KUNOT noong naglakad palapit sa pwesto ni Sixto si Tanya na mukhang masayang masaya sa kausap nito. Hindi niya maiwasang mapataas ang kilay dahil sa pahawak hawak nung babae sa braso nito. Sixto's wearing a corporate attire that day. Medyo naka-loose na ang neck tie nito dahil pauwi na nga at nakabukas na ang isang butones sa bandang itaas. Nang makita siya nito, agad nitong binukas ang pinto ng shotgun kaya pumasok siya agad doon.
Sinara niya agad iyon at napalakas pa nga. Agad niya nilagay sa passenger seat ang bag niya at mga libro saka hinubad ang suot na stockings na hindi niya nagawa kanina dahil nga ayaw niyang pag-intayin si Sixto kaso mukhang ayos lang naman dito pala ang mag-intay ng matagal. Tinupi niya ang stockings saka sinuksok sa suot niyang blazer.
Pagtingin niya sa driver's seat may bugkos ng sunflower doon at chocolates.Lalo siyang napasimangot dahilan para pindutin niya ang busina. Tinted ang salamin kaya hindi siya makita nung babae pero siya kitang kita niya ito. Nakita niyang nagpaalam na si Sixto sa kausap nito saka mabilis umikot papunta sa driver's seat. Binuhat nito ang bugkos ng sunflower at chocolates bago naupo doon.
"Pakibigay sa nililigawan ko," anito saka pinatong kandungan niya ang mga iyon bago nagsuot ng seat belt. "Masyadong mainit ang ulo." Pinisil nito ang pisngi niya saka nagmaneho na paalis doon.
Tiningnan niya ang sunflower sunod ang chocolates na kasama noon. Napalabi siya bigla dahil hindi siya pwedeng kumain noon ngayon. Iniiwasan niya ang sweets o kahit anong may caffaine content kapag malapit na ang buwanang dalaw niya.
"Hindi niya tatanggapin ito kaya itong bulaklak na lang," tugon niya dito saka binalik niya dito ang chocolates. Nilapag niya ulit sa kandungan niya ang bugkos ng sunflower saka tinuon sa labas ang kanyang atensyon. Bigla sila napahinto sa tapat ng billboard ng pasta dahilan upang mag-crave siya bigla doon.
"Pinagpaalam kita kay Alfred today," ani Sixto sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Let's have dinner in my pent house. Pumayag naman siya basta ihahatid kita before ten ng gabi, Cinderella." Hinampas niya ito ngunit tumawa lang ito saka hinawakan ang kamay. "Magluluto ako, ano gusto mo?"
"Marunong ka magluto?"
"Unfortunately, yes. You like guys who knows how to cook, right?"
"Stalker ka talaga." Pilit niya binawi ang kamay dito ngunit hindi nito iyon binitiwan hanggang sa makarating sila sa pent house nito. Sabay sila bumaba ng sasakyan nito at pumasok sa main lobby ng condominium building. Binati sila ng guard na biniro pa si Sixto na iba na naman daw ang kasama nitong babae. Napataas ang kilay niya bigla dahil doon. "Magaganda at sexy ba 'yon, kuya?" tanong niya sa gwardya. Tiningnan niya ng masama si Sixto.
"Oo ma'am magaganda talaga mga kapatid ni sir." Literal na bumagsak ang mga balikat niya pagkarinig doon. Iyong mga babaeng tinutukoy nito na iba iba ay mga kapatid lang pala ni Sixto. "Kayo palang dinadala niya dito na hindi niya kapatid," dagdag ng gwardya. Muli niyang tiningnan si Sixto.
Hinawakan nito ang kamay niya saka inaya na siya umakyat sa taas. They only have limited time. Pasado alas sais na at kailangan siya naihatid nito pauwi bago mag alas diyes ng gabi dahil pag 'di nito nagawa iyon tiyak na magagalit ang second dad niya.
Sixto's pent house was clean, organize and smell nice. Combination ng black and brown ang interior noon. Malawak ang kitchen pati living room. May dalawang kwarto at sariling gym sa loob. Naupo siya sa high stool chair sa may kitchen habang si Sixto pumasok saglit sa kwarto nito at paglabas ay white dress shirt, slack pants at house slippers na lang suot nito. Nakatupi hanggang gitna ng magkabilang braso nito ang manggas noon at nakabukas ang talong butones sa itaas. Tumungo ito sa kitchen at binukas ang ref para ilabas ang iluluto nito.
"Si Alfred lang ba pinsan mo?" tanong nito sa kanya.
"Madami naman kaso siya lang ang understanding at mabait... ng konti sa lahat." Tumawa si Sixto dahil sa sagot pero iyon naman ang totoo. Madami siya pinsan sa mother side niya pero mas close siya kay Alfred. "Ang mga kamag-anak ko sa mother side ay mga judgemental lahat,"
"Just like my relatives but mom cut our connections with them already kaya sila nasa Batangas," he said while chopping the ingredients. "You have problems with your parents, right?"
She smiled. "Sila lang may problema sa akin at sa course ko. Ayaw nila ng business eh. Gusto nila politics which I hate and they couldn't accept that I made Alfred's dad my role model." Napatingin siya dito at hindi niya maiwang hangaan ito habang nagluluto. "You need help there?" tanong niya.
"Nope." Ngumiti ito saka kumuha ng plato para ilipat ang mga hiniwang ingredients.
"Anong gagawin ko dito?" tanong niya ulit.
"Just sit there and watch me," Kumindat ito saka muling nagfocus sa ginagawa. "You can asked questions if you want,"
"Paano ka naging kaibigan ni Alfred?" Napapantastikuhan talaga siya dahil iba ang ugali ni Sixto kina Mike at Alfred. She knew that Mike was Alfred classmate in high school. She never met Sixto in other events. Nung birthday lang talaga ni Alfred sila nagkita na dalawa. "Hindi talaga kita nakikita before. Palaging si Mike ang kasama ni Alfred,"
"Fratmate ako ni Alfred." Napaawang ang labi niya. "School fraternity sa CEU iyon at ako lang sa lahat ang kinakausap ni Alfred. Madalas din ako awayin pero reasonable naman ang galit niya dahil pasaway ako until now I guess,"
"Mukha nga," mahina niyang tugon.
"Grabe, magpinsan nga talaga kayo." Natawa siya dito na dahilan ng pagngiti nito.
"But he appreaciate those changes in your life recently. Sabi niya 'yan nung nagdinner kaming tatlo nung wala ka,"
"Pinag-chi-chimisan niyo ako?"
"Ikaw lang ang tsismoso hindi kami."
Inayos niya ang upo sa high stool chair. She suddenly remember her time with Sixto at the resort. May nag-aya kay Mike na makiparty sa beach kung sinama siya nito pati si Alfred. Nalasing siya dahil kagagawan ni Dessa at naalala niyang hinatid siya ni Sixto sa kwarto nila ni Dessa pero hanggang doon lang naalala niya. Ngayon lang niya ito matatanong dahil nawalan siya ng pagkakataon nung araw na umuwi sila dahil pinauwi si Sixto ng mga kapatid nito.
"Sixto, nung gabing nalasing ako may ginawa ba akong kakaiba?" Dahil sa tanong niyang iyon, hindi sinadya mahiwa ni Sixto ang kamay. Mabilis siyang bumaba sa kinauupuan at dinaluhan ito. Tinulungan niya itong hugasan ang sugat nito. "Ano ba kasing nakakagulat sa tanong ko?"
"Wala ka maalala?" tanong nito pabalik. She rolled her eyes at him. Kung meron siya maalala eh di sana hindi siya nagtatanong dito. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Tinanong niya kung nasaan nakalagay ang first aid kit nito. "Second drawer on your left," anito na siyang sinunod niya. Binukas niya ang drawer na tinuro nito saka kinuha doon ang first aid kit. Nilagyan niya ng gamot ang sugat nito saka tinakpan ng band aid.
"Wala akong maalala until now. Hindi ko alam ano meron sa nainom ko that night," aniya saka bumalik sa kinauupuan niya. "Bilis na may ginawa ba ako?"
Tumango ito at tinuloy na ang pagluluto. Natuptop niya ang kanyang bibig kahit pa expected na niya iyon kaya nga hindi siya nainom. "Do you want to know what is it?" Sunod sunod ang naging pagtango niya. Nung huli siya malasing, nag strip tease siya at may isang incident din na nag skinny dipping siya. Hindi niya maalala iyon kung hindi nakwento ni Dessa sa kanya. "You asked me to kiss you and when I didn't do it, you grabbed my face and kissed me,"
Nanlaki ang mga mata niya. "Scammer ka hindi totoo 'yan,"
"Its true and you cried because you were jealous." Parang gusto na niyang lumubog sa kinauupuan niya sa sobrang hiya. "I didn't took the advantage at pagkatapos mo naman umiyak, nakatulog ka na. You're actually cute when drunk and jealous,"
Inirapan niya lang ito kaya lalo siyang inasar nito. Buong dinner nila pulos panunukso lang ang nakuha niya bukod sa paghawak hawak nito sa kamay niya. Pagkatapos nila kumain, hinatid na siya nito sa bahay bago mag ala diyes ng gabi. Masasabi naman niyang nag-enjoy siya kahit inaasar lang siya nito. Masarap din magluto si Sixto at nasatisfy nito ang cravings niya sa pasta.
"Uhmm, thank you sa dinner at sa paghatid," aniya saka inalis ang seat belt.
"I'll cook for you always, Tanya." Napangiti siya. "But don't asked questions that may shocked me, okay? Baka maubos ang daliri ko niyan,"
"Ewan sa 'yo," aniya dito. "Just to be clear, I'm not jealous that night, okay?"
"Okay whatever you say," Inirapan niya ito saka bumaba na.
She saw Alfred waiting for her in the front door. She waved her hand at Sixto before entering their house. Makahulugan naman siyang tiningnan ni Alfred nang makalapit siya at humalik sa pisngi nito. Sabay silang pumasok na magpinsan sa loob ng bahay. Para talaga niya itong tatay at talagang hinihintay pa siya nito makauwi bago matulog. Mukhang tine-test nito si Sixto kung tutupad nga ito sa usapan at convinced naman ang pinsan niya.
She went straight to her room and took a half bath. While under the shower, she keep on thinking Sixto's revelations of what happened the other night at the resort. Hindi siya makapaniwalang nagawa at nasabi niya ang mga bagay na iyon. Hinding hindi na talaga siya iinom kahit na kailan. Pagkalabas niya ng banyo, tinuyo niya ang sarili saka nagbihis na ng pantulog.
She log in to her social media account and saw Sixto post about their dinner. Some photos of her has grained effects with a caption, 'a night with my favorite girl'. Binabasa niya isa isa ang mga comment sa ilalim noon.
|Doc Mike Salazar: I never seen this guy happy, ngayon lang. #ProudDadHere
|Una Seraphine Altamirano: Kelan mo kami ipagluluto @Sixto Achilles Altamirano?
|Deuce Athena Altamirano: Sa wakas nahanap na din niya katapat niya @Tressa Venus @Arba Felicity @Quincy Jade @Seven Carys *heart emoji*
|Sixto Achilles Altamirano: Marunong naman kayong magluto lahat.
Kabilang sa mga reactions na natanggap ay galing sa mga kapatid nitong babae. She hit the like button too then log out immediately. Umayos na siya ng higa saka ginawang dim ang ilaw ng lamp shade. She received a flood text from Sixto and its all about accepting his friend request. Hindi ito makapaniwalang in-accept na niya iyon matapos ang ilang linggo nitong pangungulit. Hindi niya maiwasang mapangiti. Wala siya ni-isang sinagot sa mga text nito at hinayaan lang niyang pumasok ng pumasok ang messages nito.
Ang dami niyang nalaman tungkol dito sa araw na iyon na tungkol sa pamilya nito. Kitang kita niya sa mga mata ni Sixto na kahit binalikan ng mama nito ang ama nito, hindi pa din ito nagtampo o nagtanim ng sama ng loob dahil masaya daw ang ina nito. Only his sisters can't accept it but he believed that someday all of them will understand his mom's decision.
God, tinutubuan na yata ako ng crush kay Sixto... bulong niya.
MARAHAS na napabuntong hininga si Tanya matapos madinig ang tawanan ng sa loob ng bahay nila. Sa papa niya galing ang pinaka-malakas na tawa na para bang ngayon lang ito naaliw sa buong buhay nito. A happiest birthday for her father indeed. Mapait siyang napangiti nang mapansin kung sino ang nagpapatawa dito. It was Jeron Ongpauco - son of Senator Theodore Ongpauco. Golf buddy ng papa niya at isa sa nga kaalyado sa pulitika.Binalik niya ang atensyon sa basong nasa harapan niya at matamang inisip kung iinumin niya ba iyon. The last time she got drunk, may ginawa siyang magpasahanggang ngayon ay hindi pa din niya malimutan. Paulit ulit ba naman kasi pinapaalala sa kanya ni Sixto iyon bilang pang-asar sa kanya."I told you not to drink when I'm not around, right?" Baritonong tinig na pumukaw sa kanyang pag-iisip. Lumiwanag ang mukha niya bigla nang masino iyon. It was Sixto and he's wearing a gray three piece suit. Maayos na
DIRE-DIRETSONG tumungo si Sixto sa kusina ng family house nila kung saan naabutan niyang nag-uusap ang papa at mama niya. Agad niya binukas ang refrigerator saka kinuha ang pitsel doon na may lamang malamig na tubig. Kumuha siya sa ng baso at nagsalin saka uminom. His mom and dad looked at him in a strange way.Hindi niya pinansin iyon at muling na nagsalin ng tubig sa baso saka ininom iyon. He chose to full his stomach of water rather than alcoholic drinks. Two days ago Tanya kissed him. Nung sumunod na araw, panay na ang pag-iwas nito sa kanya. Kahit sa text at tawag hindi siya nito sinasagot. Kapag pupuntahan niya sa school laging si Dessa ang haharap sa kanya para magsinungaling. Napauwi tulo siya ng Batangas ng wala sa oras.His older sisters – Una and Deuce enter the kitchen and greet their parents before boring their eyes on him. Umiwas siya nang tingin sa mga ito saka nilapag na sa lababo ang baso at pitsel n
SALUBONG ang mga kilay ni Tanya ng umuwi isang hapon sa condo unit ni Sixto. Sobra siyang napipikon sa mga kaklase niyang mga pabuhat. Group presentation pero siya lang mapupuyat at gagawa mag-isa. She even texted each member of her group to remind the informations she assigned to each member. Pero ang mga pasaway na iyon ay hindi ‘man lang nagreply. Desidido na siyang alisin silang lahat at kanyahin na lang ang presentation na iyon.Ngayon lang siya magiging selfish sa lahat ng bagay na mayroon siya. Natigil siya sa pag-aalis ng sapatos at stockings nang madinig ang pamilyar na mga boses na nagmumula sa living room. Dali dali siyang pumasok at iniwan sa door step ang mga gamit niya.“Kit!” Masaya niyang tawag sa pamangkin. Maluwang na napangiti ang bata at patakbong lumapit sa kanya saka yumakap. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito na mamula mula pa. “I miss you! Sino kasama mo dito?” tan
“SIGURADO ka ba talaga sa desisyon mo? Baka gusto mo lang asarin ang parents mo kaya sinagot mo ako. You know that they hate me especially your dad.”Napatingin siya kay Sixto na abalang nagluluto ng dinner nilang dalawa. Kakauwi lang nito galing sa trabaho ngunit nagpresinta itong magluto para sa araw na iyon. Hindi na niya maalala kung ilang beses nito tinanong sa kanya kung sigurado na ba talaga siya sa pagpayag niya na maging sila na, officially. Naiintindihan niya ito at kahit siya, hindi pa din makapaniwala na sila na. Parang kailan lang iniiwasan niya ito pero ngayon ito na ang dahilan kung bakit palagi siya excited umuwi. Kahit si Dessa sinasasabi sa kanya na kinain niya lang din ang mga sinabi niya noon.Sinara niya ang binabasa na notepad reviewer saka bumaba sa high stool chair at lumapit dito. She hug Sixto on his side and tiptoed to kiss his cheek. She laughed when he groan. Pinatay nito ang stove
SA ISANG chinese restaurant siya inaya ni Sixto na kumain para sa fourth monthsary nila. Every monthsary nila palagi silang nag-e-explore kung saan saang restaurant na kung minsan malapit lang school niya o 'di kaya sa condominium para mabilis sila maka-uwing dalawa. Biglang nag-crave sa chinese dishes ang boyfriend niya kaya doon sila nauwing dalawa. Naka-reserved na ang pwesto nila at asikasong asikaso pa sila ng mga staff.Perks of dating Sixto Achilles Altamirano, he'll treat you more than you deserved. Kaya hindi niya maintindihan ang daddy niya bakit ayaw na ayaw nito kay Sixto. Hanggang ngayon pinipilit pa din nito sa kanya na tapusin na iyon at yung lalaking gusto nito ang i-date niya. Syempre hindi siya sumunod at hindi naman siya magalaw nito dahil sa tita Letty niya na pakiramdam niyang inampon na siya ng tuluyan."How's school, bunny?" tanong sa kan
TINALI ni Tanya pataas ang buhok niya habang nag-i-start pa ang laptop niya. Madami siyang gagawin na presentation deck na parte ng huling requirements na kailangan bago siya makapagbakasyon. Excited na siyang matapos iyon at maka-alis na ng bansa kasama ni Sixto. Her boyfriend book a two weeks vacation in Paris, France, day after they celebrated their fourth monthsary as couple. Hindi na niya napigil ito dahil nang malaman niya iyon ay naka-book na ang plane tickets. Mas mahal ang cancellation kaya wala na siyang nagawa pa.Malalim siyang nabuga ng hangin saka sinapo ang kanyang noo matapos itali ang buhok. Napatingin siya sa repleksyon ng tattoo niya na kitang kita sa screen ng laptop. That tattoo was her constant reminder to keep going and continue dreaming. Noong isang linggo lang nila tuluyang pinalagay iyon.
Warning: R-18~•~•~MALAMIG na hangin ang unang sumalubong kay Tanya pagkalabas nila sa Paris-Charles de Gaulle airport. Hindi niya maiwasang mamangha sa kanyang nakikita at nadidinig kahit hindi naman niya gaano maintindihan. Sixto was holding her hand while the other hand pulling their luggage. Hila hila naman nito yung isa pang maleta na may bag sa ibabaw. Iyon ang mga dala nila sa isang dalawang linggo nilang bakasyon sa Paris, France. Ang lugar na binansagan ng lahat na city of love.Nang pumara ng airport taxi si Sixto doon palang naghiwalay ang kanilang mga kamay. She watched him help the driver to put their luggage on the compartment. Ito din ang nakipag-usap doon bilang maalam ito sa wikang French. Habang nasa eroplano sila kanina, tinanong na niya ito kung bakit marunong ito mag salita ng French. Sinabi lang nito na nagkaroon ng F
Warning: PG-13~•~•~MAGKAHAWAK ang mga kamay nila ni Sixto habang naglalakad papuntang Louvre Museum. The their first stop that she listed down to their whole day itinerary of strolling the city. Maaga silang gumising at nauna pa sila sa alarm clock na sinet niya kagabi. Sabay sila ulit naligong dalawa at iyon na yata ang pinaka-matagal na shower na na-experience niya. He pleasured her again and she returned the favor with his guidance. Tutal kina-career naman nito ang maging teacher niya kaya hinayaan na lang at ang mahalaga nag-enjoy sila pareho.Pagdating nila doon, para siyang malulula sa dami ng tao. Kung hindi siya ilalagay ni Sixto sa harap nito'y mababangga siya. Napatingin siya agad kay Sixto na punong puno ng disappointment ang mukha. He pinched her cheeks and smile. Inakbayan siya nito at giniya papunta sa gilid.
HANGGANGpagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.
SABADOat nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon.
"DADDY!"Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya. Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit s
"CHA, magbreak ka na dahil aalis tayo ng 12:30pm. Uuwi lang ako saglit para silipin si Aicel," ani Sixto sa assistant pagkalabas niya ng opisina. May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito na dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.
“MAMAlook I want this for my birthday po,” ani Aicel sa kanya saka pinakita yung picture ng Disneyland. “I want to see Belle, Rapunzel and Aurora, mommy. Tapos si Pooh at si Tarzan din po.” Dagdag na sabi nito sa kanya saka nagpa-cute pa sa harapan niya na kinatawa naman niya. “What is that baby?” tanong ni Sixto kay Aicel.
NAGISINGsi Aicel na may sumpong at ayaw magpababa. Karga karga niya lang ito kahit nasa kusina lang naman siya unit ni Sixto. Hindi tuloy siya maka-order ng pagkain nilang mag-ina at ayaw naman niya gisingin si Sixto dahil parang katutulog lang nito. Malalim siyang napahugot ng hininga saka tiningnan ang anak. Lukot ang mukha nito sa hindi niya malamang dahilan."Ano ba gusto mo baby? Aga aga naman may sumpong ka na naman." Hi
KINAGULATni Tanya ang masayang pagbati sa kanya ng gwardya sa lobby ng condo ni Sixto. Ito pa rin yung gwardyang madaldal noon na lagi niya ka-chika-han kapag gusto niya mag-aral sa lobby. Nandoon pa din yung receptionist na binati din siya na may matamis na ngiti sa labi. Nagbago 'man ang interior ng buong building, parehas pa rin ang ambiance doon. Masaya, maingay at homey sa pakiramdam.Naaliw ang mga ito sa kadaldalan ng a
Present time...SOBRANGdaming iniisip ni Tanya ilang araw na lumipas hanggang ngayon wala pa din siya mahanap na solusyon kahit saang parte ng utak niya. Iniisip niyang lumipat na lang sila ni Aicel ng residence na malayo kay Sixto para kampante siyang hindi nito kukunin sa kanya ang anak. Sixto can take Aicel from her because he's already capable to raised a child since then. May savin
"TITA, sabi po ni lola kain ka na sa 'baba." Nalipat sa nagsalita ang kanyang atensyon. Kit opened her room's door and entered. Hindi na nito sinara ang pintuan at mabilis na tumungo sa kama saka naupo. "You and the baby will get hungry po." ani Kit saka hinaplos ang tiyan niya.Pagkakumpirma nilang buntis nga siya inuwi na siya ni Alfred agad at ito na din