya nito pabalik dahilan para tumama ang likod niya sa silyang inalisan niya at napangiwi siya dahil sa sakit. Isang kamao naman ang biglang umigkas dito dahilan para matumba ang lalaki sa sahig. Napasinghap siya dahil sa nangyari at nakita niyang naawat na ito ng ibang nasa paligid niya bago pa makabawi yung lalaking nasuntok.

"Tanya, you okay?" tanong ni Mike sa kanya.

"Yes I am," tugon niya. Sinipat niya yung lalaking nanuntok bigla doon sa humila sa kanya. It was Sixto and he doesn't look like drunk that very moment. Mas lalong dumilim ang mga mata nito at nakatuon iyon sa lalaking sinuntok nito.

"Sixto, that's enough. Iuuwi ko na si Alfred at Tanya," baling ni Mike doon sa Sixto.

"Fucker you can't drive." Sigaw ni Sixto kay Mike.

"Assholes, let's go ako na magda-drive," sabat niya saka tinungo ang pwesto ni Alfred at ginising ito. Bakit ba kasi sumama siya kay Alfred at Mike? Dapat nag-aaral lang siya sa kwarto niya ngayon. Sunod sunod siya ulit napailing habang isa isang dinampot ang mga gamit ni Alfred.

Kaya ka nandito, Tanya para mag-babysit ng mga nakakatanda sa 'yo...

ISANG katok ang pumukaw sa kanyang pagbabasa habang nakahiga. Agad siyang napatayo nang bumukas iyon at si Alfred ang pumasok. Tiniklop niya ang binabasa saka tumingin dito. Bagong paligo ito at mukhang may lakad kaya napagtanto niya na baka ibibilin saglit sa kanya si Kit dahil alam niyang wala ang Tita Letty sa bahay ngayon.

"You okay? I heard to Mike what happened last night," anito sa kanya.

"Yeah I'm fine," sagot niya. "Aalis ka ba? Where is Kit?" Sunod sunod na tanong niya dito.

"Yes. Kit is with Sixto right now. Kuhain mo na lang mamaya kapag aalis na siya dahil baka gabihin ako." Napabagsak ang dalawang balikat niya nang madinig ang pangalan ni Sixto. Gaano ba ito ka-close sa pinsan niya? "Why?"

Umiling siya saka ngumiti dito. "Nothing. Ingat ka and I'll take care of Kit,"

"Okay then," anito saka hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya.

Alfred is sweet and soft but only to selected people. Sa iba lang ito cold at walang pakialam pero pagdating sa kanilang pamilya nito lumalabas naman kahit papaano ang pagka-sweet nito. Tinuloy niya ulit ang pagbabasa nang makalabas si Alfred sa kwarto niya. Sa sobrang ganda ng binabasa niya, halos hindi na niya namalayang mag-a-alas tres na pala ng hapon. Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili saka lumabas sa kwarto niya. Ginala niya ang tingin sa paligid ng bahay para hanapin si Kit.

Ang lakas ng loob niyang sabihin kay Alfred na siya mag aalaga sa anak nito pero ngayon nakaligtaan ipagluto ng lunch ang bata. Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili niya habang naglalakad papunta sa garden upang tingnan ito doon. Nang makita niyang wala, tumungo na siya sa kusina at doon niya naabutang kumakain ng paborito nitong fast food meal si Kit.

"Hi Tita Tanya!" bati sa kanya ni Kit.

"Hello Kit," balik bati niya dito. "You're not allowed to eat fast food meal, right?" Sita niya sa pamangkin.

"Hmm, ninong Sixto said that its okay to eat this." Napatingin siya gawi ni Sixto na nakatingin din pala sa kanya. Nakangiti parang masayang masaya na makita siya doon. Well siya hindi dahil naiirita siya sa pressence nito. Ninong? Ninong siya si Kit so ibig sabihin hindi lang basta magkaibigan ito at si Alfred?

"Just drink a lot of water after and don't tell it to your daddy," paalala niya dito saka tumungo na gawi ng refrigerator upang tumingin ng pagkain na pwede niga lutuin doon.

"So, you're Alfred's cousin, hmm?" Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Sixto at nagbingibingihan na lang siya. "Your name is Tanya, right? Its nice to see you again," maang siyang napatingin na dito.

"Hindi ka ba pwedeng tumahimik?" inis niyang tanong dito.

"She hates madaldal, ninong. Pareho sila ni daddy," trivial na bulong ni Kit kay Sixto na akala mo hindi nadinig.

"Does she have boyfriend?" Nakita niyang tumingin sa kanya si Kit saka muling bumaling dito at tumango. "Do I know him?" Umiling si Kit bilang paunang sagot.

"Iba iba ang boyfriend ni Tita Tanya. Minsan yung guy sa wallpaper ng laptop, minsan naman yung wallpaper niya sa phone."

Hindi niya maiwasang matawa sa sagot ni Kit. Iba iba nga ang boyfriend niya at lahat ng iyon ay imaginary. Kabilang doon si Channing Tatum, Ryan Gosling, Justin Baldoni at Korean Actor Gong Yoo. Napatingin siya sa gawi nina Kit nang tumigil ang mga ito sa pag-uusap saglit. Nakatingin na naman sa kanya si Sixto at para bang kinakabisado nito ang buong katawan niya.

"Sino mas gwapo ako o yung mga boyfriend niya?"

"Syempre ikaw po ninong." Nakipag-apir si Kit kay Sixto na akala mo magkaedad lang.

"Very good. Bibili kita ice cream mamaya." Nakita niyang kumindat si Sixto kay Kit bago tumingin sa kanya. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ito at pinagpatuloy na lang ang ginagawa niya. She'll prepare their dinner also since kapag sila ni Kit maaga naman sila nakain nito. "Ang dami naman niyang lulutuin mo. Did you include me? How sweet?"

"Asa..." Maikli niyang sabi dito. "Para to sa dinner namin ni Kit," aniya dito.

"Ouch disregarded again." Narinig niyang tumawa si Kit dahil sa sinabi nito. She saw him again tapping his chest that made her rolled her eyes. "Working na ba tita mo, Kit?"

"She's studying, ninong." Mariin siyang napapikit ng pati iyon ay sinabi ni Kit dito.

"What course? Alma mater namin nina Alfred at Mike 'yon,"

"I know..." Maikli niyang tugon.

"Ngayon lang kita nakita kaya nagulat akong may pinsan palang anghel si Alfred. Akala ko nag-iisang demon lang 'yon,"

Gusto niya matawa sa banat nito tungkol sa pinsan pero hindi niya ginawa. Pakiramdam niya betrayal iyon kung tatawanan niya yung banat ng nag-talk back dito. Nagpaalam na kanila si Kit na manonood na ng cartoons sa living room kaya naiwan na silang dalawa doon. Nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya kahit hindi niya 'to lingunin. Bigla tuloy siyang na-consious dahil ginagawa nito. She heard a moving chair that's why she look to his way. Nakita niyang nililigpit nito ang pinagkainan ni Kit kahit hindi naman niya inutos dito.

"Ako na dyan. You can join Kit in the living room,"

"Now we're talking. Natakot ako baka nalunok mo na dila mo." Inirapan niya lang ito saka tinulungan sa pagliligpit matapos niya maisalang yung karne ng baboy na palalambutin niya. "Ano course mo sa CEU?"

"Bakit mo ba tinatanong? Papaaralin mo ba ako?" she mocked at him.

"Taray naman," anito saka kumapit ulit sa dibdib nito. "Tatanungin ko lang kung masaya ka ba sa course mo kaya curious ako,"

Huwag ka papalinlang, Tanya. Stragedy niya lang 'yan. Paalala niya sa sarili.

"And if I'm not happy?"

"Then, I can make you happy,"

"Stop bothering my cousin, Altamirano. She's not interested to love or going into a relationship." Sabay silang napatingin sa nagsalita. It was Alfred who just came back from outside. "Pinakain mo na naman ng fast food meal ang anak ko?" Akala niya gagabihin ito dahil iyon din naman ang paalam nito sa kanya.

"You didn't left money to feed Kit at wala akong maisip na ibang pagkain,"

"Ngayon palang naawa na ako sa magiging anak mo." Alfred said that made her chuckles.

"Great pinagtutulungan niyo akong dalawa," Sixto groaned. "I thought you're an angel, Tanya." She rolled her eyes and turn her back to them.

Umalis muna siya doon para umakyat sa kwarto niya at kuhain ang binabasa niyang libro. Dinig na dinig niya ang panenermon ni Alfred kay Sixto dahil caught in the act ito sa paglandi sa kanya. Malakas din overprotective sa kanya si Alfred kahit twenty two na siya. Wala ngang makalapit na lalaki sa kapag kasama niya ito o 'di kaya susunduin siya nito sa school.

When she got down again, the two guys were not around. Napahinga siya ng maluwang at matamang umupo saka nagbasa. Nung napalambot na niya ang karne, agad niya inumpisahan ang pagluluto ng kare kare. Paborito nilang tatlo iyon kaya dinamihan niya ang sinaing dahil tingin niya mapapalakas ng kain ang pinsan niya at pamangkin.

Pagkaluto niya, agad siyang naghain saka hinanap sina Alfred at Kit para ayain nang kumain. She only saw Sixto whose sitting in a bench outside. May kausap ito sa telepono kaya hindi niya tinanong ngunit napansin niyang tinapos nito agad ang pakikipag-usap nito at mabilis na lumapit sa kanya.

"Where is Alfred?" tanong niya.

"Gym upstairs and Kit is taking a bath," sagot naman nito.

"Okay," akma siyang tatalikod ng masuyo siya nitong hawakan sa braso. "What?"

"Hindi mo tinawag na kuya si Alfred,"

"So?"

"Why did you call me kuya last night?"

"Because I don't know you," aniya saka tuluyan na itong tinalikuran. Nagmamadali siya pumasok at alam niyang sumunod ito sa kanya. Bakit kasi nandon pa ito hanggang sa mga oras na iyon? Wala ba itong bahay o pamilyang uuwian? "You're unfair, Tanya Margarette," Natigilan siya bigla. Paano nito nalaman ang buo niyang pangalan? Bakit ang sarap tainga ng pagkakabanggit nito sa pangalan niya?

"How did you-"

"I have my ways, Tanya Margarette." He said and winked ate her before passing through her.

Kinurap kurap niya ang mga mata niya saka sunod sunod na napailing. Tuloy tuloy na siyang pumasok dining room at doon niya naabutan sina Alfred, Kit at Sixto. Inignora niya ang pagkakangisi nito at naupo na sa tabi nito. Habang kumakain sila, patuloy nag-usap tungkol sa MSC samantalang siya tinutulungan si Kit na kumain.

Bigla naging propesyunal si Sixto sa paningin niya at hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito. He talked like a man whose already in business for thirty years. Gano'n din ang pinsan niya na parang bang kapag itong dalawa ang nagsama kaya na nila patakbuhin ang MSC. Lalo tuloy siyang na-inspire na ipagpatuloy ang pag-take ng business management.

Iyon na ang pangatlong shift niya kaya palagi siya tinatanong ni Alfred kung sure ba siya talaga sa course niya. Nakapag-take siya ng unang taon sa Political Science at Tourism pero hindi siya tumuloy kasi hindi siya masaya. Hirap na hirap siyang malaman noon kung masaya ba siya sa ginagawa niya sa buhay. She admired Alfred even if he's grumpy sometimes because he already figured things out when he graduated college.

Alam na nitong si Arissa ang gusto nito makasama sa buhay kaya ng malaman nitong buntis ang yumaong kasintahan nito, lalong nagsipag ang pinsan niya sa pagta-trabaho. Kaya nagulat siya nang tanungin siya si Sixto kung masaya ba siya sa course niya. Para bang pinagdaanan din nito ang pinagdadaanan niya ngayon. While washing dishes, iyon lang ang iniisip niya kaya halos hindi namalayan na nasa tabi pala niya si Sixto.

"What the fuck?" sigaw niya dito.

"Bakit galit ka?" tanong nito. He touched again his chest like he didn't expect her to shout.

"Bakit ka nanggugulat?" Balik tanong niya dito.

"Hindi kita ginulat. Affected ka ba presense ko? Wow, I'm fluttered, Tanya Margarette." Nakakalokong itong ngumisi na sobrang niyang kinainis. Binato niya ito ng bimpong pinamunas niya sa kamay niya. Tumawa lang ito na lalo pa niyang kinairita. She felt her face heated. Umiwas siya nang tingin upang hindi nito mapansin ang pamumula ng mukha niya. Hindi nito maaring mapansin na affected nga siya sa presence nito. "Hay, ang sarap mo asarin,"

Sinuntok niya ito sa braso nito saka iniwan na doon. Mabigat ang mga paa niyang umakyat pabalik sa kanyang kwarto. Ayaw na niyang makita si Sixto kahit kailan. Matutuyuan talaga siya ng dugo dahil dito. He will be her trouble if she continue seeing his face. She'll be in trouble because of his presence.

Kaugnay na kabanata

  • Achilles' Heel   Chapter 2

    "UGH!" Tanya groaned when her books fell on the concrete floors.Sobrang bigat kasi noon pero kailangan niya dalhin lahat pauwi para makapag-aral siya at hindi bumagsak sa mid terms examination niya. Pauwi na siya at malapit na sa sakayan ng mga taxi, tricycle at jeep nang aksidente niyang mabitiwan ang mga iyon. May isang libro na pa na nahulog sakto sa paa niya kaya hindi niya maiwasang maiyak.Walang driver na available sa bahay nila dahil gamit lahat ni Alfred para sa out-of-town meeting nito kasama ang Tita Letty niya. Pag-uwi niya aasikasuhin pa niya si Kit bago makapag-aral. Ang dami niya gagawin at nagagahol siya sa oras. Marahan siyang yumukod at isa isang dinampot ang mga libro sa sahig.Someone whistled from behind when her skirt went up. Agad siyang dumiretso ng tayo at inayos iyon. Hirap na hirap siya kumilos dahil naka pencil cut skirt siya. Paano niya mapupulot ang mga iyon? She released ano

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 3

    MATAMANG hinayon ni Sixto ang tingin niya sa pintuan ng kwarto ni Tanya. Magmula kasi ng umakyat ito kanina ay hindi na ulit bumaba dahil siguro abala sa pag-aaral. Maglilimang oras na ito doon at hindi 'man lang bumaba upang kumuha ng pagkain o inumin. Gusto niya itong katukin pero pinigil niya ang sarili niya dahil baka lalo lang itong mainis sa kanya.Iritang irita pa naman sa kanya ang dalaga sa hindi niya malamang dahilan. Tanya was the first woman who got annoyed by him. Lahat ng babae na makasalamuha niya'y nahuhumaling sa charms niya pero iba si Tanya na challenge para sa kanya. Hindi niya magawang pormahan dahil mataas bumakod si Alfred at palagi siyang sinosopla nito. Magpinsan nga dalawa at parehong pareho ang ugali ng mga ito."Ninong, do you like my Tita Tanya?" tanong ni Kit sa kanya."What do you know about liking someone, Kit?" tanong niya pabalik na kinakibit balikat lang nito. "Even if I

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 4

    SAKALIN, iyon una niyang gagawin kay Sixto kapag nakita niya ito sa bahay nila mamaya. Buong klase siya nito pinag-trip-an at tinawag ng tinawag para sa recitation. Pagpasok palang nito sa classroom nila, nagpa-exam na ito na expected na naman niya bilang sinabihan siya nito kagabi. Pero ang hindi niya inasahan ay yung coverage ng exam na pang next week class pa kaya iilan lang ang nasagutan bilang hindi pa naman siya nag-a-advance reading kasi nga abala siya sa pagrereview para sa mid term.Inis niyang hinubad ang suot niyang stockings saka tinapon iyon sa loob ng locker niya. Nagpalit na din siya ng tsinelas para komportable siyang magmaneho pauwi. Pinahiram sa kanya ni Alfred ang isang sasakyan nito para gawin service niya basta mag-iingat lang daw siya mag-drive. Hindi pa din ito nakakabalik kaya silang dalawa parin ni Kit ang nasa bahay. Katulad kagabi, si Mike pa din ang sasama sa kanila hanggang kinabukasan ng madaling araw. Pagkata

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 5

    TANYA spent her whole night studying until midnight. Hinatidan lang siya ni Mike ng pagkain sa kwarto niya at ito na din ang nagpatulog kay Kit dahil ayaw siya nitong abalahin pa. Pagkatapos niya kumain ng dinner, bumalik siya sa pag-aaral at muling huminto ng makatanggap ng text mula kay Sixto.From: Kuya ? Have you watched The Legend of the Blue Sea?Nangunot ang noo niya bigla. Why the hell he's asking that kind of question now? Agad niya dinampot ang cellphone saka nagtype ng pang-reply dito.To: Kuya ? Nanonood ka nyan? Didn't expect it.Binaba niya ang cellphone saka muling nagbasa mula sa notes niya. Imbis na reply ang natanggap ay tumawag lang ito sa kanya. Hindi niya malaman ngayon kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Tinitigan niya lang ito hanggang sa tuluyang matapos ang pagring noon.From: Kuya ?

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 6

    MABILIS lumakad ang mga linggo at natapos na ang mid term examinations ni Tanya. Now, she's in front of her laptop searching for korean drama that she haven't watch. Gano'n niya gugulin ang undas break niya dahil mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Ang Tita Letty niya umuwi sa Laguna kasama si Kit para dalawin ang puntod ng Tito niya habang si Alfred nasa Singapore ngayon para dalawin si Arissa. Ayaw naman niya umuwi at kainin ang sermon ng mga magulang niya kaya minabuti na lang niyang magkulong sa kwarto niya.She clicked a drama where Gong Yoo was na lead actor. Napanood na niya iyon pero uulitin niya ulit para lang hindi siya ma-bore. Sabi niya hahanap siya ng hindi pa napapanood pero ayun siya nag-uulit na naman. Her attention diverted to her phone when it vibrates. Tamad na tamad niyang kinuha iyon at tiningnan kung sino nagtext.From: Kuya ? Baba ka may dala akong pagkain.

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 7

    IRITANG nilapag ni Tanya ang cellphone niya saka binukas ang libro at nagbasa na lang. Puro mukha ni Sixto ang nasa newsfeed niya kasama ang iba't ibang babae nito. Hindi niya alam kung bakit siya naiirita ngayon gayong binasted naman niya ito. She can't share her self to anyone as of now because of her studies. Alam niyang hindi niya dapat nararamdaman ang gano'ng klase ng pakiramdam dahil unang una wala time doon.Isang tikhim ang pumukaw sa kanyang atensyon. Hindi pala siya nag-iisa sa school canteen ngayon. Kasama niyang nakatambay doon si Dessa - ang tanging kaklase niya na kinakausap niya. Silang dalawa lang ang magka-vibes nito at sinasakyan din nito ang pagiging introvert niya minsan. Sa katunayan, na-recruit na niya ito sa korean drama land."Hindi na nagtuturo si Prof. Altamirano dito. Balita ko abala na siya sa negosyo niya kaya nagresign na," Yeah, busy sa MSC at sa mga babae niya. Gusto niya sahihin iyon pero

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 8

    "LEA, nasaan na si Tanya?"Nadinig niyang tanong ni Alfred sa nanny ni Kit. Sumagot itong mamaya na daw baba si Tanya pagkatapos nitong mag-aral. He saw a 'do not disturb' sign on Tanya's door awhile ago when he entered the house. Mukhang ayaw talaga nito magpa-istorbo sa kahit sino at wala na siyang magagawa doon."She's been isolating herself again because of her parents,"Napatingin siya sa kaibigan niya bigla. Ayaw niyang magtanong dahil hindi naman iyon istorya ni Alfred para ito ang magkwento pero aware na siya sa relasyon mayroon ang dalaga sa mga magulang nito. Tanya's parents doesn't approved her current college course and they want her to take law. Umalis ng bahay nila si Tanya dahil doon at piniling tumira kasama sina Alfred at tita Letty nito.Alfred sponsored her studies after shifting course twice. He crossed his legs and tried to focus his attention to the papers he was read

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Achilles' Heel   Chapter 9

    "HOLY SHIT!"Napalingon siya sa gawi ni Dessa nang marinig ang pagmura nito. Hinayon niya ang tingin sa dahilan noon at doon nakita niya sina Mike, Alfred at Sixto. Pare-parehong naka-beach short, sando, tsinelas at nakasuot ng shades. Lumapit sa kanya si Dessa saka umabrisete."You didn't told me that you're related to them," sumbat nito sa kanya.Kasalukuyan silang nasa Camp Netanya sa Batangas para sa quick long weekend getaway na pinlano ni Mike. Nadawit lang sila ni Alfred dahil ang tita Letty na niya mismo ang pumilit sa kanilang dalawa. Ito na daw ang bahala kay Kit. Sinama niya si Dessa para hindi lang siya ang babae kaso tingin niya maiiwan din siya nito dahil kanina pa may tanong ng tanong dito na mga lalaki."Alfred is my cousin tapos best friend niya yung dalawa," aniya dito.Tinuloy niya lang ang ginagawa niya at sinubukan h'wag pansinin yung tatlo lalo na si

    Huling Na-update : 2020-08-14

Pinakabagong kabanata

  • Achilles' Heel   Chapter 31

    HANGGANGpagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.

  • Achilles' Heel   Chapter 30

    SABADOat nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon.

  • Achilles' Heel   Chapter 29

    "DADDY!"Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya. Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit s

  • Achilles' Heel   Chapter 28

    "CHA, magbreak ka na dahil aalis tayo ng 12:30pm. Uuwi lang ako saglit para silipin si Aicel," ani Sixto sa assistant pagkalabas niya ng opisina. May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito na dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.

  • Achilles' Heel   Chapter 27

    “MAMAlook I want this for my birthday po,” ani Aicel sa kanya saka pinakita yung picture ng Disneyland. “I want to see Belle, Rapunzel and Aurora, mommy. Tapos si Pooh at si Tarzan din po.” Dagdag na sabi nito sa kanya saka nagpa-cute pa sa harapan niya na kinatawa naman niya. “What is that baby?” tanong ni Sixto kay Aicel.

  • Achilles' Heel   Chapter 26

    NAGISINGsi Aicel na may sumpong at ayaw magpababa. Karga karga niya lang ito kahit nasa kusina lang naman siya unit ni Sixto. Hindi tuloy siya maka-order ng pagkain nilang mag-ina at ayaw naman niya gisingin si Sixto dahil parang katutulog lang nito. Malalim siyang napahugot ng hininga saka tiningnan ang anak. Lukot ang mukha nito sa hindi niya malamang dahilan."Ano ba gusto mo baby? Aga aga naman may sumpong ka na naman." Hi

  • Achilles' Heel   Chapter 25

    KINAGULATni Tanya ang masayang pagbati sa kanya ng gwardya sa lobby ng condo ni Sixto. Ito pa rin yung gwardyang madaldal noon na lagi niya ka-chika-han kapag gusto niya mag-aral sa lobby. Nandoon pa din yung receptionist na binati din siya na may matamis na ngiti sa labi. Nagbago 'man ang interior ng buong building, parehas pa rin ang ambiance doon. Masaya, maingay at homey sa pakiramdam.Naaliw ang mga ito sa kadaldalan ng a

  • Achilles' Heel   Chapter 24

    Present time...SOBRANGdaming iniisip ni Tanya ilang araw na lumipas hanggang ngayon wala pa din siya mahanap na solusyon kahit saang parte ng utak niya. Iniisip niyang lumipat na lang sila ni Aicel ng residence na malayo kay Sixto para kampante siyang hindi nito kukunin sa kanya ang anak. Sixto can take Aicel from her because he's already capable to raised a child since then. May savin

  • Achilles' Heel   Chapter 23

    "TITA, sabi po ni lola kain ka na sa 'baba." Nalipat sa nagsalita ang kanyang atensyon. Kit opened her room's door and entered. Hindi na nito sinara ang pintuan at mabilis na tumungo sa kama saka naupo. "You and the baby will get hungry po." ani Kit saka hinaplos ang tiyan niya.Pagkakumpirma nilang buntis nga siya inuwi na siya ni Alfred agad at ito na din

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status